Chapter Two

1889 Words
ATARAH “ATARAH, kumusta naman ang raket mo kagabi? Balita ko English spokening dollar mga VIP mo ah! Mayaman ka na naman niyan, pa-canton ka na!” Napalingon ako kay Winny na kakarating lang ng dressing room at agad na umupo sa tabi ko para maki-tsismis. Natigilan ako sa paglalagay ng lipstick at nakataas ang kilay na nilingon si Winny na malapad ang ngisi sa labi habang naghihintay ng sagot ko. “Alam mo, Winny the pooh, mag-canton ka mag-isa dahil ipapadala ko ‘to sa kapatid ko,” sagot ko sa kaniya. “Hay naku, Atarah. Lagi mo na lang inuubos ang pera mo sa kapatid mo. Magtira ka naman ng sa ‘yo para may tumira na rin sa pukengkilya mo,” ani Winny na natatawa pa. “Gusto mong tirahin kita sa ulo nitong lipstick na hawak ko?” nakangiwi kong sabi. “Ito naman, may regla ka ba? Sungit mo!” aniya at bigla namang nangalumbaba. “Pero yung totoo? Kumusta raket mo? Laki daw ng kita mo.” Napangiwi ako nang marinig ang tanong ni Winny dahil naalala ko na naman si Iceman na bigla na lang akong sinampal ng kahirapan. Nang akmang sasagot ako ay may narinig naman kaming pagdadabog sa kabilang vanity kaya naman napatingin kami ni Winny doon. “As if naman walang extra service na binigay ‘yan si Atarah,” komento naman ni Sally, ang laging high blood sa akin at kay Winny. “For sure, nakipag-s*x iyan sa isa sa mga gurang na VIP.” “Ay, bes! May naririnig ka bang langaw?” pang-aasar na sabi ko at inirapan si Sally saka ibinaling ang tingin kay Winny. “Pero, alam mo, Winny? Ang laki ng kinita ko! Kaya mamatay sa inggit ang iba diyan!” Nagbuga ng hangin si Sally at humalukipkip. “Hindi ako maiingit sa mukhang pera ‘noh.” Tinaasan ko naman siya ng kilay. “Okay na ako sa mukhang pera, kesa naman sa ‘yo? Mukha kang paa.” “A-Ano?!” Hindi ko na siya pinansin dahil sa halos araw-araw na ginawa ng Diyos ay lagi din siyang highblood sa akin, palibhasa ay naungusan ko siya sa pagiging bida ko sa pole dancing. Inirapan ko na lang siya at nagpatuloy sa pag-aayos ng mukha dahil maya-maya ay sasayaw na naman ako. Nasulyapan ko pa si Winny na tumatawa ng walang boses kaya napailing na lang ako. Muli akong nakarinig ng pagdadabog na panigurado akong mula kay Sally hanggang sa makita namin siyang nag-martsa palabas. “Asar talo talaga yung shunget na ‘yon,” komento ni Winny. Napabuntong-hininga na lamang ako at natigilan sa ginagawa nang may maalala ako na nangyari kagabi kaya naman ay marahas akong lumingon kay Winny na napaigtad pa at napahawak sa dibdib dahil sa gulat. Tinitigan ko siya nang mataman kaya naman ay napangiwi siya at nagtaas ng kilay. “Bakit ganiyan ka makatingin?” aniya at napapailing na nagpatuloy sa pagme-make up. “Winny, kapag ba may lalaking tinawag ka sa ibang pangalan at first time mo lang nakita, ano ibig sabihin?” tanong ko sa kaniya. Napalingon sa siya sa akin at huminto sa pag-aayos. “Baka naman ex mo ‘yon—“ “Gaga! Wala akong ex, kasi hindi naman ako nagka-jowa ‘di ba?” “Ay oo nga pala kasi naka-reserve yung bataan mo doon sa boylet na yayamanin, yung may-ari ng Mazariegos Company?” “Winny, hindi ko na siya crush,” nakataas ang kilay kong sabi. “Ay, bakit? Sayang naman.” “Bes, mas mahaba pa daliri ko sa ut*n ng taong ‘yon, ‘wag na lang,” sagot ko na puno ng dismaya ang tono. Matagal ko ng crush si Oliver Mazariegos, pero nang malaman ko mula sa isang babae na sumugod sa club ang tungkol sa tinatago nitong punggok na talong ay sing bilis ng kidlat nawala ang pagkagusto ko. “Ay, oo nga. Mag-finger ka na lang!” sagot niya at napalatak. “Pero yung lalaki na tinawag ka sa ibang pangalan? Baka naman betsung ka niyon,” dagdag niya na ikinangiwi ko dahil kung nakita niya kung paano ako tratuhin ng Iceman na iyon, hindi niya masasabi iyan. Napapailing na lamang ako at tumayo na dahil tapos na rin akong mag-make up. Naglakad na ako papunta sana sa pinto nang bigla namang bumukas iyon at iniluwa ang isa sa mga dancer din na si Pola. Hingal na hingal pa ito at nang maging maayos na ang paghinga niya ay tinitigan niya ako nang mataman. “May naghahanap sa ‘yo sa labas,” anito na tinaas-baba pa ang kilay. Nagsalubong naman ang kilay ko at napalingon pa kay Winny na bigla na lang nanlaki ang mata at lumapit sa akin. “Sino daw?” nauna pang tanong niya. “Ikaw ba si Atarah?” masungit na sagot ni Pola. “Hindi, pero speak human niya ako—“ “Spokesperson ‘yon, tanga,” pagtatama ni Pola na hinawakan ako sa braso at hinila palabas. “Halika! Baka ito na ang babago sa buhay mo!” “Ha?” nagtataka kong sabi at napalingon pa kay Winny na kumaway pa sa akin. Habang naglalakad ay hindi ko naman maiwasan ang magtaka dahil bakas sa mukha niya na para bang interesado din siyang malaman kung sino ang naghahanap sa akin. Nang marating namin ang isang VIP room kung saan ay madalas tumanggap si Madam Beks ng special request mula sa VIP, tulad ng politiko, businessman at mayayamang bachelor. Kumatok si Pola at nang bumukas iyon ay mukha ni Madam Beks ang bumungad sa akin. “Pasok ka,” anito at nang akmang papasok ako ay sumama si Pola na agad hinarang ni Madam Beks. “Hindi ka kasama.” Matapos sabihin iyon ni Madam Beks ay naglakad na ako papasok at naabutan ko sa loob ang isang nakapamulsang lalaki na nakatalikod sa amin. Lumabas na rin si Madam Beks kaya naiwan ako at ang lalaki sa kwarto. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang bumilis ang t***k ng aking puso dahil sa presensya ng lalaki. Huminga ako nang malalim para kumalma at malakas na tumikhim para makuha ang kaniyang atensyon. “Sino po kayo? Bakit niyo po ako hinahanap?” magalang kong tanong na ultimo anghel ay mahihiya. Dahan-dahan na lumingon ang lalaki dahilan para unti-unting manlaki ang mga mata ko. Napakurap pa ako dahil hindi ako makapaniwala na ang lalaking nakatayo ilang dipa ang layo sa akin ay ang lalaking ininsulto ako nang harap-harapan. Nagsalubong naman ang kilay ni Iceman at humakbang palapit hanggang sa halos isang dipa na lang ang espayong namamagitan sa amin. “I’m Damon De Mevius, we met last night at my father’s party—“ “Alam ko,” singit sa sinasabi niya. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ko pero hindi niya iyon pinansin kaya nagtaas ako ng kilay at humalukipkip dahilan para umalsa ang dibdib ko at lumitaw ang aking cleavage. Bumaba ang tingin ng lalaki doon kaya inalis ko ang pagkaka-krus ng aking braso. Hindi naman ako nahihiya sa sout kong pulang kamisole na halos see-through at pekpek short na pula din pero bakit kaya sa harap ng lalaking ‘to ay feeling ko kahiya-hiya akong babae. “What’s your name?” tanong niya sa malamig na boses. “Atarah Montecalvo—“ “Are you sure?” Napangiwi ako sa sumunod niyang tanong. “Malamang, pangalan ko ‘yon e. At saka sino ka ba? Bakit ka ba nandito at hinahanap ako? Sinisingil mo ba yung binayad mo—“ “Who are you?” Natigilan ako at napapailing. “May amnesia ka ba o ulyanin ka talaga? Atarah Montecalvo ang pangalan ko, pinanganak ako February fourteen at twenty-six na ako. Ano pa?” Lumalim ang kunot ng noo ng lalaki na para bang ayaw maniwala sa mga sinabi ko. Napabuntong-hininga naman ako at akmang magsasalita muli nang mas lumapit siya sa akin dahilan para mahigit ko ang hininga ko. Nang hawakan niya naman ako sa braso ay bigla akong napaigtad. “T-Teka, hoy! B-bitawan mo ako!” pagpupumiglas ko at pilit na kumakawala sa pagkakahawak niya. “There’s only one way to know,” aniya na seryoso ang mukha. “A-Anong gagawin mo—“ Hindi ko natapos ang aking sinasabi nang walang sabi-sabi niya akong hinalikan sa labi. Nanlaki ang mga mata ko at kasabay niyon ay ang pagkabog ng puso ko na sa sobrang lakas ay parang iyon na lang ang naririnig ng dalawang tainga ko. Nakalapat lang ang kaniyang labi sa akin pero sapat na iyon para magdala ng bolta-boltaheng kuryente sa bou kong katawan. Hindi ko alam kung anong kagagahan ang pumasok sa kokote ko nang ibuka ko ang aking labi at ginalaw iyon. Hindi ako marunong humalik pero nag-praktis naman ako sa aking hinalalaki at nakatuping hintuturo. Ngunit hindi pa man ako nag-eenjoy ay bigla na lang niya akong hinawakan sa magkabilang balikat at pinaghiwalay ang aming labi. “f**k,” bulong niya at bumitaw sa akin saka bahagyang lumayo. Marahas siyang nagbuga ng hangin at tumalikod. “Gusto mo ba akong i-take out kaya ka pumunta dito at hinanap ako?” tanong ako at ngumisi. “Crush mo ako ‘noh?” Ngunit nang lumingon siya sa akin ay halos tumayo ang lahat ng balahibo ko dahil sa paraan niya ng pagtitig sa akin. Matalim at puno ng galit ang makikita ko sa kaniyang mga mata kaya naman ay hindi ko maiwasan ang makaramdam ng takot. “Why would I like someone as low as you? You’re a slut, a s*x worker and you have nothing to offer,” aniya na kahit sa salitang ingles ay naiintindihan ko naman. “And besides, I don’t f**k with prostitutes.” Para akong binato ng sampung milyong kutsilyo dahil sa sinabi niya kahit hindi naman totoo ang mga iyon. Siguro nga kapag sa club ka nagtatrabaho at kahit hindi ka naman tume-table ay iisa lang tawag nila sa mga ganoon, pokpok, prosti, o kung ano-ano pa. Huminga ako nang malalim at matalim siyang tinitigan saka malakas na sinampal ang kaniyang poging pisngi. “Hoy, mister Iceman! Sa tingin mo ba papatol din ako sa tulad mong parang galing ng Mount Everest sa lamig? Eh, tangina mo pala e! Sino ka ba sa tingin mo ha?” sigaw ko sa mukha niya, “at isa pa! Isaksak mo utak mo ‘to, kahit one hundred inches pa ‘yan et*ts mo, nunka na papatol din ako sa ‘yo!” Tumalim rin ang tinging pinukol niya sa akin. “Be careful with your words, woman—“ “Ikaw ang mag-ingat dahil matabil ang dila mo, daig mo pa yung inuutangan ko ng sardinas sa kanto namin,” saad ko at ngumiwi. “Alam mo, bagay sa ‘yo pangalan mo. Damon, kasi damon-yo ka!” Matapos ko sabihin iyon ay tinalikuran ko siya at binuksan ang pinto. Napaigtad pa ako nang pagbukas ko ay naroon sina Madam Beks, Pola, Winny at kahit si Sally. Nagsi-iwas sila ng tingin at bahagyang lumayo sa pinto. Napalatak ako at napapailing na nilagpasan silang lahat. Ano bang kasalanan ko sa Iceman na iyon at bakit ba siya galit na galit sa akin? “Arg! Bwisit, ang pogi pa naman! Sayang!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD