Biglang namilog ang mga mata niya dahil isang adaption paper pala ang natuklasan. Nakasaad dito ang araw ng kapanganakan niya at ng kanyang kapatid. Nakasaad din sa dokumento na pumapayag ipa ampon ni Nanay Karina ang isa sa mga kambal niya kay Adora Mendez kapalit ang dalawang daang libong piso at fully paid hospital bill. Dahil dito ay Nagkaroon ng kaunting pag asa si isay na muling makita ang nawawalang kapatid. Mabilis na niligpit ng dalaga ang ibang gamit ng ina. Pero ang adaption paper ay isinuksok niya sa kanyang bulsa.
...........................................
Kinagabihan ay pinasyalan siya ni Ella sa bahay niya upang basahin ang adaption paper. Kasalukuyan silang nasa sala at nagkukuwentuhan habang may juice at stitsirya na nakalagay sa center table.
" Girl! Nag check ako ng mga pangalan sa f*******: at sa dami ng Adora Mendez do'n ay papano natin malalaman kung sino doon ang umampon sa kakambal mo?" tanong ni Ella.
" Pwede naman nating isa isahin ang mga pangalan di ba? Walang namang mawawala kung susubukan natin."
" Yung katinuan ko ang mawawala, pag ginawa natin yo'n!
" Grabee siya o! "
" isay! Hindi sa ayaw kitang tulungan. Kaso aabutin tayo ng end of the world sa gagawin natin at isa pa ay ilang dekada na din ang nagdaan. Baka nga namatay na yon dahil sa katandaan." tugon ni Ella sabay dampot ng isang baso ng juice at bahagyang uminom.
" Eh! Anong pwede nating gawin?"
Biglang napangiti si Ella. Tila ba may bombilyang biglang na lang umilaw sa utak nito. Ibinaba muna nito ang basong hawak sa center table at saka nagsalita.
"Alam ko na! Gumawa tayo ng video mo! Tama! Manawagan tayo sa f*******:. Malay mo naman may makakita sa'yo at matulungan ka kung na saan ang kapatid mo. kambal kayo di'ba? ibig sabihin ay iisa mukha niyo kaya madali nating mahahanap ang kakambal mo! "
"Yun ang sabi ni inay. Kambal daw kame."
" Kaya nga mas magiging madali ang paghahanap natin! Kasi nga kamukha mo siya."
Hindi na nag aksaya ng oras ang dalawa. Si Ella ang kumukuha ng video kay isay habang ito'y nanawagan. Pagkatapos ng video ay agad na itong e-upload ni Ella sa f*******:.
Labis ang pasasalamat ni isay na nagkaroon siya ng kaibigang gaya ni Ella na mabait at laging maasahan.
Gaya niya ay mag isa ding namumuhay si Ella sa maynila. Nasa Tarlac ang tatay at ang nag iisang kapatid nito. Aminado itong Maluho sa sarili. Madalas pa nga itong magpunta sa Recto upang bumili ng damit at ilang mga accessories. Pero kahit maarte ito sa katawan ay hindi naman nito nalilimutan ang obligasyon sa pamilya. Lagi itong updated kung magpadala ng pera.
..........................................
lumipas ang ilang araw at llinggo ngunit wala man lang natatanggap na kahit ano mang tawag si isay tungkol sa nawawalang kapatid. Kaya lalong nakadagdag ito sa matinding lungkot sa pananatili niya sa bahay. Kaya tinawagan niya si Ate Bevs para sabihin na gusto na niyang bumalik sa trabaho. Hindi ito pumayag dahil naka leave pa siya. Ngunit dahil sa kapipilit niya ay pumayag na din ito.
..........................................
Isang tanghali. Habang nag aayos ng mga bulaklak si isay at nag-iinventory naman si Ella ng ilang mga bagong deliver ng mga bulaklak na dumating sa shop ng biglang dumating si Ate Bevs.
"Hai girl's! Tara, mamaya na yan. Sabayan niyo ako mag lunch. Treat ko." yaya ni Ate Bevs.
Nagkatinginan bigla sina isay at Ella. Hindi madalas magpunta ang amo nila sa shop dahil malaki ang tiwala nito sa kanila. Kaya alam nila na pag nagpunta ito ay may importante itong sasabihin .
Sa isang food court sila kumaing tatlo. Masaya nilang pinag uusapan ang tungkol sa benta ng Flower shop at ilang mga costumers complained. Nasa kasarapan sila ng usapan ng biglang sumeryoso ang boses at mukha ni Ate Bevs. Humihga muna ito ng malalim saka nagsalita
"May kailangan akong sabihin sa inyo! Girl's. Mabigat sa akin ang desisyon na ito. Pero kailangan kung gawin no choice ako eh."
Biglang dumagundong ang kaba sa dib dib nina isay at Ella. Halo's di sila kumukurap habang inaabangan nila ang sasabihin ni Ate Bevs.
"Yung long time boyfriend ko kasi na si Jamrod. Nagyaya ng magpakasal. Sa Qatar kame magpapakasal at doon na din kame titira. Girl's to be honest, sinabihan ko ang ibang mga relatives at friends ko na mag take over sa Flower shop. Kaso ayaw nila eh, im so sorry but kailangan kung isarado ang shop."
Biglang inataki ng lungkot at pangamba sina isay at Ella. Ngunit hindi nila ito pinahalata sa amo. Hindi nila inaasahan ang biglaang pag alis ni Ate Bevs sa bansa. Tatlong taon na nila itong amo at wala silang masasabi sa kabaitan nito.
"Patawarin niyo ako sa desisyon ko. Alam n'yo naman na hindi na ako pabata at kailangan ko na din ng makakasama sa buhay. Kung pwede lang na_"
"Ate okay lang po, masaya po ako sa naging pasya ninyo." putol ni isay sa sasabihin ni Ate Bevs." Sana lang po ay huwag maputol ang koneksiyon natin kahit nasa Qatar na po kayo! "
"At sana din po pag nagka-baby kayo ng babae ay sana sing ganda ko po." biro ni Ella na din na mapigilan ang maluha.
Nangingilid ang mga luha sa mata ni Ate Bevs. Sa loob kasi ng tatlong taon ay naging mabait, matapat at masipag na florist sina isay at Ella. Bagay na kailaman ay babaunin niya. Binuksan niya ang bag at kinuha ang dalawang sobre na naglalaman ng tag ten thousand pesos. Nakangiti niya itong inabot sa dalawa.
"Sana'y makakita kayo ka agad ng trabaho. Sa katapusan na ng buwan ang flight ko pa Qatar. "
"Salamat po sa kabaitan Ate Bevs." ani isay.
"Ate! Baka gusto mong magpa bridal shower? Marami akong kilala, mga guwapo, macho at higit sa lahat _"
"Ella!" saway ni isay sa kaibigan. Agad na bumaling ang dalaga sa amo. " Pasensiya kana Ate, baka sinasaniban lang ito ng espiritu ng kabaklaan. "
Nagtawanan na lang silang tatlo at saka ipinagpatuloy ang pagkain.
.........................................................
Kasalukuyang nakaupo si isay sa tumba tumbang upuan na nakatapat sa bintana. Malugkot niyang pinagmamasdan ang mga bituin at buwan. Paano ba naman kasi'y sunod sunod ang kamalasang nangyayari sa buhay niya. Una ay namatayan siya ng ina at ngayon naman ay mawawalan siya ng trabaho.
Dati ay pinangarap niyang maging isang tv repoter. Ngunit dahil sa hirap ng buhay ay mas pinili ng dalaga ang mag trabaho sa isang Flower shop na may minimum na sahod para matulungan ang inang may sakit.
Pero isang bagay lang ang natutunan ni isay sa namayapang ina. Huwag susuko sa hamon ng buhay. Lumaban ng patas at mamuhay ng matuwid. Sininop niyang maigi ang perang ibinigay ni Ate Bevs. Ina-advance na niya ng dalawang buwan ang upa sa bahay. Namili na din siya ng ilang grocery stock para sa mga susunod na buwan.
Walang ano ano'y biglang nag vibrate ang smart phone niya. Agad niya itong kinuha sa bulsa ng kanyang palda saka binasa ang txt message.
Biglang napatayo si isay kasabay ng pagguhit ng ngiti sa kanyang mukha dahil sa nabasang mensahe. May job interview siya next week as fashion consultant sa isang RTW male outfit. Hindi niya napigilan ang sariling magtatalon sa tuwa. Tila siya isang batang nabigyan ng bagong laruan. Ngunit ganon pa Naluluha siyang napatingin sa kalangitan. Labis ang pasasalamat niya sa poong maykapal dahil sa bagong trabaho.
...................................................
Alas singko pa lang ng madaling araw ay gising na si isay upang maghanda sa pupuntahang job interview. Matapos makaligo at makapag almusal ay nagtungo na siya sa kanyang silid upang mag ayos. Isang white blouse at black slack pants na pang babae ang isinout niya at Black shoes with hills ang sapatos na suot niya.
Sinisigurado ng dalaga na maganda ang ayos ng buhok at make up niya sa mukha upang maging presentable sa mag- iinterview sa kanya. Ilang minuto ding nag ayos sa harap ng salamin si isay at ng makitang okay na ang sarili ay kinuha na niya ang folder na may resume niya at shoulder bag saka tuluyang nilisan ang silid.
Sa may kanto ng kalsada ay nag aabang si Ella kanya. Naka-pormal dressed din ang dalaga. Sky blue na long sleeve at black mini-skirt with black stockings ang sout nito.
Gaya ni isay ay nag-apply din ito tru-online at nataon din na iisang kompanya lang sila ng kaibigan kaya sabay din silang tinawagan kagabi. Abot tainga ang ngiti ni Isai ng masilayan ang kaibigan.
"Wow friend! Bagay pala sayo ang formal wear," puri ni isay sa kaibigan.
"Naku. Feeling ko tuloy napaka' talino ko sa ayos ko. Hindi ako sana'y sa ganitong itsura," reklamo ni Ella.
" Naku huwag kana mag reklamo diyan! Buti nga sabay tayong tinawagan kahit papano may kasama ako. Kaya tara na para mauna tayo sa ibang applikanteng nakapila," yaya ni isay sabay hawak sa braso ng kaibigan.
"Okay fine." nakangiting sabi ni Ella sabay para ng isang pampasaherong jeep.
...........................................
Centuria Tower. Isa itong mataas na gusali na matatagpuan sa manila malate. Maraming kompanya ang umuupa sa matayog na gusaling ito at isa na nga dito ang Ragal rtw for men na nasa ika'sampung palapag ng gusali. Kadalasan ay puro artista at pulitiko ang bumibili ng damit na ito.
Ilang dekada ng namamayagpag sa merkado ang Ragal rtw at di'na halos mabilang ang tagumpay na natanggap ng kompanya. Meron na itong one hundred branch sa lahat ng shopping mall sa buong pilipinas.
Ito din ang kompanyang tumawag kina Ella at isay para magtrabaho bilang fashion consultant. Nadatnan ng magkaibigan ang mahabang pila ng mga applikante. Pinaupo sila lang lahat sa isang mahabang sofa ng Human resources staff. Binigyan sila ng mga numero para sa interview. Pang siyam siya at pang sampu naman si Ella. Lumipas ang kalahating minuto ng biglang makaramdam ng panunubig si isay.
"Ella! Mukang kailangan ko mag banyo."
"Eh, hindi ko alam kung saan ang banyo dito."
" Okay lang! Ako na lang ang maghahanap. " Tumayo na si isay at humakbang na patungong hallway.
Binagtas ng dalaga ang kahabaan ng pasilyo upang hanapin ang bathroom. Hindi na niya matiis ang matinding tawag ng kalikasan. Napangiti siya ng matanaw sa hindi kalayuan ang banyo. Sa kamamadali niya ay di niya namalayan na banyo pala ng lalaki ang napasok niya.
Matapos maka pag banyo at lumabas sa isa sa mga cubicle ng bathroom ay naisipan muna niyang mag-retouch. Humarap siya sa malaking salamin at nag-lagay ng face powder at light lipstick. Nakatuon ang boung atensiyon niya sa mukha. Kaya wala siyang kamalay malay na nasa loob siya ng banyo ng lalaki.
Maya maya'y may isang lalaki ang lumabas sa isa sa mga cubicle ng banyo. Matipuno pangangatawan ng lalaki. Naka black lose T-shirt ito at blue straitcut na pantalon na may sumbrero din ito sa ulo. Meztizuhin ang kulay ng balat nito. Ang buhok nito ay makintab na tila model ng isang male shampo brand.
Tumabi ito sa kanya upang manalamin din. Ngumiti ito sa kanya na ginantihan din naman niya ng ngiti. Ngunit ilang segundo lang ng biglang nanlaki ang mata niya.
"S-sandali! B-bat ka nandito? bawal ka dito ah!" nauutal na sabi ni isay.
"Sigurado ka? Subukan mo kayang e-gala yang mga mata mo sa paligid." nakangising sabi ng lalaki.
Biglang siyang namutla ng makita ang pader ng banyo na may naka dikit ang urinal water closet na desinyo para lamang sa mga lalaki. Napayuko na lang siya dahil sa kahihiyan.
"Naku! sorry po," paumanhin ni isay habang mabilis na ipinasok sa bag ang ilang mga personal things.
"Its okay, huwag kang mag panic." Humakbang papalapit sa kanya ang lalaki.
Biglang siyang na alarma. Dahil sa pagkabigla niya sa lalaki ay hindi niya napigilan ang sarili na masipa ito sa maselang bahagi ng katawan. Namilipit ito sa sobrang sakit na nagtatalon talon pa upang maibsan ang sakit na nadarama. Mabilis siyang nagtatakbo palabas ng banyo. Dahil sa sobrang taranta ng dalaga ay dinala siya ng kanyang mga paa sa exit door area.
Ilang minuto ding nagtagal si isay exit door area. Hindi niya inasahan na mangyayari sa kanya ang matinding kahihiyan sa araw pa mismo ng kanyang job interview. Inayos niya ang sarili at huminga muna siya ng malalim pagkatapos ay bumalik na siya sa waiting area ng mga applikante. Humahangos pa siyang tumabi kay Ella.
" Uyyy! Okay ka lang? Parang hinihingal ka? " tanong ni Ella.
"Hindi ko alam kung anong kamalasan tong nanyari sa akin. Pero nakakahiya dahil _"
"Miss Isadora Baldez ." Di' na niya naituloy ang sasabihin ng bigla siyang tawagin ng Human resources staff. "Pasok na po kayo sa kuwarto nag aantay na po sa inyo si Mr Saavedra for final interview."
Biglang napakunot ng noo si isay. Pang number nine pa siya at may mga applikante na mas nauna pang dumating sa kanila ni Ella na dapat ay mas unahing interviewhin. At kailangan muna siyang interviewhin ng HR staff bago sa pinaka boss. Nagtataka siyang nagbaling ng tingin sa kaibigan.
"Girl, ingat lang! Kanina dumaan dito sa harapan namin yang Mr Saavedra na yan at grabee super guwapo as in." kinikilig na wika ni Ella.
Nagkibit balikat lang si isay at hindi pinansin ang kalandian ng kaibigan. Tumayo na lang siya at pumasok na sa loob ng opisina. Pagkapasok niya ay mamangha siya sa ganda ng opisina. Naramdaman niya ang malamig at preskong pakiramdam. Nahagip ng mata niya ang magarang sofa na kulay puti.
Sa gilid ng sofa ay may mini pantry para sa mga vip guest na gustong mag-coffee. Kulay puti ang pader ng buong kuwarto na napapaligiran ng mamahaling mga painting. Kulay nara ang offce table at nasa ibabaw nito ang isang mamahaling lap-top at ilang mga mga pigorine na kulay ginto. Kulay narra din ang mga upuan sa harap nito. Maganda din ang carpet ng kuwarto na tila pang cathedral ang dating.
Ngunit ang ipinagtataka ni isay ay kung bakit naka upo ng patalikod sa di gulong na silya si Mr Saavedra. Biglang nanlaki ang mga mata nita ng biglang umikot ang swivel chair at humarap sa kanya si Mr Saavedra.
Ito kasi yung lalaki sa banyo na wala awa niyang sinipa sa maselang bahagi ng katawan. Naka sout na ito ng white long sleeve with black coat and black nick-tie.
"Hai! Miss Baldez," bungad ng lalaki.
Matamis ang ngiti ng lalaki sa kanya na litaw na litaw ang mapuputing ngipin. Biglang na out of balance si isay. Nanlambot ang mga tuhod niya at sa hindi inaasahan ay bigla siyang nawalan ng malay at naduwal sa sahig.