Chapter 4

728 Words
Alas singko ng umaga nang magising ako dahil sa ingay sa ibaba ng bahay. Malakas ang tugtog na nagmumula sa speaker sa sala. And guess what the music is? Christmas Songs. Tagalog Christmas song. Naabutan ko si Tiya Violeta na may hinahalo sa kawali. Fried rice. "Good morning, Peter! Maupo ka na at malapit nang maluto itong sinangag." Kinuha nito ang malaking rice bowl at inilagay doon ang fried rice at ipinatong sa gitna ng lamesa. "Elmer! Kakain na! Elmer!" "Bakit po pamasko yung tugtog?" "Ah, wala naman. Nakagawian na namin na yan yung patugtugin tuwing umaga. Para masaya ang simula ng araw." Nakangiting wika ni Tiya. Naupo ako at tumusok ng hotdog. Nagsimula na din kumain si Tiya. "Pupunta kame mamaya ng Tiyo mo sa bayan. Makikipagkasal kame. Alam mo naman na maraming kakilala yang Tiyo mo dahil sa trabaho niya. Gusto mo bang sumama?" Tanong nito sa kanya habang ginugutay ang pritong tuyo. "Huwag na lang po. Maiinip lang ako dun. Maglilibot na lang po ako sa paligid mamaya." Kumuha ako ng sinangag at tuyo at nagsimulang kumain. Pumasok si Tiyo Elmer. "Aba ay malapit na palang mahinog yung isang langka natin malapit sa likod bahay. Sa isang linggo ay pwede na natin iyong pagpyestahan." Naupo ito at kumain na din. "Ikaw ba Peter ay mahilig sa langka?" Umiling ako. "Hindi po masyado. Bihira po kasi bumili ng ganyan si Mama. Tapos pag nakabili po siya, hindi masarap yung variety na nakukuha niya." "Naku, pag natikman mo ang langka namin magiging paborito mo na iyon. Hayaan mo, magtitira ako ng marami para sa iyo." Matapos kumain ay gumayak na ang mag-asawa. "Kahit hindi mo ilock yung pinto mamaya paglilibot mo. Walang namamasok ng bahay dito sa lugar natin." Bilin sa akin ni Tiya Violeta. Nakaangkas ito sa motor na ida-drive ni Tiyo Elmer. "Initin mo na lang yung ulam na nasa ref kapag nagugutom ka na. Gagabihin kami kaya huwag mo kaming alalahanin." "Sige po. Ingat po kayo." Pinaandar ni Tiyo ang motor at maya-maya ay humarurot na ito palayo sa bahay. Tiningnan ko ang cellphone ko. 6:30AM. Isinara ko ang pinto ng bahay at nagsimulang maglakad papunta sa aplaya. Nandito kaya yung babaeng yun? Natigilan ako. Teka, bakit ko ba siya hinahanap? Naglakad muli ako papunta sa aplaya. "Hoy, Superman!" Hinanap ko ang boses na tumawag sa akin. "Superman! Nandito ako!" Superman? Nakita ko siyang nakaupo sa katawan ng isang natumbang puno ng niyog. Kumaway pa ito sakin. Pinapalapit ako. "Ang tagal mo naman. Kanina pa ako dito eh." Reklamo nito, nakasimangot. "Eh bakit? Wala naman tayong usapan ah! At saka bakit Superman tawag mo sakin?" Hindi ako nito pinansin. Tumayo ito at hinubad ang suot na blouse. Muntik ko nang makagat ang dila ko sa ginawa niya. "A..a.. anong gi-ginagawa mo?" Nag-iinit ang pakiramdam ko. Hindi ko matanggal ang titig ko sa kanya. Nahubad na din niya ang suot niyang jogging pants. Ang suot na lang niya ngayon ay isang itim na cycling at isang puting women's work-out sando. Napalunok ako. Ramdam ko ang pagtulo ng pawis sa noo ko. Nakapamewang syang humarap sakin. "Anong pang hinihintay mo? Paghubad na! Tanggalin mo na yang shorts at sando mo!" Utos nito sakin. Lalo akong napalunok. Hindi ko akalain na masyadong mabilis ang babaeng ito. Kakakilala pa lang namin kahapon eh type agad ako. At dito pa nya gusto sa tabing dagat. Napangiti ako ng konti. Nice. Wild. "Bakit dito? Wa-wala n-naman tao sa bahay namin ngayon.. pwede tayo dun." Nauutal ako habang hinuhubad ang sando ko. "Ha?" Halata sa mukha nya ang pagtataka. "Bakit sa inyo?" Napahinto ako sa pagtatanggal ko ng shorts. "Ha? Ah eh..." Nanlaki ang mata niya at bigla siyang humagalpak ng tawa. "Kayo talagang mga Manila Boy! Feeling mo type kita? Gwapo ka nga pero hindi ako easy to get no! FYI, I'm not like that! Dalagang Pilipina ako!" Tumawa pa itong muli. "Eh... bakit ka naghubad? Bakit mo ako pinaghubad?" Nahihiyang tanong ko. Supalpal. "Eh para ano pa? Eh di magsu-swimming tayo! Ano pa sa tingin mo?!" Tumawa na naman siya. "Ah... kala ko kasi-" "Mukha mo!" Bigla nya akong itinulak kaya natumba ako sa buhanginan at tulad kahapon, mabilis siyang tumakbo at nagtimpisaw sa malinaw na tubig dagat, ume-echo ang halakhak niya sa dalampasigan. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD