Kabanata 8

1120 Words
"Kung makatingin ka parang gusto mo na akong patayin ah," bungad ni Diana sa kaniyang Kuya Jacob nang puntahan siya nito sa may pool area. "Bakit ka nagsinungaling? Hindi naman nawawala ang laptop ko! Pinagod mo lang akong magtatakbo pabalik sa silid ko! Sa halip na nakapag-relax ako ay hindi! Parte ba 'yon ng mga kagaguhan mo ha Diana?" nagngangalit na tanong ni Jacob. Pikon na pikon siya sa ginawang iyon ng kaniyang kapatid. It's not a good joke too. "I just want to see if you still have that amazing strength in your feet. Hindi ba't panlaban ka ng university niyo noon sa takbuhan?" mapang-asar na sagot ni Diana habang umiinom ng smoothie. Hindi niya naman puwedeng sabihin na iniiwas niya ang Kuya Jacob niya sa pamilyang inabandona nito! Besides, hindi nito alam na nagka-anak sila ni Freya. Namula bigla ang tainga ni Jacob. Mabilis siyang humakbang palapit sa kaniyang kapatid. Binuhat niya ito at inihagis sa pool. Nabasag ang glass na hawak ni Diana. Halos mapasinghap siya nang umultaw ang mukha niya sa tubig. "What the f**k is wrong with you JACOB ANDERSON GRAY?" malakas na sigaw ni Diana. Sa isang iglap ay nagtakbuhan ang sandamakmak na kababaihan palapit sa kinaroroonan ni Jacob. Halos hindi siya makaalis sa kinatatayuan niya dahil sa dami nang nakapalibot sa kaniya. "Buti nga sa'yo," nakangiting sambit ni Diana. Walang magawa si Jacob kung hindi ang panoorin ang ngayo'y nag-eenjoy sa paglalangoy na si Diana. Mas inasar pa siya nito nang pandilatan siya nito. "Damn it!" bulong ni Jacob. Umahon na sa pool si Diana. Balak niyang maglibot-libot sa iba pang amenities ng Escueza samantalang si Jacob naman ay pilit pa ring kumakawala sa mga babaeng halos patay na patay sa kaniya. "Mr. Jacob 'di ba single ka pa?" malanding tanong ng isang seksing babae. Hindi sumagot si Jacob. Kahit papaano ay nakakapaglakad na siya, 'yon nga lang, lumalakad din sila. "Jacob, will you marry me?" sabi naman ng isang morena at magandang babae. "Mr. Gray, ilang anak ang gusto mo? Nakahanda na ang matres ko. Ikaw na lang ang hinihintay nito," kagat-labing sambit ng isang matangkad at maputing babae. Nagsisimula nang mairita si Jacob. Tumungo siya at pagkatapos ay tumunghay nang nakangiti. Ang ibang babae ay hindi magkandaugaga sa pagkuha ng litrato. Ang ibang babae naman ay tuwang-tuwang hawakan ang kaniyang matipunong katawan. "LEAVE ME ALONE! I DON'T NEED A WIFE BECAUSE I ALREADY HAVE ONE. I HAVE A CHILD TOO!" Jacob yelled at the top of his lungs. Natigilan ang lahat. Jacob couldn't think of a way to get rid of them, except for what he did. Unti-unting naglayuan ang mga babae sa tabi niya. Napangiti si Jacob dahil alam niyang effective ang naisip niyang palusot. "Pogi problem," natatawang sambit ni Jacob. Kumunot ang noo niya nang may natira pang isang babaeng nakaharang sa daan. She's fixing her slippers. Napahawak si Jacob sa bandang dibdib niya. "What's wrong with you?" aniya habang nakatingin sa kaniyang dibdib. "Ang bait talaga no'ng babaeng 'yon. Sana sabihin na niya sa akin ang pangalan niya. Nakakatuwa at magaan ang loob nila ni Yael sa isa't-isa," mahinang sabi ni Freya habang ikinakabit ang napunggal na hapin ng kaniyang tsinelas. "Ayan! Makakapag-me time na ako kahit saglit!" Pagtayo na pagtayo ni Freya ay nakita niya ang lalaking ilang araw na niyang iniiwasan. Her feet felt numb. She couldn't move even an inch! Lahat nang kanilang masasaya at masasakit na alalang ibinaon na niya sa limot ay unti-unting bumabalik sa isip niya. "J-Jacob?" "F-Freya?" Kinusot ni Jacob ang kaniyang mga mata. "Why am I seeing her again?" bulong niya. "Siya ba ang asawa mo, Mr. Gray? Ang suwerte naman niya!" sabi ng isang dumaang babae na kanina ay nakipagsiksikan malapitan lang si Jacob. 'It's real! I'm not hallucinating!' Jacob thought. Tatakbo na sana palayo si Freya nang bigla siyang harangan ni Jacob. "Are you following me?" Jacob asked it on purpose. Gusto niyang malaman kung si Freya ba talaga ang nakita niya nitong mga nagdaang araw. "Ang kapal ha. Ikaw nga 'tong basta-basta na sumusulpot kung saan ako naroroon. Una sa Supermalls, pangalawa sa restaurant tapos sa …" iritang sabi ni Freya. Huli na nang mapagtanto niya ang kaniyang mga sinabi. 'That's it! Siya nga ang nakita ko sa Supermalls, sa restaurant ni Ivana at sa airport!' sigaw ng isip ni Jacob. "At nagawa pang ngumiti." Tatalikod na si Freya nang biglang hawakan ni Jacob ang kaniyang isang braso. She felt it again. Ganoong-ganoon ang naramdaman niya noong unang beses siyang hawakan ni Jacob at nagtataka siya kung bakit hanggang ngayon, tila nakukuryente pa rin siya sa oras na magtama ang kanilang mga balat. "Freya, huwag ka munang umalis. Mag-usap muna tayo. Kumusta ka na?" ani Jacob. Nagniningning ang kaniyang mga mata. Tumawa nang pagak si Freya. Bumalik sa ala-ala niya ang araw na iyon at ang pitong taong paghihirap niya maitaguyod lamang ang anak nilang dalawa, nang mag-isa! "Bitiwan mo ako, Jacob. Wala tayong dapat pag-usapan," mariing sambit ni Freya habang inaalis ang pagkakahawak sa kaniya ng dati niyang kasintahan. "Galit ka pa rin ba sa akin? Freya, it's been seven years already! Hindi ba tayo puwedeng maging magkaibigan?" nakangiting tanong ni Jacob. This time, Freya laughed her heart out while her eyes were starting to cry. Ganoon lang ba kadali para kay Jacob na kalimutan ang lahat? He abandoned her and their child for the sake of that woman! Natigil si Freya sa pagtawa nang maalala niya ang pagmumukha ni Ivana. 'Siya 'yon! Siya ang babaeng pinili ni Jacob kasya sa aming mag-ina pero bakit iba ang kasama niyang lalaki kanina? Naghiwalay na ba sila?' Halos mapatalon si Freya nang maramdaman niyang mas malapit na sa kaniya si Jacob. "Lumayo ka nga sa akin Jacob!" Sa halip na lumayo ay lalo pang lumapit sa kaniya ang dating kasintahan. "Bakit Freya? May pagtingin ka pa rin ba sa akin?" mapang-akit na sambit ni Jacob. Kinakastigo niya ang kaniyang sarili, 'why the f**k I'm doing this?' Huminga nang malalim si Freya at pagkatapos ay buong-lakas niyang itinulak si Jacob. Napaupo ito sa may sahig. "Masyado kang mahangin Jacob! For your information, matagal na akong naka-moved on sa'yo! Masaya na ako sa buhay ko. I hope we don't meet again," ani Freya bago lumakad palayo kay Jacob. "Divorced na ba sila? Ang tangä naman ng babaeng 'yon! Isang Jacob Anderson Gray na nga ang napangasawa niya, pinakawalan pa!" hinayang na hinayang na sabi ng isang babaeng naliligo sa pool. Natulala si Jacob habang pinapanood ang pag-alis ni Freya. "Ibang-iba na siya sa dating Freya na nakilala ko. She … she became fierce, more beautiful and … and sexy!" Inalog ni Jacob ang kaniyang ulo. "Am I attracted to her?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD