"Ano raw ho?" Kumunot ang noo ni Anita sa narinig. "May tao? Sinong tao?" Ano na namang problema ang nadagdag sa kaniya? Hindi pa nga natatapos ang huli niyang problema ay may panibago na naman? Ano ba naman iyan, lapitin na yata siya ng sakit ng ulo.
"Oho, Ma'am. Nasa labas ho naghihintay. Hindi ko ho kilala e." Napapakamot ng ulo na sabi ni Mang Saldy. "E hindi naman ho naman pinapasok hangga't hindi pa naipapaalam sa inyo."
Hindi naman siya palamura, ngunit hindi niya iyon napigilan. Ilang ulit siyang napamura nang walang tunog dahil sa ibinalita sa kaniya ng matandang lalaki.
Inalis niya ang malupa na gloves at isiniksik iyon sa suot bulsa ng jumper pants na denim na suot niya. Pinartneran niya iyon sa ilalim ng light violet na baggy t-shirt.
"Sige, Mang Saldy. Ako na ho ang bahala."
"Okay ho, Ma'am. Babalik na ho ako sa planta." Tumango-tango lamang siya sa matandang lalaki.
Nagpatiuna na siya sa paglakad patungo sa gate. Sinenyasan niya si Manong Celso na buksan iyon, at agad namang sumunod ang guwardiya sa kaniya. Nang lumabas siya mula roon ay nakita niya ang isang magarang sasakyan doon. Hindi kalayuan dito ay nakaparada ang isang L300 na van na may ilang kalalakihan sa loob. Sa gilid ng magarang sasakyan ay nakatayo ang isang lalaki na mukhang matanda lamang sa kaniya ng isa o dalawang taon. Pamilyar sa kaniya ang lalaki.
"Hello, Miss Anita." Lumapit ito sa kaniya at inilahad ang kamay nito. "I am Engr. Reyhan Galvez. Nice to meet you, but I think you probably already know me because of Engr. Cabrera."
Of course! Now she remembered him. Kilala nga niya ito, pero sa pangalan lang. Ngayon lamang niya nakita sa personal ang lalaki. Bukod sa kilala ang pangalan nito engineering field, ay madalas din itong bukambibig noon ni Engr. Cabrera, na isa sa mga matalik na kaibigan ng kaniyang mga magulang. Bago nagtayo ng construction company si Engr. Cabrera; na ngayon nga ay siyang kapartner ng kanilang planta sa pagsu-supply ng mga kagamitan, ay nagturo muna ito sa iba't ibang unibersidad. At isa raw si Engr. Galvez sa pinakamagagaling na naging estudyante nito noong mga panahong propesor pa ito sa isang sikat na unibersidad. Hindi naman nagkamali ng sinabi si Engr. Cabrera. Ngayon nga, ang lalaking kaharap niya ang kapartner ng La Panaderia sa paktorya nito. Marami na rin itong natanggap na parangal sa field na forte nito.
Sayang lamang din at nag-migrate na sa Australia si Engr. Cabrera. Nang mamatay ang mga magulang niya ay pinangakuan siya ng matandang lalaki na aantabayanan pa rin ang planta nila. Iyon nga lang, kinuha ito ng mga anak na nasa Australia at kinailangang ibenta ang kumpanya. Nag-retire na rin ito at ngayon nga ay tahimik nang nahihirahan sa ibang bansa kasama ang mga anak at apo nito. Kahit papaano ay may komunikasyon pa rin naman sila. Nagkakamustahan pa rin sila ni Engr. Cabrera, at isang beses nga ay biniro pa siya nito na kunin daw niya itong ninong kapag kinasal na siya.
"Anita Yu," aniya. "Nice to meet you too, Engr Galvez. What brings you here? Mukhang malayo pa ang byinahe ninyo."
"My team was hired by Mr. Villegas to check your defective machineries, Miss Anita," sagot naman nito.
Napamaang siya sa sinabi nito. "Wait... Hired by who?" Nabingi ba siya, at nagkamali ng dinig sa pangalan na binanggit nito? O talagang Villegas ang narinig niya?
"Mr. Villegas," pag-uulit ng binata. Ah, tama nga siya ng dinig. Ang nagpapunta talaga sa lalaking nasa harap niya ay ang mokong na iyon. "Mr. Enrique Olin Villegas from La Panaderia de Villegas. He told me that he already called you about this. And we actually brought all of the devices we need for machinery checkup."
Shít. Ayaw pa rin talaga siyang tigilan ng lalaking iyon. Mukhang kulang pa ang binigay niyang babala rito noong nagpunta siya sa opisina nito, dalawang araw na rin ang nakararaan. Kung bakit kasi naging mabait pa siya rito pagkatapos nitong sulutin ang mga tauhan niya. Dapat siguro ay tuluyan na niyang pinukpok ng bakya ang ulo nito noong may pagkakataon siya.
Ngayon tuloy ay hindi niya alam kung paano paalisin ang mga taong ito na bumiyahe pa sa pagkalayo-layo niyang planta. Pakiramdam niya ay naabala pa ang trabaho dapat ng mga ito.
"Look, Engr. Galvez. The thing is, I haven't talked to Mr. Villegas yet... about all of this. I did not receive any phone calls so I'm not sure what to do." She said honestly and politely. "I'm really sorry about the trouble that you and your team experienced from travelling here all the way from Manila. But... can I talk to Mr. Villegas, first? I think we have a lot to talk about."
Talagang marami silang kailangan pag-usapan ng lalaking iyon. Kapag nagkita uli sila, sisiguraduhin niyang tatamaan ito sa kaniya. Wala siyang pakialam kahit na may-ari pa ito ng isang malaking kumpanya. Galit pa rin siya sa ginawa nito sa mga tauhan niya. Akala siguro nito ay madadala siya nito sa pagpapadala nito ng mga propesyonal na titingin sa makinarya ng planta. Well, he's wrong. Hindi siya basta-basta madadala sa ganoon. Alam na alam ni Anita ang estilo ng binata. Kaparehas na kaparehas ito ng mga lalaking nakilala niya noon.
He's just taking advantage of her farm's problem to get what he wants. Mga manggagamit.
Napatingin naman ang binata sa mga kasamahan nito bago muling napatingin sa kaniya. "Sure, Miss Anita." Naglabas ito ng maliit na kuwadradong papel mula sa wallet nito at iniabot iyon sa kaniya. "You can always reach me on this number."
"Thank you for understanding, Engr. Galvez. I promise to call after we talked."
"No problem, Miss Anita." Ngumiti ito sa kaniya. Mabuti na lamang at mabait ang lalaki. "Salamat din. Paano, tutuloy na kami."
Tumango-tango siya. "Sige, Engr. Galvez. Mag-ingat kayo."
***
"Kuya, what's the commotion here?" Kunot ang noo na tanong ni Erica nang makita ang mga tao sa labas ng opisina ng kaniyang kapatid. Pumasok siya sa opisina. "Kuya, bakit nandito ang team ni Engr..." saglit itong natigilan nang makita si Reyhan na prenteng nakaupo sa mahabang sofa. "Kuya, bakit nandito si Engr. Galvez? May problema ba sa mga makinarya?"
Hindi naman sumagot si Enrique. Hindi lamang siya mapakali habang palakad-lakad siya sa opisina. "What did she say? Is she angry?" tanong nito sa kaibigan. He's been friends with Reyhan since high school days.
"Who? Who's angry?" Palipat-lipat ang tingin ni Erica sa dalawang lalaking nag-uusap.
"She's not. But I can tell that she's pissed off. Malamang pinipigilan lang niya magalit because she does not want to be rude in front of me. Man, bakit mo naman kasi ginawa iyon?" Napapailing-iling na sabi ng lalaki.
"I did that because I'm desperate, okay?"
"Hello? Pwede bang pansinin naman ninyo ako?" Naupo si Erica sa tabi ni Reyhan. "Sino ba iyang pinag-uusapan ninyo at talagang nadayo ka pa rito?"
"Anita Yu, the farm owner."
"What?"
"Yeah. Alam mo kasi itong kapatid mo, pinapunta ako sa pagkalayo-layong farm na iyon para tingnan ang mga depektibong makinarya ng planta ng Yu Therapy. He even told me that he already gave Miss Anita a heads up before making me travel all the way there, when in fact, he did not. Feeling ko tuloy, I was an uninvited guest. Gulat na gulat tuloy iyong magandang babae pagdating ko roon." Mahabang paliwanag ni Reyhan.
"Maganda ba talaga? She does not have pictures on the internet. I wasn't here two days ago, kaya hindi ko siya na-meet personally."
"Oo, maganda talaga." Wala sa sariling sagot ni Enrique.
"E bakit ikaw ang sumasagot, Kuya? Kita mong itong si Engr. Galvez ang tinatanong ko." Natatawang sabi ni Erica. Binigyan nito ng isang makahulugang tingin ang kapatid.
Agad namang napamura si Enrique nang ma-realized ang sinabi nito.
Napaigik si Erica nang pitikin nito ang kaniyang noo. "At bakit Engr. Galvez na naman ang tawag mo sa akin ha?"
"Aray ko ha. Why the hell did you flicked my forehead?" Reklamo ng babae. "At saka tinatawag kita nang ganoon dahil tunog professional. Para naman madala ng pangalan mo iyang kapangitan mo."
"Ah, pangit ako?" Inakbayan ni Reyhan ang babae at pabirong isinakal dito ang braso.
"Sige, subukan mo. Bibigwasan kita." Pananakot naman dito ni Erica kaya agad itong binitawan ni Reyhan.
"Ikaw talaga ang init-init palagi ng ulo mo. Nagbibiro lang e. Manang-mana ka rito sa Kuya Enrique mo." Natatawa na lamang na sabi ni Reyhan. Ipinatong nito ang isang kamay sa buhok ni Erica at ginulo iyon na parang isang bata.
"Anyway, what did you do, Kuya? I thought you are doing everything to close the deal?" Kunot-noong tanong ni Erica sa kapatid na hindi mapakali.
"I am!" sagot naman nito sa mataas na tinig.
"Then why are you pissing her of? At saka bakit ka sumisigaw dyan. Parang guilty na guilty ah?"
"I wasn't! I was just trying to help her." Agad na nagpaliwanag si Enrique na akala mo'y nakagawa ng malaking kasalanan. "I was just trying to get on her good side."
"Really?" Umangat ang isang kilay ni Erica. "By sending a bunch of people without her permission? You seriously need to get out of your office. It seems that you forget how to deal with people's feelings correctly."
"Shít." Mas lalo tuloy naaligaga si Enrique sa hindi malamang kadahilanan. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya mapakali habang iniisip na mas
"Huwag kang magmura, Papi. Bad 'yon." Pang-aasar lalo ni Reyhan.
"Tângina." Isang matalim na tingin ang ipinukol ni Enrique sa dalawa. "You two, get the hell out of my office."
"See? Ang iksi ng pasensya, Erica." Natatawang sabi ni Reyhan na kay Enrique pa rin nakatingin.
"GET OUT!" Asar na sabi ni Enrique sa malakas na tinig.
"Oo na, oo na." Tumingin si Erica sa katabi. "Tara na nga, Reyhan. Nireregla na naman itong best friend mo."
Tumayo na ito at agad tinungo ang pinto. Sumunod naman kaagad dito si Reyhan matapos magpaalam kay Enrique. Lumabas na ang dalawa mula sa opisina pagkatapos niyon, at saktong pagkasara na pagkasara ng pinto ay nagkatinginan ang mga ito at nagtawanan. Nag-apir pa ang dalawa na para bang tuwang-tuwa na nabwisit si Enrique.