The good daughter...

1704 Words
Puno ng postibong pakiramdam si isay habang nakaharap sa kanyang life size mirror. Mabusisi niyang pinagmamasdan ang sarili. sinisigurado niyang maayus at kaaya'aya ang itsura niya kapag humarap siya sa mga costumer sa flower shop. Tatlong taon na siyang nagtatrabaho bilang florist sa Dangwa Maynila kung saan dito matatagpuan ang ibat ibang klaseng mga bulaklak. Sa edad na bente anyos ay talagang lutang ang kagandahan ni isay. Morena ang kulay ng balat niya na bumagay sa magandang mata niya na tila manika, Natural na mapula at maliit ang kanyang labi na sinabayan pa ng hanggang balikat na makintab niyang buhok na kulay chesnut brown na bumagay sa maliit niyang mukha bukod pa do'n ay mayroon din siyang magandang hubog ng katawan na tamang tama lang sa kanyang taas. Dahil sa pisikal na itsura ay kahit simpleng damit lang na nabili niya sa Divisoria ay nagmumukhang maganda at may dating pag siya ang nagsusuot. Kung tutuusin nga ay maraming mayayaman na costumer sa kanilang flower shop ang nag aalok ng pera, regalo at magandang buhay kay isay. Ngunit talagang nangingibabaw sa dalaga ang prinsipyo. Mas gusto niyang sa malinis na paraan niya kikitain ang perang ibibigay sa ina. Ayaw niyang ilublub ang sarili sa putikan para sa mabilisang salapi. lumipas ang kalahating minuto at natapos din siya sa pag aayus ng sarili. Ipinasok muna na niya sa aparador ang kanyang mga personal na gamit bago lumabas ng kuwarto. Pagdating sa kusina ay nadatnan niyang naghahanda ng almusal si Nanay Karina. Agaran siyang nanakam sa masarap na almusal na nakahain sa mesa na tinapang galunggong at itlog na maalat na may kamatis. " Wow! Ang sarap naman nito!" sabi ni isay sabay upo sa silya. " Buti na lang at maaga akong nagising. Wala na pala tayong stock ng pagkain sa reff. Kaya nagpunta pa ako palengke para mamimili." ani ni Nanay Karina na naupo na din sa tabi ng anak. " Huwag po kayong mag alala inay! Malapit na po ang sahod." Sumandok ng kanin si isay at saka inilagay sa Plato." Mukang gaganahan ako mag benta ng maraming bulaklak ngayon ah." " Sana nga anak maka suweldo kana at kailangan na nating magbayad ng upa sa bahay. Pati tubig at kuryente, buhay nga naman! " Napuna ni isay ang pagkabalisa sa mukha ni Nanay Karina. Kaya saglit niyang inihinto ang pagkain at saka hinawakan ang kamay ng ina. " Inay huwag po kayong ganyan. Umagang umaga eh dapat positive lang tayo palagi." "Salamat anak ha. Pasensiya kana at di kita matulungan sa pagtratrabaho at_" "Inay!" putol ni isay sa sasabihin ng ina. "Natutulungan nyo naman po ako eh. Kayo nag handle ng bahay diba? Okay na po sa akin yun." Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa mukha ni Nanay Karina. " Salamat anak! " " Mabuti pa nay! Kumain na po tayo at masamang pinag aantay ang pagkain." Napangiti na lang si Aling Karina sa sinabi ng anak. ...................................................... Pakanta kanta pa si isay habang nakikinig ng music gamit ang bluetooth phone na nakalagay sa kanyang tainga. Kasalukuyan siyang nakasakay as isang jeep na biyaheng pa Dangwa. Mabilis siyang nakarating sa trabaho dahil hindi gaanong ma- traffic. Pagdating niya sa flower shop ay inangat niya muna ang roll'up at saka siya pumasok sa loob. Pagkapasok ay tinungo ng dalaga ang kinalalagyan ng log book. Kailangan niya itong i-check para malaman niya kung may mga costumer na nagpa -schedule ng flower arrangement. Habang abala siya sa ginagawa ay siya namang dating ni Ella. Ang kaibigan at kasama niya sa trabaho. "Oh! Ella. Good morning girl! teka...Mukang maganda ang araw mo ah? " Punang tanong ni isay " Syempre naman! Aba'y guwapo yata ang ka meet up ko kagabi." Umupo na Ella at saka kinuha ang hair brush sa bag nito saka sinuklay ang mahabang blonding buhok. " Ayan ba pinakita mong picture sa akin? si Alfred! Yung nag tatrabaho sa fast food? " " Ay hindi! iba ito isay. Si Mark to yung costumer natin kahapon! " " Ikaw na talaga girl! Ibang klase ka! " " Anong magagawa ko! Eh sadyang habulin ang lola mo girl! Hay naku! Gano'n talaga. Chose and chose then select." sabi ni Ella sabay tabi ng brush nito sa bag. " Eh, Ang tanong? May napili kana bah?" " Well....as of now! Waley pa girl. Hindi ko pa maramdaman ang spark sa mga nakaka date ko. Meet up as a friend lang muna. Okay na muna ako sa gano'n set up." maarting sagot ni Ella. Natatawa na lang si isay sa sobrang pagka' liberated ng kaibigan. Para itong babaeng bayaran kung umasta, magsalita at manamit. Pero kahit na ganito si Ellla ay mataas ang respeto nito sa sarili. Sa katunayan ay marami ding kalalakihang nag aalok ng pera dito para makasiping ng isang gabi. Ngunit taas noo itong tumatanggi. Dahil gaya niya ay hindi din ito basta basta nasisilaw sa pera. Mas gusto din nitong magbanat ng buto kumpara sa madaliang pera. Nagsimula na silang magtrabaho. Dahil likas kay Ella ang magaling magsalita ay siya ang humaharap sa mga costumer. Habang si isay naman ang nasa counter at taga sagot ng tawag ng mga costumer na nag-iinquire tungkol sa flower arrangement, honeymoon design at iba pa. Siya din ang nagsisilbing kahera sa shop. Maya maya'y biglang tumumal ang dating ng mga costumer. Kaya naisipan muna ni isay na mag ayos ng bouquet ng bulaklak. Samantalang si Ella naman ay pinunasan ang ilang stante na pinaglalagyan ng mga display na bulaklak. Habang abala sila sa kanilang ginagawa ay dumating si Ate Bevs ang may ari ng flower shop at amo nina isay at Ella. "Hai Ate Bevs!" sabay na bati nina sa amo. Tumango lang ito bilang tugon. Nakangiti itong lumapit kay isay. " isay! Nagpa-appoitment sa akin si Mrs Chavez. Pinapapunta ka niya sa bahay niya. E-arange mo daw yung mga bulaklak sa poon niya kasi may padasal siya mamayang gabi." " Ayyy...Ganon po ba? Cge po Ate Bevs. Walang problema! " Agad na inayos ni Isai ang mga bulaklak na kakailanganin para sa arrangement ng poon ni Mrs Chavez. Para mapabilis ang trabaho niya ay tinulungan na siya ni Ella. Matagal na nilang costumer si Mrs Chavez. Maganda ito magbayad at nagbibigay pa ito ng extrang pera pakunswelo. Matapos maayus ni isay ang mga bulaklak na dadalhin niya sa pag aayos ng poon ay bumayahe na siya papunta sa bahay ni Mrs Chavez. ****************** Tumagal lang ng kalahating oras ang pag aayos ni isay ng mga bulaklak sa poon. Halo's magtatalon sa tuwa si Mrs Chavez dahil sa ganda ng pagkaka-arrange niya. Gumuhit ang ngiti sa mukha niya ng mag abot ng one thousand nine hundred si Mrs Chavez sa kanya. Sobra sobra ito sa napagkasunduang presyo. Muling bumalik si isay sa flower shop para muling magtrabaho. Inilibre niya din ng meryenda si Ella. Lumipas ang buong magdamag at natapos na naman ang isang buong araw ni isay sa trabaho. Pagod. Ngunit masaya siya dahil malaki ang tip na natanggap niya sa mga galanti nilang costumer gaya ni Mrs Chavez. ........................................... Pag uwi niya ng bahay ay bigla siyang naalarma ng madatnan niya si Nanay Karina na nakahiga sa sofa na tila ng hihina. Nasa gilid ng sofa nakaupo si aling Fely. Ang mabait nilang Kapitbahay. Agad na binitawan ni isay ang hawak na grocery at tumakbo papunta sa ina. Umupo siya sa sofa at saka pinahiga ang ina sa mga hita niya upang magsilbing and unan nito. "Inay! Ano pong nanyari?" nag aalalang tanong ni isay "Biglang inataki ng altapresyon yang Nanay mo. Mabuti na lang at napadaan ako dito." ani Aling Fely. "Wala ito anak. Nakaramdam lamang ako ng kaunting pagkahilo." malumanay na wika ni Nanay Karina na halata pa sa boses ang panghihina. "Sabi ko naman po kasi sa inyo na huwag na kayo masyadong magpakapagod eh," Sabi ni isay habang hinahaplos ang noo ng ina. " O papano! Uuwi na din ako, Ikaw na bahala sa nanay mo ah!" paalam ni Aling Fely. " Salamat po sa pagtingin kay inay." sabi ni isay sabay tayo niya para hinatid sa pintuan si Aling Fely. Pagkatapos maihatid si Aling Fely ay saka naman niya Inalalayan ang ina makatayo at maglakad papunta sa kuwarto nito upang magpahinga bago siya dumeretso sa kusina upang maghapunan. Matapos makakain ay nag punta na siya sa kanyang kuwarto para maligo. Matapos makaligo ay nagbihis na siya ng damit pantulog. Nagdasal muna siya ng mataimtim si bago nahiga sa kanyang kama. Ilang segundo lang ng bumigat ang talukap ng mga mata ni isay at tuluyan na siyang nakatulog. Nasa kasarapan siya ng tulog ng bigla siyang managinip. Biglang nakita ni isay ang sarili sa isang bakanteng silid na kulay puti ang pader at halo's walang mga kagamitan. Ang lalong nagpagimbal at nagpanginig ng tuhod niya ay ng makita ang isang babae na hindi kilala. Labis ang awang naramdaman niya dito dahil sa itsura nito na nakatali ng padipa gamit ang matatalas at kalawanging barbwire. Samantalang ang mga paa naman nito ay napupuluputan ng matatabang kadena. Kitang kita ni niya sa mukha ng babae ang sobrang hirap na tila naghahabol na ng hininga. Parang patak ng tubig sa gripo ang mga dugong tumutulo na nagmumula sa magkabilang pulso nito. Maya maya'y biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang babaeng nakasout ng gown na hahawig kay Cinderella. May sout itong maskarang kulay puti. Mahaba ang buhok nitong kulay dilaw. Hawak nito ang isang mahaba at kalawanging itak. Lumapit ito sa babaeng nakatali pagkatapos ay walang awa nitong pinagtataga sa buong katawan. Nagpakawala ng malakas na sigaw ang babae na halo's magpayanig sa boung silid. Nagtalsikan ang mga dugo at hibla ng laman ng babae sa mukha ni Isai. Hindi siya makapagsalita sa mga nasaksihan. Lukob ng takot ang buong katawan niya. Gusto niyang tulungan ang babae ngunit hindi niya maigalaw ang mga paa dahil sa kaba at nerbyos. Maya maya'y binalingan siya ng killer. Itinaas nito ang duguang itak at saka ito tumakbo papunta sa kinaroroonan niya. "AAAAHHHHHHH!" isang malakas at nakakabinging sigaw ang pinakawalan ni isay....... ****************** Scary and bloody. Sino ang misteryosang babae sa panaginip ni isay? Isang babaeng mala Cinderella ang killer... Don't for get to comment at mag vote.. Thanks....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD