bc

Perfect Dancer

book_age18+
728
FOLLOW
5.5K
READ
HE
arrogant
boss
drama
bxg
city
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Damon De Mevius was a ferociously frigid and hot perfectionist who was obsessed with doing everything just perfectly. Along with being the owner of De Mevius Construction Company, he is also among the most eligible bachelors in the country. Despite having all a woman could dream of, Merideth Tuazon, the ideal partner he adored, is not among them. His fiancée passed away three years ago shortly after giving birth to their child, who passed only a minute later.

However, his picture-perfect life was turned upside down when he encountered Atarah Montecalvo, a dumb pole dancer who was the complete opposite of his first love yet had a striking resemblance in appearance. A woman who will remove both his wall and his clothes. And a woman who makes his perfect life imperfect.

chap-preview
Free preview
Chapter One
ATARAH ISA-ISA KONG tinatanggal ang mga perang de papel na nakaipit sa garter ng sout kong maikling short at sa strap ng aking bra. Nagsimula na rin akong bilangin ang mga kinita ko habang naglalakad palapit sa dressing room ng night club kung saan ay nagta-trabaho ako bilang isang sexy pole dancer. Napangiwi ako at napalatak nang mabilang ko ang pera at mukhang hindi iyon kakasya para sa tuition fee ng kapatid kong si Alora. “Ang haba ng nguso mo, bes, bakit?” salubong na tanong sa akin ni Winny nang nakapasok ako sa dressing room at maupo sa tabi niya. Isa rin siyang dancer pero magkaiba kami dahil siya ay inilalabas ng mga customer samantalang ako ay hanggang nood lang sila. “Stress, Bes. Ang tumal! Bayaran pa naman ng tuition ni Alora ngayon,” reklamo ko at nagsimulang magtanggal ng make-up dahil alas singko na ng umaga at out ko na. “Mangutang ka na lang muna kay Madam,” sagot ni Winny na nag-tanggal naman ng wig. “Pero bakit kaya wala tayong VIP kanina ‘no?” Nang akmang sasagot ako ay saktong pumasok naman sa loob ng dressing room ang manager at handler naming lahat na si Madam Beks na isang transgender. Nasa forties na siya pero maganda siya, sexy at mabait pa. Nakahalukipkip siyang inilibot ang tingin sa aming lahat at pumalakpak nang sa gayon ay makuha ang atensyon namin. “Okay, makinig kayong lahat! Wala lahat ng VIP natin kanina dahil kaarawan ni Don Franco mamayang gabi kaya malamang ay matumal na naman tayo. Huwag kayong mag-alala dahil nag-request naman siya ng ilang mga babae para sa kaniya at sa kaniyang mga bisita,” saad ni Madam Beks na humikab pa. “Mamayang gabi ay pipili ako kung sino-sino ang isasama ko. Sige na, magsi-uwi na kayong lahat at mag-beauty rest. Ayokong mag-mukha kayong tuyot na ampalaya mamaya.” Matapos sabihin iyon ni Madam Beks ay tumalikod na siya at lumabas. Huminga naman ako nang malalim at mabilis na sumunod sa kaniya. Naabutan ko siya na hindi pa ganoon kalayo kaya agad ko siyang hinarang dahilan para mapaatras siya dahil sa gulat. “Oh, Atarah? Bakit?” tanong niya sa akin. “Ano, kasi, Madam. Ah, p'wede ba ako makahiram? Kailangan ko kasi magpadala sa probinsya. Bayaran na kasi ng tuition ni Alora,” nahihiya kong sabi. “Kailangan mo ng pera?” anito na pinanliitan ako ng mata at hinawakan ako sa braso. “Oo sana—“ “Gusto mo ba sumayaw sa harap ng mga VIP mamayang gabi sa party? Wala namang pinag-kaiba iyon sa pagsayaw mo sa night club. Atarah, mas malaki ang kikitain mo.” Napakurap ako at napaisip dahil tama naman si Madam Beks, puro VIP ang naroon kaya panigurado akong doble, hindi, baka triple pa ang makuha kong bayad. Ngunit ang problema ko lang ay walang bouncer doon na p’wedeng pumigil sa kanila oras na abutan sila ng kalibugan sa katawan. Huminga ako nang malalim at muling tinitigan si Madam Beks. “Pag-iisipan ko, Madam—“ “May kalahating araw ka lang para mag-isip, Atarah,” anito at nagpatuloy na sa pag-alis. Nagbuga naman ako nang marahas na hangin at bumalik sa dressing room para magpalit ng sout dahil hindi p’wedeng makarating kay Alora na ganito ang trabahong pinangbubuhay ko sa kaniya. Ayokong kamuhian niya ako tulad ng kung paano niya kamuhian ang nanay naming pokpok na namatay sa pagkakaroon ng HIV dahil sa pakikipagtalik sa iba’t ibang lalaki. “Atarah, mauna na ako ha!” ani Winny na agad umalis nang makapasok ako sa dressing room. Tinanguan ko lang siya at nagsimulang mag-ayos ng gamit ko. Nagpapanggap akong isang call center agent para pagtakpan ang totoo kong trabaho. Nang maayos ko na ang mukha ko at akmang lalabas na nang pumasok naman si Paeng. Ang masugid kong manliligaw na isang bartender sa night club na halos araw-araw ko ring binabasted. Napabuntong-hininga ako humalukipkip. “Ano na naman, Paeng?” tanong ko at nagtaas ng kilay. “Ihahatid na kita, Atarah. Nakabili na ako ng motor—“ “Pake ko sa motor mo? E, hindi nga kita type,” sagot ko sa kaniya. Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa pinto nang hawakan niya ako sa braso at marahas na isinandal sa pader. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya kasabay nang malakas na pagtibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba. “Bitawan mo ako, Paeng—“ “Bakit ba ayaw mo sa akin, e isa ka lang din namang puta?” aniya na salubong ang kilay. Pinagkiskis ko ang bagang ko dahil sa inis at walang pagdadalawang-isip na tinuhod ang kaniyang nangangating bayag dahilan para mapaigik siya at bitawan ako. Matalim ang tinging pinukol niya sa akin pero dahil hindi ako takot sa kaniya ay tinaasan ko lang siya ng kilay. “Hindi ako puta, dancer ako, tanga!” Matapos ko sabihin iyon ay nagmartsa ako palabas ng dressing room at dire-diretso na lumbas ng night club. Naglakad ako papunta sa sakayan ng jeep ngunit bago ako tuluyang makasakay ay napansin ko ang pagdaan ng isang mamahaling kotse na agad namang huminto at nagbukas ng bintana na para bang sa side mirror niya lang ako tinititigan. Mabilis akong lumihis ng tingin at inayos ang salamin na sout ko. Sino naman kaya ‘yon? Sumakay ako ng jeep at trenta minutos lang ay bumaba na rin ako at tumungo sa eskinita ng skwater kung saan ako nakatira. Dumiretso ako ng bahay kung saan ay may kasama akong mga roommates na may kaniya-kaniyang buhay. Pumasok ako sa kwarto at humiga sa kama saka pinikit ang aking mga mata. Kapag hindi ako nakapagpadala kay Alora ay baka matulad siya as akin, walang pinag-aralan, boba at wala alam gawin sa buhay. “Hindi p’wede!” Napabangon ako at kinuha ang aking cellphone saka tinawagan si Madam Beks. Kumakabog ang dibdib ko dahil sa sobrang kaba habang hinihintay na sagutin niya ito. Nang sagutin niya ang tawag ay napaupo ako nang tuwid. “Hello, Madam?” “Oh, Atarah? Nakapag-desisyon ka na ba?” Huminga ako nang malalim at tumango kahit hindi naman niya ako nakikita. “Oo. Sasayaw ako sa harap ng mga VIP.” WALANG TIGIL sa malakas na kabog ang aking dibdib nang makarating ako sa isang malaki at mamahaling hotel. Pinuno ko muna ng hangin ang aking baga at marahas na binuga iyon saka pumasok sa loob. Nang lumapit ako sa reception ay tinaasan naman ako ng kilay ng isa sa mga babae na nandoon at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Nakasout ako ng mahabang polong puti at maikling short habang dala ang aking backpack. Tumikhim naman ako at ngumiti sa kanila. Nang akmang magsasalita ako ay bigla naman may dumating na isang lalaki na mukhang utusan ng mga VIP. “Ikaw ba si Atarah?” tanong nito. “Ako po,” magalang kong sagot. “Sumunod ka sa akin,” aniya at nagsimulang maglakad. Inirapan ko lamang ang babae kanina at sumunod sa lalaki na pumasok sa loob ng elevator. Ilang minuto nang marating namin ang isang palapag ay agad kaming lumabas at tumungo sa isang kwarto saka pumasok sa loob. Nagsalubong naman ang kilay ko nang makita ang iba’t ibang klase ng damit na nakapatong sa kama at sa bawat pares ng damit ay may nakaparehong maskara. “Get dressed, Miss. I’ll wait for you outside,” anito at lumabas. Huminga naman ako nang malalim at tulad ng sinabi ng lalaki ay nagbihis ako. Ang pinili ko ay ang pulang bra at maikling short na hapit na hapit sa aking katawan. Sinout ko rin ang maskara na ang tanging natatabunan lamang ay ang itaas na bahagi ng aking mukha. Tumingin muna ako sa salamin at nang sa tingin ko ay maayos na ang aking itsura ay nagsout lang ako ng pulang roba at lumabas. “Follow me, Miss,” saad ng lalaki na nagsimulang maglakad. Sumunod ako sa kaniya at huminto kami sa harap ng isang pinto. Huminga muna ako nang malalim at kahit sobrang kinakabahan ay isinantabi ko iyon dahil mas kailangan ko ng pera. Pinihit ko ang seradura at pumasok sa loob. Sinalubong ako ng mga mata ng mga lalaking may edad na pero sa halip na mailang ay nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang maliit na stage na may pole sa gitna. “Dance for us,” saad ng isang lalaki na mukhang hapon. Tumango ako at inalis ang manipis na roba saka kinuha ang maliit na pulbo saka naglagay sa aking kamay at bandang hita. Nang magsimulang tumugtog ang maharot na musika ay inilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng kwarto, ngunit sa bandang dulo ay may isang lalaking nakatayo at mataman ang titig sa akin dahilan para biglang kumabog ang dibdib ko. Kung makatitig naman sa akin ang isang iyon! Maliit lang naman dyoga ko ah! Umiwas ako ng tingin at itinuon ang atensyon sa pole. Humawak ako dito at nagsimula akong sumayaw. Puro ngisi na puno ng libog at mga matang nanghuhubad ang nakikita ko sa mga mukha ng mga mayayamang manyakol na ito. Sa ilang minuto kong pagbali-baliktad sa pole ay natapos ako sa pagsayaw. “What a wonderful performance!” bulalas ni Don Franco na tumayo at pumalakpak. Siya ang VIP na may birthday ngayong gabi. Ngumiti naman ako at habang hawak ang dibdib dahil sa sobrang hingal. “Salamat po, small thing.” Lumapit si Don Franco sa lalaking kanina pa nakatitig sa akin at wala man lang ibang reaksyon ang mukha maliban sa pagiging seryoso. Inakbayan siya ng matanda at itinuro naman ako na para bang fishball sa kanto. Hindi ko maiwasan ang mapangiwi at kinuha ang pulang manipis na roba saka sinout iyon. Inayos ko rin ang maskara ko at uminom ng tubig. “You can bring her home, son. I promise you, she’ll make your night memorable,” ani Don Franco sa lalaking mukhang ang kaniyang anak. Napabuga ako ng tubig na tumama pa sa mukha ng isang bisita. Napangiwi ako at agad siyang binigyan ng sandamakmak na tissue. Nanlaki naman ang mata ko at napailing dahil hindi kasama sa usapan namin ni Madam Beks ang i-take out at gawing happy meal. Napalunok ako ng laway at bumaba ng stage saka naglakad palapit sa mag-ama. Nagsalubong naman ang kilay ng lalaking sing lamig ng yelo sa freezer na naka number five ang mukha. Nang makalapit ay tumikhim ako upang makuha ang atensyon nilang dalawa. “Mawalang galang na po, Don Franco pero—“ “I hate cheap women like her, Father. I’d rather sleep than waste my time with her,” malamig nitong sabi at inalis ang pag-akbay sa kaniya ng kaniyang ama. “And one more thing, I don’t like her, she looks like a mess.” “Damon,” bigkas ng kaniyang ama. Napaawang ang aking labi sa sinabi niya dahil kahit hindi naman ako maalam sa ingles ay naiintindihan ko siya ng kaunti. Kung anong kina-gwapo ng mukha, kinasama naman ng ugali. Tumikhim ako muli at nagtaas ng kilay sa kaniya. “I’m not mess, I am clean,” sagot ko sa kaniya sa ingles. Hindi ako sigurado sa sagot ko pero bahala na si captain barbell! Nagbuga nang hangin ang lalaking yelo at napailing. “See? She can’t even understand basic English—“ “Hoy, excuse me mister ice man, naintindihan kita ha! At saka isa pa, ang sama ng ugali mo, alam mo ba ‘yon? Wala ka bang s*x life?” naiinis kong sabi habang nakataas ang kilay. Ang sama ng bunbunan ng isang ‘to ah! Naaagaw na namin ang atensyon ng mga ibang bisita ni Don Franco pero kiber ko ba? E, harap-harapan akong iniinsulto ng isang ‘to? Matalim ang tingin sa akin ng lalaki na para bang gusto na niyang pagbali-baliin ang buto ko kaya naman pasimple akong nag-iwas ng tingin dahil mukhang may natabig akong bagay na hindi dapat. Mukhang mali nga ang aking mga nasabi dahil basta na lamang niya akong hinablot sa braso at kinaladkad palabas ng kwartong sinayawan ko. “Hoy! Ano ka ba! Charot-charot lang ‘yon!” “Shut up!” anito habang kinakaladkad ako. Tumigil kami sa hindi kalayuan at napangiwi naman ako nang bigla niya akong bitawan dahilan para mapaatras ako at mabali ang takong ng suot kong heels. Pinagkiskis ko ang bagang ko sa inis at tinitigan nang matalim ang lalaki. “Leave,” anito na nakaigting ang panga. Nagtaas naman ako muli ng kilay at inilahad ang aking palad. “Bayad muna, wala ng libre sa mundo.” Napalatak ang lalaki at kumuha ng perang papel sa kaniyang wallet saka kinuha iyon lahat at marahas na isinaboy sa aking mukha. Mabuti na lang at nakamaskara ako kaya hindi nila ako makikilala dahil kung nagkataon ay baka hilingin ko na lang na kainin ng lupa at gawing almusal. Nang akmang pupulutin ko ang mga pera ay may mga batang nagtatakbuhan naman ang bigla na lang dumaan at nakasagi sa aking bandang ulo dahilan para matanggal ang aking maskara. Nanlaki ang mga mata ko at wala sa sarili na tumingala sa lalaking hindi pa rin umaalis sa kinatatayuan. Unti-unting nag-iba ang reaksyon ng kaniyang mukha na napalitan ng pagkagulat. Nanlaki ang mga mata niya na para bang nakakita ng multo. Nagsalubong naman ang aking kilay at dahan-dahan na tumayo. “Bakit—“ “Merideth…”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
73.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
94.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook