Matapang na sinalubong ni Dana ang mga mata ni Demitry. She hated the way he stared and grinned over her. Napakademonyo ng lalaking ito sa kaniyang paningin.
"I can forgive you with your sin against me. In-upload mo ng walang paalam ang video ko. Pero dahil maganda ka, ako na ang hahanap ng paraan para mabura yon. All I want to ask you is to give me my phone." Inilapit ni Demitry ang kaniyang mukha sa dalaga pagkasabi nito. Napangisi ang binata nang hindi man lang kinakitaan si Dana ng pagkabahala. Mas lalong tumalas ang mga mata nito kasabay ng pagsasalubong ng kaniyang mga kilay.
"Anong in-upload ang pinagsasabi mo? Alam mo bang puwede kang sampahan ng kaso dahil diyan sa mali mong paratang? Huh! I can't even dare to look at it tapos i-a-upload ko pa. Wow!" She also grinned then nodded.
"Kung hindi mo pinanood, how did you know na ako yung nasa video?" He gave a sarcastic evil smile. Sandaling hindi nakapagsalita si Dana. Magaling sa logic itong loko.
"Baka gusto mong gawin natin yon. Madali lang naman akong kausap eh."
Mabilis na humulagpos ang kamay ni Dana sa pisngi ng binata ngunit naging maagap ito at parang kidlat na hinuli ang kaniyang kamay. This time, he got closer to her. She felt his breath while he was speaking. It was warm and minty. Parang nakakaliyo.
"How dare you! Ang bastos mo. Hinding-hindi ko to palalampasin. Magkikita tayo sa husgado Mondragon." nanginginig sa galit na wika ni Dana. Masakit na ang kaniyang kamay dahil sa mahigpit nitong pagkakahawak. Mataman lang siyang tinitigan ni Demitry na ngayo'y pormal na ang pagmumukha.
"Ano ba! Bitiwan mo nga ako." sigaw Ng dalaga ngunit hindi natinag ang lalaki.
"You're so beautiful." bulong ng binata.
"Damn you!" Hiyaw ni Dana at nang mahagip ng kaniyang mga mata na may taong papalapit doon sa direksiyon nila ay humugot siya ng lakas at humingi ng saklolo. Ngunit bago pa niya mapagtagumpayan iyon ay mabilis siyang kinabig ni Demitry at sinakop ang kaniyang mga labi. Dahil sa bilis ng pangyayari ay hindi agad nagsink-in sa kaniyang utak ang ginawa nito hanggang sa lumipas ang ilang segundo. The kiss was so sudden but savage. Pinakawalan din siya agad ng binata.
"Ouch!"
Napahiyaw ni Demitry nang tamaan siya ng kamao ni Dana sa bibig. Yeah! She gave him a fiery fist. Sinamantala ng dalaga ang sandaling iyon para makatakbo. Naiwan na lang doon si Demitry na napapailing dahil sa nangyari. Medyo sumakit ang kaniyang panga dahil doon. Tss... he can't believe na may makagagawa n'on na babae sa kaniya. Right at the moment, he swore to punish her. Kay dami na niyang sisingilin dito. Mula doon ay hinay-hinay siyang humakbang papalayo sa lugar na iyon. Pumunta siya sa kaniyang pinag-parkingan ng kaniyang kotse at humarurot pabalik sa kanilang pad na magkakapatid.
---------------------------------------------------------------------------------
Pagbalik doon ni Dana sa field ay hindi na niya nakita ang mga kaibigan lalong-lao na si Zia. Kailangan niyang mapagsabihan ito sa lalong madaling panahon tungkol sa Demitry Mondragon na iyon bago pa tuluyang mahulog ang loob ng kaibigan. She's certain that he was a manwhore. Gagamitin lang nito at sasaktan si Zia. Ang pinakamasaklap pa ay baka maeskandalo ang kaniyang kaibigan kapag may mangyaring hindi maganda.
Mula doon sa field at dumiretso sa quarter ng mga athletes si Dana. Nadatnan niya doon ang mga kateam na nagkakasiyahan habang kumakain ng light snack.
"Saan ka galing Dan?" tanong ni Vera sa kaniya na nakasquat doon sa sahig.
"Ah,..doon sa mga kaibigan ko." aniya na nag-iwas ng tingin. Dumiretso siya sa water dispenser na naroon at uminom ng malamig na tubig.
"Mamayang hapon, ano daw yung makakalaban natin?" maang na tanong ni Nadine.
"Sabi ni coach, ay malamang Indonesia." sagot ng team captain nila. Tahimik lang na kumain ng snack si Dana at parang nililipad ang kaniyang isipan sa kung saan. Was it because of that damn kiss? Tsss...Paulit-ulit na bumabalik sa kaniyang balintataw ang mga pangyayari kanina. Nainis siya sa kaniyang sarili. Dahil doon, naisip niyang kailangan na talaga niyang maibalik ang cellphone na iyon sa lalaki para wala ng rason na makita pa niya ito. Aminado siyang guwapo nga ang Mondragon na iyon pero ang isiping salawahan at manyak iyon ay nagngingitngit ang kaniyang isipan.
Pagkatapos kumain ng dalaga ay lumabas siya ng quarter at humanap ng punong masisilungan at mapagupuan. Eksakto namang may nakita siya sa di-kalayuan kaya patakbo siyang pumunta doon dala-dala ang kaniyang cellphone. Umupo siya kaagad doon sa may Bermuda grass.
"Hello, Zi." aniya pagkatapos maidial ang numero ng kaibigan.
"Dan?" wika sa kabilang linya. Napakunot ang noo ni Dana nang mapanisin ang medyo matamlay nitong boses.
"Yes, ako ito. Bakit ba kayo umalis kaagad?"
"Hindi ka na kasi namin nahanap." matipid nitong sagot. Napabuntung-hininga na lang siya.
"Zi, may sasabihin ako sayo."
"Ano?"
"Nanliligaw ba ng matino yung Demitry sa iyo? I mean, hindi ka ba binabastos?" nag-aalalang tanong niya.
"B-bakit Dan?"
"Zi, huwag ka sanang magagalit pero lumayo ka sa kaniya. Payong kaibigan ito, Zi." Talaga namang nag-aalala siya para rito.
"Magkakilala kayo-"
"Hindi. Pero may alam ako tungkol sa kung anong klaseng lalaki siya. Masasaktan ka lang. Playboy yon at isa pa baka—"
"Dan, hindi ko naman talaga alam kung bakit espesyal ang pakikitungo niya sa akin. He's good enough naman."
Hindi kaagad nagsalita si Dana. Hinimigan niya muna ang kaibigan.
"And I think...gusto ko na rin siya." narinig niyang mahinang sambit nito. Napailing at napakagat-labi si Dana.
"Zi... may s*x scandal ang lalaking iyon. Huwag kang pabiktima sa kaniya Zi."
"What?" nagulantang din ang kausap.
"Yeah, that's true. Sabihin mo lang kung gusto mo ng pruweba. Ayokong doon ka sa lalaking iyon babagsak. Huwag kang patutukso doon sa kaniya. Alam ko mahirap gagawin dahil sabi mo nga gusto mo na siya. But it's up to you."
"Ewan ko Dan. Mag-usap na lang siguro ulit tayo ng personal pagkatapos ng laro mo. Maybe next week."
"Okay. Mag-ingat ka. Bye!"
-----------------------------------------------------------
"What happened to you?" kuno't noong bumungad si Arizton pagbukas ni Demitry. Nagulat siya sa presensiya ng bugnutin nilang kapatid. Ang alam niya kasi nandoon ito sa ancestral house nila sa Pampanga. Eh bakit nandito ito ngayon?
"Tss..." Dumiretso si Demitry sa pagpasok at pasalampak na naupo sa couch.
"May nakaaway ka na naman?" dumaan ito sa kaniyang harapan at dumiretso sa storage room doon kung saan nakatago ang mga kagamitan nila sa pinagtatrabahuang ahensiya.
"Babalik ka na sa trabaho?" tanong niya imbes na sumagot.
"Hindi mo ko sinasagot, kapatid."
"Ewan ko sayo Arizton. Wala to! Teka, bakit ka ba nandito? Diba nagpapakaermitanyo ka na doon sa Hacienda? Ni hindi ka na nga nakapagpapagupit ng buhok mo."
"Siguro babae ang gumawa niyan sayo." ani Arizton pagkatapos ay nagpakawala ng nakakalokong ngiti sabay lingon sa kapatid na hilot-hilot ang panga. Hindi sumagot si Demitry sa halip ay tumayo ito at pumasok sa sariling kuwarto. Pabalibag nitong sinara ang pinto. Napangisi lang doon ang isang binata at ipinagpatuloy ang paghahanap sa kaniyang lumang laptop.
Ilang oras ang lumipas ay lumabas si Demitry ng silid. Bagong paligo na ang binata at mas naging kapansin-pansin ang maliit nitong pasa. Wala na doon si Arizton kaya malaya na siyang makapagsasalita tungkol sa nangyari sa kaniya.
"Makakatikim ka talaga sakin, Miss Calderon." aniya habang nakaharap sa salamin at sinapo-sapo ang mukha.
"So, tama talaga akong babae nga ang rason." biglang salita ni Arizton na mula pala sa balcony. May hawak-hawak itong beer mug na ubos na ang laman. Mabilis na napamura si Demitry at tinapunan ng masamang tingin ang kapatid.
"Hindi ba yun madaling ikama?" patuloy na tudyo ng kapatid sa kaniya bagamat seryoso pa rin ang mukha at walang kangiti-ngiti.
"Masyadong maganda ngunit sanggano yata." Ayon umamin na rin siya. Napangiti ng matipid si Arizton na muling nagsalin ng beer.
"Akala ko ba walang nakakatanggi sayo."
"Huh! Papunta na rin ako don kapatid. Maghintay ka lang, pasasaan ba't maririnig ko rin ang ungol ng babaeng yon."
"Wala pa talaga yata sa bokabularyo mo ang tumino, Demitry."
"Teka nga, bakit ka ba narito?" aburidong baling niya sa kapatid.
"Kinuha ko lang ang lumang laptop ko. Babalik rin naman ako ng Pampanga bukas. Bakit ang init ng ulo mo? Huwag mong kalimutan na pagmamay-ari ko rin ang pad na ito." Sandaling natahimik ang dalawa.
"Cool ka naman kasi kausap noon pero dahil hindi ka pa yata nakamove-on kaya hindi ka na masarap kausapin. Teka nga, pangangatawanan mo na ba yang pagka-long hair mo?" ani Demitry na natatawa. Nagkibit balikat lang ang kapatid.
Sinipat ni Demitry ang kaniyang wristwatch. Alas sais na pala ng gabi. Dali-dali siyang bumalik sa silid at nagbihis. May bigla kasi siyang naisip. Kailangan niyang hindi na ito ipagpapabukas. Reresbakan niya ang babaeng may gawa n'on sa kaniya. She's just a few kilometers away anyway. Ngayong gabi niya tutuldukan ang lahat.
------------------------------------------------
"One, two, three!" humihingal na nagsit-up si Dana sa running field doon. Madalang na lang ang mga taong naroon. Siguro ay pagod ang lahat ng mga atleta sa unang araw ng kompetisyon.
Ang totoo ay pagod rin naman siya pero hindi kasi siya makatulog kaya naisipan niyang pumunta doon sa running field. She wanted to feel calm and serene under the dark starry sky. Matapos ang ilang sit-up ay pawisan siyang tumayo at pinahiran ng tuwalya ang katawan.
"Hi!"
Awtomatikong napalingon si Dana nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon mula sa kaniyang likuran.
"Marc?" Halos lumuwa ang kaniyang mata nang makilala ang bulto. It's her ex-boyfriend. Bakit parang kabote itong sumulpot ngayon?
"Yeah, it's me. Matagal kong hinintay ang pagbabalik mo ng bansa." nakangiting wika ng binata at dahan-dahang lumapit sa kaniya.
"Akala ko nag-asawa ka na."
"Hindi Dan. Hinintay kita. Oo nagkamali ako and I'm here to win you back. If you just give me one last chance Dan, I will do everything for you. Patutunayan ko sayong mahal na mahal kita. Ikaw ang gusto kong maasawa."
Hindi nagsalita si Dana. Umahon na naman sa kaniyang puso ang sakit na akala niya ay nabaon na sa limot. But unlike before, she can manage the feeling now. She can handle it and can swear that she would never be vulnerable again.
"Pero Marc-"
Naputol sa pagsasalita si Dana nang lumuhod sa kaniyang paanan ang binata at hinagip ang kaniyang kamay.
"Please accept me again Dana." Nakatitig lang ang dalaga dito at hindi niya maintindihan ang sarili. She didn't know how to respond.
"Marc, I...do not- "Naputol ulit sa pagsasalita si Dana nang makita ang isang lalaking paparating.
"Bakit nandito itong bwisit na ito?" bulong ng kaniyang utak. Pagkuway hindi na lang niya pinansin yon at ibinalik ang tuon kay Mark.
"One last chance Dan." nagsusumamong wika nito.
"Tumayo ka nga diyan." mahinang asik ng dalaga.
"Hindi ako tatayo hangga't hindi mo ako pagbibigyan."
"Are you crazy?"
"Please..." Humigpit ang hawak nito sa kamay ng dalaga. Hihilahin na sana ni Dana ang kaniyang kamay ngunit hindi nito pinakakawalan iyon.
"Teka masakit ang kam-"
"Get lost!" Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Demitry. Dahil nabigla rin si Mark, hindi nito nalabanan ang atake ng pangahas na lalaking iyon at sumobsob siya sa semento na sabog ang pang-ibabang labi.
"What the hell are you doing? Bakit ka nandito?" Nanlalaki ang mata sa galit na sigaw ni Dana. Hindi nakinig si Demitry at dinukwang si Marc. Muli nitong kinuwelyuhan ang binata.
"s**t! Sino ka bang gago ka?" asik ni Marc.
Hindi sumagot si Demitry bagkus ay matalim lang na tinitigan ang lalaki at bumulong.
"Trip ko lang na suntukin ka. Hindi ko lang kasi nagustuhan ang pagkahawak mo sa kaniya."
"MONDRAGON!" sigaw ni Dana dahilan upang tumigil si Demitry sa pinaggagawa. Hinarap niya ang bwisit at bastos na lalaking iyon.
"Anong ginagawa mo dito? Kung nandito ka para kunin ang cellphone mo, pwes, hindi ko yon ibibigay sayo kapag hindi mo titigilan sa kalandian mo si Zia." naggagalaiti sag alit na wika niya. Ngunit parang walang narinig ang binata dahil doon pa rin ito nakatingin kay Marc. Tinulungan ni Dana ang dating nobyo na makatayo.
"Titigilan ko siya kung iyon ang gusto mo." anito sabay lipat ng tingin sa mukha ng dalaga.
"Paano ako nakakasigurong titigilan mo na nga siya?"
"Dahil ikaw na ang hindi ko titigilan!"