HAROLD POV "May nasagasan." "Kawawa naman siya." "Halata namang gusto niyang magpakamat@y!" "Nasisiraan na siguro siya ng bait." Ito ang mga sinasabi ng mga tao sa paligid. Pakiramdam ko ay napapalibutan na nga nila ako. Nang mauntog ang ulo ko, bigla na lamang bumalik lahat ng mga alaala ko. Mula pagkabata ko hanggang sa aking pagtanda. Ang tungkol kay Lola Lucy hanggang sa pumunta ako ng isang bar kung saan ko nakilala si Marian. Ang paghuthot niya ng pera sa akin at ang totoong papel niya sa buhay ko- isang parausan. Pati na rin ang totoong karelasyon ko na si Sheena at ang pagpapalabas ni Ethan ng scandal naming dalawa ni Marian at ang tindi ng galit ko kay Ethan. Maging ang paglubog ng barko. Tumayo ako at hindi ako makapaniwala na nilinlang lamang ako ni Marian sa loob ng il

