Chapter 2

2909 Words
      Anim na buwan na ang lumipas mula noong nagleave si Dana sa broadcasting. Sa loob ng mga panahong iyon ay nagbakasyon siya sa kaniyang lola sa America. It was her escape from the pain she felt when she broke up with Marc. Hindi na kasi niya kaya ang panlolokong ginawa nito sa kaniya. Narealize niya isang araw na kailangan magtira pa siya para sa sarili. Hindi ang katulad ng lalaking iyon ang dapat niyang pag-alayan ng kaniyang pihikang puso.             "Welcome, back!". Napamulagat ang mga mata ni Dana pagkapasok sa studio nang bumulaga sa kaniya ang bonggang confeties at balloons. Comeback party lang ang drama. Napaka-oa nga kung isipin dahil anim na buwan lang naman siyang nawala. Hindi naman taon-taon.           " Kumusta ang puso natin?" Nakangiting bungad ng news director nila na si Mr. Lim. Natawa na lang ang dalaga. Alam pala talaga ng mga ito ang rason ng kaniyang pagkawala.           "My heart talaga?? Hahaha, it's feeling good." Nakangiting wika niya sabay tanggap sa bouquet na ibinigay ni Trisha.          "That's good to hear. Sa ganda mong yan hindi ka niya deserve." Wika ni Drake na isang bakla at technical crew doon.        "May paparty pa kayo huh!" Ani Dana.        "Of course dahil bumalik na ang batikang columnista at news anchor ng bayan." Palatak ni Trisha. Napahalakhak ang lahat na naroon.      "Actually guys, I'm just here to visit you all. Nag-extend pa ako ng one month dahil may bago akong career." Aniya na hindi pa rin nawawala sa labi ang ngiti. Natawa na lang siya nang makita sa mukha ng mga ito ang pagkagulat.      "So, hindi ka pa babalik sa telebisyon?" Ani Drake na nakataas ang kilay.      "Yes at alam na yan ni Mr. Lim. Diba direk?" Binalingan niya ang may edad na lalaki. Nakita nilang tumango ito.      "Why naman ateng?" Si Drake pa rin.      "Ano yung bagong career na sinasabi mo?" Trisha.      "Hay grabe naman ang interview portion na ito. Puwede ba kumain muna tayo.'ani Dana at humakbang patungo sa mga pagkaing naroon sa folding table sa di kalayuan.       "That's better. Masarap magkuwentuhan habang nagtsitsibugan." Sang-ayon ng direktor. Matapos yon ay dumulog silang lahat sa mesang iyon at nagsimulang kumain. Simple lang naman na salo-salo iyon. Carbonara, pizza at fried chicken lang. Iyon naman talaga ang madalas nilang kinakain basta hindi hectic at pressure yung schedule nila.      "So ano na?" Ani Drake habang kumukuha ng isang slice ng pizza.       "I am an athlete now."       "What????" Halos magkasabay na napalingon ang mga kasamahan sa kaniya.       "Alam niyo naman diba na sa college pa lang ako ay volleyball athlete na ako. When I was in America,nakatanggap ako ng email. Actually, matagal ko ng pangarap to. Talagang pumila ako para maging pambansang atleta. Isa pa, isang buwan lang naman eh. Kailangan ko lang maghanda para sa darating na Asian Olympics." Habang nagsasalita siya ay napanganga lang ang mga ito.       "Te, grabe ka! Yang ganda mong yan gagasgasan mo? Puwede sakin na lang yan." Ani Drake nang makarecover sa pagkagulat.       Tumawa lang si Dana.       "Na-explain ko na kay direk ang tungkol dito. I just want your understanding and support guys. Higit sa lahat, manood naman kayo ng laban. Ang bansa natin ang host ngayon. Sige na huwag na kayong malungkot." Nakabusangot kunwari na sabi niya.      "Kailan ba yan?" Tanong ni Trisha.       "First week sa susunod na buwan." Ngumiti na siya.       "Huwag kang mag-alala Dana, pupunta kaming lahat." Boses iyon ni Mr.Lim. Pagkarinig n'on ni Drake ay bonggang-bonggang pumalakpak ito. Sumunod rin ang mga iba pang naroon.       "Thanks po." Aniya at ngumiti.       "Oo, magpapatarpaulin ako niyan." Wika ng bakla.       Nagkatawanan sila.      "O, siya, tapusin na natin to dahil malapit na ang airing time." Ani Mr. Lim. Pasado alas-singko na at malapit ng magsimula ang news time.        Nang matapos silang kumain ay nagpaalam na si Dana sa mga kasamahan. Eksaktong paglabas niya sa pinto ng studio ay nagmamadaling nakasalubong niya si Zia. Kasamahan niya ito sa isang show. Kakausapin at kakamustahin pa sana niya ang babae ngunit malapit na ang airing time kaya kinindatan niya na lang ito at nagpatuloy na sa pagbaba.       "Hoy, bakit napapadalas ang late mo ngayon ha?" Nakataas kilay na tanong ni Drake sa bagong dating na si Zia.      "Oo nga, simula noong ininterview niya si Papa Demitry parang may namumuo na." Kinikilig na wika ni Trisha sabay bigay sa dalaga ng news script.      "Tumahimik nga kayo baka marinig kayo ni Direk." Saway ni Zia na halatang nagba-blush. Ang totoo kasi, simula noong nakapanayam niya si Demitry Mondragon ilang buwan na ang nakakaraan ay niyayaya na siya nitong lumabas. Paminsan-minsan ay sinusundo pa siya nito sa trabaho kapag available ito. Kaya tapunan siya ng mga tukso sa opisina kapag nagpapakita ang binata doon sa studio. Minsan na rin itong nanood sa kaniya doon habang siya'y naghahatid ng balita.       Sino ba naman kasi ang makakatanggi sa isang Demitry?  He's so hot and handsome. His smile can drop someone's undies in just a second. Matangkad at napakamatipuno ng pangangatawan. He's so damn sexy.        Kaya nang hingin nito ang number niya pagkatapos ng interview ay kilig to the bones siya at hindi na siya nag-atubili pa. Kahit walang label sa kanila, batid niyang may interes sa kaniya ang binata. Hindi ito naman siguro ito mag-eeffort kung wala lang siya dito. They were seeing each other for five months already. Matagal na diba? --------------------------------------------        Kinabukasan...         Papalapag na sa Clark International Airport ang eroplanong sinasakyan ni Dana. Sa loob ng dalawang linggo ay magkakaroon siya doon at ang buong team ng Pilipinas Lady Chirons ng masinsinang pag-eensayo para sa nalalapit na Asian Olympics.       Kasalukuyan niyang naririnig ang nagsasalitang flight attendant habang inihahanda na niya ang sarili at ang dalang hand-carry luggage. Napangiti siya ng tuluyan nang matanaw na niya ang airport dahil tuluyan ng lumapag ang eroplano.       Ilang sandali ang lumipas ay nagsitayuan na ang mga pasahero para bumaba na. Nang medyo nagkagitgitan dahil sa isang senior citizen na kay bagal maglakad ay aksidenteng may nahulog sa paanan ni Dana. Napamulagat pa siya dahil muntik na niyang maapakan ang kung anong bagay na iyon. Tatawagin pa niya sana ang nagmamay-ari nito na isang lalaking naka-cap ngunit kay bilis nitong nakalusot sa kumpol ng mga pasahero. Halos patakbo na nga itong lumabas doon.                      Umiiling na lang na pinulot iyon ni Dana. Doon pa niya napagtanto na isa pala yung cellphone. Nahulog pala iyon mula sa upuang kinauupuan ng lalaking iyon. Nang medyo lumuwag na ang daloy ng mga pasahero ay mabilis na humakbang palabas si Dana para hanapin ang taong nagmamay-ari ng cellphone na iyon .                               Kaya pala mabagal ang pag-usad ng mga pasahero pababa sa eroplano dahil sa isang kahindikhindik na pangyayari sa runway. Base sa narinig ni Dana sa mga bulongf-bulongan ay nagkaroon daw ng shoot out kanina halos tatlumpong minuto na ang nakalipas. Habang pababa siya ng hagdan ay natatanaw niya ang mga pulisya na naroon nag-iimbestiga sa crime scene. Walang sibilyan ang maaaring makalapit doon.                            Napasinghap si Dana nang makita doon ang lalaki na maaaring ang may-ari ng cellphone na nakita niya. Nakatalikod ito at kasalukuyang kausap ang isa sa mga pulis doon. Patakbong lalapitan sana ito ni Dana ngunit hinarang siya ng airport personnel. Hindi raw siya makakalapit doon. Hihintayin na lang daw niyang matapos ang mga pulis doon. Dahil doon, wala siyang nagawa kundi magtuloy na lang sa pagpasok sa mismong airport.        Naupo siya sa passengers lounge na naroon. Maya-maya ay biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Napadilat ang kaniyang mga mata nang makitang ang coach nila ang tumatawag.                         "Hello, sir!" aniya.                         "Nasaan ka na?"                         "Kakarating ko pa lang po dito sa airport. May hinihintay lang po ako saglit."                       "Importante ba yan?"                   "Hindi naman po masyado."                             "Okay, halika na dito. The President of the league will soon be here. Hindi puwede na malate ka." Biglang naalarma si Dana sa narinig at mabilis siyang napatayo. "Sige po sir. Papunta na ako diyan." "Okay, dumiretso ka na sa parking lot. Ipapasundo kita." "Salamat po." Pagkasabi n'on ni Dana ay kaagad niyang itinago ang dalawang cellphone sa kaniyang bag. Gusto man niyang isauli ang aparatong iyon sa may-ari, ginigipit naman siya sa oras. Kaya naisip na lang niyang hahanap na lang siya ng ibang paraan para maisauli iyon. Hindi ngayon siguro ay bukas na. Mula doon ay naglakad na siya papunta sa parking lot. ------------------------------------------------------------------                                "Siguradong may kinalaman ang pagpatay na iyon sa balitang inilabas noong nakaraang linggo tungkol sa mga gobernador na sangkot sa kalakalan ng droga sa napangalanang mga probinsiya." wika ni P/Insp. Romel Diaz, ang nangulo sa imbestigasyon sa crime scene at dating superior niya sa PNP noong wala pa siya sa Interpol- Intelligence Division.                                 "Tama ka, uncle. Kakauwi ko nga lang mula Maynila. Nagulat talaga ako noong malaman kong may shoot out na nangyari." ani Demitry na nakapamulsa. He's wearing a gray tshirt, denim pants and a dark sun glasses.                           "According sa source namin, matagal na daw na nakatatanggap ng death threats ang radio commentator na iyon." anito habang nakatunghay sa mga rumespondeng doktor. Dead on the spot ang biktima na tinamaan ng tatlong putok sa dibdib.                       "Paano raw nakapasok ang armado dito sa aiport?" nakakunot na tanong ng binata. "The hitman was one of the passengers of the plane which landed earlier." "What? Paano nangyari yon?" napabulalas siya. Alam na alam niya na ang mga airport ay may mga security procdures para hindi makalusot ang mga bagay na ipinagbabawal tulad ng armas. "Kaya nga iimbestigahan namin pati ang mga personnel ng eroplano. Baka may kinalaman ang isa sa mga naroon sa pagkakaroon ng armas ng hitman." "Nakilala na ba yung hitman? Namukhaan ba?" "Yon na nga ang problema dahil walang nakapansin sa insidente. Nagpanic na lang ang mga tao nang biglang bumulagta yong komentarista." Natahimik si Demitry at mas lalong kumunot ang noo nito. "By the way, nakauwi ka na pala mula sa Indonesia?" ani Mr. Diaz. Kasalukuyan na nilang natatanaw ang ambulansya na papaalis. Humakbang na rin sila para pumasok sa police mobile na naroon. Susunod sila sa ospital. "Yeah, three weeks na ako sa Maynila. Ngayon lang ako umuwi dito sa Pampanga." nakangiting wika ng binata sabay pasok sa loob ng sasakayan. "How's your work there?" "Mabuti naman. Of course palaging may thrill. By the way, nabalitaan ko na maraming media dito sa bansa ngayon ang nabibiktima ng krimen." "Yeah, may malaki kasing drug trade na nadiskobre ng mismong grupo ng isang national media na pinanguluhan ni Mr. Carandang, yung binaril. Actually, it wasn't really their scope that time, nagkataon lang talaga na naroon din sila sa lugar na iyon. It happened in Olongapo." "Hindi ba naipasok sa witness protection order si Mr. Carandang?"                    "Kasalukuyan pa lang kasi niyang isinisiwalat yung nalaman niya. Hindi pa naisampa sa senado ang tungkol doon. Siguro kumilos na ang mga drugista para hindi na humantong doon."               "Kaya pala." Pagkasabi n'on ni Demitry ay kinapa niya sa kaniyang bulsa ang kaniyang cellphone upang tawagan ang kaniyang kuya na si Arizton. Magpapasundo sana siya dito. Narito kasi ang lalaking iyon sa Pampanga. Mula ng mamatay ang asawa nito ay huminto muna ito sa trabaho sa ngayon at sinubsob ang sarili sa pamamahala ng hacienda ng pamilya.                              "Damn!" mahinang mura ng binata nang wala siyang makapa doon. Nagpalinga-linga siya sa kaniyang kinauupuan ngunit wala talaga doon ang hinahanap. Marahas niyang hinablot ang kaniyang backpack at hinalungkat ang laman n'on.                          "What's wrong?" puna ni Mr. Diaz.                               "Yung cellphone ko nawawala."                              "Ha? Baka nariyan lang yan."                                      "Tsk, nawawala talaga. s**t! May mga importanteng file ako d'on." Medyo namula na si Demitry sa iritasyon.                           "Ibabalik na lang kita sa airport baka may nakakita doon" pagkasabi n'on ng lalaki ay bigla nitong kinabig ang manibela ng sasakyan pabalik sa kanilang direksiyon kanina. Si Demitry naman ay patuloy lang sa paghahanap. Halos lumuwa na ang kaniyang backpack pero walang cellphone na nagpakita.                            Ilang segundo ang lumipas ay ibinaba na siya ng dating superior at mabilis siyang nagpaalam dito. Patakbo siyang pumasok sa airport at kaagad na dumiretso sa customer service section. Kaagad siyang nagtanong doon kung may cellphone ban a idineklarang lost and found ngunit sinabihan siya ng staff na naroon na wala naman daw cellphone na idinulog sa kanila. Lihim na napamura ang binata at marahas na napahilamos ng mga kamay sa mukha.                            "Nasaan ba ang security system ninyo?" pigil ang irita na tanong niya.                         "Sir, hindi po kami nagbibigay ng mga impormasyon sa kung sino-" Naputol sa pagsasalita ang lalaki nang ibinalandra ng binata ang kaniyang ID. Natahimik ito at kaagad humingi ng dispensa. Pagkatapos n'on ay itinuro nito ang direksiyon ng kaniyang hinahanap. Malalaki at halos patakbo ng tumungo siya doon. Hindi iyon puwedeng mawala. May mga intelligence data siyang nakastored doon at higit sa lahat naroon din ang kaniyang "koleksiyon".                "Good morning! Pulis po ako." bungad na wika niya sa naturang silid sabay pakita sa kaniyang ID.             "ANo pong maipaglilingkod namin sayo?" anang isang matanda na sumalubong sa kaniya.                      "Kailangan ko pong makita ang CCTV footage ng arrival area ninyo. Nawala kasi ang cellphone ko at napakaraming importanteng files ang naroon. "                      "Naku po mahihirapan kayong ma-identify kung sino ang nakapulot noon dahil sa dami ng mga pasahero."                        "Huwag kayong mag-alala dahil bihasa ako diyan." kampante niyang wika.               "Okay sir. Dito tayo." Iginiya siya ng matanda sa isang silid doon na puno ng monitor.                  "Ito yung footage sa arrival area."                  "Okay, salamat." Pagkawika niya ay eksaktong lumapit sa kanila ang ICT personnel na naroon at tinulungan ang binata. Pinanood nila ang footage sa lumipas na tatlumpung minuto. Nakakunot at nakahalukipkip na nanonood si Demitry. Bawat galaw ng mga taong naroon ay mataman niyang inobserbahan hanggang sa mahagip ng kaniyang mata ang isang babaeng mabilis ang hakbang at palinga-linga sa paligid.                    "Stop there!" ani Demitry at yumukod ng konti. Ipinause naman ng lalaki ang video.                 "Kindly zoom it." dagdag ng binata. Eksaktong pagkazoom ng imahe na naroon ay awtomatiko niyang na-identify ang kaniyang cellphone na may maliit na led light sa dulo. Hindi iyon basta-basta napapansin. Hawak iyon ng isang babae na hanggang balikat ang haba ng buhok. Hindi masyadong malinaw ang mukha nito pero mataman niyang tinitigan ito para isaulo ang hugis at korte ng mukha. "Can you give me a copy of that image?" "Sure, sir! Sandali lang!"                        Tumango lang si Demitry at patuloy lang na nakatitig sa monitor. Matangkad ang babae at balingkinitan ang katawan. Nakasuot ito ng blue jacket at nakaskinny jeans lang. Ilang sandali ang lumipas ay bumalik na ang lalaki at ibinigay ang kaniyang hinihingi. Nagpasalamat siya dito at mabilis na nagpaalam. Ipapasuri niya ang larawang iyon sa kaniyang kapatid na si Voltaire. Sa bihasa nito sa computer ay mahahanapan nito ng solusyon na maging malinaw ang kuha ng larawan. Isa yon sa mga training ng kapatid niya na nasa Intelligence Squad din. Kapag malinaw na ang pagmumukha nito, sisiw na lang niya itong malocate at mapagsino gamit ang biosystem kung saan nakastore ang lahat ng basic information ng lahat ng tao sa mundo. Isa yon sa mga privilege ng isang nagtatrabaho sa Interpol.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD