Visper bar cafe. Isa itong high class bar disco na matatagpuan sa Bgc Taguig. Dito madalas magpunta si Arnold upang at mag relaxed kasama ang assistant at kaibigan niyang si Jeffrey. Sa isang vip area sila nakapuwesto habang umiinom scotch on the rock na alak. Masaya silang nagkukuwentuhan tungkol kay isay.
" Di' ko akalain na sa dinami dami ng mga edukada at magagandang babaeng nakilala mo ay isang simpleng babae lang pala ang magpapatino sa'yo," wika ni Jeffrey sabay dampot ng kopitang may alak at bahagyang uminom.
" kahit nga ako eh! Hindi makapaniwala na magugustuhan ko din siya! You know me? I like a beautiful and sexy woman. Anyway mabait at maganda din naman si isay." Inangat ni Arnold ang kopitang hawak at nakipagtose sa kaibigan.
"Talaga bang good boy kana bro? " pabirong tanong ni Jeffrey.
"Oo naman! mukang bang hindi?"
"Eh kilala kita! alam kung_"
"Di'ko kayang lokohin si isay !" Putol ni Arnold sa sasabihin ni Jeffrey. "Mahal ko siya at di na magbabago yo'n."
"Okay bro," nakangting tugon ni Jeffrey. "Masaya ako at natagpuan mo na ang love of your life mo."
…………………………………
Kakatapos lang maki pag video call ni isay kay Ella. Masaya niyang ikinuwento sa kaibigan ang nakakakilig na pag amin ng pag ibig ni Arnold sa kanya na saksi pa ang napakaraming tao sa mall kanina. Hindi pa din siya maka get over sa kilig. Abot tainga pa din ang ngiti niya ng mahiga sa kama sabay kuha ng isang unan at niyakap ito ng mahigpit.
Ilang minuto pa at tuluyan na siyang nakatulog. Nasa kalaliman siya ng tulog ng bigla siyang managinip.
Muling nakita ni isay ang sarili na nakatayo sa isang bakanteng silid na may kalakihan. Iginala niya ang mata sa buong kuwarto. Pamilyar sa kanya ang silid na kinasasadlakan niya ngayon. Muling gumapang ang matinding takot sa kanya pagkatao dahil sa nakita niyang mga talsik ng dugo na nasa sa puting pader ng silid.
Lalo siyang nangatog sa takot ng masilayang muli ang babaeng naliligo sa sarili nitong dugo. Gaya ng dati nitong itsura ay tadtad ito ng taga ang buong katawan. Ngunit ang lalo pang nagbigay takot sa kanya ay ng makita itong nakalutang sa kisame at nagluluwa ng dugo.
Napa upo si isay sa sahig. Nanlambot ang tuhod niya sa nakita. Tila ba sasabog ang puso niya sa takot
"I-ingat!" nanginginig na wika ng babae.
Napakunot ng noo si isay. Ano ang ibig iparating ng babaeng ito.
Sa hindi inaasahan ay biglang bumubukas ang pinto at iniluwa nito ang isang babaeng naka gown na hawig kay cinderella. Hawak nito ang duguang itak. Maya maya'y muamba nito ang itak na hawak saka tumakbo ito na tila isang mabangis na leon papunta sa direksiyon kung saan naroon siya.
"Aaaahhhhhhhhh! " malakas na sigaw ni isay
Biglang nagising si isay na habol habol ang paghinga. Dinig niya ang pagbundol ng kaba sa dib dib na tila tinatambol. Sinipat niya ang wall clock. Alas-dos pa lang ng madaling araw. Marahan siyang bumangon at nagtungo sa kusina upang uminom ng tubig. Matapos maka inom at mahimasmasan ay bumalik na siyang muli sa kanyang silid.
Saglit siyang umupo si sa kama. Napa isip siya bigla kung bakit muling naulit ang masamang panaginip niya at kung sino ba talaga ang babae sa kanyang panaginip.
Ano koneksiyon niya dito? Bakit siya sinabihan nito na mag ingat. Maganda ang mukha ng babae yun nga lang ay puno ng sugat ang mukha at boung katawan nito.
Muling nahiga si isay at pinilit na matulog. Ngunit kahit na anong gawin niya ay di na siya halos dalawin ng antok. Kaya bumangon na lang siya at hinintay na lang magbukang liwayway.
……………………………
Nangangalumata pa at mabigat ang pakiramdam ni isay ng pumasok sa trabaho. Nanlalambot pa ang buong katawan niya dahil sa kaunti lang ang naging tulog niya. Pagdating sa harap ng boutique ay nadatnan niyang nakataas na ang roll up. Kaya dumiretso na siya sa stockroom para mag time in. Ngunit ng malapit na siya sa pintuan ay bigla siyang natigilan ng marinig niyang nag uusap sina Hazel, Roy at Mam Emma.
"Buti di nga di siya nakahahalata," wika ni Hazel.
"Ako ginagalingan ko mag panggap para di tayo mabulelyaso kay boss." boses ni Roy.
"So far okay naman siya at di' nagdududa, " sabi ni Ma'am Emma.
Biglang kinutuban si isay. Sino ang taong pinag-uusapn nila. Hindi na siya nakatiis kaya pumasok na kaagad siya sa loob ng stockroom na tila ba walang pagdududa sa mukha. Biglang namilog ang mata ng tatlo ng makita siya. Halata sa mga ito ang pamumutla ng mukha.
" Naku! Sorry po Ma'am, " paumanhin niya.
" Ahh…..i-isay...K-kanina ka paba diyan?" nauutal na tanong ni Mam Emma.
"Kakarating ko lang po. Mukang seryoso ang _"
Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil mabilis siyang nilapitan ni Hazel at saka inakbayan.
"Naku girl! Wala yon. May k-drama lang kameng pinag-uusapan. Ang ganda kasi ng kuwento, di'ba?" tanong ni Hazel na nakatingin kina Roy at Ma'am Emma.
Tumango lang ang dalawa bilang pag-sangayon. Hindi sila makapagsalita na para bang umurong ang dila. Ilang mInuto pa ang lumipas at nag bukas na ang costumer entrance ng Zaragoza shopping
Gaya ng dati ay dinagsa ng maraming costumer ang Ragal boutique. Kaya hindi nila namalayan na tanghali na at oras na para manghalian. Nauna ng pinag-break ni Ma'am Emma si isay.
***************
Walang ganang kumain ng marami si isay kaya sky flakes at black coffe lang muna ang inorder niya. Nag personal message siya kay Arnold kung sasabay ba ito sa lunch. Pero ito humingi ng paumahin dahil kasalukuyan itong nasa business meeting kaya hindi muna siya masasabayan nito sa pagkain.
Habang humihigop ng kape ay hindi mawala sa utak ni isay ang pag uusap ng mga katrabaho niya kaninang umaga. Malakas ang kutob niya na may itinatago sa kanya ang mga ito. Kitang kita kasi niya kasi ang pamumutla sa mukha ng mga ito ng bigla siyang makita. Ngunit sa kabila ng lahat ay hindi siya nagpahalata ng kanyang pagdududa at nanatili lang siyang kalmado.
Nakadagdag pa sa iniisip niya ang nakakatakot na panaginip kagabi. Naguguluhan na siya dahil hindi niya alam ang nais ipahiwatig ng babae sa panaginip niya. Sumasakit ang ulo niya kakakisip. Kaya mas minabuti na lang muna niya ang mag relaxed.
………………………….......
Pagkatapos ng trabaho ni isay ay pinapunta niya si Ella sa kanyang bahay upang i-kuwento dito ang naulit na panaginip. Kasalukuyan silang nasa sala at kumakain ng sitsirya.
"Ano ba yan? Again and again! Naulit na naman! " bulalas ni Ella.
"Natatakot na ako Ella! Hindi ko nga kilala ang babaeng sa panaginip ko. Ewan ko ba? Ba't napanaginipan ko na naman siya? " wika ni isay sabay dakot ng sitsirya.
"Subukan mo ngang e drawing para makita ko kung ano itsura niya, "
"Hindi ako marunong mag drawing,"
"Sino kaya yang babaeng kinakatay sa panaginip mo? " nalilitong tanong ni Ella.
Nagkibit balikat na lang si isay. " Hindi ko talaga kilala girl. "
"Deadma! Kamusta nga pala trabaho mo? "
"Okay naman! Aayyyy… Alam mo ba Ella kanina narinig kung may pinag uusapan yung mga ka work ko."
"Tungkol saan naman?"
" Hindi ko alam eh! Pero parang silang nakakita mg multo ng makita nila ako kanina."
"Hay naku isay! Baka naman may pinag chichikahan lang yang mga ka-trabaho mo, huwag mo ng e-dag dag sa isipin mo yan dahil nakaka strees at nakaka panget pa." Dinampot ni Ella ang basong may lamang juice at saka uminon ng bahagya.
Napakibit balikat na lang si siya. Kahit naman na anong gawin niya ay wala siyang mahahanap na sagot sa mga nangyayari misteryo as buhay niya.
Pero isa lang ang sigurado niya na tanda niya ang mukha ng babae sa kanyang panaginip at kung sakaling makita niya ito sa kahit anong pagkakataon ay tiyak na makikilala niya ito.
*******************
Dalawang linggo pa ang lumipas at laking pasalamat ni isay dahil hindi na niya napapanaginipan ang babae. Naging normal ang tulog niya at mas lalo siyang naging aktibo sa trabaho. Habang tumatagal ay nagiging matibay din ang relasyon nila ni Arnold.
Pinahihinto na din siya ng nobyo sa pag tatrabaho at nag alok ito ng suportang financial. Pero dahil may prinsipyo siya ay tumanggi kaagad siya dahil ayaw niyang maging pabigat sa nobyo.
.................................
Isang boung araw muli ang lumipas at natapos na naman ang trabaho ni isay sa boutique. Gaya ng dati ay pagod at nakakaramdam na siya ng gutom. Kaya kumain muna sila ni Arnold sa isang restaurant. Matapos makakain ay nagyaya na siyang umuwi. Ngunit laking pagtataka niya dahil imbles na daan papuntang bahay niya ay sa ibang direksiyon niliko ng nobyo ang sasakyan.
" Arnold! Saan tayo pupunta?" tanong ni isay.
" Sa condo ko! May kukunin lang akong ilang mga papeles. Tapos uuwi na din tayo."
Biglang siyang tumahimik kasabay ng kaba sa kanyang dib dib. Ngayon pa lang siya makakapunta sa condo ng nobyo. Mahal niya si Arnold pero hindi pa siya handang isuko dito ang kanyang p********e na kay tagal niyang iningatan.
Mas gusto niyang ibigay ang sarili sa nobyo pag sila'y ikinasal na. Napuna agad ni Arnold ang pananahimik niya.
"Relaxed! Alam ko kung ano nasa isip mo. Don't worry di ako ganung klaseng lalaki. Okay! " nakangiting wika ni Arnold.
Biglang nakahinga ng maluwag si isay na tila nabunutan siya ng tinik sa dib dib. Binalingan niya ng sulyap ang nobyo labis siyang namangha siya dito dahil hindi lang ito basta guwapo. Maginoo din ito pala ito.
....................................
Sta maribell botanical garden. Isa ito sa pinaka high inn na condominuim na matatagpuan sa Bgc Taguig. Kadalasan ay mga mayayamang pulitiko at artista ang nagmamayari ng mga unit dito at isa na nga dito ang unit ni Arnold.
Nagtungo sila sa elevator at saka pinindot ni Arnold ang sixteen floor. Pagpasok nila sa unit ay biglang nanlaki ang mata ni isay sa nakita. Malaki at napakaganda ng sala. Sobrang iligante na tila ba may pagka-russian style ang dating. Vinyl ang sahig na may carpet na puti. Puti din ang kulay ng mga pader na may mga mamahaling painting na nakasabit. Mamahaling nara ang mga sofa na may malambot na foam pillow.
Sa kanan ang kuwarto ni Arnold at sa kaliwa naman ang kusina. Sa harap ng sofa ay may malaking flat screen tv at sa gilid nito ay may mini library. Pedestal na salamin ang nag sisilbing center table. Mayroon ding mini-bar at nakalagay dito ang lahat ng mamahaling alak na nabili pa ni Arnold sa ibang bansa.
"Ang ganda pala ng condo mo! Marami ka sigurong babaeng dinala dito?"
" Marami na! Pero ngayong girlfriend na kita, ikaw na lang ang dadalhin ko dito at wala ng iba." Pinaupo muna siya ni Arnold sa sofa. Inalok siya nito ng maiinom pero tumanggi siya.
Saglit siyang tumayo at nagpunta sa direksiyon ng balcony upang magpa hangin. Pagkatapos ay binuksan niya ang bintana at agad siyang sinalubong ng malamig at masarap na simoy ng hangin. Tinanaw niya ang maunlad na bayan ng Taguig.
Maya maya'y bumalik na siya sa sala. Akmang uupo na sana siya ulit ng walang ano ano'y nahagip ng gilid ng mata niya ang portrait painting at mga picture na nakasabit sa pader.
Hindi niya malaman ang dahilan pero tila ba may puwersang nag uudyok sa kanya na pagmasdan ang mga ito kung saan ay sa portrait painting at mga picture ay may isang magandang babaeng taglay ang maamong mukha at magandang mata. Matangos ang ilong at may maliit na mapulang labi. Mahaba ang buhok nito na kulay blonde.
Tila pamilyar sa kanya ang mukha nito. Hindi niya lang matandaan king saan niya ito nakita.
Biglang nanlaki ang mata ni isay sabay takip ng kanyang bibig ng maalala niya kung saan niya nakita ang babae. Nanlambot ang tuhod niya at nawalan ng balanse dahilan para mapa upo siya sa sahig.
Dahil ang taong nasa painting at mga picture ay ang babaeng pinapatay sa kanyang panaginip........
***********************
Grabee ang natuklasan ni isay.
Don't forget to vote and leave a comment.....