Chapter 3

578 Words
"Bago ka dito?" Naglakad ang diwata palapit sakin. Hindi maikakaila na maganda ito kahit simple lang ang pananamit. Jeans and blouse. Havaianas naman ang sapin sa paa. Makinis ito at nadadala ng hangin ang lampas-balikat na buhok nito. "Oo." "Saan ka nakatira?" Humakbang ako paatras, palayo sa kanya. "Pasensya ka na Miss. Hindi ako nakikipag-usap sa hindi ko kakilala." Humakbang ako. "Ako si Kim." Napangiti ako. May sense of humor. Humarap ako sa kanya. "Ako naman si Peter." Humakbang siya palapit sa akin. Nang makalapit siya sakin ay pinagmasdan niya ako habang naglalakad paikot sa akin. Feeling ko tuloy ay isa akong specimen sa ilalim ng microscope. "Taga-Maynila ka ano? Makinis at maputi ka kasi eh. Hindi tulad ng ibang mga binata dito na kulay kapeng barako." Namewang sya sa harap ko. "Oo." Sagot ko. "Ang tipid mo namang sumagot! Ganyan ba kayo sa Maynila?" "Hindi naman. Ngayon pa lang kasi tayo nagkakilala." Paliwanag ko. Feeling close tong babae na to. "Hmm... Pwes ngayon magkakilala na tayo kaya dagdagan mo na yung mga sagot mo. Sa palagay ko kasi eh palagi tayong magkikita dito. Doon lang kasi ako nakatira." Turo niya. "Ikaw saan ka ba nakatira?" "Ah, diyan lang sa tapat." "Sa bahay nina Aling Violeta?" "Oo. Pamangkin nila ako." "Ah ganoon ba? Madalas nga tayong magkikita dito. Halika dun!" Nagulat ako ng bigla niya akong hawakan sa kamay at hilahin papunta sa isang bahagi ng tabing-dagat kung saan madaming matataas na bato. "Teka! Saan mo ako dadalhin?" Bigla akong tumigil sa pagtakbo. Binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Humarap siya sa akin. "Ang OA mo! Dun lang naman tayo sa itaas nung mga bato!" "Ayoko nga! Baka mamaya itulak mo ako, mamatay pa ako! Kakakilala ko pa lang sayo eh." "Patay agad? Hindi pwedeng imbalido o lumpo ka muna? Kayo talagang mga taga-Maynila, OA talaga kahit kelan. Wag ka na kasing mag-inarte, halika!" Muli niya akong hinawakan sa kamay at hinila patakbo sa batuhan. "Bilis! Umakyat ka! Baka lumubog na!" Nagmamadali siyang umakyat sa naglalakihang bato. Napansin ko na wala siyang pakialam sa matatalas na bato, sige lang siya sa pag-akyat dun. "Dali!" Pinanuod ko lang siya sa pag-akyat nya. "Ano pang hinihintay mo dyan? Bilisan mo! Lulubog na!" Sigaw niya mula sa itaas. Nakapamewang na naman sya. Wala akong nagawa kundi ang umakyat. "Bilis! Bilis!" "Wait lang! Ang talas kaya ng mga bato." Pinagpag ko ang kamay ko nang makaakyat ako. "Ano ba kasi yung lulubog na?" Namewang din ako. Hinawakan niya ako sa baba at ipinihit paharap sa dagat. Napa-nganga ako. Akala ko sa movies lang ako makakakita ng ganito kagandang sunset. Ang araw ay halos lulubog na sa horizon. Ang kulay nito ay nag-aagaw na kulay orange, yellow, red at pink. Napahinga ako ng malalim. Napakaganda. It literally took my breath away. "Nice." Wala sa sariling sabi ko. "Sabi ko sayo eh." Humarap ako sa kanya pero bigla siyang tumalon mula sa itaas pababa sa mga pinong buhangin. Whoa! May pagka-tomboy pa yata itong magandang babae na ito. "Teka, saan ka pupunta? Paano ako bababa dito?" "Uuwi na ako. Tumalon ka na lang din katulad ng ginawa ko. Sige na, bukas ulet. Pumupunta ako dito ng six ng umaga. See you!" Bigla itong kumaripas ng takbo at nawala sa paningin ko habang naiwan ako sa ibabaw ng malaki at matalas na bato, with matching terrific sunset bilang background. That was fast.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD