PROLOGUE

1000 Words
"Sir Enrique?" Napatigil si Enrique sa pag-i-scan ng financial report na ipinasa sa kaniya ni Erica, nang marinig ang pagkatok sa labas ng pinto ng kaniyang opisina. Boses iyon ni Jana, ang sekretarya na na-employ mag-iisang buwan pa lamang ang nakararaan. Isinara niya ang kaniyang laptop at inalis ang suot na reading glasses. "Come in," aniya matapos ipatong sa ibabaw ng kasasara lamang niyang laptop ang salamin niya sa mata. Bumukas at sumara ang pinto nang pumasok ang sekretarya niya. As usual, maiksi at hapit na hapit sa balakang ang suot na palda ng babae. Nakakaasiwa na iyon, ngunit pinanatili niyang tikom ang kaniyang labi. He can't afford to lose a secretary again after firing the last one last month. Napakahirap maghanap ng sekretarya na pasok sa standards niya. Ang kapatid pa naman niyang si Erica ang nag-aasikaso niyon. Sigurado siyang magwawala ito, at katakut-takot na sermon ang matatanggap niya, kapag nalaman nitong nagtanggal na naman siya ng sekretarya. Sa totoo lamang, hindi naman ganoon ang paraan nito ng pananamit noong mga unang araw nito sa trabaho. He must say, one of the reasons why he hired her was because of her simple clothing. Hindi kasi niya gusto ang mga babaeng halos ilabas na ang kaluluwa sa harap niya. Halos lahat ng naging sekretarya niya, ganoon ang nagiging ugali sa kalagitnaan ng trabaho. Kaya naman hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lamang nagbago ang tipo ng pananamit nito. Girls. Sometimes they are really difficult to understand. Clearly, nagsimula ang pagbabagong iyon nang malaman nitong wala pang nakakabihag sa mailap niyang puso. Akala siguro nito ay papatulan niya ito. He never mix business with pleasure. No, he actually hasn't gave any attention to pleasure these past few years. He is always about business, business, and business. Doon na umiikot ang buhay niya. He is the eldest child afterall. Responsibilidad niyang asikasuhin ang negosyo nila. In that way, hindi na kinailangang isakripisyo ng mga kapatid niya ang mga gusto nitong kurso, especially Enrico, ang bunso sa kanilang magkakapatid, na siyang kasalukuyang tinatapos ang kurso nito na Elementary Education. Oliver does not want to get involve in their family business. Ganoon din noong una si Erica. Under engineering and sciences ang orihinal na kursong kinuha nito, bago ito nag-shift sa kursong Business Administration upang tumulong sa pagpapatakbo ng negosyo ng kanilang pamilya. Ibinaba ng sekretarya niya ang isang folder sa tapat niya na siyang naglalaman ng report nito. Kumunot ang kaniyang noo nang sadyain nitong ipakita ang cleavage nito. "Hindi pa rin po siya pumayag, Sir Enrique," sabi ni Jana kapagkuwan habang may matamis at mapang-akit na ngiti sa labi. Mas lalo pang lumalim ang gatla sa noo niya dahil sa narinig. "Fvck." Bulong niya. Alam niya kung ano ang tinutukoy nito. "Did you raise the offer?" "Yes, Sir. We raised it by a million pesos. But she still refuse." Dating 1.5 million ang offer nila para sa kapiraso ng lupa. Ngayong 2.5 million na iyon, ayaw pa rin nito? Ano ba talaga ang gusto ng babaeng iyon? "It is just a piece of her fvcking land. Why is she still refusing?" He said in pure annoyance. He immediately scanned the report. "Sir, ang gusto po niya yata ay makausap kayo sa personal. Iyon po ang sabi niya. Siguro, sir, kung gusto ninyong makipagnegosasyon, puntahan ninyo dapat siya sa farm—" "Are you fvcking serious?" Walang emosyon niyang sabi na ikinaatras nito. Is she really telling him to go to that lavender farm? A lavender farm?! No fvcking way. "E kasi ho, Sir—" "Get out." "Sir?" Walang emosyon sa kaniyang mga mata nang tingnan niya ang babae. "I said get out. Don't ever show your face to me. You're fired." "T-teka lang ho, Sir." Nautal ang babae. "Bakit naman ho ninyo ako tatanggalin na lang bigla sa trabaho, Sir? W-wala naman ho akong ginawang masama." Iwinagayway niya sa harap nito ang report na ipinasa nito. "Your grammar sucks. You don't even know how to use the right suffixes." Inihagis niya ang basurang iyon sa sahig bago prenteng isinandal ang likod niya sa sandalan ng kaniyang swivel chair. "—d and —ed is for past tense, —ing is for present tense. Kahit mga elementary student alam ang bagay na iyon." "E, Sir, pwede ko naman hong baguhin na lang. I will do better next time, Sir. Huwag niyo po sana ako tanggalin. Kailangang-kailangan ko po ang trabahong ito." Itinaas nito ang kanang kamay na tanda ng pangangako. "Promise, Sir. I will certainly do better next time." "Next time..." He muttered. Mag-iisang buwan na niyang naririnig ang dalawang salita na iyon mula sa babae. Sa napupuna niya ang pagkakamali nito, lagi nitong sinasabi na babaguhin na nito at itatama next time. But that didn't happen. Mas lalo pang lumalala ang mga pagkakamali nito. Even his schedule for the day was always messed up. Kung kailangan na kailangan nito ang trabahong iyon, sana inayos nito ang pagtratrabaho nito una pa lang. Kahit noong ilang beses niya itong binigyan ng pagkakataon na itama ang mga pagkakamali, sana nagtino na ito. But no. She even had the guts to apply makeup everytime she makes a mistake. Sa totoo lang parang wala rin siyang sekretarya sa pagiging mali-mali. Mas nadadagdagan pa ang trabaho niya. Akala siguro nito ay cute ito sa tuwing nag-iinarte ito at nagso-sorry sa pagkakamali. Pinapaliit kasi nito ang boses at umaaktong nahihiya. That was way too disgusting. "Miss Jana. Don't you understand?" Ngumisi siya. "Wala nang next time." Tumayo siya at unti-unting lumapit sa babae. Bawat hakbang niya papalapit ay siya namang hakbang nito papalayo. She trembled when he leaned on her. Malamang naramdam nito ang mapanganib niyang aura. Alam nitong hindi siya nagbibiro. Pinaglaruan niya ang ilang hibla ng buhok nito sa kaniyang mga daliri. Itinapat niya ang bibig sa tenga nito at bumulong. "And for your information, your shoes..." Saglit siyang napasulyap sa kulay ube nitong sapatos. Mas lumaki pa ang ngisi niya. "...are fvcking ugly."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD