CHAPTER 5: AN INVITATION

1500 Words
"What do you want?" Kumunot ang noo ni Enrique nang mapagbuksan ng pinto si Erica. "Nothing." Ito pa mismo nagluwag ng pagkakabukas ng pinto ng opisina niya, pumasok doon, at prenteng naupo sa single seater niyang sofa. "I'm just here to check up on you." "Drop it. That's not like you." Bumalik siya sa swivel chair niya at ipinagpatuloy ang ginagawa niya kanina. "Talaga nga!" Giit nito. "Hindi ako nagbibiro. Mangangamusta nga lang." "I said drop it." "Kuya, ang init-init na naman ng ulo. Ano ka ba naman? Hindi ako nagpunta rito para bwisitin ka. Nagpunta talaga ako rito para mangamusta. I just want to know how the things are going... especially the deal with the Yu Lavender Farm." "Not good." Maiksi niyang sagot. Isinuot niya ang reading glasses at tahimik na binasa ang email na natanggap niya. "What do you mean not good?" "Not good as in not good." Saglit siyang tumingin sa kapatid. "Look, Erica. I really think that Anita Yu does not have any interest in selling that piece of land. Don't you think we should drop it?" Ibinalik niya ang tingin sa laptop. "We should just review the proposal and make another one. The one that's not gonna involve the Yu Lavender Farm." The one that's not gonna involve the farm or the one that's not gonna involve Anita Yu? Kung pwede lamang niyang yayain ng suntukan ang sarili niyang utak, baka ginawa na niya. But to be honest, he does not want to get involve with that farm owner. That Anita Yu is dangerous for him. "What?" Kumunot ang noo ni Erica. Napuno ng pagtataka ang mukha nito. "Or we could just postpone that project and continue buying wheat from other haciendas aside from Hacienda Catalina." "But we're doing this for the farmers. Have you forgotten what Hacienda Catalina did to them? They are making them work without paying them. Kaya nga tayo bibili ng lupa para mabigyan sila ng trabaho. Dad already agreed to this. Mom's excited about the project. You perfectly know that we can't just drop it just because you can't talk properly to the farm owner." "Then we should find another piece of land." "No!" Napatayo na ang kaniyang kapatid mula sa kinauupuan nito. Mataas na ang boses nito at wala nang kangiti-ngiti sa mukha nito. Kapag usapan talagang trabaho ay mabilis itong sumeryoso. "That land is the only ideal location for the farmers. Ilang beses na nating napag-meeting-an iyan, pati na rin ng board. Kung gusto mong madagdagan na naman ang trabaho mo, huwag mo akong idamay. Fvck." Sunud-sunod na ang naging pagmumura ng kaniyang kapatid. "I may not really fvcking get any vacation," anito sa mahinang boses pero narinig pa rin naman niya iyon. Napabuntong-hininga na lamang siya. "Okay, okay." Inalis niya ang reading glasses saka inihilamos. ang mga palad sa mukha. "I'll review the proposal and do what I can." Tinitigan siya ng kapatid, at alam niya ang ibig sabihin ng tingin na iyon: hindi ako naniniwala sa iyo. That's what her look means. "I promise," aniya. "If you are really skeptical, then I'll make sure to meet Anita Yu." "When?" "I'll arrange it. Don't worry, I tell you right away." "I don't trust you on that," walang paligoy-ligoy na sabi ng kapatid. Lumapit ito sa kaniya, isinara ang laptop niya, at ibinaba ang isang kulay pulang envelope sa ibabaw niyon. "Meet her here." Kumunot ang kaniyang noo nang sipatin ang envelope. "What is this, Erica?" "Open it, Kuya." And he did. Natigilan siya ng makitang nagmula iyon sa Yu Commerce, ang kumpanyang nag-aasikaso sa pag-export ng mga produkto ng Yu Therapy, ang planta na pinamamahalaan naman ni Anita. Ang planta ay katabi lamang ng farm nito. Binuksan niyang ang envelope at inilabas mula roon ang isang gold card. Isa iyong imbitasyon para sa nalalapit na kaarawan ni Leandro Yu, ang panganay na anak ng yumaong mag-asawang Yu, at siyang nagmana ng Yu Commerce. Kaedad lamang niya ito, at magaganap ang selebrasyon isang linggo mula ngayon. "Lahat ng CEOs at important executives ng mga malalaking kumpanya ay nabigyan niya. Even I got one." Inilabas din nito ang pulang envelope mula sa inner pocket ng coat na suot at iwinagayway iyon sa harap niya. Ibinalik din naman kaagad iyon ng babae sa inner pocket nito. "Now I just need to find a plus one. Ayaw ko namang maging ka-date ka. You'll just hinder my good-time moment. Baka hindi ako makahanap ng afam dahil sa iyo." "And what in the world is afam?" "You don't have to know." Erica just smiled sweetly at him, and he don't really trust that kind of smile. "You are such a caveman, Kuya. Afam lang hindi mo pa alam. Tsk, tsk." "I'm not a caveman. Your terms are just weird," aniya. "Ayaw mo pang aminin na konti na lang ay magiging taong-tabon ka na. E hindi mo nga alam kung paano makukuha ang loob, at mapupunta sa good side ng farm owner na iyon." Tinawanan siya nito. Halatang gusto siyang bwisitin. "Shut up," inis niyang sabi dahil alam niyang walang mali sa sinabi ng kapatid. Napailing-iling na lamang siya at saka tahimik na binasa ang nakasulat sa imbitasyon, at talaga namang nagsalubong ang kilay niya pagkatapos niyon. "Three weeks?" tanong niya sa kapatid habang sa maliit na gold card pa rin nakatingin. "Three fvckin' weeks? Are you serious? You know that I don't have three more weeks. I can't wait for that long just to meet her. Tapos na ang deal natin by that time, and I might never get a secretary if that happens." Paubos na kasi nang paubos ang mga araw na ibinigay sa kaniya ng kapatid, para sa kanilang usapan na kapag na-close na niya ang deal sa mga Yu, ay ihahanap na siya nito ng bagong sekretarya. And he badly needs one. Nagkibit-balikat lamang si Erica. "Well, it's up to you if you'll meet her ahead. Alam ko namang hindi ka na makapaghintay na makita uli labidabs mo. Aw, you two will have such tragic story. A really tragic story." She sounded so dreamy. Inilagay pa nito ang isang kamay sa noo na animo'y isang prinsesang masakit ang ulo. Akala mo'y bida ito sa opera play ng Romeo and Juliet. "Biruin mo, isang galit sa kulay ube, at isang kulang na lang ay maging ube." "Erica!" saway niya rito. "Shut the hell up." "What?" Tatawa-tawa lang ito na nagkibit-balikat. "You can't lie to me, Kuya. I can see everything on your eyes. You're interested on her. Nakakatawa nga e. I've never seen you so interested on someone before. You like her, don't you? Ayaw mo lang aminin. Bakit ba kasi ayaw mong aminin, e wala namang masama roon? Tsaka ayaw mo niyon, kapag nagkatuluyan kayo e di para na rin akong may kapatid na babae. Sawang-sawa na kaya ako sa inyo ni Oliver. Ampapangit ninyo." "The fvck are you saying? I said stop it already, didn't I?" Galit niyang turan. What Erica is saying is a just pure nonsensical spout. Siya? Magkakagusto sa babaeng iyon, na ayon na mismo sa kapatid niya ay kulang na lang maging ube? Are you fvcking serious? That's not going to happen. Kahit na magunaw pa ang mundo ang silang dalawa na lamang ng Anita Yu na iyon ang matira, hinding-hindi siya magkakagusto sa babaeng iyon. Nagtungo na ito sa pinto, ngunit bago pa man ito lumabas doon ay tumingin muna ito sa kaniya. "But maybe, I could extend the time frame of our deal. Malakas ka naman sa akin e," kumindat pa ito bago tuluyang lumabas at isinara ang pinto. Isinandal naman niya ang likod sa swivel chair at nanatili pa ring nakatitig sa pulang envelope. Meet her at a party, huh? Binuksan niya ang drawer sa ilalim ng kaniyang lamesa at basta itinapon doon ang pulang envelope, kasama ng iba pang envelope na naglalaman din ng mga imbitasyon ng mga party na hindi niya dinaluhan. He never went to any parties, kahit na gaano pa iyon kahalaga o kahit gaano pa kahalaga ang taong nag-imbita sa kaniya. Everyone surely knows by now that he is into those kind of things. Ngunit pinadadalhan pa rin siya ng mga ito ng invitation card. Out of respect, maybe. And this party... are also one of those. Over my dead body, anang kaniyang isip. Muli niyang isinuot ang kaniyang reading glasses at bumalik sa ginagawa kanina. He will meet Anita Yu again, pero hindi sa selebrasyon ng kaarawan ng kapatid nito. He'll meet her as soon as possible and try to close the deal with the Yu's. Para naman for once and for all, matahimik na ang nakaiinis niyang kapatid. Inabot niya ang cellphone at tinawagan si Reyhan, at matapos ang ilang rings ay sumagot naman ang nasa kabilang linya. "Hello? Enrique, my man." Halatang bagong gising ito dahil sa tunog ng boses nito. "Why are you calling this early." "Rey, I need you to do something for me." "The hell. Again?" Hindi makapaniwalang sabi nito. "Yeah."

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD