Kabanata 7

1536 Words
"Jacob," bulong ni Ivana nang marinig niya ang sigaw ni Diana. Hindi niya mawari kung bakit kusang humakbang ang mga paa niya para sundan ito. Nilingon niya muna si Jackson. Nang makita niyang nasagip na nito si Yael ay saka siya kumaripas ng takbo para sundan si Jacob. Biglang nagtago si Ivana sa isa sa mga poste ng gusali nang biglang lumingon sa likuran si Jacob. "May sumusunod ba sa akin?" bulong ni Jacob. Nang wala siyang nakita ay nagpatuloy siya sa pagtakbo patungo sa kinaroroonan ng elevator. Tinitigan na lamang ni Ivana ang likod ni Jacob dahil hindi naman siya puwedeng sumunod dito hanggang sa elevator. Mag-aaway lang sila kapag nakita siya nito. Dumaan muna siya sa buffet area dahil bigla siyang nagutom. "Since today is cheat day, I'm going to eat my favorite sweet foods! Mamaya na kita babalikan, Jackson," ani Ivana. Samantala, maingat namang ibinaba ni Jackson si Freya matapos niya itong maiahon sa pool. Lahat ng tao sa pool area ay nakatingin sa kaniya lalo na ang mga kababaihan. His body is as hot as hell. "Kid, I am going to save your mother's life but you should follow my order. Is that okay with you?" Jackson courteously asked Yael. Nakatingala siya rito dahil nakaluhod siya sa sahig. "That's fine with me, just … just save my mom. I beg you," nanunubig ang mga matang sambit ni Yael. Tumango si Jackson. "Now, turn around and don't move until I say so," aniya. Agad na tumalima si Yael sa utos ni Jackson. Kumunot ang noo ni Jackson nang hindi niya makita kung nasaan si Ivana pero ipinagpatuloy na niya ang pagcardio-pulmonary resuscitation kay Freya. Jackson placed his hands at the center of Freya's chest then he pushed hard and fast, about twice per second. He lifted his entire body weight off her in between each compression. He repeated it thirty times. "Kid, don't look yet. I still need to do two rescue breathing," ani Jackson nang mapansin niyang nais nang humarap ni Yael sa kanilang dalawa. Tinitigan ni Jackson ang labi ni Freya. Napalunok siya at pumikit bago gawin ang rescue breathing. He failed at his first try so he decided to repeat it. Nang ilalapat na niya ang kaniyang labi sa labi ni Freya ay nagulat siya nang buong-lakas siyang itinulak nito. Nagkaroon na ito ng ulirat. "Anong ginawa mo? Anong ginagawa mo?" nanlilisik na mga matang sambit ni Freya habang nakatakip ang kaniyang mga kamay sa kaniyang dibdib. "Mommy!" sigaw ni Yael sabay harap at yakap sa kaniyang ina. "Sir, thank you! Thank you for saving my mom!" umiiyak na sambit niya. "Saving?" bulong ni Freya. Napatingin siya sa paligid. Pinagbubulungan na siya ng mga tao. "Kung ako 'yong nasa posisyon niya, magpapanggap akong wala pa ring malay para mahalikan pa ako ni pogi!" ani ng isang babae. "Same girl! Look at her. Siya na nga itong iniligtas, siya pa itong matapang," nang-iirap na wika ng isa pang babae. Nag-alisan na ang mga tao sa kanilang tabi at bumalik na sa kani-kanilang mga puwesto kanina. Namula bigla ang mga pisngi ni Freya. Wala siyang maramdaman ngayon kung hindi kahihiyan. Tumayo na siya at inakbayan si Yael. "Ahmm.. So-sorry kung naitulak kita. A-akala ko kasi …" "It's okay. I'm glad you're fine now," natatawang sabi ni Jackson. "Sa-salamat nga pala sa pagliligtas mo sa akin at sa anak ko," nahihiyang turan ni Freya. "You're welcome. Next time, don't rescue someone who's drowning when you're not trained to do so. Be careful and look after your son." Tumayo si Jackson at lumakad palapit kay Yael. "What's your name, little kid?" "I'm Yael Anderson Gray," nakangiting tugon ni Yael. "Anderson Gray?" bulong ni Jackson. "Opo. Sabi po ni Mommy Freya isinunod niya raw po ang name ko kay daddy. Kayo po ano pong pangalan niyo?" "I'm Jackson," nakangiting sagot niya. "Pasensya ka na kay Yael ha. Madaldal talaga siya. Salamat ulit sa tulong mo sa amin," nakayukong sambit ni Freya. "Walang anuman Freya. Can I ask you something? If you don't mind." "Sure. Ano ba 'yon Sir Jackson?" "Just call me Jackson. Hmm, nasaan ang asawa mo? Bakit hindi mo siya kasama rito?" Nagkunwaring lumilinga-linga si Jackson. Alam na niyang si Jacob ang posibleng ama ni Yael pero kailangan niya ring marinig ito mismo sa bibig ni Freya. Tumikhim si Freya at pagkatapos ay sinabihan si Yael na umupo muna sa isa sa mga modern pool lounge chairs. Tanaw niya ang inupuang iyon ni Yael. "Since you saved our lives, I'm not going to lie but … promise me that you will not tell this to anyone, especially to my son." "You can count on me." Excited na si Jackson na marinig ang sagot ni Freya sa tanong niya. "I told him, his dad died a long time ago but …" "But?" Jackson asked with excitement displayed on his entire face. "But it's just an excuse para hindi na niya ako kulitin pa tungkol sa katauhan ng kaniyang daddy. Ang totoo …" Tumaas ang kilay ni Jackson. Bakit ba patigil-tigil si Freya sa pagsasalita? "Yael's father is J—" "Jackson!" Sabay na napalingon sina Freya at Jackson sa direksyon ni Ivana. Hindi maipinta ang pagmumukha niya dahil nadatnan niyang nakikipag-usap ang kaniyang nobyo sa babaeng iyon. Hindi niya alam kung bakit kumukulo ang dugo niya sa tuwing makikita niya ito. "Babe, kanina ka pa ba riyan?" kunot-noong tanong ni Jackson. Inis na inis siya dahil saka pa sumulpot ang girlfriend niya kung kailang malapit na niyang makumpirma kung si Jacob ba talaga ang ama ni Yael. Nilakihan ni Ivana ang kaniyang mga hakbang at hinigit si Jackson palayo kay Freya. Pinasadahan niya ng tingin si Freya mula ulo hanggang paa. Walang nagawa si Jackson kung hindi ang mapatingala sa may kisame. "What's your name?" mataray na tanong ni Ivana. "F-Freya." "Freya, what a common name! Anyway, 'di ba may anak ka na?" Tiningnan ni Ivana si Yael na ngayon ay naglalaro sa cell phone ni Freya habang nakahiga sa lounge chair. "Oo, bakit?" tanong naman ni Freya. "Then act like you have one! Stop flirting with random guys lalo na kung alam mong imposibleng walang girlfriend ang lalaki. Kuha mo?" "Babe, nag-uusap lang kami ni Freya. Ano bang pinagsasasabi mo? Wala ka bang tiwala sa akin?" sabat ni Jackson. Ivana looked directly in his eyes. "I'm not talking to you so shut your mouth." Wala na talaga sa mood si Ivana. Pati si Jackson ay nadamay na rin sa pagka-inis niya kay Freya. "Miss, huwag kang mag-alala. Wala naman akong balak agawin si Jackson sa'yo. Nagpasalamat lang ako kasi tinulungan niya kami ng anak ko. Sorry if nagselos ka sa amin. Wala ka namang dapat pagselo—" "Selos? Sinong may sabi sa'yong pinagseselosan kita? Kilala ko si Jackson, hindi siya papatol sa isang CHEAP na katulad mo." Tumawa nang pagak si Ivana. Ikinuyom ni Freya ang kaniyang mga kamay at saka ito dahan-dahang ibinuka. "Sorry ulit. Sige po, mauna na po ako. Hinihintay na ako ng anak ko," aniya. Hindi na hinintay ni Freya na muling magsalita si Ivana dahil natatakot siya sa maaari niyang masabi rito, kaya hangga't kaya pa niyang magtimpi ay nagkusa na siyang tumalikod sa magkasintahan. Inihatid ng tingin ni Jackson si Freya hanggang sa makarating ito sa tabi ni Yael. "Babe, why are you acting like that? Hindi ka naman ganiyan ah! She's just being grateful. Sa'yo na rin mismo nanggaling na kilala mo ako so why are you acting like you're being jealous of her?" "Babe, I'm sorry pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, mainit ang dugo ko sa kaniya. She looks like a slut! Tingnan mo nga, parang walang kinikilalang ama 'yong anak niya! I'm sorry okay? I didn't mean it! I just don't like her!" paliwanag ni Ivana. "Hindi ko tuloy na-confirm kung si Jacob nga ba ang daddy ni Yael," bulong ni Jackson. "What did you say, babe?" "Wala babe. Tara muna bumalik sa room natin. Magbibihis muna ako bago tayo pumunta sa gaming area." Nang makaalis na sina Jackson at Ivana ay saka lumapit si Diana kina Freya at Yael pero hindi siya nagpahalata. 'Ano bang ginagawa rito ng mag-inang 'to? Bakit sa dinami-dami nang makakasalamuha nila, si Jackson pa? Hays! Ano bang dapat kong gawin? Magpakilala na kaya ako sa kanila bilang tita ni Yael? Erase. Erase! Baka iwasan nila ako. Wooh Kuya Jacob! Ang sarap mong ibaon ng buhay! Kung hindi mo sila binalewala, eh 'di sana hindi ako ngayon feeling guilty for them! Kamukhang-kamukha mo pa naman ang anak mo! Wait, bakit pala magkasama sina Jackson at Ivana? Hiwalay na ba si Kuya Jacob at ang babaitang 'yon?' Natigil sa pagmumuni-muni si Diana nang kulbitin siya ni Yael. "Miss, nahulog po ang sombrero niyo," sambit ni Yael sabay abot ng sombrero ni Diana. "Thank you. Ang bait mo naman," nakangiting sabi ni Diana. 'Ang guwapo ni Yael lalo na sa malapitan! Grabe 'yong mga mata niya kagayang-kagaya ng kay Freya pero Jacob na Jacob ang datingan!' piping turan ni Diana. "Yael, halika na. Mamaya na ulit tayo magswimming," ani Freya. Agad na isinuot ni Diana ang kaniyang shades at hat nang maramdaman niyang nakatingin sa kaniya si Freya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD