Present day.
"Ho?" Kumunot ang noo ni Anita dahil sa sinabi ni Mang Saldy. Hindi makapaniwala ang kaniyang ekspresyon.
Wala pa siya sa sarili, at ang sinabi ng matandang lalaki ang tila tuluyang gumising sa diwa niya. Sa katunayan ay katatapos lamang niyang maghilamos dahil kakagising lamang siya. "Bakit naman daw ho ganoon? Nasaan ho sila?"
"E nasa planta ho, Ma'am. Yung iba nagsialisan na ho sakay ng mga owner nila."
"Teka ho. Tulungan ninyo ho akong pigilan sila, Mang Saldy." Nag-aalala niyang sabi.
"Sige ho, Ma'am Anita." Nang magpatiuna ang matandang lalaki sa paglakad ay kaagad siyang sumunod dito. Kahit na naka-pajama pa siya at halos madapa-dapa, dahil malambot na pambahay na tsinelas lamang ang suot niya, ay mas binilisan pa niya ang paglakad.
Panaka-naka ay sinusulyapan siya ni Mang Saldy at inaalalayan habang sinusuyod nila ang buong farm patungo sa planta. Nang marating nila ang tapat ng planta ay naabutan nila ang ilan sa mga empleyado niya na nag-aalsabalutan.
"Teka lang ho. Bakit naman ho biglaan ang alis ninyo? Aalis na lang ho ba kayo basta nang hindi nagpapaalam sa akin?"
"E Ma'am, pasensya na ho kayo. Talagang hindi na ho namin kaya ang magtiis dito. Hindi naman ho siguro sasama ang loob niyo, Ma'am. Alam niyo naman ho, kailangan namin ng stable na kita at may pamilya kaming binubuhay."
"E naiintindihan ko naman ho iyon. Ang hindi ko lang ho maintindihan ay kung bakit aalis na lang ho ba kayo basta nang hindi nagpapaalam sa akin." Tiningnan niya isa-isa ang mga ito. "At saka, kahit naman dumadaan sa problema ngayon ang planta, ni minsan ay hindi ko naman ho kayo pinabayaan. Ngayong buwan lang naman ho na-delay ang sahod ninyo."
Totoo iyon. Ni minsan ay hindi niya pinabayaan ang mga ito. Lalo na at alam niyang may mga anak itong pinag-aaral. Palagi niyang chini-check ang mga ito apartment building ng mga ito na malapit lamang sa planta. Doon nakatira ang mga empleyado niya kasama ang pamilya ng mga ito.
"E Ma'am, isang taon na rin ho tayong ganito," sabi naman ng isa pa sa mga empleyado niya. "Nakatanggap ho ako ng bagong trabaho sa La Panaderia, at balak ko na hong makipagsapalaran sa Maynila."
Natigilan siya sa narinig. "La Panaderia?"
"Pasensya na ho talaga, Ma'am." Nang sumakay ang mga ito sa kani-kaniyang owner ay hindi na niya napigilan ang mga ito. Isang apologetic look lamang din ang natanggap niya mula sa asawa at anak ng mga ito.
Wala na siyang nagawa kundi ang sundan na lamang ang owner ng mga ito hanggang sa makalabas ng gate ang mga iyon. At isinarado na lamang lahat-lahat ni Manong Celso ang gate ay nakatitig pa rin siya roon.
"La Panaderia? Anong La Panaderia?" tanong niya kay May Saldy na nakatayo lamang sa tabi niya.
"Oho, Ma'am Anita. May nagpunta ho rito na taga-La Panaderia kaninang umagang-umaga at inalok ho kami ng trabaho. Marami raw ho kasing bukas na trabaho sa paktorya nila ng tinapay," sagot naman ng matandang lalaki.
Kumuyom ang mga kamao niya. That can't be a coincidence. La Panaderia is obviously playing dirty. Hindi siya ipinanganak kahapon para hindi iyon mapansin. Halata namang ginagamit nito ang krisis na kinahaharap ng planta niya upang sulutin ang mga tauhan niya. Kung paano nito nalaman ang problema ng planta niya alam, at wala na rin siyang pakialam. Ngunit hindi niya hahayaang ubusin nito ang lahat ng tauhan niya. That acting CEO is really cunning. Mukhang gagawin talaga nito ang lahat upang makuha ang gusto.
Humanda sa akin ang lalaking iyon.
"Sa katunayan, lahat ho kami ay inalok. Hindi nga lang ho ako pumayag dahil alam niyo naman, Ma'am, na nasa pamilya ninyo ang katapatan ko noon pa man."
"Salamat ho, Mang Saldy," aniya sa mahinang boses. Para siyang tinakasan ng lakas dahil sa nangyari. May problema na nga ang ilan sa mga makinarya nila, nabawasan pa ang kanilang manpower.
Tumingin siya sa mga natira niyang tauhan. Bilang na lamang ang mga iyon sa mga daliri niya. Gusto niyang maiyak. Ngunit hindi niya gustong ipakita ang kahinaan sa mga natitira pa niyang mga tauhan.
"Ma'am Anita, ano na po ang gagawin natin ngayon?" tanong sa kaniya ni Mang Pedring. Katabi nito ang asawa na si Nanay Elsie.
"Mang Pedring, Nanay Elsie, at sa lahat ng mga naiwan. Maiintindihan ko ho kung gugustuhin niyo na ring umalis ngayon. Alam niyo naman na mahirap ang sitwasyon ng planta, at hindi ko rin naman gustong pilitin kayo na manatili rito. Huwag ho kayong mag-alala kasi ibibigay ko ho sahod ninyo na na-delay ngayong buwan. Pasensya na ho kayo talaga."
"Naku, Ma'am Anita. Wala na hong aalis sa amin dito. Nandito na kami magmula pa noong nagsisimula pa lang ang mga lolo at lola mo, hanggang sa mga magulang mo, at ngayon, ikaw. Ang plantang ito na ang bumuhay sa amin at nagpatapos sa mga anak namin. Hindi kami aalis basta dito, Ma'am." Iyon ang punung-puno ng determinasyon na sabi ni Nanay Elsie.
"Dito na kami tumanda. Kaya hinding-hindi ka namin iiwan, Ma'am Anita. Hangga't buhay at matatag kami, gagawin din namin ang lahat para matulungan kayong mapanatiling matatag at buhay ang planta." Iyon naman ang sabi ni Mang Pedring.
"Oo nga, Ma'am. Kahit anong unos ang pagdaanan ng planta, nandito lang kami."
Nagsunod-sunod ang mga ito sa pagsasabi na wala nang aalis sa mga ito. Dahil doon, hindi na niya napigilan ang kaniyang mga luha. Oo nga at kakaunti na lamang sa mga tauhan niya ang natira, ngunit ito naman ang pinakatapat sa kanilang pamilya mula sa simula.
"Salamat ho sa inyo." Tuluy-tuloy ang pag-agos ng kaniyang luha. Tinuyo niya iyon gamit ang kaniyang mga kamay. "Salamat ho talaga."
Parang hinaplos ang puso niya nang yakapin siya ng kaniyang mga tauhan. Panay ang pasasalamat niya sa mga ito. Nang mahamig niya ang sarili ay tuluyan na niyang pinunasan ang luha at tumingin sa kaniyang mga tauhan.
"Ano na ho ang gagawin natin, Ma'am Anita?"
"Ganito ho, Mang Pedring. Ipagpatuloy pa rin ho ninyo ang nasimulan na nating trabaho. Matatapos na iyong last batch ng mga essential oil na ie-export sa Taiwan, hindi ba?"
"Opo, Ma'am," sagot ng matandang lalaki.
"Sige, doon na lang ho kayo magpokus ngayon. Sisikapin kong mapalitan kaagad iyong may mga depektong makinarya. Pero habang hindi pa napapalitan, iyon last batch na lang ho ang asikasuhin ninyo, tutal malapit na rin ang anihan, kailangan uli nating mag-produce ng panibago. Yung distribution ho ng manpower ha, pagtuunan niyo ng pansin. Tiis-tiis lang ho muna tayo, hangga't hindi pa tayo nakakahanap ng mga bagong empleyado. Mang Pedring kayo na ho muna ang in-charge ha."
"Sige ho, Ma'am Anita. Kami na ho ang bahala riyan," anang matandang lalaki. Tumingin ito sa iba pang kasamahan. "Tayo na't magsimula nang magtrabaho. Tulungan natin si Ma'am Anita na maibalik sa ayos ang planta."
Kahit papaano ay natuwa siya sa determinasyong ipinapakita ng mga natira niyang empleyado. Nagpaalam na ang mga ito upang simulan na ang trabaho sa planta.
Lumingon naman siya kay Mang Saldy pagkatapos niyon.."Mang Saldy, samahan ho ninyo ako."
"Ho? Bago ho iyan, Ma'am Anita ah? Ilang taon na rin ho kayong hindi bumabiyahe..." Ito kasi ang personal driver ng kanilang pamilya noon, bago pa man ito naging tauhan ng farm. "E saan ko ho ba kayo sasamahan, Ma'am?"
"Sa Maynila. May pupuntahan tayo." Nawala ang lahat ng ngiti sa kaniyang labi. "Pero bago iyon, magpapalit muna ako ng mahiwagang tsinelas. Titirisin ko talaga ang lalaking iyon."
Nawi-weirduhan na lamang na napatingin sa kaniya si Mang Saldy.
***
"Sir Enrique! Sir Enrique!" Natigilan si Enrique sa pagre-review ng financial statements nang marinig ang malakas na pagkatok sa pinto ng kaniyang opisina.
Inalis niya ang reading glasses. "Bukas 'yan," aniya.
Pagkasabing-pagkasabi niya niyon ay marahas na bumukas ang pinto. Napaigtad siya sa lakas ng pagkalabog niyon. At mula roon ay pumasok ang isang babae na mula ulo hanggang paa, suot ang pinakakinaiiritahan niyang kulay. Naka-hoodie ito na kulay light violet na may malaking imprinta ng kulay white na unicorn, samantala ang pang-ibaba nito ay plaid purple pajama. At ang sapin nito sa paa? Bakya. Oo, bakya. Isang brown na bakya na may violet na disenyong bulaklak sa ibabaw. He gritted his teeth in annoyance.
She is definitely his walking nightmare.
"Hoy, ikaw!" sigaw nito at dire-diretsong lumapit sa kaniya. Napakurap-kurap siya nang hawakan nito ang magkabilang arm rest ng swivel chair niya. He was cornered on his own chair.
Isang seryosong tingin ang ibinigay nito sa kaniya. At sa hindi malamang kadahilanan ay sumikdo ang puso niya nang titigan siya ng babae diretso sa kaniyang mga mata. Halos isang dangkal na lamang ang layo ng mukha nito sa kaniyang mukha. Oo nga at hindi niya gusto ang kulay ng suot nito ngunit hindi rin naman maikakaila ang gandang taglay ng maamo nitong mukha. The woman has a long and curly hair, that is naturally brown-colored. She has a heart-shaped face and a pointed nose. And that lips... those luscious lips. Palihim niyang pinilig niya kaniyang ulo. Bakit ba niya tinatandaan ang mukha ng babaeng ito?
Fvck.
Kumunot ang noo niya. "Who the hell are you?"
"Pwede bang tigilan mo na ang panggugulo sa akin at sa planta ko?"
Natigilan siya. Planta?
Don't tell me... This is Anita Yu? Hindi siya makapaniwala sa sariling realisasyon. Kung ganito kaganda ang may-ari ng Yu Lavender Farm, bakit wala man lang ito miski isang larawan sa internet?
"I don't know what you're talking about," walang emosyon niyang sabi. "Hindi mo ba alam na trespassing itong ginagawa mo?"
"Ah, you don't know what I am talking about. Gusto mong ipaalala ko sa'yo?" Ngumiti ito sa kaniya. And he never knew how scary a smile can be. Ngayon lang.
"Akala mo hindi ko alam ang ginagawa mong panunulot sa mga tauhan ko? Hoy, Mr. Villegas," dinuro nito ang tapat ng puso niya. "Kung gusto mong makuha ang lupa ko, maglaro ka naman nang tama. Huwag mong idamay ang problema ng planta ko, lalong-lalo na ang mga tauhan ko. Dahil nakikita mo ito?" Halos mapasiksik siya sa swivel chair niya nang hubarin ng babae ang isa nitong bakya at idinuro iyon mismo sa mukha niya.
"Ipapalaman ko ito sa sandwich at ipapakain ko sa iyo. At kapag hindi ka pa rin tumigil, ipupukpok ko ito sa ulo mo at ililibing kita mismo sa ilalim ng mga lavender ko."
Asar na asar nitong ibinagsak muli sa sahig ang bakya nito at isinuot iyon. Lumikha pa iyon ng ingay dahil mabigat ang bakya ng babae.
"Hmp! Good bye. Pumangit sana ang araw mo, yung kasing pangit ng ugali mo." Dire-diretsong lumabas mula sa opisina niya ang babae.
Sinungitan pa nito ang guwardiya niya bago siyang muling nilingon upang bigyan ng matalim na tingin. Pagkatapos ay marahas nitong isinara ang pinto. Napatitig na lamang siya roon. What in the world did just happen?
He was too stunned to speak or to even move a finger.
Wait... Napatayo siya at mabilis na tinungo ang pinto. The fvck! Ginulo nga niya ang planta ng babae upang magpunta ito sa opisina niya at makausap niya ito tungkol sa lupa nang hindi na niya kinakailangang magpunta sa farm nito. Ine-expect na niya ang pagpunta nito, ngunit hindi niya inasahan na ngayong araw mismo ito pupunta. He thought she'll endure his play for a few days. Ginawa niya iyon para ito mismo ang magpunta sa kaniya at mapilit niya itong ibenta ang parte ng lupa nito. Pero hindi rin naman niya ito nakausap dahil sa bilis ng mga pangyayari! Ni hindi man lamang ito naupo. She went straight to him and warned him.
"Where is she?" tanong sa guwardiya na hindi pa rin pala nakakaalis sa may pintuan. Maging ang iba nilang mga empleyado ay naroroon din at nakikiusyoso. Malamang gustong makita ng mga ito ang reaksyon niya sa pagpasok ng babaeng suot ang ipinagbabawal niyang kulay sa kumpanya.
"Sir?" maang na tanong nito.
"The purple lady!" galit na sigaw niya.
"Ah, e umalis ho, Sir Enrique!" Napatayo ito nang tuwid dahil pagsigaw niya. Maging ang mga empleyado niya ay nagsibalikan sa kaniya-kaniya nitong mga trabaho sa takot na madamay. "Kanina pa ho sumakay sa elevator, Sir," sabi pa ng guwardiya.
"Shít!" Nagmamadali siya nagtungo sa elevator, ngunit pare-parehas na iyong pababa. Makalipas ang ilang minuto ay may bumukas na roon kaya naman agad-agad siyang sumakay. "Tangîna. Wala bang ibibilis ito!" At sa buong buhay niya, iyon lang yata ang pagkakataon na nagalit siya sa bagal ng elevator sa kanilang gusali.
Nang makarating siya sa parking ay inilibot niya ang mga mata. Sunud-sunod siyang napamura nang ma-realized na hindi nga pala niya alam kung ano ang sasakyan ng babae patungo sa building na iyon. He didn't even know the type of car he is looking for.
Ah, bahala na. He just looked for a woman in purple. And there he saw one. Ngunit hindi ito sa magarang kotse nakasakay. Kundi sa isang lumang owner jeep. Papalayo na ito at hindi na niya mahahabol. Natulos siya sa kinatatayuan. He didn't expect that. Mostly, lahat ng kakilala niya may-ari ng malalaking kumpanya ay naggagandahan ang mga sasakyan. This is the first time that he saw one in old owner jeep.
That Anita Yu is definitely something.
...and fvcking pretty.