Suot ang kaniyang blue cap at sweat shirt, umupo na si Dana doon sa bench kung saan naupo ang kaniyang mga ka-team. Ito na ang araw na kanilang pinakahihintay. Kahapon pa ang opening ng Asian Olympics at sa pangalawang araw gaganapin ang volleyball tournament. At ito na nga iyon. Maagang gumising ang buong team kanina at nagkaroon ng munting misa para sa lahat ng mga pilipinong atleta. Nagkaroon din ng konting salu-salo para sa lahat. Noong isang linggo pa nagsidatingan ang mga manlalaro mula sa iba't ibang bansa sa Asya na sumali sa taonang pampalakasan na iyon.
Awtomatiko silang lahat na napatayo nang dumating ang kanilang coach mula sa Head Panel Area. Lahat yata sila ay kinakabahan na dahil dala ng kanilang coach ang bansang una nilang makakatapat. Agad na sinalubong ni Vera ang may katandaang lalaki.
"Sino po bang makakalaban namin coach?" tanong ni Vera na siyang team Captain.
"Singapore." nakangiting wika ng lalaki. Nang marinig nilang lahat iyon ay awtomatiko silang napangiti. Hindi naman sa sinisisiw nila ang mga ito kundi kampante silang kaya nila itong sabayan sa volleyball court. Ang pinakakinatatakutan nilang makalaban ay ang team mula China at Japan. Tanyag kasi ang mga ito sa larangan ng women's volleyball.
Noong nakaraang taon ay nag-champion ang Japan habang ang China naman ay minsan na ring nasungkit ang Grand-slam. Ang tanging pangarap nila ay kahit maka-silver medal lang okay na. Mahirap talaga kasing talunin ang mga bansang iyon.
"Calling all the athletes from the Philippines and Singapore to gather on the field right now because few moments from now, the volleyball women will start." Narinig nilang lahat ang malakas na anunsiyong iyon. Awtomatiko silang napatayo lahat. Ang kanilang coach na si Mr. Fermin ay nanguna sa pag-usal na maikling dalangin para sa kanila.
Pagkatapos n'on ay masinsinan silang binigyan ng paunang technical assistance ng kanilang coach mula sa team captain, tosser, spiker, receiver at server. All the initial strategical plot on the court was given to them. Lahat sila ay nakasuot ng maikli at maluwang na jersey uniform. May mga foam band ang kanilang mga tuhod at maging ang kanilang mga ulo rin. Pagkalipas ng ilang sandali ay narinig na nila ang isang napakalakas na pito, hudyat ng pagsisimula ng laro.
------------------------------------------------------------------
"Teka, nasaan na ba si Zia? Siya pa naman ang may dala nong banner na pinagawa natin." taas kilay na tanong ng baklang si Drake kay Trisha at doon pa sa dalawang kasama nila. Naroon sila ngayon sa napakalaking grandstand. Yung ibang kasamahan nila sa news team ay naroon mismo sa field para icover ang lahat ng sports event. Humingi kasi silang lima ng pabor kay Mr. Lim na talagang panonoorin nila ang laro ni Dana.
Noong una hindi pumayag ang kanilang Chief News Editor pero sa huli ay pinagbigyan sila. Ngunit kapalit n'on ay wala silang sahod sa araw na iyon. No work, no pay. Pero kahit ganoon ay masaya pa rin sila. Noong isang linggo pa nila ipinagawa ang banner na kanilang dadalhin kung saan naka-imprenta ang Team Chirons at ang bandila ng Pilipinas. Mga halos limang metro din ang haba n'on. Of course, full support sila kay Dana kahit ano man ang mangyari.
"Sinusubukan ko na siyang tawagan pero hindi sumasagot. Sabi niya kanina n'ong magreply siya ay papunta na raw sila." ani Trisha na pinalambot ang tinig para pakalmahin ang nagpuputok na butse ng bakla.
"Sila? May kasama siya?" nanlaki ang mga mata ni Drake na lumingon sa babae.
"Oo, hindi ko alam kung sino. Hintayin na lang natin."
"Oh, heto nap ala sila." sabat ni Jayson na kasama rin nila. Napatayo ito nang makita si Zia na papunta doon sa kinaroroonan nila. May isang matangkad na lalaking nakasunod dito.
"OMG! Si Mr. Mondragon ba yan?" nagbablush na tanong ng bakla. Awtomatiko ring napalingon si Trisha. Nanlaki rin ang mga mata ng dalaga. Si Demitry Mondragon nga ang kasama ni Zia. Gosh! He's so handsome. Nakasuot ito ng hapit na gray tshirt at nakasuot ng sunglasses. Ang mga muscles at biceps nito ay nagdulot ng kakaibang attraksiyon kay Drake. Haha! Napalunok tuloy siya.
"Sorry, natraffic kasi kami kaya nahuli kami." hinging dispensa ni Zia nang makalapit na sabay lahad sa banner na bitbit niya.
"Sorry guys for intruding pero nakita ko kasi si Zia na naghihintay ng taxi. Nagkataon na papunta rin pala siya dito so I'll give her a ride all the way here." nakangiting wika ni Demitry sa kanilang naroon. Ang mga mata ni Drake ay halos hindi na kumurap. Kung hindi pa ito sinaway ni Trisha ay talagang maeestatwa na ito.
"Manonood daw kasi sana siya ng laban ng Gilas pero dahil daw narito na siya, volleyball na lang daw ang panonoorin niya." natatawang wika ni Zia sabay upo sa bench na inilaan ni Jayson sa kaniya. Kasunod na umupo sa kaniyang tabi si Demitry.
"Alam mo Mr. Mondragon, puwede naman kitang samahan na manood ng basketball sa ibang venue eh." maarte na hirit ni Drake. Natawa lang ang binata.
"Psst! Hoy! Ano ka ba!" saway ni Trisha. Nagkatawan tuloy silang lahat. Natigil lamang sila nang makitang nakapuwesto na ang mga kupunan ng dalawang bansa sa volleyball court.
"Go Dan! Go Philippines!" halos magkasabay na hiyaw ni Zia at Trisha. Iwinagayway naman ni Jayson, Bill at Drake ang banner.
"May kilala kayo d'on sa mga players ng bansa natin?" tanong ni Demitry ka Zia na tuwang-tuwa sa mga nakikita.
"Yup!"
"Ah, kaya pala effort talaga kayo. Saan ba diyan?"
Nilingon siya ni Zia at itinuro ang isang seksi at makinis na player na nakatali ang medyo mahabang buhok. Kulay pula ang head band nito.
"Siya! News anchor namin yan pero dream niya ang makapaglaro sa Olympics kaya pinursige niya."
Tinitigang maigi ni Demitry ang mukha ng babaeng iyon sa malayo. Hindi niya masyadong makita ang buong hitsura nito dahil hindi naman ito nakaharap sa direksiyon nila. Tumango na lang siya at nanood dahil nagsisimula na ang labanan.
"WOOOHHHH!!!" halos mabingi si Demitry nang biglang magstanding ovation ang lima. Hanep kasi ang pagspike ng babaeng player na kakilala ng mga ito. Halos lumipad ito sa ere at parang hangin na hinampas ng napakalakas ang bola papunta sa kalaban. Maging siya ay namangha rin sa ginawa nito. Hindi man lang ito na-block o nareceive ng kalaban. Kaya heto halos lumindol ang grandstand sa hiyaw ng mga pinoy fans.
Nagpatuloy pa ang mainit na sagupaan at higit ng mga fans ang kanilang mga hininga tuwing pinagpapasa-pasahan ng dalawang kampo ang bola sa ere. Nang bahagyang napalingon sa direksiyon ng grandstand ang ulo ni Dana ay parang kidlat na sumagi sa isipan ni Demitry ang larawan na ipinadala sa kaniya ni Voltaire. Yung babaeng nakapulot sa cellphone niya na kasalukuyan pa niyang hinahanap ngayon.
"YES!!! Wooh!!" Lumindol na naman sa tili ang buong lugar. Magaling rin kasi ang spiker ng Singapore ngunit mabilis yung nablock ng Pilipinas. Itinoss ito ng isang player na may maikling buhok pagkatapos pabalik na inispike ng babaeng chinicheer ng mga nasa tabi ng binata. Napalunok si Demitry. Pagkatapos ay napailing pa siya.
"Kahit gaano mo pa kagaling maglaro kapag nasiguro kong ikaw nga ang nakapulot sa cellphone ko...hindi kita sasantohin. You ruined me." tiim ang mga bagang na wika ni Demitry sa sarili. Dahil sa mabilis na mga pangyayari at galaw ng mga players ay hindi talaga siya nagkaroon ng sandali na masinsinang matitigan ang pagmumukha nito.
"By the way Zi, ano nga ang pangalan niyang kasamahan ninyo na kay galing maglaro?" nakangiting tanong ng binata sa katabi.
"Dana! Dana Calderon!" anito na hindi pa rin nawawala ang mata sa laro.
"Binggo!" Nakangising ibinalik ni Demitry ang kaniyang paningin sa field. Tss...the fate befriends him this moment. Of all places he undercovered, dito lang pala niya mahahanap ang babaeng gustong-gusto niyang tirisin. Sino ba naman kasi ang hindi mangigigil sa taong pakialamera sa mga bagay at pagmamay-ari ng iba?
"DDAANNAA!! Go Dan! We love you!" sigaw na naman ng mga katabi ng binata. Ang totoo parang nabubwisit na siyang marinig ang pangalan ng babaeng chinicheer ng mga ito. Kinalma ni Demitry ang sarili at nanood na lang ng laban. Noong una ay medyo na-bored siya pero nang tumagal ang laban ay napapasuntok na rin siya sa hangin dahil sa excitement. At isa si Miss Calderon sa rason. He admitted that she's really awesome.
Lumipas ang mahabang minuto at dumating na ang second set ng laro. Halatang pagod na ang bawat kupunan. Seryoso na ang laban dahil dalawang puntos lang ang lamang ng Pilipinas. Hindi sila dapat maging kampante lang.
"WOOOOOHHHHH!!" Bigla na namang lumindol ang grandstand nang makitang patapos na ang laban at matagumpay na naipanalo ng Team Chiron sang una nilang laban. Nagstanding ovation ang lahat ng mga pinoy na naroon sabay wagayway sa dala-dalang mga banner. Napailing si Demitry. He found her skills interesting. Pero kaagad din na napalitan ng inis ang damdamin niyang iyon.
Dali-daling bumaba sina Trisha at Drake sa grandstand para pumunta sa field at yakapin ang kanilang kaibigan. Nagmamadali namang sumunod sa kanila si Zia at Jayson. Si Demitry naman ay cool lang na naglakad. Ngayong nahanap na niya ang babaeng iyon, sisiw lang sa kaniya ang damputin ito anu mang oras niya gusto.
"Dan!" Hiyaw ni Trisha habang tumatakbo papalapit kay Dana na kasalukuyang umiinom ng alkaline water. Pawisan ang buong katawan nito at medyo namumula ang mukha dahil sa sikat ng araw. Ngunit hindi iyon naging kabawasan sa natural na gandang taglay ng dalaga. Sa katunayan ay mas nakadagdag pa.
"Narito pala talaga kayo?" Di makapaniwalang tanong ni Dana at niyakap ang kaibigan.
"Of course, pinayagan kami ni Mr. Lim." sabat ng kakarating lang na si Drake. Maarte itong bumeso sa kaniya. Natawa lang ang dalaga. Kahit pagod ay masayang-masaya siya sa mga nangyari.
"Ang galing mo d'on teh. Actually, ikaw ang nagpapanalo sa bansa natin." dagdag pa ng bakla.
"Shh... ano ka ba!" saway ni Dana sa bakla sabay hila sa kaniyang tali sa buhok dahilan upang sumabog iyon. Right at the moment her charm was revealed and that scenario caught someone's eye in the midst of the deafening crowd.
"s**t! She's too gorgeous!"
"Congrats, Dan!" mabilis siyang niyakap ni Zia at nagulat doon ang dalaga. Wala na siyang nagawa kundi gumanti na din ng yakap dito. Actually, medyo nahihiya pa siya dahil pawisan at baka mabaho na siya. Mula sa likuran ni Zia ay natanaw niya ang isang guwapong lalaki na nakasuot ng sunglasses at kung hindi siya nagkakamali ay doon sa dako nila nakatingin.
The guy was so familiar to her. Mabilis na kumilos ang kaniyang lahat na nerve cell para alalahanin kung saan niya nakita ang lalaking iyon. Then, she remembered the video. Awtomatiko siyang napalunok at nag-iwas ng tingin. Ito yung lalaking nakita niya sa video na... Gosh! She can't dare to think what this man did to that poor woman.
"By the way Dan, this is Demitry, my -"
"I'm Demitry Mondragon, Zia's friend." mabilis pa sa alas kuwatro na inabot nito ng walang paalam ang kaniyang kamay at nakipagshake-hands. Nanlaki kaagad ang mga mata ni Dana at tumindig ang lahat ng kaniyang mga balahibo. Nandidiri siya sa lalaking ito. Mabilis niyang iwinaksi ang kaniyang kamay.
"Hmm... friend lang kaya?" palatak ni Drake na umikot ang mga eyeballs.
"Nanliligaw to sayo?" bulong ni Dana kay Zia.
"Mukha nga..." ganting bulong ng babae. Kumunot ang noo niya sa narinig. Nang makabawi sa pagkabigla ay umubo siya saglit at taas kilay na hinarap ang lalaking ipinakilala - este- nagpakilala.
"Hmm You're so familiar. Diba ikaw yung lalaking nasa video na---" biglang naputol sa pagsasalita si Dana nang bigla siyang kabigin ni Demitry at buong lakas na tinakpan ang bibig.
"Damn you woman."
Pagkatapos n'on ay parang sako lang ng bigas na kinarga siya nito sa matigas nitong balikat. Nang makabawi mula sa pagkakagulat ay nagpupumiksi siya ngunit mabilis ang mga hakbang ng lalaki. Nakita niyang hinabol sila ng mga kaibigan niya ngunit mabilis itong nag-iba ng direksiyon.
Pinagsusuntok niya ang likuran nito ngunit parang wala man lang itong epekto. Paglipas ng ilang sandali ay napasinghap na lang si Dana nang pabalibag siyang ibinagsak ni Demitry sa loob ng isang CR. Hindi niya alam kung paano sila nakarating doon sa maikling sandali lamang. Bago pa siya makapagtangkang tumakas ay ikinulong na siya nito sa pagitan ng mga braso at pader. Nakangisi itong hinagod ng tingin ang kaniyang buong pagmumukha. Napalunok si Dana.
"I warn you. Isang pagkakamali mo lang... sasapitin mo yong nakita mo sa video."