Matuling lumipas ang dalawang linggo at tuluyan ng nagamay ni isay ang bago niyang trabaho. Mabilis siyang natutu sa pag susuggest ng mga style at pag promote ng mga new fashion. Dahil na din sa taglay na niyang kagandahan at malumanay na pagsasalita ay maraming costumer ang nainganyong bumili ng damit sa kanya.
"Wow! isay, humahataw ka sa benta hah! Congrats!" puri ni Hazel. Kasalukuyan itong nasa counter at tinitignan ang record ng mga sales.
"Sus! Ano ka bah? Eh Ikaw naman ang nag-trained sa akin! Papanong di ako gagaling. " aniya habang inaayos ang mga display na damit.
Maya maya,y nilapitan ni Roy si isay. Pilyo ang ngiti nito sa mukha na halatang gustong magpa-impress sa dalaga.
" isay! Baka gusto mong mamasyal tayo mamaya? Pag- out natin, pay-day ngayon," yaya ni Roy.
" Naku! Malamang may gagawin siya mamaya," sabat ni Hazel.
" Wow naman! ikaw na pala isay ngayon! Samantalang siya ang tinatanong ko!"
" Eh bat kasi siya lang ang niyaya mo? Eh pwede naman tayong tatlo ang mamasyal! di ba?" mungkahi ni Hazel.
" Pwede din naman. Kaso ikaw nga lang ang sasagot ng pamasahe at pagkain mo."
"Abay tig_"
"Tama na yan," awat ni isay sa dalawa. "Roy! itabi mo na lang yang pera mo. Salamat sa pag aaya, pero mas mainam na ilaan mo ang sahod mo sa kapatid at nanay mo. "
Saglit na binitiwan ni isay ang damit na hawak at nagtungo sa stockroom para ayusin ang mga new arrival na damit. Kailangan niya itong mai-highlights sa mga costumer para mabili kaagad. Samantalang dumila dila muna si Hazel kay Roy na parang ng aasar bago ito lumabas ng counter.
**************
Matuling lumipas ang buong araw at sa dami ng trabaho at costumer ni isay sa boutique ay hindi niya namalayan na gabi na at ilang segundo na lang ay uwian na.
Walang siyang kapaguran sa pagtatrabaho. Masusi niyang tinutupi ang mga damit gaya ng polo, pantalon, at T-shirt bago niya ito ibalik sa mga shelves. Habang abala siya sa ginagawa ay nilapitan siya ni Hazel.
" Hindi ko akalain na katrabaho ko pala si wonder woman! Abay gabi na at uwian na. May bukas pa naman."sabi nito sa kanya.
" Sandali na lang ito."
"Tara na! Bukas na yan, tutulungan kita. " turan ni Hazel sabay hawak sa kamay niya.
Hinila na ni Hazel ang kamay niya para magtungo sa stockroom kung saan ay doon naka puwesto ang bundy clock. Dito nag time in at time out ang lahat ng impleyado kabilang na si Mam Emma.
Matapos makapag pag -time out sina Roy, Hazel at isay ay nagpaalam na sila kay Ma'am Emma. Bilang store manager ng boutique ay ito ang huling huli umuuwi dahil ito ang nag aayos ng sale's report.
*************************
Kasalukuyang nakatayo si isay sa isang waiting shed at nag aabang ng jeep na biyaheng blumentrit. Inalok ni Roy na ihahatid siya sa bahay niya ngunit natatawa niyang tinaggihan ito.
Nauna ng sumakay ng jeep sina Roy at Hazel. Rush hour kaya pahirapan makakuha ng jeep na masasakyan. Kaya nag desisyon si siya na maglakad sa isang kalye na kung saan ay madali siyang makakasakay.
Habang naglalakad si isay ay bigla siyang nakasalubong ng dalawang lalaki. Ang isa ay mataba at ang isa naman ay payat na matangkad. Pasuray suray ang lakad ng mga ito na halatang mga lasing. Nang mahagip siya ng mga mata ng mga ito ay biglang nagkaroon ng matinding pagnanasa ang mga ito sa kanya.
Hindi ito pinanasin ni isay at nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Ngunit bigla siyang nakadama ng takot ng maramdaman niya mula sa kanyang likuran na sinusundan siya ng dalawang lalaki.
"Hik... pre.... ka...hik... ganda naman ng ng babaeng yan. " sabi ng matabang lalaki.
"Hik... anghel yata yan.... hik...na.....bumaba sa lupa. " wika naman ng payat na lalaki.
Biglang naalarma si isay sa narinig sa dalawa. Agarang bumilis ang kaba sa kanyang dib dib. Hindi na niya hinayaan na makalapit pa ang mga ito sa kanya at kumaripas na siya ng takbo. Lalo niya pang binilisan ang pagtakbo ng paglingon niya ay hinahabol na din siya ng dalawang lalaki.
Sa kaka takbo at sobrang taranta ni niya ay hindi niya namalayan ang isang lalaking naglalakad malapit sa kanya. Kaya sa hindi inaasahan ay aksidente siyang bumonggo sa mala pader nitong dib dib. Laking gulat niya dahil ng tumingala siya ay tumambad sa kanya ang isang pamilyar na mukha.
"Mr Saavedra! "
" isay! Bakit ka tumatakbo?"
Hindi siya nakapagsalita dahil sa pagkabigla. Bigla na lang nanlambot ang tuhod niya na naging dahilan ng muntik na niyang pagkabagsak sa kalsada. Buti na lang ay nahawakan siya ng lalaki sa magkabilang braso niya. Awtomatikong siyang nakaramdam ng init sa katawan ng mapahiga siya sa matigas itong dib dib. Samantalang biglang napatigil sa pagtakbo ang dalawang lalaki ng makita ng mga ito na may kasama na siyang lalaki.
Saglit siyang binitiwan ni Mr Saavedra. Pagkatapos ay lumapit ito sa dalawang lalaki. Mabilis ang mga sumunod na pangyayari ng biglang sinuntok nito ang matabang lalaki sa panga na ikinabulagta nito sa kalsada. Bigla namang kumuha ang payat na lalaki ng bote at saka ito binasag at umakmang mananaksak.
Ngunit alisto si Mr Saavedra dahil bigla niyang sinipa sa maselang bahagi ng katawan ang payat na lalaki. Napahiga ito sa kalsada na namimilipt sa sakit. Dahil sa sobrang kalasingan at bog bog na natamo ng dalawang lalaki ay nahirapan na ang mga itong muling makabangon.
Di pa din makapagsalita si isay. Tulala pa din siya dahil sa mga nangyari. Binalikan siya ni Mr Saavedra na tila ba walang nangyari.
" Hey! Are you okay?" tanong ni Mr Saavedra habang nakahawak ito sa magkabilang braso niya.
" O-opo sir!"
" Let's go! Ihahatid na kita sa inyo. "
"Naku Sir! Nakak_"
"I'm your boss! Sumunod ka na lang! Okay." Hindi na hinayaan ni Mr Saavedra na mag dahilan siya. Malumanay nitong hinawakan siya kamay at saka sila pumunta sa parking lot kung saan naka-park ang kotse nito.
********************************
Wala pa ding imik si isay habang lulan ng mamahaling sasakyan ni Mr Saavedra. Panay ang sulyap niya sa lalaki. Pakiramdam niya'y isa siyang prinsesa na iniligtas ng kanyang Prince charming sa masasamang loob. Hindi siya makapiwala na katabi niya ang amo at ito pa mismo ang maghahatid sa kanya pauwi.
Maya maya'y napuna nito ang pananahimik ng dalaga.
"Pwedeng magsalita isay!" nakangting wika ni Mr Saavedra habang nagmamaneho.
" Sir! Salamat po sa pagligtas niyo sa akin."
" Wala yon! Arnold na lang ang itawag mo sa akin. Wala naman tayo sa trabaho eh! "
" Nakakahiya naman sSr."
" Isa pang Sir mo sususpendihin kita! "
"Naku! Huwag naman Sir.....ay Arnold pala! "
" Joke lang! "
Hindi siya mapakali upuan. Ayaw man niya aminin pero kinikilig siya sa kanyang boss. Lalo na pag ngumingiti ito. Para itong model ng isang tooothpase commercial dahil sa sobrang puti at pantay pantay na ngipin nito at idagdag pa ang malalim na biloy nito sa pisngi.
Hindi na gaanong matraffic sa daang binabagtas nila papunta sa bahay niya. Pero humihiling siya na sana'y magkaroon ng traffic para mas makasama pa niya ng matagal ang guwapong amo.
"Arnold! Ano nga palang ginagawa mo sa lugar na yun?" tanong ni isay.
" Pauwi na sana ako ng bigla akong makaramdam ng gutom. Papasok na sana ako ng convience store para bumili ng food. Tapos ayon! Nagulat ako dahil bigla kang bumunggo sa akin. "
Biglang niyang inistima ang lalaki. Simple lang pala manamit ito pag wala na ito sa trabaho. Blue skinny jeans at black polo shirt ang sout nito. Hapit na hapit sa katawan nito ang sout na damit. Kitang kita niya ang matipunong dib dib at nagpuputukang braso ng lalaki. Para itong model sa isang physics men's magazine. Ibang iba ang itsura nito pag nasa loob ng opisina na masyadong pormal ang ayos.
"Salamat ulit! "
"kailangan talagang ulit ulitin? I said. it's okay." anito sabay sulyap sa kanya.
Lumipas ang kalahating oras at narating na din nila ang bahay niya. Nag alok ng kape ang dalaga na agad namang pinaunlakan ng binata.
Habang nasa kusina si isay at nagtitimpla ng kape ay naiwan naman sa sala si Arnold na nakaupo sa sofa at pinagmamasdan ang mga larawan na nakasabit sa ding ding.
Maya maya'y lumabas na siya mula sa kusina na bitbit ang isang tray na may dalawang tasa ng kape sa ibabaw. Ibinababa muna ng dalaga ang tray sa center table bago umupo.
"Mag isa ka lang dito? " tanong ni Arnold sabay dampot ng isang tasa ng kape.
"Kakamatay lang ni inay noong nakaraaang buwan. Si itay naman ay namatay noong dalawang taon pa lang ako." sagot ni isay.
"I'm sorry! "
"Okay lang! Sa katunayan bago namatay si inay sinabi niya sa akin na mayroon daw akong kapatid at kambal pa kame. Umaasa nga ako na balang araw ay magkikita kame! "
"Ahh... Okay, i think na kapalaran na ang gagawa ng paraan para magkita kayo. "
Hindi niya maipaliwanag ang saya na nararamdaman habang kausap ang lalaki. Tila bibigay ang puso niya dito dahil sa sobrang masculinity nito magsalita at kumilos.
Lumipas pa ang kalahating oras at nagpaalam na si Arnold kay isay para umuwi. Inihatid nito sa may gate ng bahay ang lalaki. Pagkaalis ng binata ay abot tainga pa din ang ngiti sa mukha niya habang pabalik sa loob ng bahay
**********************
Hindi pa din makatulog si isay dahil sa sobrang saya. Hindi pa din nagsi-sink inn sa utak niya ang mga nangyari. Kahit ilang segundo na siyang nakahiga ay naaaninag pa din niya ang mukha ni Arnold sa kanyang isip. Paikot ikot lang siya sa kama ngunit ayaw talaga siyang dalawin ng antok. Kaya naisipan niyang makipag video call muna kay Ella para ikuwento dito ang magandang nanyari sa kanya.
" Tanong ko lang girl? May bagong gayuma ka bang natuklasan? Pahingi naman ako." biro ni Ella.
"Baliw! Ano ka bah?" Hindi niya mapigilan ang di matawa sa itsura ng kaibigan. May mud-pack ito sa mukha na may naka rollers pa sa buhok. "
" Girl! If ever na manligaw sa'yo si Mr Saavedra! Huwag mo ng patagalin, oo na kaagad," payo ni Ella.
"Malabo pa sa ilog pasig mangyari yo'n!, Sa tipo ni Arnold tiyak na maraming babaeng nakapaligid do'n," ani isay.
"Malay mo naman, di'ba? Ikaw pala ang naka tadhana sa guwapong si Mr Arnold Saavedra."
"Naku! basta ako ayokong umasa. Dahil sa mga fairytale lang nangyayari ang mga ganyang love story."
" Eh di kung ayaw mo di huwag! matakot ka! Nandito ako, kilala mo ako isay! " babala ni Ella sabay kindat.
"Wow naman! Eh di ikaw na! " natawa na lang siya sa mga banat ng kaibigan.
"Goodnight girl!" paaalam ni Ella.
"Oh siya, tulog na tayo beshie. " Ini-off na ni isay ang phone at nakangting humiga. Ilang segundo lang ng makaramdam na siya ng antok at tuluyan na din siyang nakatulog ng mahimbing.
**************************
Kinaumagahan ay mabilis ang mga hakbang ni isay papunta sa gate ng kanyang bahay. Papasok na siya sa trabaho at ayaw niyang ma late. Ngunit bigla siyang nagtaka ng buksan niya ang gate. Dahil nakita niyang nakaparada sa harap mismo ng bahay niya ang sasakyan ni Arnold.
Napakunot siya ng noo kasabay ng pagtataka. Dahan dahan siyang humakbang papalapit sa sasakyan. Biglang gumuhit ang ngiti sa mukha niya ng bumaba ang salamin ng sasakyan at makita ang mukha ng binata. Naka shades ito na lalong naka dagdag sa s*x appeal nito.
"Mr Saavedra!"
"Oh! ayan ka na naman eh! Arnold lang."
"Sorry! Pero anong ginagawa mo dito?"
"Papasok na ako ng trabaho. Naisip ko na iisa lang naman ang daan natin papuntang trabaho. Kaya naisip ko na isabay kana. "
"P-pero_"
Di na nakapagsalita si isay ng lumabas mula sa sasakyan si Arnold at binuksan ang isang pintuan ng driver seat.
"Pasok na!" nakangiting utos ni Arnold.
Walang siyang imik na pumasok sa kotse. Sumunod si Arnold at saka pinaandar ang sasakyan.
"Wala ka bang personal driver." tanong niya sa lalaki.
"Humingi ng bakasyon si kuya Dante yung driver ko. May emergency daw sa province nila. Kaya no choice ako." sagot ni Arnold.
"Ahh... Okay!"
"Siya nga pala! Mamayang pag out sa trabaho mo ay susuunduin kita. Mahirap na baka may mambastos na naman sa'yo. "
"Eh! Arnold di naman na kailangan_"
"Please!"
Napangiti na lang si isay. Hindi man niya aminin pero masaya siya sa nangyayari. Sino ba naman kasi ang mag aakalang ang isang simpleng babaeng kagaya niya ay bibigyan ng oras at panahon ng isang Arnold Saavedra. Isang lalaking matikas, guwapo at higit sa lahat edukado.
Naging regular ang paghahatid-sundo ni Arnold sa kanya sa trabaho. Habang tumatagal ay hindi na mapigilan ang ma in love sa binata. Pero pinipigilan niya ang sarili dahil hindi niya pa lubusang kilala si Arnold. Ayaw niyang bigyan ng kulay ang mga ginagawa nito sa kanya. Ayaw niyang umasa at mahirap masaktan.
Gusto niya din malaman kung anong klaseng pamilya meron ito at pati na din ang balitang nasagap niya kay Hazel tungkol sa dati nitong asawang namatay ay kailangan niya ding malaman.
*********************
Wow ang haba ng buhok ni isay.... Sana all...
Don't forget to comment and vote......