ELLAH IS INLOVE

2007 Words
"Ate Ellah, pwede ka bang sumama sa akin mamaya pagkatapos ng trabaho natin dito sa office natin?" Mula sa computer ay nag angat siya ng tingin. "Sure saan ba tayo pupunta mamaya, Jean?" "Magpapatulong sana ako sayo na humanap ng mag cater para sa kasala namin ni Audrey." Nagreklamo siya. "Paano ba yan wala rin naman akong kakilala na-" Natigilan siya ng maalala niya ang pag uusap nila ni Jonin. "Saglit catering services ba ang sabi mo?" Napangiti siya sa nalaman magkakaroon siya nang chance na makita ulit si Jonin. "Oo ate may kakilala ka ba?" "Oo, Meron pala akong kakilala na mag seservice." "So, masasamahan mo ba ako ate? pero kung hindi naman pwede mo na lang ibigay ang no. nila sa akin para ako na lang ang pupunta doon magpapasama na lang ako kay ma-" "Ay, hindi pwede dapat ako ang kasama mo na pumunta doon." Tila nagulat pa si Jean sa sinabi niya. "Ahh, okay ate sabi mo eh." Pangiti ngiti na siya maghapon dahil doon. Naku makikita ko na ulit si Jonin baby ko. sabi niya sa sarili niya na parang timang lang. Tahimik lamang na nakaupo si Ellah habang nakatingin kila Jonin at Jean Lance na masinsinang nag-uusap tungkol sa nalalapit na kasal ng kaibigan niya. Sa takbo ng pag-uusap ng dalawa ay mukhang may magandang patutunguhan ang paguusap ng mga ito. Nang tumayo na si Jean at nakangiting nakipagkamay kay Jonin ay nasiguro na niyang na close deal na ng lalaki ang usapan ng mga ito. She felt so happy for him. Pinag-aaralan ni Jean ang ilang listahan ng iba't ibang ulam nang nakangiting lapitan siya ni Jonin. "It's official. Ang tullys restaurant namin ang magke-cater sa kasal ng kaibigan mo," pagbibigay-alam nito sa kanya. Ay talaga? Congrats!" tuwang-tuwang sabi niya. "Hmm, thank you pala sa recommendations mo." "Naku wala 'yon." "Hindi ako makapaniwalang nahanapan mo agad kami ng costumer. You're really amazing!" Tumaba ang puso niya sa sinabi nito. "Ay naman matagal ko ng alam yan," sagot niya na sinundan ng tawa. "I'm serious, Ellah." Natigilan siya nang makitang sumeryoso ito. "You've been such a blessing ever since we met." Nanatili lamang siyang nakamasid dito. "And for that, I really want to thank you." Lumunok muna siya bago sumagot. "Y-you're welcome," seryoso na ring sabi niya. When she met his gaze she had goosebumps all over but she felt really. really good."Ate Ellah." Kapwa sila nagulat ni Jonin nang marinig ang boses ni Jean. Napatingin sila rito. "Ate, tulungan mo naman ako sa pagpili ng mga pagkain na pwedeng isama sa cater." Agad niya itong nilapitan at kumuha ng isa sa mga brochure na nakalatag sa harap nito. Nararamdaman niyang nakasunod ang tingin sa kanya si Jonin. Why are you doing this, Jonin? Alam mo bang sa ginagawa mo ay binibigyan mo ako ng false hopes? Napabuntong-hininga siya. "Uy ate Ellah, ikaw ha nakita ko 'yong titigan n'yo ni Mr. Dela Cruz kanina. Kaya pala dinala mo ako rito, ha? May ibang pakay ka pala," sabi ni Jean, saka siya makahulugang nginitian ito. "Sshh, manahimik ka diyan." saway niya bago inilibot ang tingin sa paligid. Mabuti na lamang at may kausap na customer si Jonin sa di-kalayuan kaya mukhang hindi nito narinig ang sinabi ng kaibigan niya. "Huwag kang masyadong maingay. Baka marinig niya tayo malalagot ako nito. "Ang handsome niya, Ate no, at mukhang gentleman pa. binata pa kaya siya? Gaano na ba kayo katagal na magkakilala?" pabulong na ring tanong ni Jean sa kanya. "Oo, binata pa siya. Almost two months na rin kaming magkakilala," sagot ni Ellah. "Yon naman pala, eh! Binata pala. I-push mo na 'yan, Ate Ellah para magka boyfriend ka na din. "Ito na nga at ginagawa ko na. Pero siyempre, ayoko namang maging masyadong obvious, 'no. Babae pa rin naman ako eh di ba? Baka naman ano isipin sa akin kapag nasyado akong pahalata sa kanya." "Ay sabagay. Pero alam mo ate, bagay na bagay kayong dalawa. Pogi at maganda equal lang." "hindi sinasadyang" pagtatagpo nila. Ang nais lang niya ay makasama pa ito. Sa bawat pagkakataong nakikita at nakakausap niya ito ay palagi siyang may nadidiskubreng bago rito na lalong nagtutulak sa kanya na magustuhan ito. Pagkatapos ng office hours ay muli na naman siyang isinama ni Jean sa tullys restaurant para sa food tasting nito. Pagpasok sa restaurant ay agad niyang nakita si Jonin na may kausap na dalawang matanda na nakaupo sa isang pandalawahang mesa. "Gusto ko nitong roast pork belly niyo malasa at masarap," wika ng matandang babae. "Tranquilina, ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na bawal sa 'yo ang karne ng baboy? Bakit hindi ka na lang um-order ng seafood or veggies?" sabi ng matandang lalaki, saka binalingan si Jonin. "Iho, bigyan mo na lang kami nitong seafood at veggies wag na makinig dito sa asawa ko." "Sige po," tila naaaliw na sagot ni Jonin.. "Sawang-sawa na ako sa lamang-dagat, Dionicio!" Parang batang humalukipkip pa ang matandang babae na tinawag na "Tranquilina ng matandang lalaki. "Gusto ko namang kumain ng karne ngaun ah." "Pero baka atakihin ka na naman ng highblood mo niyan," sabi naman ng matandang lalaki na "Dionicio" ang pangalan. "Uminom na ako ng maintenance ko kanina." "Ano ba Tranquilina naman... Kapag nalaman ng anak natin na hinayaan kitang kumain ng bawal sa iyo ay siguradong mapapagalitan na naman ako nito," napapakamot na sa ulong sabi ng matandang lalaki. "Di 'wag mo na lang sabihin sa kanila. Secret na lang nating dalawa 'to, Dionicio eh." Kinindatan pa ito ng matandang babae. Malakas na tumikhim si Jonin na ikinalingon ng dalawang matanda. "Ahm, Nanay Tranquilina, may isa-suggest po sana ako sa inyo." "Mabuti pa nga." tanong ng matandang babae. "Opo. Kaysa po kumain kayo ng karne ng baboy, bakit hindi na lang po kayo kumain ng karne ng baka? Meron po kaming grilled beef crispy belly ," nakangiting mungkahi ni Jonin dito "Mas healthy po 'yon, dahil kaunti lang ang ginamit naming mantika at olive oil pa. Sinisiguro ko rin po na lean at first class ang beef na ginamit namin." "Sige, iyon na lang ang ibigay mo sa amin. Pangalan pa lang mukhang masarap na," sabi ni Nanay Tranquilina na tila ba kinikilig pa. "Bakit parang lalo kang gumuguwapo ngayon, ha? Siguro may inspirasyon ka na, 'no? May ipinalit ka na ba sa akin, Jonin ha?" Ang lakas ng tawa ni Jonin. "Nanay Tranquillina, wala po kayong karibal sa puso ko. Nag-iisa lang po kayo dito." "Mabuti naman. Alam mo namang selosa akong tao." "Tumigil ka nga riyan, Tranquilina! Hindi ka na nahiya kay Jonin niyan!" saway ni Tatay Dionicio bago binalingan si Jonin para humingo ng paumahin. "Pasensiya ka na rito sa asawa ko, ha iho?" "Naku po! Pa'no ba 'yan, Nanay Tanquillina, Mukhang nagseselos na si Tatay Dionicio. Uuuy, si Nanay nagba-blush na," panunudyo pa ni Jonin sa matanda. Inirapan ni Nanay Tranquilina si Tatay Dionicio bago natatawang inakbayan at hinagkan ang matandang lalaki ang kanyang asawa. "Naku sino sa inyong dalawa ang nililigawan nitong si Jonin ha?" "Ah malabong ako po iyon!" mariing tanggi ni Jean sa matanda. "Malapit na po akong ikasal eh." "Kung gano'n, ikaw ba, hija?" baling sa kanya ni Tatay Dionicio ang tingin. Ngumiti siya nang maluwang. "Naku, hindi rin po ako ang nililigawan ni Jonin," pa-demure na sagot niya. Pero sana nga po ligawan na niya ako. "Tatay Dionicio, huwag n'yo pong gawin 'yan sa lahat ng babaeng nakikilala n'yo at ako ay napapahiya niyan eh," reklamo ni Jonin sa matandang lalaki. "Bakit naman hindi ko gagawin 'yon, aba? Ang tagal na nating magkakilala pero kahit minsan ay wala ka pang nababanggit tungkol sa pag-aasawa. Nasa hustong gulang ka na, guwapo, mabait, at may maayos na pinagkakakitaan. sigurado akong maraming babae ang nagkakagusto sa 'yo. di ba, kung ako ang tatanungin mo. wala nang dahilan para hindi ka lumagay sa tahimik," puna ni Tatay Dionicio kay Jonin. Oo nga naman, Jonin. Nandito naman ako. I'm ready, ngalingaling sabihin ni Ellah Hindi niya namalayan na sunod-sunod ang pagtango niya sa mga sinasabi ni Tatay Dionicio. Natigilan lamang siya nang sikuhin siya ni Jean sa tagiliran at inginuso nito si Nanay Tranquilina na titig na titig sa kanya. She tried to keep a straight face para hindi siya mahalata ng matandang babae. "Salamat tatay dahil ganoon po pala ang tingin n'yo sa akin. Alam ko pong hindi na bata ang thirty four na ako pero marami pa po akong dapat gawin sa buhay." sabi dito ni Jonin. Biglang sumeryoso ang anyo nito. "Besides, I don't even know if I'm suited for marriage." Lahat sila ay natigilan sa sinabi nito. "Bakit mo naman nasabi yan iho?" usisa ni Tatay Dionicio. Tila nagulat si Join a tanong na iyon. It was as if he had become aware of what was happening. "Ah... eh... H-huwag na lang nating pag-usapan ang mga ganyang bagay, lalo na at kasama natin si Jean na malapit nang ikasal." Nagpatuloy ito sa pakikipagbiruan sa dalawang matanda. He instantly became his usual self again. Hindi maintindihan ni Ellah ang mga nararamdaman niya sa sandaling iyon. Hindi niya maunawaan ang ibig sabihin ni Jonin. Seryoso kaya ito sa sinabi nito? Naku e na Basted ka na niyan, sabi maliit na boses sa isip niya. Aray ko naman! Hindi pa nga nanliligaw, basted na agad? Buwisit. She tried to feign a smile while Jonin and Nanay Tranqulina made fun of each other. "Uyyy ate Ellah, okay ka lang ba?" tanong ni Jean na nasa tabi niya nang sa wakas ay nakaupo na sila sa isang mesa. Hinihintay nilang lumapit si Jonin sa kanila para i-discuss ang mga huling detalye sa kasal nina Jean at Audrey at sa susunod na linggo. "Oo. Hindi. Ewan." Nakagat niya ang ibabang labi. "Mukhang in love na ako, Jean." Pag amin niya dito. "I can't blame you. Jonin is truly lovable naman talaga diba?" Tumango siya. "Pero narinig mo naman 'yong sinabi niya kanina, 'di ba? Mukhang ayaw pa niyang magka-jowa." "Huwag kang sumuko agad, Ate! Fight for your love. Especially if you know that he is worth fighting for. At may kasabihan nga ate na ang Love ay true love never surrender it is always find a way to understand." "Alam ko 'yon. Pero paano naman ako? Ano ba ang dapat kong gawin para mapansin at magustuhan din niya ako?" Sandali itong nag-isip. "Hindi ko rin alam, eh. Subukan mo na lang mag search baka may kasagutan si M3t@ diyan sa tanong mo ate o kaya google mo na lang." "Ano ba namang klaseng advice 'yan, Jean ha. Kurimaw ka nga talaga naman. Hahanapin ko ang sagot sa internet ganoon? ano iyon assignment ba?" Napangiti na lang si Jean sa naging reactions niya. pagkauwi ni Ellah ay agad siyang dumeretso sa kanyang silid at inopen niya ang kanyang laptop. Naisip niya ang suggestion ni Jean sa kanya na magsearch kaya dali dali niya ngang ginawa. "Paano mapansin ng lalaki? unang search niya hindi niya gusto ng sagot. kaya nag search ulit siya nang tanong " "Paano mapikot ang mga lalaki?" hindi ukit siya makahanap ng matinong sagot. Kaya nag lastnsearch muna siya. "How ca i make a man fall inlove?" malakas na sabi niya habang itina-type ang mga salitang iyon sa Google bar. Ilang sandali pa ay ilang mga article ang lumabas sa screen ng kanyang laptop. She clicked on the article that she found most interesting. Ilang minuto pa ay nakuha na ng binabasa niya ang buong atensiyon niya. Panay pa ang tango niya habang binabasa ang mga iyon. "Okay! Ganito lang pala kadaling mapa ibig ang lalaki eh easy lang sa akin ito." ngingiti-ngiting sabi niya. "Kayang-kaya ko "to." Ilang oras pa siyang nanatili sa harap ng laptop bago nagpasyang magpahinga. Hanggang sa pagtulog ay paulit-ulit niyang inalala ang mga nabasa. Humanda ka, Jonin. 'Not suited for marriage' pala, ha? We'll see. I'm gonna make you fall in love with me. Para wala ka ng dahilan na kumawala sa akin at ikaw mismo ang mag aya ng kasal sa akin baby Jonin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD