"Tsk! Dumating ka na pala." matabang na bungad ni Arizton nang makitang pumasok si Demitry sa malaking bahay nila. Nakatapi lang ito at bagong paligo yata.
"Nasaan si Voltaire?" kunot-noong wika ng kararating na binata. Napakunot ang noo ng kapatid nang makita itong parang nagmamadali at alumpihit.
"Ano bang nangyari sayo?"
"Nawala yung lintik na cellphone ko sa airport." iritadong napaupo si Demitry sa sofa na naroon. Narinig niyang marahang tumawa ang kapatid.
"Marami kang pera, bumili ka na lang ulit." suhestiyon nito sabay hakbang paitaas doon sa malaking hagdanan na papunta sa ikalawang palapag ng bahay.
"Nasaan ba si Voltaire?" singhal ng binata.
"Nambababae." ganting sigaw ni Arizton.
"Will you stop annoying me? Nasaan ba siya?"
"Hindi ko alam, kapatid. Maaga siyang umalis at pumunta ng Maynila. Namimiss niya raw yung sina Trisha at Coleen." Pagkasagot n'on ni Arizton ay tuluyan na siyang nawala sa paningin ng kapatid.
"s**t! Kung ngayon kailangan, ngayon pa wala." iritadong napatayo si Demitry at dumiretso sa sariling silid. Wala na siyang iba pang mapagtanungan dahil wala naman doon ang kaniyang mga magulang. Kasalukuyan kasi itong nasa America dahil dumalo ito sa art exhibit ng kanilang nag-iisang kapatid na babae na si Marjorie.
Pagkapasok niya sa kuwarto ay dumiretso siya sa shower na nasa loob n'on at itinapat ang mainit na ulo sa dutsa ng tubig. Hinamig niya ang sarili at nag-isip ng paraan paano malocate ang kaniyang cellphone. Mahirap kasi i-track ang GPS n'on dahil lowbat iyon. Ang mas lalo pang nagpapasakit sa ulo niya ay baka pagkainteresan ang kaniyang mga videos doon. Tiyak na ikakaputok yon ng kaniyang ulo.Tsk!
Pagkalipas ng limampung minuto ay hubo't hubad siyang naglakad palabas ng shower at dumiretso sa closet. Namili siya doon ng mga komportableng damit pagkatapos ay bumaba na ulit. Nadatnan niya doon sa sala si Arizton na nanonood ng NBA semi-finals.
"Kumusta ang trabaho mo d'on sa Indonesia?" tinig ng panganay na kapatid. Hindi kaagad sumagot si Demitry sa halip ay pasalampak na umupo sa malambot na sofa.
"Natapos rin sa wakas. Okay naman yung operasyon. Ligtas na nakabalik sa Austria yung pari na kinidnap. I'm here for a vacation."
Tumnago-tango lang si Arizton.
"Wala ka pa bang planong bumalik sa Interpol?" baling ni Demitry sa kapatid. Nakita niyang sumeryoso ang mukha nito at hindi na sumagot.
"Hindi naman siguro masama kapatid kung magmove-on ka na."
"Huwag kang makialam sa buhay ng may buhay Demitry. Ikaw, ayusin mo yang sayo. Puro pambababae ang ginagawa mo." Tinapunan siya nito ng masamang tingin.
"Huwag mo akong itulad sayo, Arizton. Hindi kailanman iikot ang mundo ko sa isang Eva."
Napasmirk ang kapatid sa kaniyang sinabi.
"Siguraduhin mo lang dahil kapag ikaw hahabul-habol sa isang babae pagdating ng panahon, ipa-firing squad kita."
Tumawa lang ng pagak si Demitry. Naisip niyang napaka-idealist na talaga kaniyang kapatid simula nang umibig ito. They're living in the reality. And reality offers many things which could make him happy but love is excluded there. Love is nothing to him but a boring endeavor.
"Kahit itorture mo pa..." anito na natatawa pa rin.
"Loko ka talaga. Diyan ka na!" Naiiling na wika ni Arizton sabay bato ng unan dito na kaagad rin namang nasalo nito.
-----------------------------------------------------------------------
Matapos ang munting salu-salo ng mga atleta ay dumiretso na si Dana sa kaniyang quarter. Nandoon sila sa Clement Sports Arena ngayon para sa kanilang pag-eensayo. Dala ang kaniyang backpack ay mag-isa siyang naglakad papunta sa kaniyang silid. Napangiti siya nang makitang tumatakbong sumunod si Nadine sa kaniya, isa sa mga tosser ng team.
"San ka?" nakangiting tanong ni Dana dito nang makalapit na ito.
"Gusto ko na rin magpahinga." anito na humihingal. Tumawa ng mahina si Dana at sabay na silang humakbang paakyat sa building na magsisilbing tahanan nila sa loob ng dalawang linggo.
"Excited na ako sa Olympics." ani Nadine ng makarating sila sa ikalawang palapag kung saan naroon ang mga kuwarto ng bawat atleta.
"Ako rin naman eh. Lalo pa't bagong recruit ako ng team. Grabe yung pressure."
"Hay! Naku ang galing mo naman eh. Bilib si coach sayo at si Vera." ang tinutukoy nito ay ang kanilang team captain.
"Hindi naman masyado. Nagpupursige lang talaga."
"Perserverance, ika nga. Luh! Magkatabi pala yung kuwarto natin oh." anito nito nang makita ang numero ng mga silid nila. Napangiti lang si Dana at sinusian na ang kaniyang silid.
"See you mamaya Dine, iidlip muna ako. Isa pa magchacharge pa ako ng cellphone." Ngumiti at tumango lang ang babae pagkatapos ay nagtuloy na si Dana sa pagpasok. Kaagad niyang inilagay ang kaniyang backpack at hindi kalakihang maleta sa cabinet na naroon. Simple lang ang kuwarto. Mayroong isang mesa, may cabinet at tv, malambot na kama at sariling banyo.
Mabilis niyang hinubad ang kaniyang damit at nagpalit ng maluwang na tshirt. Sumasakit na ang kaniyang beywang at gusto na niyang mahiga. Halos buong araw rin kasi siyang nakaupo mula pa kanina sa flight hanggang sa pagtitipon.
Sasampa na sana siya sa kama nang maalala niya ang cellphone na napulot niya kanina sa eroplano. Malalaki ang mga hakbang na tumungo siya sa cabinet at kinuha ang backpack na ipinatong niya doon. Kinuha niya sa isang bulsa n'on ang aparato. Napangiti siya nang makitang isang latest model iyon ng Iphone pero kakaiba yata ang itsura. Nang subukan niyang i-on iyon ay napa-iling siya. Lowbat pala iyon.
Napaisip siya na kailangan niya yong icharge kahit labinlimang minuto lang para ma-open. Baka sakaling tatawag ang may-ari sasabihin niyang safe naman ang cellphone nito at maari siyang puntahan doon para kunin iyon. At iyon nga ang kaniyang ginawa. She charged the phone in an electric socket. Pagkatapos n'on ay tuluyan na siyang sumampa sa kama. Dahil siguro sa pagod ay mabilis siyang nakaidlip.
Pasado alas-otso ng gabi, naalimpungatan si Dana dahil sa ingay ng mga kasama niya na panay ang kuwentuhan doon sa labas. Unat-unat siyang tumayo at kinusot ang kaniyang mga mata. Gusto na niyang tuluyan ng matulog. Dahil hindi pa yata nagising ang kaniyang utak ay muntik na siyang mahulog sa kama. Dumiretso siya sa banyo para maghalf-bath tapos ay nagsipilyo siya.
Pagkatapos niyang maicomfort ang sarili ay pangiti-ngiti na siyang nagbihis ng damit na pantulog. Wala siya sa mood makipagharutan doon sa ka-team niya dahil parang na-aw-awkward siya. Hindi pa naman kasi siya close sa mga ito. Bagong player kasi siya. Si Nadine lang yung medyo close niya. Tosser and spiker kasi sila.
Nilapitan niya ang nakacharge na cellphone at ini-on iyon. Napangiti siya nang makitang walang password na hiningi sa kaniya ang aparato. Matatagumpayan niya yung buksan.
"Ay! Butiki!" napahiyaw si Dana nang biglang tumunog iyon ng pagkalakas-lakas. Labis siyang nagulat dahil doon. May tumatawag pala. Nakita niya ang pangalang nakarehistro doon- BABE 2. Walang pag-aalinlangang sinagot niya iyon.
"Hello, Dem.." Tinig ng babae ang narinig niya sa kabilang linya.
"Ah, miss nakita ko itong cellphone-"
"Are you Demitry's other woman again? Hanep talaga ang lalaking to! By the way, ika-ilang babae ka ba niya?"
"Ha? Ah...eh.. nagkakamali po kayo. Nahulog po kasi itong cellphone niya-"hindi na natapos ni Dana ang kaniyang sasabihin dahil bigla siyang binabaan nito. Kumunot ang kaniyang noo at medyo umahon ang inis sa kaniyang dibdib.
Dali-dali niyang hinalungkat ang cellphone na iyon. Itetext lang naman niya yung babae na talagang nawawala ang cellphone ng lalaking kakilala nito at siya ang nakapulot. May balak din siya na sa babaeng iyon na lang isasauli ang bagay na iyon kapag hindi pa tumawag ang may-ari.
Dahil nga hindi pa siya nagkaroon ng ganoon kamahal na cellphone ay medyo naguluhan siya kung paano iyon gagamitin. Ang dami kasing hindi niya maintindihan sa laman n'on. Hindi rin niya kaagad nahagilap ang call history. At nang makita niya iyon ay wala namang nakarehistro doon. Napamulagat ang kaniyang mga mata.
"Anong klaseng cellphone ba ito?" aniya na swipe pa rin ng swipe. Hanggang sa aksidente niyang nabuksan ang isang file doon. Dahil video iyon ay nahook ang kaniyang pansin. Pagdaloy mismo ng video ay awtomatiko siyang napatutop sa kaniyang bibig.
"Sige pa, babe. Ah, you're so good." Nakita niya roon ang isang lalaking nakapikit habang napapakagat-labi. Kasalukuyan itong may katalik na babae. Nakatayo lang ito sa paanan ng kama habang ang babae ay nakaluhod naman. Ang mas nakapanindig balahibo para kay Dana ay ang marahas at malademonyong ginawa nito. The man thrusted roughly inside the woman's mouth. She saw how the man's juice flow from that poor woman's lips. Ngunit nakita niyang nakangiti ang babae at parang sarap na sarap sa kaniyang ginagawa.
"Manyak siguro ang may-ari nito." ani Dana at mabilis na icinancel iyon. Pahagis na ibinalik niya ang cellphone sa isang sulok doon. Nawalan na siya ng gana pa. Naalala niya ang kaniyang salawahang ex-boyfriend sa nakita. Naisip niyang bastos ang may-ari ng cellphone na iyon dahil ang daming s*x scandal na file ang naroon. Siguro gabi-gabi nitong pinapanood ang mga malalaswang bagay na iyon at inaapply niya sa kaniyang mga naging girlfriend. Minabuti na lang ni Dana na mahiga sa kama at maglaro sa kaniyang tablet hanggang sa nakatulog na siya ng tuluyan.
-----------------------------------------
"Hi!"
Napalingon si Zia nang marinig ang tinig na iyon mula sa kaniyang likuran. Kasalukuyan siyang nasa parking lot at naglalakad. Pasado alas-siyete na ng gabi at pauwi n asana siya.
"Oh, hello!" Biglang umaliwalas ang kaniyang mukha nang makita doon si Demitry. Mataman siya nitong tinitigan na may nakaguhit na nakakalokong ngiti sa labi.
"Is it okay to you if I invite you for a dinner?" naglakad ang guwapong binata papalapit sa kaniya habang hindi natitinag ito sa kakatitig sa kaniya. Nang mga sandaling iyon ay parang lumuwa na ang puso ni Zia sa sobrang kilig. Kung hindi pa siguro gabi ay napansin na talaga nito ang pagba-blush niya. Napakamisteryoso talaga ng binata. Minsan nawawala ito ngunit bumabawi naman kapag lilitaw ulit.
"Ha? ah eh..." siyempre pakipot naman siya ng konti.
"No ifs, no buts." mabilis na hinagip ni Demitry ang kaniyang braso at inakbayan siya nito habang papunta sa sarili nitong sasakyan.
"Oh my gosh! Parang mahimatay yata ako." kinikilig na hiyaw ni Zia sa kaniyang isip.
" Nawala ako ng ilang mga araw dahil may inasikaso lang ako." anang binata at pinagbuksan ang dalaga ng pinto.
Nakangiting pumasok naman doon si Zia. Pagkasakay ng binata ay agad nitong pinaharurot ang sasakyan. Wala pang sampung minuto ay dumating na sila sa isang classy restaurant. Tulad ng nakaugalian, parati siya nitong pinagbubuksan ng pinto. Hinagip ulit ni Demitry ang braso nito habang sila ay papasok sa lugar na iyon.
It's been a week mula nang bumalik si Demitry mula Pampanga patungo dito sa Maynila. Pagkarating niya dito ay minalas siya dahil hindi niya naabutan si Voltaire. Kaya ang ginawa niya ay kinontak na lang niya ang kapatid at sinabi ang ipinapagawa niya. He's still waiting for his response during these days.
Habang papasok sila sa restaurant na iyon ay biglang tumunog ang kaniyang bagong cellphone.
"Mauna ka na lang d'on Zi, order ka ng gusto mo. Sasagutin ko lang muna ito." hinging dispensa niya sa dalaga.
"Okay lang Dem. I can manage. Take your time."
Kinindatan na lang ni Demitry ang dalaga na papasok na.
"Kapatid, nasa date ako. Bakit ka ba tumawag?" medyo iritadong bungad niya kay Arizton sa linya.
"I will send you a youtube link. Tingnan mo now. Sumisikat ka na pala, bro." Natatawang wika ng kaniyang kapatid sa kabilang linya. But his laugh sounds sarcastic.
"I have no time for that." Kaagad niyang ini-off ang kaniyang cellphone. Kapag wala talaga si Augustus ay wala talaga siyang kakampi. Sa kanila kasing magkakapatid, si Augustus ang pinakamalapit sa kaniya. Si Arizton ang pinakakalaban niya dahil sa pagka-kj nito simula ng mag-asawa. Parati siyang sinesermunan nito.
Hahakbang na sana siya papasok sa restaurant nang tumunog ang kaniyang message alert tone. Tiningnan niya ang mensahe. Galing pa rin iyon kay Arizton. Esaktong pagbukas niya sa conversation nila ay bumulaga sa kaniya ang isang screen shot ng Youtube video.
"Son of a b***h!" mura niya nang makita iyon. It's his s*x video leaking now over the internet.
Idadayal na sana niya ang number ni Arizton nang biglang dumating ang tawag ni Voltaire. Kaagad niya yong sinagot.
"I'm gonna kill this bullshit once I really know her." namumula sa galit na bulong niya kasunod ang isang mura. Hindi iyon nakawala sa pandinig ng kapatid na nasa kabilang linya.
"Hey! Cool ka lang. Teka, ano bang nangyari sayo bakit ang init ng ulo mo?" tumatawang wika ni Voltaire.
"I'm going to kill you dude once you will not still reveal to me the identity of this damn person." aniya na naiinis sa inasta ng kapatid.
"Kapatid, pumapag-ibig ka na ba? Chika babes mo ba to?"
"The woman you are looking for is unfortunately a goddess."
"s**t! Wala akong pakialam." galit na wika niya.
"Tsk! Ano bang nangyayari sayo?"
"Alam mo kung nandito ka lang makakatikim ka sakin eh. Wala talaga kayong pinagkaiba ni Arizton."
"Okay okay my dear brother, she is Dana Calderon. I'll send you the picture now."
"Okay, then." Pagkatapos n'on ay bigla na lang niyang pinutol ang linya. Muntik na niyang mabalibag sa kung saan ang kaniyang bagong cellphone sa sobrang inis. Lahat yata ng dugo niya sa katawan ay umangat doon sa ulo niya. Nagtatagis ang kaniyang mga bagang nang humakbang siya papasok ng restaurant. Isa lang ang nasisiguro niyang gagawin sa babaeng iyon kapag natagpuan na niya. He will torture her to death. He really swears.