Nanay Karina revelation..

1705 Words
Biglang napabalikwas ng bangon si isay. Hingal na hingal siya na tila ba sobrang layo ang kanyang itinakbo. Hindi niya mapigilan ang panginginig ng buong katawan dahil sa takot. Dinig niya ang malakas na pintig ng kanyang puso. parang bang totoong totoo ang kanyang panaginip tungkol sa isang babae na walang awang pinagtataga ng isa pang babaeng naka-gown. Dahan dahan siyang tumayo at saka pinunasan ang namumuong pawis sa noo. Binuksan niya muna ang lamp shade na nasa gilid ng kama at saka siya lumabas ng kuwarto at nagpunta sa kusina para uminom ng tubig. Halo's ubusin niya ang laman ng pitsel dahil sa sobrang uhaw at takot. Matapos makainom at mahimasmasan ay muli siyang bumalik sa kanyang silid. Pinilit ng dalaga matulog at kalimutan ang masamang panaginip. Ilang segundo lang ng muling bumigat ang talukap ng kanyang mga mata at tuluyan na siyang nakatulog. .......................................... Kinaumagahan. Habang abala si Ella sa pag aayos ng mga bulaklak na e-dineliver ng supplier ni Ate Bevs ng bigla niyang napuna si isay. Nakaupo ito sa counter at tulala na tila malalim ang iniisip. Kaya saglit na inihinto ni Ella ang ginagawa at saka nilapitan ang kaibigan at umupo sa tabi nito. "Hoy girl! Okay ka lang ba?" pagulat na tanong ni Ella. Biglang natauhan si isay sa ginawa ng kaibigan. "Sorry friend! May iniisip lang ako." sagot ni isay. "Ano ba yun? Baka pwede mong e-chikabells sa akin habang wala pa tayong costumer?" pangungulit ni Ella. "May napanaginipan kasi ako kagabi. Nakakatakot! Parang totoong totoo. Sobrang linaw at detalyado! " " Naku pwede ba huwag ka ng mambitin Isai, e-kuda mo na dali!" atat na sabi ni Ella. Bahagyang napangiti si isay sa asal ng kaibigan. Masyado itong makulit at hindi mapakali lalo na pagdating sa tsismis. "Okay. Nanaginip ako kagabi na nasa isang silid daw ako . Sa panaginip ko ay may nakita akong babaeng nakaupo at nakatali ng padipa sa magkabilang pulso niya gamit ang barbwire. Pagkatapos ay may isa pang babaeng naka-gown na parang si Cinderella ang pumasok sa kuwarto. pagkatapos_" Tila hindi ma ituloy ni isay ang ikinukuwento. " Pagkatapos ano? " " Sa panaginip ko ay may hawak siyang mahabang itak at pagkatapos ay lumapit siya do'n sa babaeng nakatali at walang awa niyang pinagtataga ito sa boung katawan." salaysay ni isay "What?! Omg girl scary naman yan!" takot na sabi ni Ella na nag sign of the cross. "Naisip ko lang noh! Baka busog lang akong natulog kagabi kaya siguro binangungot ako." "Kilala mo ba yung babae sa panaginip mo?" "Hindi eh! Well anyway! Move on na lang at kalimutan na lang ang masamang panaginip na yun!" " Okay.....Pero sana managinip din ako mamayang gabi na ako si Cinderella with my handsome and macho prince charming sa isang maganda at maaliwalas na kuwarto at_" "Please! Utang na loob Ella," putol niya sa sasabihin pa sana ng kaibigan. "Ang aga aga puro kamunduhan yang laman ng utak mo." Tumayo na siya at nagtungo sa isang kumpol ng mga bulaklak upang mag arrange ng bouquet na pwedeng e'display. Habang naiwan naman sa counter si Ella na natatawa sa kalandian niya. Nagsimula na silang magtrabaho at gaya ng dati ay malakas pa din ang benta ng mga bulaklak sa flower shop. Kahit pagod ay ganado sila mag trabaho dahil alam nilang bibigyan sila ni Ate Bevs ng malaking incentive. .................................... Bago umuwi ay naisipan muna ni isay na dumaan sa supermarket upang bumili ng ilang stocks sa bahay gaya ng instant noodles, delata at kung ano ano pa. Matapos makapamili ay dumiretso na siya sa pila ng jeep pa blumentrit upang umuwi. Pagdating niya sa bahay ay nadatnan niyang nakaupo si Nanay Karina sa upuang tumba tumba. Nakatanaw sa bukas na bintana ang babae at habang pinagmamasdan ang buwan at mga bituin. Saglit siyang dumiretso sa kusina para dooon iwan ang mga grocery. Pagkatapos ay nagpunta na siya kung saan nandon ang ina. " Inay kamusta po? Ano pong iniisip niyo?" tanong niya sa ina sabay yakap dito. " Anak may isang bagay lang na gumugulo sa isip ko." sagot ni Nanay Karina. " Inay kung iniisip niyo po yung mga gastusin dito bahay ay huwag po kayong mag alala dahil pina cash advance ako ni Ate Bevs. At sa isang linggo na po_" " Hindi ito tungkol sa pera Anak! " Putol ni Nanay Karina sa sasabihin ni isay. " May kailangan kang malaman! " Napakunot siya ng noo sa sinabi ng ina kasabay ng paninibago niya sa inaasal ng ina. Mukang may gusto itong sabihin sa kanya. Kaya saglit siyang kumalas sa pagkakayakap dito at saka siya kumuha siya ng isang upuan at saka tumabi sa ina. " Matagal na panahon kung itinago sayo ang sekreto kung ito na sa tingin ko'y oras na para malaman mo na! " Malakas ang kabog ng dib dib ni isay. Hindi siya halo's kumukurap. Pigil hininga niyang inaantay ang susunod na sasabihin ng ina. " May kapatid ka at kambal kayo!" Matapang na wika ni Nanay Karina. Nagulat si isay sa rebelasyon ng ina. Nanatili siyang walang imik at nagpatuloy lang sa pakikinig. " Mahirap ang naging buhay namin ng Tatay Gaspar mo noon. Karpentero lang siya sa isang maliit na kompanya at labandera naman ako. Ipinagbuntis ko kayo na halo's wala kameng kapera pera at ang masama pa ay natanggal pa sa trabaho ang Tatay mo. Talagang sinusubok kame ng kapalaran. At ang pinakamasakit pa ay pagkatapos ko kayong ipanganak ay bigla namang inataki sa puso ang Tatay mo dahilan kaya siya namatay." Naluluhang salaysay ni Nanay Karina. Hindi napigilan ni isay ang hindi maluha sa nalaman. Hindi niya akalain na may kapatid pala siya. Nagdalaga siya na tanging ina lang ang kasama niya sa buhay. " Tuliro na ako noon. Wala akong malapitan. Sobrang gipit ako ng panahon na yon. Kajit pambayad sa ospital ay wala ako. Mabuti na lang at may babaeng nagmagandang loob sa akin. Si Adora Mendez. Ang sabi niya ay bibigyan niya ako ng pera panimula sa pagbabagong buhay ko.Babayaran niya din ang hospital bill ko. Sa isang kondisyon na ipapa ampon ko sa kanya ang isa sa mga kambal ko. Tutol man ang kalooban bilang isang ina pero wala akong magawa kundi pumayag sa gusto niya! " Hindi na napigilan ni Nanay Karina ang hindi mapahagolgol sa iyak. Mabilis na niyakap ni isay ang ina upang kahit papano'y maibsan ang sakit na nararamdaman nito na itinago sa napakatagal na panahon. Gusto niyang magalit sa ina dahil sa ginawa nitong pamimigay sa kanyang kapatid na parang isang aso. Ngunit di niya magawa. " Salamat po at sinabi niyo ang bagay na ito sa akin. Kahit papano ay gumaan ang kalooban niyo! " Saglit na kumalas sa pagkakayakap si Nanay Karina kay isay. " Patawarin mo ako anak sa ginawa ko sa kapatid mo. Ang tagal nanahimik sa haba ng panahon na itinago ko ang sekretong ito. Ngunit binabagabag na talaga ako ng konsensiya ko." " Inay! Sana po ay noon niyo pa ay sa akin ang totoo. Para hindi kayo naghirap ang kalooban niyo s napakatagal na panahon. Maiintindihan ko naman po kayo kung bakit niyo nagawa ang bagay na yo'n." " Salamat pang unawa mo anak! Dalangin ko lang na sana'y nasa maayos na kalagayan ang kapatid mo kung na saan man siya ngayon." Ngiti lang ang itinugon ni isay bilang sa ina. Dahil wala na din naman siyang magagawa sa mga nangyari. Ang tanging puwede niya lang gawin ay ang ipagdadasal ang kapatid. ................................................. Kinaumagahan ay nagtataka si isay dahil hindi niya nadatnan sa kusina ang ina. Nakasanayan na kasi niya ang gumising ng ma aga at madatanan ito na nagluluto ng alumusal. Tinungo ng dalaga ang kuwarto ina at nadatnan niya ito na nakahiga ng nakatihaya natutulog. Lumapit siya sa ina at humiga sa tabi nito sabay yumakap. " Inay! Bangon na po kayo. Sabay tayo mag almusal. " malambing na wika niya. Ngunit walang ano mang tugon na natanggap si isay mula sa ina at nanatili pang itong nakapikit. Bigla siyang kinabahan ng mapahiga sa dibdib nito dahil wala na siyang t***k na naririnig sa dito. Biglang siyang napabangon at hinawakan ang pulso ni Nanay Karina. Nangingilid na ang luha sa mata niya ng hindi na din niya madama ang pulso nito. dito. "Inay! Huwag kang ganyan. Hindi na po ako natutuwa!" Babala ni isay habang niyuyogyog ang katawa ng ina. Ngunit kahit ano pang gawin niya ay di na talaga gumagalaw ang ina. Niyakap na lang ito ng sobrang higpit at saka siya umiyak ng umiyak. ............................ Lumipas ang ilang araw at nairaos din ni isay ang burol ng ina. Kahit wala siyang ibang kamag anak nag punta sa lamay ay umaapaw naman ang tulong ng malalapit niyang kaibigan. Isa na nga dito si Ella na todo suporta sa kanya. Hindi siya iniwan nito hanggang sa mailibing si Nanay Karina. Ganun din si Ate Bevs na bukod sa binigyan siya ng one month leave ay nag bigay din ito ng four thousand pesos na abuloy. Todo suporta din si Aling Fely sa kanya. Ito ang nag asikaso sa mangilan ngilan nakiramay. Kaya matiwasay na nailibing si Nanay Karina sa kanyang huling hantungan. ................................................ Makalipas ang isang linggo. Habang nag aayos ng ilang damit at gamit si isay sa aparador ni Nanay Karina ng biglang nahagip ng mata niya ang isang box na lata na hugis kuwadrado sa sulok ng aparador. Dala ng kuryusidad ay kinuha niya ang box. Umupo muna siya sa kama at saka ito binuksan. Ilang resibo sa kuryente, tubig at upa sa bahay ang laman ng box. Sumilay ang ngiti sa mukha niya ng makakita niya ang six thousand pesos. Talagang masinop sa pera si Nanay Karina. Kada magbibigay siya ng suweldo ay nagtatabi din ito ng kaunting halaga in case of emergency. Naghalungkat pa siya ng laman ng box ng walang ano ano'y nakita niya ang isang papel na na maayus na pagkakatupi. kinuha niya ito at saka binuklat sa pagkakatupi at binasa. Biglang nag liwanag ang mukha niya ng mabasa ang nilalaman ng papel. ****************** Isang lihim ang ibinunyag ni Nanay Karina tungkol sa kakambal ni isay ... Subaybayan ang buhay ni isay... Dont forget to comment and vote...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD