Ellah's phone ring cring 3x sandali lang tatapusin ko lang ito hindi makapag hintay istorbo na ito madami pa akong trabaho ngaun reklamo ni Ellah. Sabay tingin sa tumatawag sa kanyang cellphone kung sino iyon.
"Hello, ano ba iyon madami pa akong trabaho dito." naiinis niyang sabi sa kabilang linya.
"So matagal pa nga yang ginagawa mo diyan kanina pa ako dito sa baba ng opisina niyo naghihintay." naiinip nang sabi nito sa kanya.
pinigilan niyang sagutin ito ng pabalang. Mag aapat na buwan na silang mag boyfriend ni Rogie. Noong una ay wala siyang maipintas sa ugali nito ngunit noong nakaraang linggo ay kapansin pansin na ang pagiging bossy at demanding nito sa kanya. Palagi siyang tinatawagan nito kung nasaan na siya at kung aong oras siya nakarating sa opisina nila at kung sino ang mga kasama niya sa lakad niya habang tumatagal ay nagiging toxic na ito at nasasakal na siya sa mga ginagawa nito.
Humugot siya ng malalim na hininga at saka niya sinagot ito.
"Give me thirty minutes?"
"Ano thirty minutes na naman matagal pa yan." reklamo nito saka nawala sa kabilang linya .
"Sino iyon ate Ellah si Kuya Rogie ba ang tumawag sayo?" tanong ni Jean sa kanya na mukhang kanina pa nakikinig sa usapan nila ni Rogie.
"Oo, siya nga ang tumawag."
"Naku sabi ko na nga ba, eh."
"Paano mo naman nasabi?"
"Eh kasi sa itshura mo, i mean sa facial expressions mo at saka kapag kausap mo kasi naiirita ka."
"Ha?"
"Mukhang na stress kana sa kanya at pagod na pagod ka na."
"Ewan ko nga ba, kubg bakit ganito ako. Kung bakit ganito ang nararamdaman ko about him. Okay naman si Rogie. Mabait, nirerespeto niya ako, stable ang trabaho , matino kausap at disente rin naman. Nakilala naman na niya ang buong pamilya ko at okay rin naman siya sa kanila magkasuno naman sila."
"Teka ate ang tanong masaya ka pa ba sa kanya?"
Nagulat siya sa tanong ni Jean sa kanya masaya pa nga ba siya?
"Ganito to yun ate Ellah, alam mo kahit na ako ang naging way para magkakilala kayo ni Rogie. Hindi naman ako papayag na ipagpatuloy mo ang relasyon mo sa kanya if you're not happy with him, may konsensiya pa naman ako."
Muling nagulat siya sa sinabi ni Jean ayaw niya siyempre ng "Break up" dahil ayaw niyang masayag ang paghahanap niya ng the right man niya. She already accepted na hindi lahat ng babae ay nabiyayaan ng swerte na mapunta sa kanila ang taong kanilang pinangangarap katulad ng nasa fairytale ba.
She learned that she would just have to settle for the one who was there beside her. Sapat na sa kanya na hindi sila magkasundo minsan no Rogie pero madalas naman na magkasundo silang dalawa nito.
"Hoy ate Ellah?"
"A-ano ba yun? May sinasabi ka ba?"
"Sasabihin ko lang sayo na kagabi nag dinner kami ni Bernard sa tullys restaurant kagabi." nakangizing sabi nito sa kanya.
Pagkarinig palang niya sa pangalan ng restaurant ay isang tao lang ang pumasok sa isipan niya si Jonin.
Biglang bumilis ang t***k ng kanyang puso.
"R-really?
"Yap, hinahanap at kinukumusta ka ni kuya Jonin, ate."
"A-ah ganoon ba?" matipid niyang sabi at saka ngumiti dito.
"Hmmm, may gusto ka pa rin kay kuya Jonin ate?" Tila nanunudyong tanong nito sa kanya.
"A-ayy naku Jean pwede bang tigilan mo yan may boyfriend na kaya ako." Nagmamadaling inayos niya ang kanyang mga gamit.
"Naghihintay na si Rogie baba sa akin alis na ako magkita nalang tayo ulit bukas okay." paalam niya dito at saka naglakad palayo kay Jean.
"Sa saturday nga pala aatend ako ng binyag sa anak ng ka officemate ko and i want you to come with me pwede ka bang sumama?" Pagbubukas ng usapan ni Rogie habang sakay sila ng kotse nito para ihatid siya pauwi sa kanilang bahay.
Sandali siyang nagisip.
"Baka hindi ako pwede ng saturday kasi may lakad ako."
"Saan ang lakad mo?" tanong nito sa kanya.
"Kila ate recognition kasi ng pamangkin ko pinapupunta ako ni ate sa bahay nila sa araw na yun."
"E yun lang naman pala, recognation day lang at hindi naman ganoon kahalaga yun hindi pa naman niya graduation ah."
Nainis siya sa sinabi nito.
"How come na hindi importante ang bagay na yun?" tanong niya sa mataas na boses.
Tila nahalata nito na naiinis siya sa sinabi niyang yun.
"I'm sorry, hindi yun ang ibig kung sabihin." Hingi nito ng paumanhin ngunit wala pa rin siyang imik at nanatili siyang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse. Nang ihinto ni Rogie ang sasakyan sa harap ng bahay nila ay akmang bababa na siya agad ngunit pinigilan siya ni Rogie.
"I'm really sorry, Ellah."
Napabuntong hininga siya saka sumagot dito.
"No problem. Kalimutan mo na yun."
"Gusto lang kasi kitang ipakilala sa boss ko at katrabaho ko. I just want them to see how proud i am to have you as my girl. But if hindi ka talaga pwedeng sumama sa akin ay okay lang naman." sabi nito sa kanya at hinaplos ang kanyang mukha bago siya nito hinalikan sa pisngi.
"See you tomorrow."
Marahang tumango siya at bumaba na ng kotse nito. Pumasok na siya sa kanilang bahay at dumaretso siya sa kanyang kuwarto at pabagsak na nahiga sa kanyang kama. Pakiramdam niya ay sobrang pagod siya. "Why do I feel this way?" tanong niya sa sarili niya habang nakatingin sa kisame ng kuwarto niya. She was supposed to be inlove and happy but she didn't feel that way.
"Nice to meet you." hindi na mabilang ni Ellah kung ilang beses na niyang sinabi ang katagang iyon ngaung buonb gabi. Kanina pa naka plaster ang ngiti sa kanyang mga labi habang ipinakikilala siya ni Rogie sa mga ka offisina nito. isinama siya nito sa birthday party sa bahay ng boss nito kung saan naroon ang lahat ng katrabaho nito.
Feel na feel niya ang pagiging itshapuwera niya sa okasyong yun. Wala naman siyang kilala sa mga taong iyon at isinama lang siya ni Rogie sa kung nasaan ang mga bisita na halos tungkol sa trabaho ang kanilang usapan.
Ngaun nga ay kasalukuyan nilang kasalo ag birthday celebrant na si mr. David sa mesa. Hindi siya makarelate sa usapan ng mga ito dahil tungkol sa trabaho ang usapan ng mga ito at ni Rogie kaya tahimik lang siyang nakikinig sa mga ito paminsan minsan ay ngumingiti at tumatango siya kung kinakailangan.
"So abangan ko na ba ang kasal niyong dalawa?" tanong ni Mr. Lopez.
Kumabog ang dibdib ni Ellah sa tanong ng may edad na lalaki. Bigla ay hindi siya mapakali sa kinauupuan.
Tumawa si Rogie. Sabay akbay sa kanya.
"Napag- usapan na po namin ni Ellah yan sir." Alam niyang hindi totoo ang sinabi nito dahil apat na buwan palang sila na magkasintahan at masyado pang maaga para maisipan niyang magpakasal dito. Pinili na lang niyang ngumiti kahit na nangangati na siyang tanungin ito about sa sinabi niyang iyon sa kanyang boss.
Tumango tango si Mr. David sa sinabi nito.
"Mas maganda kung dito kayo sa pilipinas magpakasal para walang divorce." Tumawa ito sa sarili nitong biro. "Although canada is a beautiful place to start a family."
"A-ano po yun, Canada?" usisa na tanong ni Ellah habang palipat lipat ang tingin nito sa dalawang lalaki.
"Hmmm mukhang hindi pa nasabi ni Rogie sayo na naka scheduled siyang umalis papunta ng canada next year."bihirang opportunity lang ang ganito na magkaroon ng trabaho in abroad. You are very lucky to have him as your boyfriend, Ellah."