KABA

1304 Words
Naikuwento sa amin ni Ellah , ang ginawa mong pag ligtas sa kanya noong isang araw. Kung paano mo siya niligtas kay Auzeus. I want to thank you personally for saving our beloved best friend. Naguguilty nga ako konti dahil ako ang nag pakilala sa kanya kay Auzeus eh. Sabi ni Aireen. "Oo nga kung andito sana ako ng araw na iyon ay bugbug sarado sa akin ang lalaking iyon sa ginagawa niya kay Ellah, eh hindi mo natatatanong isa akong police officer " sabi ni Katrina dito. "Ohhh, great isa ka palang police woman. Amazing." puri ni Jonin dito. Tinaasan niya ng kila ag mga ito bg bigla nalang sila nagkuwentuhan na tatlo hindi bapumunta sila dito sa tullys restaurant ay para sa kanya. Pero bakit ngaun ay siya itong walang makapang topic kaya umupo na lang siya nang tahimik. Naku sabagay ay okay na rin nga naman ang ganito kasi kung sila rin lang din ni Jonin ang mag-uusap ay wala naman siyang alam na topic at pag uusapan nilang dalawa mas okay na nga talaga ang ganitong set up. Patuloy lang siyang tahimik at paminsan minsan at panakaw na tinitignan niya si Jonin. Ilang sandali pa ay dumating na ang order nilang pagkain. Dapat siguro ay maiwan ko muna kayong tatlo para makakain na kayo ng maayos. Sabi ni Jonin sa kanila pagkatapos ilapag ng waiter ang mga order nilang pagkain. Pilit na ngumiti si Ellah kahit na hindi man lang siya nagkaroon nang pagkakataon na makausap ito nang matagal. Now it would be hard for her to find another excuse to see him again. Napabuntong hininga siya sa naisip niya. "Hmm siya nga pala we are celebrating our anniversary this sunday it would be wonderful if you would come Ellah." sabi ni Jonin. Pakiramdam niya ay sandaling tumigil ang t***k ng puso niya pero agad din siyang napangiti. "Sige tignan ko kung hindi hectic schedule ko that time." "Of course, pwede rin palang pumunta si Aireen at Katrina kung gusto nila. "Parag napilitan ka lang na imbitahan kami." sabi ni Katrina dito na, nagtaas pa ng kilay. "Of course not. I mean-" "Relax, ka alng Jonin, okay lang iyon." putol na sabi ni Aireen sa sinasabi ng lalaki "Hindi ba Ellah?" tanong ni Aireen. nag init ang pisngi ni Ellah. "Okay lang ba na mag invite ka? hindi ba mas maganda kung magpapaalam ka muna sa owner ng restaurant bago ka mag invite ng tao. Sa boss mo?" 'It's not necessary, kasi my family own this place." "Hmm, di nga? weee . bakit noong pumunta ako dito ay naka, i mean ano." Natahimik siya saglit at saka tiningala ito. "Akala ko kasi ay employee ka lang dito sa restaurant eh." prankang sabi niya dito. "Ahh, alam ko na, you thought i was a waiter don't you?" nakangiting tanong nito sa kanya. Tumango siya at bigla nalang natawa sa naisip niya. " A handsome waiter, in fact." "Kulang kasi ng mga tauhan noong araw na iyon kaya naisip ko na tumulong muna ako. But i don't care kung naisip mo na waiter nga talaga ako dahil nag trabaho naman talaga ako bilang waiter talaga at masaya akong gawin iyon." sabi nito at saka siya tinignan ng daretso sa kanyang mga mata. "Thanks for the compliment." Ngumiti lang siya dito mula sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang pagsisikuhan ay pagtitigan ng dalawa niyang kaibigan na sina Aireen at Katrina pati na rin ang makahulugang ngiti ng mga ito. hindi na lang niya pinansin ang mga ito. "Sir Jonin, my tawag po kayo ." paalam ng isang waiter sa kanya. "Ahh, sige susunod na lang ako." sabi niya dito at saka muling tumingin ito sa kanila. That ended the magical moment for Ellah. "It was nice meeting you again Aireen and Katrina, i hope na makarating kayo sa sunday ha?" "Well see, kung hindi kami busy punta kami." sabay na sabi ng dalawa niyang kaibigan. "See you on sunday." Nagkibit bakikat siya kahit na sa totoo lang ay iniisip na niya kung ano ba talaga ang pwede niyang isuot na damit sa araw na iyon. "Enjoy your meal ha. Alis na ako." sabi ni Jonin saka ito umalis sa harapan nila. Sinundan niya ito ng tingin ng may naalala siyang itanong dito. "Jonin." tawag niya dito. Huminto naman ito at saka lumingon sa kanya. "Ano iyon?" Lumunok muna siya bago matanong dito. "A- are you married?" Ninenerbous siya sa paghihintay ng sagot nito. "Not yet." sabi ni Jonin. "Are you engaged?" "Hmm, no." tugon uli nito sa kanya. Nabuhayan siya ng loob ibig sabihin ay may pag asa siya na mapansin nito. "Ahhmmm, so it is safe to assume that you're single?" He seemed to contemplate her question for a moment. "Yeah, you can say that." Omg ang saya niya sa nalaman niya about him, ayiee thank you, Lord! sigaw ng isip niya habang pigil na pigil niya ang mapangiti. "Okay, thank you." "Ah, no problem wala kana bang itatanong? mauna na ako." Sabi nito at tuluyan ng lumayo sa kanila. Pagka alis nito ay impit silang nagtilian ng mga kaibigan niya. "Ano bang ginagawa mo, Ellah kanina ka pa diyan sa harap ng salamin? Bakit hindi ka matapos tapos diyan sa pav bibihis mo? At saan ba ang lakad mo ngayon?" tanong ng mama niya sa kanya. sunod sunod na tanong sa kanya ng mama niya. Paano napansin siguro.niya na ilang beses na siyang nagpapalit ng kanyang damit at naglalagay nv make up sa mukha pero hindi pa siya makontento sa itsura niya. She's trying her best to impress Jonin. "Ma, tulungan mo naman akong pumili ng damit." sabi niya sa mama niya at saka ipinakita ang mga dress na pinagpipilian niya. "Eto. Bagay sayo to." saka itinuro ang dress na may mga disenyong mga bulaklak. "Saan ba talaga ang lakad mo ngayon, anak?" tanong nito. Ngumisi siya sa harap ng salamin. *Mama, ako po ay aakyat na nag ligaw sa crush ko." Nanlaki ang mata ng mama niya na ikinatawa niya ng malakas. "Joke lang po iyon, mama. Wala pa ako sa parteng iyon. Nasa part palang po ako ng pagpapansin sa kanya " sabi niya dito at saka pumasok sa banyo nv kuwarto niya at doon nagbihis. Pablabas niya ay nakaabang ang mama niya. "Ellah, bakit ganoon ang sinabi mo kanina? Seryoso ka ba doon? ikaw ang manliligaw sa lalaki?" sunod sunod na tanong ulit nito sa kanya. "Mama seryoso nga po ako sa sinabi ko kanina may nakilala kasi ako na lalaki at sobrang interesado po ako sa kanya" "Sino naman na lalaki yan? ka work mate mo ba?" "Hindi ko siya ka work mate mama, his name is Jonin Dela Cruz, gwapo, matangkad, maganda ang katawan, nakakaakit at masarap. Este masarap po kausap, mabait at gentlemen po." kuwento niya sa mama niya muli at hindi niya na naman napigilan ang kilig niyang nararamdaman. "Matagal mo na ba siyang kilala?" "Bago pa lang po ma, mag dadalawang linggo palang po.". "Ano? magdadalawang linggo pa lang?" "Opo." "Aba, Ellah mas mabuti kung kilalanin mo muna siya nang husto, baka may asawa na yan, at kaya ka bang buhayin ng lalaking yan?" "Don't worry mama, may ari po siya ng isag restaurant." Natahimik ito at sandaling nag-isip. "Mukhang mayaman pala, binata pa ba talaga siya?" Napangiti siya at sunod sunod na napatango. "Ohh, kung ganoon ay pwede mo siyang isama dito sa bahay para naman makilala namin siya ng papa mo." "Okay po mama." Muli niyang pinagmasdan ang sarili niya sa salamin at napangiti siya sa itsura niya. Bagay nga sa kanya ang suot niyang damit. Atleast nagbunga rin ang dalawang oras at kalahati niyang preparasyon. "Ipagdasal mo ako, mama. Eto na iyon! Wish me luck." Hinalikan niya muna ito sa pisngi bago lumabas sa kuwarto niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD