Kabanata 6

1123 Words
"Mom, bakit po tayo nagtatago? Gusto ko pa pong magswimming," nakatungong sambit ni Yael. "Anak, sorry." Iyon lang ang naitugon ni Freya kay Yael. Ayaw na niyang dagdagan ang kaniyang kasalanan dito. Nang makita ni Freya na umalis na si Jacob ay saka sila lumabas sa kanilang pinagtataguan. Nakahawak siya sa kamay ni Yael. Bumagsak ang mga balikat niya nang biglang bumitiw si Yael sa kaniya. "Yael," ani Freya. "May itinatago ka po ba sa akin, mommy? Lately, napansin ko pong para kang laging balisa. May tinataguan ka po ba? May malaki po ba kayong pagkaka-utang gaya noong mga napapanood ko sa TV?" nakasimangot na tanong ni Yael. Magsasalita na sana si Freya nang biglang may nagsalita sa kaniyang likuran. "Is he your child?" tanong ng lalaki. Pumihit si Freya at inakbayan si Yael. "Yes. And you are?" Kuminang ang mga mata ng lalaki at ngumiti nang nakakaloko. "Have we met before?" aniya. Kumunot ang noo ni Freya. 'Bakit ba ako nakikipag-usap sa isang taong hindi ko naman kilala?' ani ng isip niya. Umiling siya at pagkatapos ay tumalikod na sa lalaki. Dali-dali silang lumusong sa pool kasama si Yael. "Mommy, hindi mo pa po sinasagot ang mga tanong ko kanina," sabi ni Yael sabay langoy palayo sa kaniyang ina. Freya swam towards Yael. Maingat siyang lumangoy dahil hindi naman siya sanay lumangoy. Buti na lang at nasa mababang part sila ng pool. She held his cheeks and kissed his forehead. "Sorry talaga anak. Hindi pa pwedeng sabihin ni mommy ngayon eh. Sana maunawaan mo si mommy." Nag-pout si Freya at pagkatapos ay sumimangot. Alam niyang hindi siya matitiis ng anak niya kapag malungkot siya. "Huwag ka nang magalit kay mommy, please," dagdag pa niya. Pinagkrus ni Yael ang kaniyang mga kamay sa tapat ng kaniyang dibdib. Mayamaya pa ay hindi na rin niya napigilan ang kaniyang sarili na yakapin ang kaniyang ina. "Sorry po mommy. Nagtataka lang po talaga ako lately sa mga ikinikilos mo. Kapag talaga mommy nagkaroon na ako ng trabaho, tutulungan po kitang mabayaran lahat ng mga pagkakautang mo." Hindi mapigilang mapangiti ni Freya sa kaniyang narinig buhat sa kaniyang anak. How could a seven year old child think like that? Dapat nga ay puro laro at pag-aaral lang ang nasa isip nito. "We're here to enjoy, Yael. Tama na muna ang kadramahan ha? Tara, langoy tayo papunta ro'n!" aya ni Freya. Padabog na naglakad si Ivana palapit sa nobyo niya. "Jackson! Akala ko ba sa casino tayo pupunta? Bakit nandito tayo sa pool? Nakapagsuot sana ako ng bikini kung alam kong dito tayo pupunta," reklamo ni Ivana. "Sorry babe. May nakita kasi ako kanina. Akala ko kakilala ko, hindi pala," ani Jackson. "Bakit parang ngiting demonyo ka na naman? May pinaplano ka na naman bang masama?" kunot-noong tanong ni Ivana. "Wala. Iniimagine ko lang kung ano ang magiging reaksyon ng kapatid kong si Jacob kapag nakita niya bukas na magkasama tayo," pagsisinungaling ni Jackson. Ang totoo, malakas ang kutob niyang anak ni Jacob ang batang nakita niya kanina. Hindi siya pwedeng magkamali. Kamukhang-kamukha iyon ng kaniyang stepbrother. "Jackson! Jackson!" inis na tawag ni Ivana. Tiningnan niya kung sino ang tinitingnan ni Jackson. Umusok ang ilong niya nang makita niya si Freya. Hindi niya napansin ang batang kasama nito dahil nakalubog si Yael sa tubig ng pool. "Aray!" däing ni Jackson nang sampalin siya ni Ivana. "Bakit mo ba ako sinampal?" "Kanina pa kita tinatawag, hindi mo ako pinapansin. Attracted ka ba sa babaeng iyon?" Itinuro ni Ivana si Freya. "H-hindi 'no!" mabilis na sagot ni Jackson. "Eh bakit ang lagkit nang tingin mo sa kaniya? Hindi ko binasura si Jacob para lang gan'yanin mo ako, Jackson. Umayos ka! Kung papalitan mo ako, siguraduhin mong mas maganda, mas sexy, mas mayaman at mas magaling sa kama kaysa sa akin! Hitsura pa lang niya, walang-wala na siyang laban sa akin eh!" asik ni Ivana. Iniikot ni Ivana ang kaniyang mga mata. Ayaw na ayaw niyang nasasapawan siya ng iba. Higit sa lahat, ayaw niyang inaagawan siya. She's marking her properties and no one should touched it. Kinabig ni Jackson ang bewang ni Ivana palapit sa kaniya. Tinitigan niya ang labi nito habang ang isa niyang kamay ay humahaplos sa pisngi nito. "Titingin ako sa ibang babae pero hanggang doon lang 'yon. Hindi nila ako matitikman dahil ang katawan ko ay nakalaan lang para sa'yo. Hindi nila mararanasan kung paano magmahal ang isang Jackson Gray dahil ikaw lang ang nilalaman nito." Kinuha niya ang isang kamay ni Ivana at inilapat iyon sa kaniyang dibdib kung saan naroroon ang kaniyang puso. Unti-unting sumilay ang ngiti ni Ivana sa mukha niya. Jackson knew her weakness. His words were more than an assurance to her. Alam niyang mabulaklak talaga ang bibig ni Jackson pero alam din niyang doon siya unang nahulog dito. "Want me to kiss you?" mapanuksong turan ni Ivana. Tumango si Jackson at hindi nagtagal ay naramdaman na niya ang labi ni Ivana sa labi niya. "Tara na?" pag-aaya ni Ivana. "Mommy Freya!" sigaw ni Yael. Napalingon si Jackson sa kinaroroonan ng bata. Nalulunod ito. Nakita niya rin kung paano lumangoy si Freya patungo sa kinaroroonan nito. Something was wrong. "Jackson, I said let's go," pag-uulit ni Ivana. Jackson kissed her on her cheeks. "I'll just save the kid," he said. Tututol pa sana si Ivana pero nang makita niyang nalulunod talaga ang bata ay hinayaan na niya ito. Dali-daling hinubad ni Jackson ang suot niyang long sleeves at walang pakundangang tumalon sa pool. Base sa kaniyang obserbasyon, hindi rin gaanong marunong lumangoy si Freya at hindi nga siya nagkamali ng hinala. Sa pagkakataong ito ay nalulunod na rin si Freya. "s**t!" sambit ni Jackson habang nagpi-freestyle swimming. Jackson managed to save Yael. He quickly executed chest compression on the child. "Wake up kid! I also need to save your mom! No one will help her except me!" Jackson said. Mabilis na iminulat ni Yael ang kaniyang mga mata nang marinig niya iyon. Nailuwa na rin niya ang tubig na nalunok niya mula sa pool. "Save my mom, please," pagsusumamo ni Yael. Agad na bumalik si Jackson sa pool para sagipin si Freya. Kailangan niyang makuha ang tiwala ng bata kaya kailangan niyang magpa-impress dito. ~~ "Kuya Jacob!" sigaw ni Diana. Kailangan niya itong pigilan na bumalik sa swimming pool area. Alam na agad niya ang nangyayari roon dahil sa kaniyang bodyguard. Nilingon ni Jacob si Diana. Sumimangot siya. Akma siyang tatalikod para pumunta sa pool nang bigla ulit sumigaw si Diana. "Kuya, nawawala 'yong laptop mo sa room. Hindi ba gagamitin mo 'yon sa presentation mo kay Mr. Clinton bukas?" pagyayabang ni Diana. "s**t!" ani Jacob bago nagtatakbo patungo sa kinaroroonan ng elevator. Hindi maaaring mawala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD