The serenade...

2336 Words
Masayang binabagtas nina isay at Hazel at ng ilang empleyado ng Zaragosa shopping mall ang daan patungong employees exit. Sinuri ng isang on duty security guard ang bag ng dalawa bago sila tuluyang lumabas at naglakad patungong waiting sheed upang mag abang ng jeep na masasakyan pauwi. Gaya ng dati ay nauna ng sumakay si Hazel ng jeep habang naiwan naman si isay sa waiting sheed upang mag abang ng jeep pa blumentrit. Mga ilang segundo pa lang siyang nakatayo ng pumarada sa harap niya ang sasakyan ni Arnold. Pagkalabas nito sa sasakyan ay lumapit ito kaagad sa kanya. "Tara na! Ihahatid na kita! "alok ni Arnold. "Arnold di mo naman na kailangan gawin toh. Kaya ko naman ang sarili ko," aniya na tila nahihiya. " Pagbigyan mo na ako! Gusto ko tong gawin. Isa pa baka mapahamak ka na naman. Mahirap na! " Napakibit balikat na lang si isay. Wala na siyang nagawa pa kundi sumakay sa loob ng sasakyan. May ilang minuto ding namayani ang katahimikan habang nasa biyahe silang dalawa ng maya maya'y nag salita si Arnold. " isay! May gagawin ka ba bukas ng gabi? " " Day off ko bukas eh! Baka maglaba at maglinis lang ako ng bahay. " " Puwede ba tayong mag dinner bukas?" yaya ni Arnold. " Naku! Nakakahiya naman!" "Please! Gusto ko lang na mas makilala ka." "Ahh...Okay! Sige. Mga anong oras ba? " Seven pm kita susunduin sa bahay mo," wika ni Arnold sabay kindat sa kanya. Hindi niya mapigilan ang sarili na hindi matawa at kiligin sa ginawa ng lalaki.Napaisip siya bigla na baka ito na ang sign na inaantay niya para dito. ************************* Kasalukuyang nasa sala si Ella at nakaupo sa sofa a inaabangan ang paglabas ng kaibigan sa kuwarto. Excited na siyang makita si isay sa sout nitong damit na nabili nila sa ukay-ukay. Siya mismo ang namili ng damit at nag make up sa kaibigan para mas lalong lumutang ang angking kagandahan nito. Maya maya'y bumukas ang pinto ng silid at iniluwa nito ang kaibigan niya.. "Wow! Kaganda mo girl!" manghang wika ni Ella. Bahagyang napangiti si isay sa sinabi ng kaibigan. Nagmistulan siyang buhay na manika dahil sa sout niyang damit na kulay fuccia na hanggang tuhod na tinernuhan ng sapatos na high hills nag bigay tangkad sa kanya. Bumagay din sa damit niya ang make up at ayos ng buhok na mismong si Ella ang nag ayos. "Okay ba itsura ko?" tanong ni isay. "Panalo! Pasok ka sa banga girl!" Tumayo si Ella at lumapit sa kaibigan. " I'm so happy for you. Finally. Nahanap mo na ang magiging jowa mo! " "Anong jowa? Eh kakain lang kame noh!" "Sus! isay, ito na yo'n. Baka si Arnold na talaga ang forever mo!" "Basta! Hanggat di siya umaamin ng feeling niya sa akin. Ayokong umasa, mahirap na," " Ewan ko sa'yo! Bahala ka, basta ako malakas ang kutob ko na gusto ka din ni Arnold," Walang ano ano'y nakarinig sila ng busina ng sasakyan mula sa labas ng bahay. Sinipat ni isay ang orasan alas syete na ng gabi. Ito ang oras na susunduin siya ni Arnold at posibleng ito ang bumusina sa labas. Excited silang lumabas ng bahay ni Ella at paglabas nila ay namilog ang mga mata nila ng makita nila ang binata na nakatayo sa tapat ng kotse nito. Sobrang lakas ng masculinity nito sa sout nitong black fitted long sleeve at fitted black jeans. Kitang kita umano ang matikas na pangangatawan nito. "Hai!" bati ni Ella na hindi maitago ang kilig. Biglang namang umurong ang dila ni isay at hindi makapagsalita na tila biglang napako ang mga mata niya kay Arnold. Pakiwari niya'y kaharap niya ang reincarnation ni Adonis. "Uyyyy.....Okay ka lang ba?" Inakbayan ni Ella si isay. "Ahh.... Oo... Naman!" "Tara na! " Nilapitan na ni Arnold si isay at inalalayan na maka sakay sa kotse. Masayang kumaway si Ella sa kaibigan.Samanatalang binuhay na ni Arnold ang makina ng sasakyan bago tuluyang nito pinaandar. ....................................... Sa isang high class korean fine dining restaurant sa BGC Taguig dinala ni Arnold si isay. Namangha ang dalaga sa ganda ng restaurant. Ang gaganda ng mga mesa at upuan. idagdag na din ang makukulay at malalaking painting na may korean tradition ang nakasabit sa mga pader ng restaurant. Nakadagdag din sa ambiance ang music back ground na sobrang nakaka-relax. Maya maya ay may isang nakangting waiter ang sumalubong kina Arnold at Isai. "Good evening Mr Saavedra! Naka ready na po yung table na pina-reserved n'yo for two! " saad ng waiter. " Thank you! " Binagtas ng waiter ang daan papunta sa table reservation na sinundan naman nina Arnold at isay. Nang makaupo sila ay marahang dinampot ng babe ang menu book at ganoo"n na lang ang gulat nito ng makita ang presyo ng mga pagkain. "Lasang ginto ba ang mga pagkain dito? Ba't mahal ang naman ng presyo ng mga pagkain dito." Bahagyang natawa si Arnold sa itsura ni isay habang iniisa isa nitong buklatin ang pahina ng menu book. Tinakpan pa niya ang kanyang bibig upang mapigilan ang pagtawa. "Huwag mo na kasing tignan yung price. Umorder ka nalang ng gusto mo," natatawang sabi ng lalaki. "Alam mo ba? Ngayon lang ako nakapasok sa ganitong klase ng restaurant. Madalas kasi ay sa karendirya lang kame ni Ella kumakain," sabi ni isay sabay baba ng menu book sa mesa " Okay! Next time sa karendirya tayo kakain!" " Wow! Sige, sabi mo yan hah!" " Oo naman! Promise! But for now ako na ang mag-oorder ng food for us." Dalawang grilled beef steak ang ini- order ni Arnold at isang bote ng champagne. Buti na lang ay mahilig manood si isay YouTube. Kaya kahit papano'y natutu itong gumamit ng fork and knife para sa steak. Masayang pinagsaluhan ng dalawa ang masarap na hapunan. Puno ng kuwentuhan at tawanan ang kanilang dinner date. Nalaman ni isay na sulong anak lang si Arnold ng mag asawang Don Roman Saavedra at Almira Saavedra. Ulila na ito sa ina dahil namatay ang Mama Almira nito matapos nitong iluwal siya. Ang ama lang nito na si Roman ang nagpalaki dito. Maya maya ay naisipang niyang itanong ang isang bagay na matagal ng gumugulo sa kanyang isip. Sa tingin niya ay Ito na ang tamang pagkakataon para pag-usapan ang tungkol sa namatay nitong asawa. " Arnold! May gusto lang sana akong itanong sa' yo? Kung okay lang? " " Go ahead. " " May nabalitaan lang kasi ako.Tungkol sa dati mong asawa! Totoo bang_" " Pinatay siya." Putol ni Arnold sa sinasabi niya. Biglang naging seryoso ang boses nito at tumitig ng diretso sa mata niya. " Tatlong buwan na ang nakalipas ng kidnapin si Belinda ng mga taong halang ang kaluluwa.Dinala siya sa isang bakanteng lugar, humingi sila ng ransome money na willing naman akong ibigay. Ang kaso ng pumunta ako sa lugar kung saan ay ibibigay ko na sana ang perang napagkasunduan namin ay bigla akong nagulat sa nadatnan ko. Dahil nakita ko na lang ang asawa ko na wala ng buhay, duguan ang boung katawan at tad tad ng taga. " Biglang nilukob ng matinding takot ang buong pagkatao ni isay sa karumal dumal na sinapit ng asawa ni Arnold. Halo's di siya kumukurap at tigtig na titig sa mukha ng lalaki habang nakikinig sa kuwento nito. Kitang kita niya ang lungkot sa magandamg mata nito. "I'm sorry, " tugon ni isay. " Muntik na akong mabaliw ng mga oras na yo'n. Pero kailangan kung mag- move on isay. Maiksi lang ang buhay ng tao kaya dapat gawin na natin lahat ng pwedeng makapagpasaya sa atin. " Dinampot ni Arnold ang kopitang may lamang champagne at bahagyang uminom. "Ba't kailangan siyang patayin? Eh mag bibigay ka naman ng pera! " " Hindi ko din alam! Siguro'y hindi pera ang kailangan ng mga kidnappers. Mas gusto nilang mag dusa ako," tugon ni Arnold. " Salamat dahil nagtiwala ka sa akin na ikuwento ang tungkol kay Belinda. " "Salamat din isay dahil kahit papano'y gumaan ang kalooban ko ng makilala kita, " Biglang siyang natahimik sa sinabi ni Arnold. Napayuko siya bigla dahil para bang matutunaw siya sa mga titig nito. Malakas ang t***k ng puso niya. " W-wala yun! " nahihiyang turan niya. Mahigit isang oras pa silang nagkuwentuhan ng maya maya'y nag aya si Arnold na maglakad- lakad sa park ng Bgc Taguig. Mabilis siyang sumangayon sa gusto nito. Binayaran muna ni Arnold ang bill bago nila nilisan ang restaurant. .................................... Lunch break na ngunit sobrang dami pa din ng costumer na pumapasok sa boutique. Palibhasa'y araw ng sahod at nagkaroon pa ng mega sale ang magas. Dahil dito ay napag- desisyunan si Ma'am Emma na isa isa lang muna ang pwedeng kumain. Dahil busog pa si isay kaya na una na si Hazel. Pagkabalik ni Hazel ay isay naman ang kumain ng tanghalian. Magsisimula pa lang itong sumubo ng kanin ng bigla itong makarinig ng isang pamilyar na boses mula sa likuran nito. " Puwede bang makisabay kumain?" Laking gulat ni isay ng sa paglingon niya sa likuran ay nakita niya si Arnold na may bit-bit na isang tray na may pagkain. " Arnold! Anong ginawa mo dito? "takang tanong niya. "Nasa canteen ako di ba? Natural kakain!" nakangting tugon ni Arnold. "P-pero _" "Uupo muna ako okay." Umupo si Arnold sa isang upuan na kaharap siya. Biglang nakadama si isay ng pagkailang dahil agaran silang pinag piestahan ng mga mata ng mga impleyadong kumakain. Naka-corporate attire kasi si Arnold habang siya naman ay naka uniform lang. Saglit na napuna ni Arnold ang pananahimik ni Iisay. "Hey! whats up?" " Sorry! Nabigla lang ako," sambit niya " Saan ka nabigla? Dahil sa pagsabay ko ng pagkain sa'yo? Wala kasi akong kasabay kumain eh.Kaya naisip kung sumabay na lang sa'yo." Nagsimula ng galawin ni Arnold ang pagkain nito "Papano mo nalaman na break time ko at nasa canteen ako? Eh hindi ko nga masagot ang mga message at tawag mo sa dami ng costumer!" tanong ni isay. "Si Emma ang tinawagan ko, " sagot ni Arnold. "Hindi ba nakakahiya sa mga ka officemate mo? Hindi ba dapat sila ang kasabay mo kumain! " " Hindi naman! Eh mas gaganahan kasi ako kumain kung ikaw ang kasabay ko." Biglang napangiti si isay sa mga salitang binitawan ni Arnold. Gaya ng dati ay masayang pinagsaluhan ng dalawa ang simpleng pagkain nakahain sa mesa. *************** Lumipas ang ilang linggo at lalo pang nakilala ni isay si Arnold. Namang siya sa lalaki dahil sa sobrang pagka down to earth nito. Wala itong arte sa katawan kahit Ito'y mayaman. Kaya nitong maglakad sa kalye kahit pa tirik ang araw. Game din itong kumain ng lugaw at mga street food gaya ng kwek kwek, balot, at ihaw ihaw sa kalye. Ayaw man niya aminin pero habang tumatagal ay unti unti ng nagkakaroon ng puwang si Arnold sa puso niya. Lagi niya itong na mi-miss na tila ba naka guhit na ang mukha nito sa utak niya. Ang pihikan niyang puso ay nakatagpo na ng katapat. Hindi pa siya nagkaka nobyo simula ng siya'y mag dalaga. Dahil naging abala siya pagtatrabaho at pag aalaga sa inang sakitin. Kaya pag nagkataon ay first boyfriend niya ito. .................................. Isang ordinaryong araw sa boutique. Gaya ng dati ay busy sa trabaho sina isay, Hazel at Roy sa pag-aasis ng costumer. Pag sobrang dami na talaga ng costumer at hindi na kayang e- manage ng mga staff ay tumutulong na din si Ma'am Emma sa pag-aasis. Gaya ng pagkuha ng bagong stocks sa stockroom at pag-sugest ng bagong style ng damit at new arrival. Walang ano ano'y biglang pumailanlang ang isang sikat na awitin ni Tj Monterde. Ang " Imahinasyon." Ang title ng kanta. Malakas ang sound system na nagmumula sa labas ng boutique. Biglang napukaw ang atensiyon dito ang buong staff ni Ma'am Emma at ng mga costumer na nasa loob ng boutique. Kaya sabay sabay itong lumabas para tignan kung sino ang kumakanta. Biglang nanlaki ang mata ng lahat lalong lalo na si isay ng makita si Arnold na may hawak na microphone at kumakanta. "Akin ka sa aking imahinasyon Sana nama'y hindi lang hanggang doon Kailan kaya aking pagkakataon Sa panaganip ko'y mahal mo ako doon Ohhh.... Akin kana.. " "Ikaw kasi yung tipong minimithi Yung sabi nilang di ka magsisi Kaya't tanging hiling ko ay makatabi Ka't maging dahilan ng iyong mga ngiti. " Gustong gusto kita Ba't ba di mo makita Na iniibig ka puso salita't gawa Kailan pa man tayong dalawa." Akin sa aking imahinasyon Sana namay hindi lang hanggang doon. " Pagkatapos kumanta ni Arnold ay kinuha nito ang isang may kalakihang tarpulin na nakasulat ang salitang. " Isadora Baldez, would you be my girlfriend." Matamis ang ngiti ni Arnold na nakatanaw sa kinarorronan niya. Biglang nagtinginan ang lahat kay isay. Namula siya dahil sa hiya sa mga nakapaligid sa kanya. Humakbang si Arnold papunta sa direksiyon niya at ng makalapit ito sa kanya ay saka ito nagsalita. "Lagi kitang naiisip isay. Habang tumatagal ay lalo mo akong pinahihirapan. Hindi ako maka tulog kaka isip sa'yo! Pag gising ko sa umaga mukha mo agad ang nakikita ko! in love ako sa'yo eh, Sana bigyan mo ako ng chance." " isay! Sige na! umo'o kana dai. Huwag ka ng mag inarte diyan!" kinikilig na sabi ni Hazel. " Papano naman ako_" "Manahimik ka. " putol ni Ma'am Emma sa sasabihin ni Roy. Pagkatapos ay bumaling ito kay isay. " Sagutin mo na si Sir Arnold! Hayaan mong maging masaya ka naman. " Biglang siyang ngumiti kasabay ng pagkislap ng mata niya. " Mahal din kita." "Yess! " masayang sigaw ni Arnold sabay yakap sa kanya " I love you too, isay." Naghiyawan din ang lahat ng impleyado at mga namamasyal na costumer sa shopping mall na kinikilig. Ang iba ay inilabas ang cellphone at kinuhaan ng video ang nakakakilig na pagtatapat ng pag ibig ni Arnold... ********************** Puma-pag-ibig si isay...... Please leave your comment and vote...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD