bc

UNDERCOVER HEARTS

book_age18+
5
FOLLOW
1K
READ
dark
age gap
second chance
mafia
heir/heiress
tragedy
sweet
serious
kicking
mystery
scary
detective
like
intro-logo
Blurb

Si Kristina Rivera ay isang simpleng dalagang puno ng pagmamahal at pangarap para sa kanyang pamilya. Hindi man marangya ang kanilang pamumuhay, sapat na para sa kanya ang magkaroon ng isang masaya at tahimik na pamilya

Ngunit sa isang iglap, mawawala ang lahat ng kanyang pinanghahawakan.

Sa isang trahedyang hindi niya kailanman inakala, mawawasak ang kanyang pamilya at maiiwan siyang mag-isa upang harapin ang sakit, pagkawala, at mga tanong na walang kasagutan. Sa halip na sumuko, gagawin ni Kristina ang lahat upang malaman kung sino ang tunay na may kagagawan sa nangyari.

Sa kanyang paghahanap ng katotohanan, mapapasok siya sa isang mundong puno ng kasinungalingan, karahasan, at pagtataksil—isang mundong hindi niya kailanman inakalang bahagi pala ng kanyang sariling pagkatao.

At doon niya makikilala si Lorenzo Moretti, isang lalaking misteryoso at mapanganib na unti-unting magiging bahagi ng kanyang buhay. Sa kabila ng mga lihim na namamagitan sa kanila, mahuhulog ang kanilang mga puso sa isa't isa.

Ngunit paano kung ang lalaking minamahal niya ay konektado sa pagkawasak ng kanyang pamilya?

At paano kung ang katotohanang buong buhay niyang hinahanap ang siya ring katotohanang sisira sa kanyang puso?

Sa mundong puno ng dugo, kasinungalingan, at paghihiganti, hanggang saan niya kayang ipaglaban ang katotohanan—at ang pag-ibig na maaaring maging kanyang pinakamalaking kahinaan?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Tagaktak ang aking pawis habang naglalako ng mga gulay dito sa palengke. Summer season na rin kasi kaya ganito kainit at kaalansangan ang panahon. Pakiramdam ko ay isa na akong malagkit na ibinalot sa dahon ng saging dahil sa mga butil ng pawis na dumadaloy sa aking katawan. Naku! Nakalimutan ko pang dalhin ang aking towel upang ipamunas sana sa aking mga pawis. Dali dali akong nagtungo sa pwesto ni Isa, ang aking matalik na kaibigan. "Martha! Pahiram nga muna ako ng towel mo. Naiwan ko kasi yung akin eh" sigaw ko rito habang ako ay naglalakad palapit sa kanya. "Oh! Saluhin mo!" sigaw nito pabalik. Kaya naman maliksi kong ini angat ang aking mga kamay upang saluhin ang towel nito. Ganito kaming magkaibigan. Kahit magkalapit lang ang aming pwesto ay nagsisigawan kami kung mag usap. "Salamat! Lalabhan ko na lang ito." anas ko dito at agad na akong bumalik sa aking pwesto. Mahirap na baka may customer akong hindi maasikaso kapag iniwan ko ang aking mga paninda. Kasalukuyan akong naglalagay ng mga talbos ng kamote sa plastik nang lapitan ako ni Isa. "Siguro nakarami kana ano?" anas nito habang pasalampak na naupo sa aking tabi. Isang malalim na buntong hininga ang aking ginawa bago sinagot ang tanong nito. Sino ba naman ang masisiyahan gayong kaninang umaga pa kami narito ngunit napaka kaunti ng mga mamimili ngayon. Sa loob ng limang oras naming pagtitinda mula kaninang umaga ay nasa dalawang daan pa lamang ang aking kinita. Hindi ito sasapat para sa baon naming magkakapatid bukas. Nasa third year highschool pa lang ako at ang mga sumunod kong kapatid ay nasa elemantarya. Tatlo kaming magkakapatid at ako ang panganay. Ang tatay ko ay nagtatanim ng mga palay sa aming sakahan habang ang aking inay ay naglalabandera. "Ano pa nga ba ang aasahan natin ngayon araw. Tirik na nga ang araw matumal pa" palatak ko rito. Malungkot na lamang akong napatingin sa aking mga panindang gulay na ngayon ay malapit ng maalanta. "Tignan mo itong mga gulay ko, malapit ng matuyot" reklamo ko dito. Kakamot kamot na lang ako sa aking ulo. Hanggang sa may isang pares ng sapatos ang nandito sa aming harapan. Agad akong nag-angat ng tingin. Napaka-ganda naman ng ginang na ito. Malamang mayaman ito. Halata naman sa kanyang kasuotan ang nagsusumigaw nitong karangyaan. "Iha, magkano ang isang bungkos ng kamote at kangkong?" malambing na tanong nito. Hanga ako dito dahil kahit na mayaman na ito ay hindi ito mayabang kung magsalita. "Ah, iyang isang bungkos ng kamote ho ay nasa bente pesos po at iyang kangkong naman ay nasa 30 pesos ho" nakangiting anas ko dito. "Sige. Bigyan mo ako ng tig sampung bungkos ng kamote at kangkong. Tamang tama isasahog ko iyan sa aking sinigang mamaya." tila excited na anas ng ginang. Gulat na napatingin ako sa ginang nang sabihin nitong bibilhin niya ang natitirang kangkong at kamote na aking paninda. "T-talaga po ba? Maraming salamat po ma'am. Naku! Hindi ho kayo magsisisi sa mga gulay ko dahil sariling pananim ho namin iyan. Walang halong kemikal, organic lamang." Natutuwang ibinida ko sa kanya ang aking mga paninda. Matapos kong i-abot ang kanyang pinamili ay siyang abot nito ng isang libong piso ngunit nagtataka lamang ako dahil ang tanggal niyang bitawan ang aking kamay. May pag-haplos pa itong nalalaman. "Sandali lamang ho at susuklian ko kayo" anas ko dito. Natigil lamang ako sa pagkuha ng panukli nang sabihin nitong... "Keep the change, iha" pagkasabi niyon ay nagmamadali na itong umalis. Halos tumalon naman ako sa tuwa dahil hindi ko na kailangan bumilad sa napakainit na araw dahil sapat na ito para sa aming magkakapatid. May sobra pa para sa meryenda namin ni Isa. Pagkarating ko sa aming bahay ay agad kong ibinalita sa aking itay na nakabenta ako ng malaki ngayon. Sinabi ko rin dito na hindi na kinuha nung ale ang sukli sa isang libo. "Aba., ano kayang mahika ang iyong ginawa at hindi na kinuha ng ale ang sukli?" namamanghang anas ng aking ama. "Itay naman. Baka nagandahan lamang sa akin no" anas ko dito. Naiiling na lamang ang aking ama sa aking tinuran. "Ate... Asan na baon ko para bukas?" agad na tanong ng aking bunsong kapatid. "Kuuu! Ang aga naman manghingi ng baon. Siguro ipambibili mo lamang ng text at holen kay Aling Mameng no?" nakapamaywang na tanong ko dito. "Hala hindi aahhh!" anas nito at natatawang nagtatakbo patungo sa aming silid. Tinulungan ko na lamang ang aking ina sa pag-hihiwa ng mga sangkap sa lulutuin nitong pananghalian. Matapos naming kumain ay agad na akong nagtungo sa aming likod bahay upang maligo na muna bago ako pumunta kina Martha. Makalipas ang ilang minuto ay natapos rin akong maligo. Napakasarap talagang maligo sa poso. Malamig na ang tubig ay napakapresko pa sa katawan. Nagsuot lamang ako ng shorts at sando dahil kina Isa lamang ang punta ko. Nangako kasi ako ritong ililibre ko ito ng burger sa may bayan. Sakto namang may sobra sa kinita ko kanina. "Alam mo nagtataka na talaga ako bes kung anak ka bang talaga ng tatay at nanay mo. Dahil tignan mo ang ganda ganda mo at ang tangkad tangkad mo" tila nagtatakang anas nito. Tinaasan ko na lamang ito ng kilay dahil sa kung anu-ano na naman ang lumalabas sa bibig nito. Makailang beses na kasi niyang tinatanong ito. Hindi ko naman ito binibigyang halaga dahil mga magulang ko naman talaga sila. Ayon sa king inay at itay, matangkad daw talaga ang aming angkan. Hindi lamang pinalad sa height ang aking ama ngunit nakuha ko naman ang katangkaran ng aking ina. Mapuputi ang aking mga magulang. Nangitim na lamang sila dahil sa araw-araw silang nabibilad sa initan. "Alam mo nagtataka rin ako kung anak ka ba talaga ng nanay at tatay mo. Biruin mo ha, ang nanay at tatay mo ay matatangkad, ikaw lang yata itong bansot" natatawang ganti ko dito habang hindi na maipinta ang kanyang muka. "Aray!" reklamo ko dito. Dahil bigla na lamang ako nitong hinampas sa aking braso. "Pasaway yang dila mo!" nanlalaki ang mga matang turan nito. Ganito talaga gaming magkaibigan. Ang aming mga biro ay minsan personal na. Ngunit walang balat sibuyas sa amin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ELEAZAR GUSTAVO'S, FORBIDDEN AFFAIR

read
8.0K
bc

MANO PO, NINONG (The Forbidden Love)

read
259.6K
bc

Palit Tayo Ng Asawa (Wife Swapping Gone Wrong)

read
16.0K
bc

Kuya Obsession Series 3: Taming my Rude Seniorito(Spg)

read
178.1K
bc

The Billionaire Father Vs. His Son

read
5.1K
bc

Salatin Mo, Doc. Demetrius (SPG)

read
88.9K
bc

Make It Harder (SSPG)

read
293.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook