NGITI

1520 Words
"Ate Ellah, pupunta kami mamaya ni Audrei sa tullys restaurant. Baka gusto mong sumama sa amin?" Hindi nag-angat ng tingin si Ellah sa kanyang binabasa. "Mamya ay hindi ako puwedeng sumama, Jean. Marami pa akong dapat gawin dito." Lihim na napangiti siya sa sarili. Sisimulan na niya ang pagpapapansin kay Jonin at ang first step niya ay ang magpa-miss muna siya dito. Ayon sa nabasa niyang article, isa sa pinakamabisang paraan para mapansin ng isang lalaki ay, "Always leave him wanting more." At iyon ang gagawin niya. "Tama ba ang dinig ko hindi ka pupunta ngaun doon ate?" "Oo. Hindi ako makakasama kaya kayong dalawa na lang ni Audrei ang magpunta doon. Pakikumusta mo na lang ako sa kanya mamaya salamat." "Himala ate no'ng nangyayari sa 'yo, ? Akala ko ba handa kang ipaglaban ang feelings mo para kay kuya Jonin?" "Hay naku oo nga. Kaya nga hindi muna ako sasama. Mas maganda siguro kung sa mismong araw na lang ng kasal mo kami magkita. Basta diskarte ko na ito, Jean wag ka magalala sa akin. "Wait ate ha, teka lang, Hindi ko ma-gets ang drama mo ngaun ah." Napabuntong-hininga siya at napatingin dito. "Ako nga rin, eh. Risky talaga itong ginagawa ko. Bahala na. Ingat na lang kayo ni Audrei sa pagpunta doon." Hindi na siya kinulit ni Jean tungkol doon, Pagsapit ng uwian ay pigil na pigil ni Ellah ang sarili na sumama rito. She had to do it. Sana lang ay positibo ang maging resulta ng gagawin niya. Lumapit si Ellah sa office table niya at ibinaba roon ang kanyang shoulder bag. "You won't believe this, Ate Ellah!" sabi ni Jean nang sandaling mailapag niya ang kanyang bag. Napatingin siya rito. "Ha? Ang alin?" "Alam ko na kung bakit hindi ka sumama sa amin ni Andrei kagabi." "Bakit nga?" Bumilis ang t***k ng kanyang puso. "Jonin was looking for you all night!" "Weh?! Hindi nga?" "Pagkakita nga niya sa amin ni Audrei, ay ikaw ang una niyang hinanap." "Wee talaga?" Mukhang effective ang pagpapa-miss niya sa lalaki. "Ilang beses pa nga niya akong tinanong kung bakit hindi ka raw nakasama at kung makakahabol ka pa raw ba. Ang sabi ko, may ibang lakad ka at malabo ka nang makahabol." She smiled mysteriously. "And then he asked me something personal about you." "Hoy Jean, naman! Utang-na-loob, 'wag mo na akong bitinin!" He asked me if you were out on a date again." "Eh Anong sinabi mo sa kanya?" Sabi ko sa kanya, hindi ako sigurado. Nagmamadali ka kasing umalis kaya hindi kita natanong." "Anong naging reaksiyon niya?" "For a moment I thought he looked a little bit disappointed. Then he was back to his old self again. Business as usual." Natahimik siya sandali. Nabawasan ang kilig na nadarama niya. "Ahhh gano'n ba?" "Pero at least, hinanap ka niya nang ilang beses kagabi," pagkokonsola ni Jean sa kanya. Pilit siyang ngumiti. "Oo nga. Okay na rin siguro kaysa hindi ako hinanap." "Next week na ang kasal ko. You have two days to spend with him. Nasa 'yo na kung ano pang pagpapa-cute ang gagawin mo ate. Galingan mo sa gagawin mo." Muli ay nabuhayan siya ng loob. Tama ito. Isang araw bago ang mismong araw ng kasal ng mga ito sa Pampanga ay kailangan na silang pumunta sa hotel kung saan iyon gaganapin. "Tama. Kaya ko ito walang sukuan!" "Yan nga, Ate! That's the spirit!" Ngumiti siya bagaman sa loob-loob niya ay abot-abot ang kanyang kaba. Ellah was nervous, excited, and anxious all at the same time. Halos isang linggo na rin niyang hindi nakikita si Jonin at nasasabik na siyang makita ito. Pinaghandaan niyang mabuti ang araw na iyon. Halos isang oras na siyang nagbabad sa banyo at siniguro niyang magiging maganda at maayos siya sa paningin ni Jonin She hoped she would not appear too obvious with what she was wearing plain white blouse paired with denim shorts that revealed her legs. Naalala niya ang isa sa mga tips na nabasa niya para mapansin ng isang lalaki: If a guy is looking your way then give him something to look at. Dalangin niyang huwag siyang magmukhang malaswa at trying hard sa suot niya. After lunch ay magkikita sila nina Jean at Andrei sa Cubao. Isasabay na siya ng mga ito papunta sa Pampanga. Ilang sandali pa ay nag-ring na ang cell phone niya. "Ate Ellah!" "Yes, Jean, . On the way na ba kayo? Ready na ako." "Ate, may problema tayo eh." "Bakit?" "Mejo napaaga ang biyahe namin ni Audrei dahil may kinailangan kaming asikasuhin dito sa hotel. Nawala sa isip ko na i-inform ka tungkol dito. pasensiya na talaga, Ate." "hmmm okay gano'n ba?" "Pasensiya na talaga, ha? Ang dami ko kasing iniisip kanina kaya nakalimutan kong tawagan ka. Sorry uli, Ate." "Sige. Okay lang 'yon. Magko-commute na lang ako. Wala namang problema ro'n." "Pero may good news din ako, Ate Ellah" sabi nito na biglang sumigla ang tinig. "At ano naman iyon?" "Nabanggit ko kanina kay Jonjn na wala kang kasabay na pumunta rito sa Pampanga. He asked for your number. Kung gusto mo raw ay sabay na lang kayong magpunta rito sa hotel." "Ayyy talaga di nga?" Hindi niya naitago ang pananabik sa tinig. "Sabi ko sa 'yo, Ate, pangarap kong maging matchmaker. Hindi ako titigil hangga't hindi kayo nagiging mag-boyfriend ni Kuya Jonin." "Naku, Jean ang talino mo na. Mahahalikan talaga kita," sabi niyang kulang na lang ay magtatalon sa tuwa. "Save it for later. Just wait for his call, okay? Kailangan ko nang ibaba itong cell phone at mamaya ka na lang magkuwento sa akin. 'Ingat kayo." "Sure. Thank you, Jean! Bye!" Ilang beses pa niyang pinakalma ang sarili bago hinintay ang tawag ni Jonin sa kanya. Hindi siya nabigo dahil ilang minuto lang ang lumipas ay muli nang nag-ring ang cell phone niya. Rumehistro doon ang hindi pa naka-save na number sa Phone book niya. "H-hello?" "Ellah?" bungad ng nasa kabilang linya. "Si Jonin ito." Natutop niya ang kanyang bibig para pigilan ang sariling tumili. Ang sarap pakinggan ng boses nito kahit sa telepono lang. "Hey Ellah? Is that you? Oh, no. I hope I dialed the right number." "H-hello, Jonin? Sorry, ha? May ginagawa lang kasi ako." "Ang sabi ni Jean, wala ka raw kasabay mamaya totoo ba? hindi b, papunta ka rin sa Pampanga? Kung gusto mo, sumabay ka na lang sa akin. May inaasikaso lang ako rito sa tullys restaurant pero within one hour ay nasa Cubao na ko. So sabay na lang tayong papunta doon?" Bumilang muna siya nang tatlo bago sumagot. She didn't want to sound too willing. "Ahm... Sige. Sabay na lang tayo. One hour is fine." "Okay. "See you then. Ingat ka." Nakagat niya ang ibabang labi. "Ikaw rin. Bye." Oh, my tili niya sa isip bago nagmamadaling kinuha ang kanyang mga gamit. Bahagya siyang napangiwi dahil sa bigat ng bag niya. Siniguro niyang dala niya ang magagandang damit niya para ma-impress si Jonin "Bahala na. Ganito talaga 'pag in love. Kailangang magtiis muna ako ngayon," aniya sa sarili bago nagpaalam sa kanyang mga magulang. MALAYO pa lang si Ellah ay nakita na niya si Jonin na nakaupo sa isang silya at may kausap sa cell phone. Bumilis ang t***k ng kanyang puso. She tried to compose herself as she walked over to him, ready with her winning smile. Naalala niya ang nabasa niya. Men are naturally inclined to women who smile a lot and who are always happy. Hindi naman siya nabigo nang mag-angat ng tingin si Lance at agad na ngumiti sa kanya. "Ellah," tawag nito sa kanya, saka ito tumayo at sinalubong siya. "Kanina ka pa ba rito?" "Hindi naman. Ikaw?" "Just a few minutes ago." Hindi nakaligtas sa kanya ang pasimpleng pagsipal ni Jonin sa suot niya. Agad siyang na-conscious sa napaiksing maong shorts na suot niya. "T-tara na "Sure," sabi nito. Isinukbit na nito ang backpack nito. "Come on, Let me help you with your things," sabi nito saka kinuha ang ilan sa mga bag niya. "Thank you. Saan nga pala naka-park ang kotse mo?" tanong niya nang magsimula na silang lumakad. "Nakalimutan ko bang sabihin sa 'yo na magko-commute lang tayo?" "Ha?" gulat na tanong niya. "Bakit?" He smiled. "Because I can't drive long distances." "Bakit?" "Inaantok kasi ako sa mahabang biyahe." "Seryoso ka?" paniniguro niya. "Oo. Nagko-commute lang ako 'pag bumibiyahe nang malayo." "Aahh... O-okay." Tumango-tango siya. Hindi niya alam kung dapat ba niyang ika-turn off iyon sa binata. Ang dami pa mandin niyang dalang gamit. Napalabi siya nang malapit na sila sa bus terminal na patungo sa Pampanga Ano ka ba, Ellah? Eh, ano kung hindi niya kayang mag-drive nang malayuan? Ayos na rin 'yon, tutal mahal ang gasoline, anang tinig sa kanyang isip. Pagsakay nila sa bus at kapwa na sila nakaupo nang kumportable ay nakangiti na uli siya nang maluwang. Hindi niya mapigilan ang kiligin dahil kaunting galaw lang nila ay nagkakadikit na silang dalawa. Ang bango- bango niya para perfume ba ang paligo niya. sheetii baka mamaya ay basa na ang panty mo Ellah sabi niya sa sarili niya. Napangiti siya sa naisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD