Party

1723 Words
"Huh napaka perfect nito, Ellah. Kanina ka pa kasi nakaupo rito at ginaw ka na nga sa lakas ng aircon," sabi niya sa kanyang sarili. Grabe halos one hour na siyang nasa Tullys restaurant. Hindi niya inasahang napakarami palang pupunta sa anniversary ng restaurant ni Jonin. Pagdating niya roon ay agad siyang inasikaso ng binata pero pagkatapos noon ay naging busy na ito sa pag-asikaso sa ibang mga bisita. Napabuntong-hininga siya. Hindi ito ang eksaktong inaasahan niyang mangyari. Muli niyang sinulyapan si Jonin na kasalukuyang nakikipag biruan sa ibang bisita. Napakagwapo niya sa suot niyang coat and tie. Kanina pa rin niya napapansin ang mga ibang kababaihang nagpapa-cute dito. Mukhang hindi siya nag-iisa sa plano niyang iyon. Nang naisipan niyang umuwi, tumingin siya sa direksyon niya at ngumiti. Lahat ng ginaw at lungkot na nadarama niya ay nabura dahil sa simpleng ngiti nito. Okay, mag stay na lang ako. Pero hindi matagal ano lang mga thirty minutes lang okay na iyon. Lintik kang kurimaw ka nagagawa mo pang ngumiti ng ganyan nang hindi mo namamalayan kung paano mo naaapektuhan ang puso at isip ko sayo. It's just so unfair, aniya sa sarili at saka gumanti ng ngiti kay Jonin. "Hi, Miss." Agad siyang nag-angat ng ulo. "Yes po ano iyon?" tanong niya sa lalaking nakatayo sa harap niya. "Kanina ko pa napapansing nag-iisa ka kasi dito. I hope you don't mind kung makiki-share ako ng table sayo." "Ah iyon ba. Sige, pwede ka nang umupo na." "Oky thanks." Nakangiting umupo ito sa silya sa tapat niya. "I'm Jeffrey Villanueva and you are...?" "Ellah Navarro," sagot niya. Inilahad ni Jeffrey sa harap niya ang kanang kamay nito. "Nice to meet you." "Nice to meet you, too," wika niya, saka ito pinagmasdan. He wasn't that bad, but he didn't look as good as Jonin. Ibinaling niya ang kanyang ulo. Bakit ba simula nang makilala niya si Jonin ay nagagawa niya nang icompara ito sa lahat ng lalaking nakikilala niya? "I know a little bit of palmistry." Namilog ang mga mata niya. "Talaga?" "Uh-huh. Hmmm susubukan ko sayo." "Sige nga." Hinayaan niyang hawakan nito ang isang kamay niya. Titig na titig ito sa palad niya na waring sinusuri iyon. Hinaplos pa nito iyon nang ilang beses. Ilang segundo nitong ginawa iyon nang hindi na niya napigilan ang mag-usisa. "Marunong ka ba talagang bumasa ng palad?" Ngumiti ito. "Actually, no. I just wanted to hold your hand for a little bit longer." Agad niyang binawi ang kamay niya. Tumawa ito nang malakas na labis niyang ikinainis. "I'm sorry. I can't believe you really fell for that, tila pang-aasar pa nito sa kanya. Tiningnan niya ito nang masama. Naalala tuloy niya dito si Auzeus. Bakit ba dumarami ang kagaya ng lalaking iyon na manloloko? "Ano naman ang nangyayari dito ngaun?" Napatingin si Ellah sa pinanggalingan ng boses ni Jonin Nakatayo na ito sa tabi niya. "Are you okay?" tanong nito. "O-oo naman, okay lang naman ako." sagot niya. Hinarap nito si Jeffrey. "What have you done to her?" "Hello there, Jonin. what a nice party u have here, my dear cousin. Let's toast to that!" nakakalokong tumingin ito sa kamay nito. "Wala pala tayong hawak na baso." Tinawag nito ang pinakamalapit na waiter at saka inutusang ikuha sila ng alak. "Please, no more champagne. I want something hard." "Pero, Sir, hindi po kami nagse-serve ng gano'n," sabi ng waiter. Nagpapasaklolong tiningnan nito si Jonin. "Ako na ang bahala rito. Asikasuhin mo na lang ang ibang bisita," sabi ni Jonin sa waiter. "Aww, Napaka harsh mo naman pinsan." Umiling-iling pa si Jeffrey pagkaalis ng waiter. "Alam mo Jonin, this is not the way to treat a guest." "I don't even remember inviting you here," sabi ni Jonin sa mahinahon pang boses. "Whoa! Such hostility, cousin! Bakit ba ganyan kainit ang ulo mo? Dahil ba nakita mo 'kong kausap ko si Ellah?" Tinapunan siya ni Jeffrey ng tingin. "Well, I can see why you're so into her. Sobrang ganda niya kasi para sa akin." pagkasabi noon ay ngumisi ito. "Putcha, pwede ba leave her alone!" pagalit na sabi ni Jonin sa kanyang pinsan. Nagulat si Ellah sa pagtaas ng boses nito kaya napatitig siya kay Jonin. Iyon ang unang pagkakataon na nakita niyang nagalit ito. Sa ilang pagkakataong nakasama niya ito ay palagi itong mahinahon at nakangiti. Kahit nga noong kausap nito si Auzues ay hindi ito nagpakita ng ganoong emosyon. "F-fine, I get it," sabi ni Jeffrey na tila nagulat din sa inakto ni Jonin. "Now umalis kana," utos dito ni jonin. Natigilan si Jeffrey ngunit mayamaya lang ay ngumisi ito. "Hindi talaga ako makapaniwala na ginagawa mo ito. You think you've still got a right to treat me this way? Kahit pa pagkatapos mong nalaman ang totoo na-" Sa isang sandali ay nagawang makalapit ni Jonin sa tabi ni Jeffrey. Hinawakan nito nang mariin sa balikat si Jeffrey na ikinangiwi ng lalaki. "Hmmm umalis ka na. Pakiusap, ayoko ng gulo ha." Ilang sandali pang nagsukatan ng tingin ang dalawa bago tumayo si Jeffrey mula sa kinauupuan nito. "All right. This is such a boring party, anyway. Bye na, Ellah." sabi nito sa kanya. Lumapit ito sa pinto ng restaurant habang hinahaplos ang balikat na hinawakan ni Jonin kanina. "I'm really, really sorry about this, Ellah." hinging-paumanhin sa kanya ni Jonin. Kahit nakaalis na si Jeffrey ay pigil pa rin ni Ellah ang kanyang hininga. Nang tingnan niya si Jonin ay nakayuko ito na parang hiyang-hiya sa nangyari. "Naku wala 'yon." "Hmm kasalanan ko talaga eh. Hindi dapat kita iniwan kanina. Ano ka ba? Okay lang 'yon." "Alam mo ba kanina pa kita gustong puntahan, kaso kailangan kong asikasuhin ang mga ibang bisita." "Alam ko 'yon. Actually, paalis na sana ako nang lapitan ako ng pinsan mo dito." Tila naalarma ito sa sinabi niya. "Ahhh, wait uuwi ka na?" "Ahm... Puwede pa naman akong mag-stay kahit thirty minutes lang." Ngumiti ito. "Ay salamat naman. I was really wishing you'd stay a little bit longer." Lumuwang ang pagkakangiti niya sa sinabi nito. "Ahm.. Iyon ay kung okay lang sa 'yo na magstay ng konti pang oras." "Okay lang." Diyos ko naman! Ano ba 'to? Bakit ba kilig na kilig ako sa lalaking ito? Feeling high schooler uli ako, sa mga nangyayari aba ellah tumigil ka ikalma mo ang tinggil mo please. kausap niya ang sarili niya "Hindi pala nakapunta sina Aireen at Katrina." "Eh, kasi may ibang lakad daw pala s-sila ngaun." pagsisinungaling niya. Ang totoo ay sinadya ng dalawa na huwag pumunta nang masolo niya si Jonin at masimulan na niya ang pagpapa-cute dito. "Hmmm, ang ganda ng party mo, ha." "Nagustuhan mo talaga?" Tumango siya. "Ang galing ng nag-set up at ang sarap din ng mga pagkain na nakahanda eh." "Thank you. Ako ang pumili ng menu ngayong gabi. Kung may kakilala kang gustong magpa-çater, puwede mo silang i-refer sa amin. We also do catering services. Prices are affordable and negotiable, depende sa budget ng customer." "Oh nakapa businessman mo talaga ano?" nakangiting sabi niya dito.Marunong ka bang magluto?" He smiled shyly. "Hindi na mana masyado konti lang." She had a feeling he was just trying to be humble about it. "Mabuti ka pa pala." "You mean, hindi ka marunong magluto?" Umiling siya. "Hindi masyado, eh. Si Mama kasi ang in charge sa pagluluto sa bahay. 'Tapos si Papa naman, sinasaway din niya ako kapag sumusubok ako. Baka raw kasi masayang lang ang pagkain dahil baka hindi nila makain at masira ang tiyan nila kapag sumubo kahit iaang beses lang." "Narinig mo na ba ang ang kasabihan na. 'the way to a man's heart is through his stomach'?" Nabahala siya sa tanong nito. "So, a-ayaw mo pala sa mga babaeng hindi marunong m-magluto ganoon?" Ngumiti ito. "Ayy naku hindi naman sa ganoon." Nakahinga siya nang maluwag. "Okay. Mabuti naman. Akala ko kasi..." Kung kailan nasabi na niya iyon ay saka pa siya biglang natauhan. Kahit kailan talaga, pahamak ang madaldal mong bunganga, Ellah "A-ang dami n'yong bisita, ah," pag-iiba niya sa usapan. Inilibot nito ang tingin sa paligid. "Sa totoo lang, malaki ang ibinaba ng kita namin nitong mga nakaraang buwan." "Talaga? Pero marami namang kumakain dito kapag pumupunta ako." "I know but you should have seen this place years ago. Noong ang father ko pa ang humahawak nitong restaurant na ito." Bumuntong-hininga ito. "Sa tingin ko talaga mas magaling siya sa akin. Hindi ko talaga maiwasan i compara ang sarili ko sa kanya. He is better than me naman talaga." Pero mukhang maayos naman ang pamamalakad pag nakapag isip ako nang maayos. Laking gulat na lamang nila nang mapansing halos wala nang tao sa restaurant. "Wait andito ba ang parents mo?" "Wala na sila pareho, namatay dahil sa polmonya si mama at si papa naman dahil sa stomach cancer ilang buwan palang." sai nito sa kanya. Natuptop ni Ellah ang kanyag bibig dahil sa kanyang narinig. "Nope its okay." damang dama ni Ellah ang lungkot nito sa tingin niya ay may iba pang dahilan ag lungkot na nakikita niya dito. Ngumiti ito sa kanya. "You know hindi ako masyadong nabusog kanina sa dami ng bisita, ano kaya kung kumain tayo uli?" pa anyaya nito sa kanya. "Sige ba, tara na." pag payag niya dito. kakalimutan mo na niya ang diet routine niya. Hindi namalayan ni Ellah ang oras dahil sa dami ng napag usapan nila ni Jonin. She couldn't help ngunit feelingniya ay nasa unang date sila nito. Hindi tuloy mawala wala ang kilig niya pero mas komportable na siya kasama si Jonin ngaun. Kahit sa pakikipag usap dahil ay mas palagay na siya hindi katulad noong una na hindi siya makapag isip at salita. Lalo pang natuwa si Ellah nang alukin siya ni Jonin na ihahatid na siya nito sa kanyang bahay. Hanggang sa makarating sila sa kanilang bahay ay hindi na mawala wala ang kanyang ngiti sa labi. "Bye na, Jonin," masiglang paalam niya habang nakadungaw sa bintana ng kotse nito. "Okay, sige na mag ingat ka ha ." "I will. I had a great time with you, Ellah. Goodnight na." Isang matamis na ngiti na lamang ang itinugon niya rito. Nang makaalis na ito ay hindi na niya napigilan ang impit na pagtili dala ng sobrang tuwa at kilig. "Hahay salamat po papa jesus matutupad na po ang pangarap kong magkaroon ng boyfriend ngaun."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD