Bar Hoping

1055 Words
"At kailan mo balak sabihin sa akin yang balak mo na magpunta sa canada?" manunumbat na sabi ni Ellah kay Rogie habang sakay sila ng kotse nito. "Sasabihin ko rin naman sayo ang bagay na yun nakalimutan ko lang talaga." relax na relax pa rin namanb sabi nito sa kanya "Come on Ellah, dont make a big deal about it. Bakit ba nagrereact ka ng ganyan? Hindi ba dapat na matuwa ka pa sa balitang yun? Tama Si Mr. David canada is a beautiful place to start a family." "Pwede ba Rogie hindi ko pinangarap na manirahan sa ibang bansa at iwan ang pamilya ko. Hindi ko sila kayang iwan lalo na ang mga magulang ko dahil nagkakaedad na sila." pumalatak si Rogie. "Please don't be so sentimental about this. It's a once in a lifetime opportunity. Nariyan naman ang ate at mga kuya mo para bantanyan ang mga magulang mo. Pagkakataon mo na rin ito para umasenso sa buhay, Ellah kahit papaano." "At ano naman ang mali ss trabaho ko sana, maayos naman qng trabaho ko dito." Hindi niya nagugustuhan ang sinasabi niya about sa trabaho niya. "Oo nga sa taon mong Thirty one ay hindi mo pa afford mabuhay mag isa. So paano mo nasasabi sa akin na you can make a decent living?" Tuluyan ng nagpanting ang tenga niya sa tinuran nito. "Tell me ano ba ang masama na kasama ko pa rin ang parents ko sa iisang bahay? it's my choice to live with them. At isa pa hindi ko naman kailangan ipagmayabang sayo ang mga priorities ko sa buhay. Natatawang napailing siya. " Hindi ko akalaing ganyan pala kaliit ang tingin mo sa akin." "Thats not what i meant." "Yes, it was. I heard you loud and clear." kapwa sila tahimik habang tinatahak nila ang daan patungo sa bahay niya. She wasnt type of a person who give up easily on any matter. Pero sa nakikita niya ay walang patutunguhan ang relasyon nila ni Rogie. Nang ihinto nito ang kotse sa tapat ng bahay nila ay nanatili siya sa kanyang kinauupuan. "I dont think na magwowork pa ang relasyon natin katulad ng dati." mahinang sabi niya habang nakayuko. Matagal bago sumagot si Rogie. "Ayaw mo na ba?" She just remain silent. Huminga ito ng malalim. "You know i had so much hope in us, Ellah, But if that's your decision, then so be it." to save the relationship. "I'm sorry," he told her before getting out of her car. When he entered the house, it only sunk in on him that she and Rogie were really separated. It happened so quickly. She didn't know kung ano ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Kinapa niya ang sariling damdamin. Hindi siya naiiyak bagaman masasabi niyang nalulungkot siya a nanghihinayang. The truth was, she wasn't even sure if they really fell in love with each other or they just found each other's company convenient. Huminga siya nang malalim, saka niya naramdaman na ngayon lang uli siya nagkaroon ng peace of mind sa loob ng maraming buwan. "OKAY ka lang ba, Ellah?" "Oo naman," ngiting-ngiting sagot niya sa tanong ni Katrina. Niyaya niya ito at si Aireen na mag-barhopping. Buong buhay niya ay hindi pa niya iyon nasusubukang gawin pero nang maghiwalay sila ni Rogie, saka niya na-realize na marami pa pala siyang nami-miss na gawin sa buhay. Ngayon ay tanggap na niya ang kapalaran niyang maging single habang-buhay. Susulitin niya iyon. She would live her life to the fullest. She wanted to make her singlehood not something to be worried about, but something to celebrate. She decided she didn't want to waste her time trying to figure out why Lance didn't feel the same way about her. And why things didn't work out between her and Rogie. "Ano itong gimik mo at bigla kang nagyayang mag-barhopping?" nakataas ang kilay na tanong sa kanya ni Aireen "Wala lang. Sobrang na-miss ko lang kayong dalawa. Ang tagal na nating hindi nagba-bonding, eh." Halatang nagulat na nagkatinginan ang dalawa "Diyos ko po," usal ni Katrina, sabay sapo sa dibdib nito. Natutop naman ni Katrina ang bibig nito. "E- ellah..." Nagulat siya reaksiyon ng dalawa. " Hoy Bakit ganyan ang reakson niyo?" taong niya sa dalawa. "Magsabi ka nga ng totoo." Kumibot-kibot ang mga labi ni Aireen. "M-may sakit ka ba ngaun at ganyan ka?" "Malala na ba? May taning ka na ba?" tanong naman ni Katrina dito. "Mga kurimaw ano bang pinagsasabi niyo tungkol sa akin?!" bulalas niya. "Tumigil nga kayo. Wala akong sakit." "Wala nga ba talaga?" pagkumpirma ng dalawa. "Wala talaga no." Umiling pa siya. "Eh, para saan 'to?" "Gusto ko ngang mag-celebrate." "Ng ano?" "My liberation from being a hopeless romantic," nakataas-noong sagot niya. Halatang hindi naniniwalang tinitigan siya ng dalawa. "Seryoso ako. Promise." Itinaas pa niya ang kanang kamay. Nagtinginan ang dalawa bago nagkibit-balikat. "Okay. Sige. Sabi mo, eh." "So, let's toast to that?" Itinaas niya ang hawak na wineglass. "Do we really have to do this?" tila disgustong bulong ni katrina. Inabot nito ang wineglass nito. Nakangiting kinuha rin ni Aireen ang wineglass nito at itinaas din iyon. For me!" she said smiling and enthusiastically. "Cheers!" "Para sayo! Cheers!" Sabi ni Aireen bago ini-clink ang wineglass niya sa kanya. "Yay," matamlay na bulong ni Katrina bago humigop ng alak sa kanyang wineglass. tinapos din nila ni Aireen ang alak nila. "Party time!" natatawang sabi niya bago hinila ang dalawa niyang kaibigan papunta sa dance floor. Gusto niyang mag-party buong gabi kasama sila. “Pakiramdam ko tinatamaan ako, ah,” komento ni Ellah nang mapansin niyang nagsisimula nang gumaan ang pakiramdam niya. Siya ay paminsan-minsang umiinom kaya mababa ang kanyang tolerance sa alak. "Kaya mo pa ba?" tanong ni Aireen sa kanya "Gusto mo na bang umuwi?" tanong ni Katrina "Don't worry. I can handle it," nakangiti niyang sagot. Ayaw niyang matapos ang gabi. Matagal na niyang hindi nakakasama sina Aireen at katrina dahil na kay Rogie ang atensyon at oras niya. "Punta muna ako sa restroom, okay?" "Okay," sabi ni Katrina. Iniwan niya ang mga ito at nagtungo sa banyo para linisin ang sarili. Paglabas niya, aksidente niyang nabunggo ang isang lalaki. "Sorry," paghingi niya ng tawad. "Walang problema." Nang tumingala siya, nagulat siya dahil ang lalaking gusto niya ay nasa harapan niya. Ano kaya ang ginagawa nito sa bar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD