Chapter 6

2005 Words
"Teka pare, sino ka ba?" Singhal ni Marc nang makabawi na ng konting lakas. Naroon siya sa likuran ni Dana at hawak ng mahigpit ang kamay ng dalaga. "Umalis ka na nga dito Mondragon. Hintayin mo na lang na ibabalik ko sayo ang cellphone mo. Hindi ko naman yun binubuksan eh." Ani Dana nang medyo nase-sense na ang di magandang awra ng dalawang binata. Parang may namumuo ng tensiyon base rin sa madilim na mukha ni Demitry. "Boyfriend mo ba yan?" Anito sa halip na umalis. "Aish! Umalis ka na nga--" "Boyfriend niya ako at anong problema mo?" Maangas na wika ni Marc sabay hakbang papalapit sa binata. Naalarma ang dalaga sa ginawa ng dating nobyo. Oo nga at malaki ang katawan nito pero mas matangkad at maskulado si Demitry. Kung magpambuno man ang dalawa, tiyak na mapupuruhan lang ito. At ayaw niya yong mangyari. Alangan kanino siya kakampi? Of course kay Marc. Di hamak na mas mabait pa siguro itong dati niyang nobyo kaysa sa manyakis at bastos na Mondragon na ito. "Uh!..." Umubo siya para tawagin ang pansin ng dalawa pagkatapos ay pumagitna sa mga ito. "Mr. Demitry, ibabalik ko sayo bukas ang cellphone mo para matahimik na tayong lahat ano. So, bumalik ka na lang dito bukas. Maaari ka ng umuwi kasi may importante pa kaming pag-uusapan eh." Pilit ang ngiting wika ng dalaga para makumbinsi na ang binata na umalis. Ito naman talaga kasi ang may kasalanan dahil basta-basta na lang itong sumugod. "Puwede ba sagutin mo muna ang tanong ko? Boyfriend mo ba tong isang to.?" Naningkit ang mga mata ni Dana sa kakulitan nito. Bakit kasi tanong ito ng tanong? Hindi naman talaga sila magkakilala. Ngayon lang naman nagkrus ang kanilang mga landas pero ang kapal na ng mukha na makipag-usap sa kaniya na animo'y dating magkaibigan sila. "Ex-boyfriend." Pabulong na wika ng dalaga. Mayamaya ay Mabilis na tumaas ang kilay niya nang makitang ngumisi si Demitry. "Oh, ex na naman pala, bakit mag-uusap pa kayo?" "Ah excuse me Mr. Mondragon baka nakalimutan mo na hindi tayo magkilala o anu pa man. So kung may hindi man ako dapat kausapin, eh ikaw yun." Sarkastikong saad ni Dana. "Pare, umalis ka na lang. Panira ka eh." Singit ni Marc na matalim ang mga tingin sa binata. "Okay! Okay! Tumahik nga kayo! Kung hindi kayo titigil, ako na lang ang aalis. Pare-pareho naman kayo." Mabilis na deklara ni Dana sabay takbo ng napakabilis. Hinabol siya ni Marc ngunit hindi iyon naabutan ng binata. Naiwan na lang doon si Demitry na pangiti-ngiti. An evil grin drew on his lips. "Ganoon naman talaga ang mga babae sa simula. Pahard-to-get. Sa guwapo kong to, hinding-hindi ka makatatanggi sakin Miss Calderon. Simula pa lang to." Pagkatapos ng ilang sandaling pagtayo doon sa running field ay hinay-hinay na niyang tinunton ang kaniyang kotse. Napasuntok na lang siya bigla sa ere na parang ewan. He felt that the day today was a very long day. Kay bagu-bago lang niya nakilala si Dana pero ang dami ng nangyari.  While he was taking a slow pace, he made up something in his mind. Just a little sweet revenge. Ikakama lang naman niya ng isang beses ang nag-iisang babaeng uminsulto sa p*********i niya at higit sa lahat ang nagpahiya sa kaniya sa buong mundo. She needs to be punished. Naisip ng binata na kailangan niyang turuan ng leksiyon ang babaeng yon. Habang pinapaandar niya ang makina ng kaniyang sasakyan ay tinawagan niya si Voltaire kahit gabi na. Kailangan niyang utusan ito na burahin amg kaniyang s*x video na iyon sa lahat ng internet databases sa mundo. Sisiw lang naman iyon sa kaniyang kapatid. Dapat bago maghatinggabi ay burado na ang lahat ng iyon sa iba't ibang internet sites na nagpakalat din n'on. "Kapatid?" Bungad niya nang umaktibo ang linya. "Ohh,, uhh... Harder please babe.."  "Oh! Is this what you want, baby?" "Oh! s**t! Oh! So good...yeah..oh!" " Mga Gago!". Muntik ng maihampas ni Demitry sa manibela ang kaniyang cellphone nang marinig ang mga malalaswang tinig na iyon. Kahit kailan hindi niya talaga maaasahan si Voltaire sa mga emergency na sandali tulad nito ngayon. Alam niyang may katalik na naman ito ng mga sandaling iyon. Ibang klase kasi itong kapatid niya, kahit may kaniig sa kama ay sinasagot pa rin nito ang tawag na darating. Ilang beses na nitong ginawa iyon sa kaniya. And that's really s**t! Bawat isa sa kanilang magkakapatid ay may bisyo talaga. Siguro ang common denominator nilang lahat ay babae. Bukod na lang siguro kay Arizton na tumino na. Pero noong hindi pa nito nakilala ang pumanaw na asawa ay sandamakmak na din ang babaeng ikinama nito. Walang nagawa si Demitry kundi pabalibag na kinabig ang manibela ng kaniyang sasakyan. Nabuwisit siya ng husto sa kapatid. ------------------------------ Kinabukasan.... "Sandali lang." Ani Dana sa kaniyang inuokupang silid nang marinig ang sunod-sunod na katok sa pinto. Kakalabas niya lang ng banyo dahil maaga siyang nagshower ng umagang iyon. It will surely be another tough day for them. And to become fresh is a good way to start it. "Hi!" Bungad ng kumakatok nang mapagbuksan niya. "Damn!". Mabilis niyang ibinalik sa pagkakasara ang pinto nang makita doon ang taong sisira yata ng buong araw niya. Kay lapad ng ngiti nito at preskong bumungad sa kaniya. Masyadong feeling close. Kung makaasta parang kay tagal ng panahon na nilang magkakilala. Mabilis siyang nagbihis ng damit dahil nakatapi lamang siya ng mga sandaling iyon. Ayaw niyang mabosohan ng lokong iyon kahit kili-kili lanb niya dahil alam niyang mayakis ang isang yon. Nang matapos siyang magbihis ay hinagilap na niya ang cellphone na naging dahilan ng lahat ng kubwisitan niya nitong mga nakaraang araw. Pagkatapos n'on ay mabilisan niyang binuksan ang pinto at pahamapas na iniabot sa may-ari ang bagay na iyon. " Heto na ang cellphone mo." Aniya pagkatapos ay ibabalik na sana niya ang pinto sa pagkakasara. Ngunit. Mabilis na naiharang ni Demitry ang sarili doon. "Son of a b***h! Ano pang kulang?" Nanlalaki ang mga matang wika ni Dana na nagpipigil ng iritasyon. "Give me your phone number." "What?" "Your phone number. Kung gusto mong tigilan ko ng tuluyan si Zia, ibigay mo sakin ang numero mo." There she saw that evil grin of his lips again. "Huh! Kung akala mo mauuto mo 'ko, aba'y nagkakamali ka. Since nasa sayo na ang cellphone mo, I think wala ng rason para abalahin mo ako." "Baka nakalimutan mong maaari rin kitang kasuhan dahil sa illegal na pag-upload mo ng video ko." "How dare you to accuse me! Anong mapapala ko kapag inupload ko ang video mister?" "Kikita ka. Mahal ang bili ng mga porn video ngayon kaya mo siguro naisipan na i-upload iyon." "Kaya kong patunayan sayo kahit sa Korte Suprema na hindi ako ang nag-upload ng malandi mong video. Bakit ka pa ba malulungkot kung maisasapubliko iyon? Ayaw mo n'on, sisikat ka at ikaw na rin ang nagsabi na kikita ka d'on. Bakit hindi mo na lang yon gagawing hanap-buhay?" mataray at mapang-uyam na sabi ng dalaga. "Alam mo Miss Calderon, kapag ibinigay mo sa akin ang numero mo, paraan din yon upang maprove mo sa akin na hindi nga ikaaw ang nag-upload ng video. Kapag mangyari na totoo nga ang sinasabi mo at mali ang akusasyon ko, titigilan na kita." Tinitigan ni Dana ang nakangiting mukha nito. Tinatantiya niya ang sensiridad sa sinabi nito at kung ibibigay ba niya ang sariling contact number. Hindi kasi yata ito mapagkakatiwalaan. "09070018181" Mabilis niyang dikta. Akala niya ay hindi iyon agad makukuha ng binata pero napamulagat siya nang maiphonebook nito kaagad ang mga numerong iyon. Maya-maya ay nakita niyang may idinayal ito pagkatapos ay sinamaan siya ng tingin. "This is not your number. " Inilagay ni Demitry sa tenga ng dalaga ang kaniyang cellphone at ipinarinig ang automated voice na nagsasalita doon. "Please check your number and dial again." "s**t! Bakit ang talino ng manyakis na to!" Tiunapunan ni Dana ng masamang tingin ang binata pagkatapos ay pumasok sa loob para kunin ang wallet niya. Para matapos na ang lahat ay bibigyan na niya ito ng kaniyang calling card. Sobra na ang abalang naidulot nito sa kaniya. Mukhang maaapektuhan pa yata ang kaniyang career sa nakakabwisit na awra nito. "HETO!! " patapon niyang iniabot ang calling card sa binata. Kulang na lang ay ipagduldulan niya iyon sa mukha nito. Nakita niya itong ngumiti ng nakakaloko habang dinadayal ang numerong naroon. Sinisiguro na naman ng loko na aktibo nga ang iyon. Nang marinig nito ang malakas na tunog ng kaniyang ringing tone sa loob ay mabilis nitong itinago iyon.  "So, tapos na tayo, ha? Umalis ka na dahil maghahanda pa kami para sa laro." "Ang bango mo." Nanlaki ang mga mata ni Dana sa sinabi nito at mabilis na isinara ang pinto. Bago pa niya tuluyang maisara iyon ay nakita niyang kinindatan pa siya ng loko. ilang sandali ang lumipas ay nagsimula na siyang magbihis. Narinig na niya ang mga yabag ng paparating niyang mga kasamahan. Galing yata ang mga ito sa cafeteria. ------------------------------------------------------ Alas-otso ng umaga. Naroon na ang lahat ng miyembro ng Team Chirons sa pinagdausan ng sports competition. Ikalawang araw na ngayon ng paligsahan at ang makakalaban nila ay ang koponan ng Indonesia. Medyo kampante pa rin sila sa kanilang magiging kalaban. Napanood na nila minsan kung paano maglaro ang mga ito. Batid nilang kaya nilang tapatan ang opensiba at depensa nito. "Calling all the athletes for volleyball women to be played between Philippines and Indonesia to please gather on the volleyball court right now." Kaagad silang tumayo lahat mula doon sa bench. Tulad ng nakaugalian, sumambit muna ang kanilang buong team ng panandaliang dasal na pinangunahan ng kanilang coach. Matapos iyon ay pumunta na sa volleyball court ang unang anim na manlalaro. Kasama na roon si Dana. naroon na din ang mga player ng Indonesia. "Prrtt....!" Narinig nilang lahat ang pagpito ng referee hudyat ng pagsisimula ng laban. "Mine!" sigaw ni Vera nang umere na ang bola na tinira ng kalaban. Malakas ang pagkarecieve ng dalaga sa bola at humulagpos iyon pabalik sa kalaban. Mabilis rin naman yung natanggap ng kalaban at itinoss pa ng kasamahan nito. Kasunod niyon ay bumwelo ang isang kasamahan nito at nagpakawala ng mabangis na spike. "Nadine!" "Damn!!" mura ng dalaga nang mahirapan sa block ng tira nito. Mabilis na namula ang kaniyang kamay. Sumaklolo naman agad si Dana at mabilis na bumawi rin ng isang malutong na spike. Parang kidlat na tumilapon ang bola sa ere at walang mintis na bumagsak sa court ng kalaban. Puntos para sa Team Chirons. Naghiyawan na naman ang mga pinoy fans na nanonood sa laban na iyon. Lumipas ang ilang minuto ay pansamantalang humingi ng kapalit si Dana. May naramdaman siyang masama. parang kinakapos siya ng hangin sa dibdib. Pulang-pula na rin ang kaniyang mga pisngi dahil  sa init ng araw. Muntik na siyang matumba mabuti na lang at nakahawak siya sa isang bakal na poste doon. parang umiikot ang buong paligid niya at nanlalabo ang kaniyang paningin. Hindi na niya inabala ang kaniyang coach sa halip ay tumakbo siya sa pinakamalapit na restroom doon para hamigin ang sarili. Mga limang hakbang na lang at sasapitin na sana niya ang silid na iyon ay bigla na lang siyang nanghina at kasunod n'on ay ang mabilis na pagagos ng dugo mula sa kaniyang ilong. "Damn! Bakit ngayon pa? Please huwag muna." naluluhang wika niya sa sarili at pilit na ipinagpatuloy ang paghakbang hanggang sa naramdaman niya ang isang kamay na biglang humila sa kaniya at dooy nabuwal siya. Nang mga sandaling iyon ay tuluyan ng nawala ang kaniyang ulirat. Ang huling natatandaan niya ay bumagsak siya sa matitigas na bisig ng kung sino mang sumaklolo sa kaniya. -------------------------------------- "Anong naNgyari sa kaniya Brix?" kunot-noong tanong ni Demitry sa kaibigang doktor. Naroon siya ngayon sa clinic-hospital na malapit sa pinagdausan ng Olympics. Naroon siya para manood sana ng laro ng Gilas ngunit nang mapadaan siya sa pinaglalaruan ng volleyball ay nahagip ng kaniyang mga mata si Dana na dumudugo ang ilong. Nang makita niya ito ay kusang rumesponde ang kaniyang sarili dito. Hindi para iflirt ang babae gaya nang nasa plano niya. Nang mga sandaling iyon ay pansamantala niyang nakalimutan ang tungkol sa maitim niyang balak dito. "May epistaxis siya. It's a mere nosebleeding. Hindi naman to seryoso pare kaya cool ka lang diyan." "Eh, Bakit siya nagcollapse?" "She's on her first day of menstruation. Masakit yun pre hindi tayo nakakarelate." "Huh?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD