CHAPTER 1: PURPLE HATRED

1700 Words
"Erica, I need a new secretary." Lumikha ng malakas na ingay ang pagbukas at pagsara ni Enrique sa pinto. Walang pag-aalinlangan siyang humilata sa mahabang sofa sa loob ng opisina ng kaniyang kapatid. At home na at home ang dating niya. Naibaba naman sa ibabaw ng mesa ng kapatid niya ang binabasa nitong dokumento. Kumunot ang noo nito nang tingnan siya. "A new secretary?" Hindi nito makapaniwalang tanong. "Don't freaking tell me that you fired your secretary again?" "Then I won't tell you." "Dammit." Galit nitong turan. "You really love wasting my time, aren't you? Do you freaking know how hard it is to find you a secretary? Akala mo ba madaling trabaho iyon ha?" Napatayo na ito mula sa kinauupuan at nakapameywang na tumayo sa tapat niya. "You fire your secretary as if you are not fvcking picky!" Mataas ang boses nito. Nagmura na ang kapatid niya. And that could only mean one thing: galit na galit na ito at pwedeng-pwede na siya nitong bugbugin anumang oras. Kitang-kita rin naman niya iyon sa ekspresyon nito. He expected this. Alam niyang magagalit ang kapatid sa ginawa niya. Pero hindi talaga niya mapigilan. Talagang maiksi ang pisi ng pasensya niya pagdating sa kaniyang mga empleyado. "Sorry. Can't help it." "Sorry? Can't help it?" Pag-uulit nito sa sinabi niya. "That's it? Sorry, can't help it? Yun na 'yon?" Bumangon siya. "What? What should I say, Erica? 'Sorry, I promise I won't fire the next one'? I know you won't like that." That's a foul. He shouldn't have said that. Minsan talaga, masyadong pasmado ang bibig niya. Malamang mas lalo pang magwawala ang kapatid niya dahil doon. Paniguradong magdamag na naman siya nitong pagagalitan. Since Erica is their only sister, they should have treated her as a princess, like any other normal family. But no, she does not want to be treated like that. She is independent, smart, and strong. In short, she is the queen of herself. Mula pa noon, si Erica na ang pinakaresponsable sa kanilang magkakapatid. She nags more than their real mom, and scolds him and Enrico whenever they do something wrong. She corrects their mistakes, and always comes up with every possible solution to every challenges. But today, Erica is tired more than ever. Hindi na nito nagawang pagalitan pa siya. Napatitig na lamang ito sa kaniya. "You're right. I won't like that. Because that's what you said last time, and look at what happened. Naulit na naman." Nakita niya kung paano hinilot ng kapatid ang sentido nito. Tila pagod itong naupo sa single seater na sofa. Now he feels bad. Ngayon lamang kasi niya napansin ang pagod sa mukha nito. Tulad niya, malalim na rin ang ilalim ng mga mata nito dahil sa kakulangan sa tulog. Gusto tuloy niyang bawiin ang kaniyang mga nasabi. "Erica—" "I think I need a secretary more than you. Should I get one?" biglaang tanong nito. Parang mas kausap nito ang sarili kaysa sa kaniya. Saglit kasi itong napatitig sa kawalan habang sinasabi ang mga katagang iyon. Tagusan ang tingin nito. "Yeah, you need it," panggagatong niya. "That's why when you get one, isabay mo na rin ang sa akin," sabi niya na akala mo'y nagpapasabay lang bumili ng sandwich sa isang convenience store. "No." Tumayo na ang kapatid niya at bumalik sa swivel chair nito. Kumunot ang kaniyang noo sa narinig. "What? No?" "No. You heard it right." "Why? Why no? I need one, Erica." "Fine. I will get you one. But..." she paused for a moment, "...I will only get you a new secretary under one condition." Parang walang pakialam nitong sabi nang muling dinampot ang dokumento na binabasa nito kanina, at sinimulan muling pag-aralan iyon. Mas lalo pang lumalim ang gatla sa kaniyang noo. Hindi niya gusto ang mga kondisyo-kondisyones na iyan, lalo na kung kay Erica iyon nanggaling. He knows Erica all too well. Kapag naghahain ito ng kondisyon, aasahan na niya na pang-out of this world iyon. Madalas, imposible na iyong magawa. "What condition?" he impatiently asked. "I will only get you a secretary if you manage to close the deal with the Yu Lavender Farm within three weeks," sabi nito. Namilog ang kaniyang mga mata at napatayo mula sa kaniyang kinauupuan. Lumapit siya rito. "Are you freaking serious? Three weeks? You are giving me only three fvcking weeks to close that deal?" Naibagsak niya ang mga kamay sa ibabaw ng mesa nito. "Alam mo man lang ba kung gaano katagal ko nang sinusubukang i-close ang deal na iyon?!" "That's exactly the reason. You've been trying to close that for two months now, but I still haven't see any progress." "We are making progress." "But I still don't see it." "Then what should I do?" "I don't know. Maybe... talk to the owner personally." Erica sarcastically said. She even has as sly smile on her lips. "Erica, it's a lavender farm." Ipinagdiinan niya ang bawat salita. "So what?" "So what? You, of all of the people, knows why exactly I can't go to that freaking farm." "Kuya, look." Tiningnan siya nito. There is a serious concern on her sister's face. "It has been years, and I'm really getting worried. Don't you think it's about time for you to try to face this purple hatred of yours?" Hindi siya sumagot. "Kung hindi mo susubukan ngayon, kailan pa? You might seriously regret it in the future. If you never face this, it will hinder your happiness, and I... I just want you to be happy." Siya naman ngayon ang humilot ng kaniyang sentido. This is one of the reasons why sometimes, he does not want to talk to Erica. Hindi marunong magsinungaling ang kapatid niyang ito. Every word that her mouth spits is always the truth. Purple hatred. Should he really get rid of it? How? Argh. Bahala na. Everything is so annoying for him. "Please, Kuya? Just this once? For me? It could really save me some time if you are not that picky in finding a secretary that will fit your weird standards. And I might really get a real vacation this time." Hindi naman siya ganoon kawalang puso upang hindi pagbigyan ang kapatid sa hiling nito, lalo na kung never pa itong humingi ng favor sa kaniya before; lalo pa kung nakikita na niya ang pagod sa mukha nito. Napabuntong-hininga na lamang siya bago lumapit sa kapatid at ipinatong ang kamay sa ulo nito. Bahagya niyang ginulo ang buhok nito. "I'll try, little sis." "Promise?" "I promise." Wala nang bawian ngayong nangako na siya. Ngumiti ito. "Thank you, Kuya." *** And he might just regret promising Erica the impossible. Kasalukuyan siyang nasa harap ng kaniyang laptop at nagsi-search ng ilang impormasyon tungkol sa Yu Lavender Farm. Dahil hindi siya makatulog, iyon na lamang ang pinagkaabalahan niya. Anita Yu, owner. He clicked on the name and nothing shows up. "Fvck," he grunted. There is no information about her. Ang alam lamang niya, ito ang bunsong anak ng mga Yu, ang pinakakilalang supplier ng lavender sa iba't ibang kumpanya. Currently, they are the only lavender supplier in the Philippines. Dahil sa klima, mahirap patubuin ang bulaklak na iyon sa bansa, kaya naman wala ring kakumpitensya ang Yu Lavender Farm, which made them rich and prominent. Bukod sa farming, nagsu-supply din ng lavender oil at ilan pang essential oil ang mga ito. That's all he know. Nang mamatay ang mag-asawang Yu, obviously, minana ng mga anak nito ang kumpanya at ang farm. Pero kahit na kilalang-kilala ang pamilya na iyon, wala naman siyang mahanap na impormasyon tungkol sa magkapatid na siyang nagpapatakbo ngayon ng Yu Lavender Farm at Yu Therapy. There isn't even a single photo. The siblings certainly kept a low profile. Matagal na niyang gustong mabili ang maliit na parte ng lavender farm na iyon. Gagamitin kasi ang lupa na iyon upang makapagtayo ng panibago nilang branch office. Hindi naman ganoon kalaki ang kanilang bibilhin dahil nabili na nila ang katabing lupa ng farm na pagmamay-ari naman ng isang negosyante. Ang apat na daang square meter ng lupa ay maliit na maliit lamang kumpara sa hekta-hektaryang farm na iyon. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit ayaw pa rin iyong ipagbili ng may-ari. This Anita Yu is as hard as stone. Napakahirap makuha ng matamis nitong 'oo'. Ilang beses na rin niyang itinaas ang presyo na ino-offer niya, ngunit hindi pa rin niya napapayag ang babae. Certainly, money is not the reason why she does not want to sell the property. He closed his laptop. Napagdesisyunan niyang lumabas na mula sa opisina at magtungo sa kaniyang kuwarto. Hinubad niya ang t-shirt niya bago padapang itinapon ang kaniyang sarili sa kama. Tama nga ba ang kapatid niya? Should he really go there personally? Of course he knows the answer. He should. Palaging tama si Erica. Isang malalim na buntong-hininga na lamang ang pinakawalan niya bago niya ipinikit ang kaniyang mga mata. Hanggang sa pagtulog, ang pagbisita pa rin sa lavender farm na iyon ang nasa isip niya... HE CAN'T. He just fvcking can't. Apat na araw na ang nakalipas magmula nang mag-usap sila ni Erica ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin siya nakakapunta sa farm na iyon. And everything becomes more and more frustrating for him. His schedule is messed up. Some documents are scattered on the floor of his office. Hindi na niya alam kung ano ang dapat unahin doon base sa date at necessity niyon. And every team leader is coming up to him directly, kahit iyong mga walang appointment na guest, dahil wala siyang secretary na mag-aayos ng mga schedule. Nakagat niya ang dulo ng kaniyang mga kuko. Kapag hindi pa niya nagawan ito ng paraan, habang-buhay na siyang mawawalan ng secretary. Ano ang gagawin niya? Napayukyok siya sa desk niya. Para siyang nababaliw. Ilang beses niyang itinuktok ang noo niya roon na animo'y nagtataktak ng ideya. At nagtagumpay naman siya. Tila may maliit na lightbulb na umilaw sa tuktok ng kaniyang ulo pagkatapos niyon. A devilish smile formed on his lips. Prente niyang isinandal ang likod sa swivel chair niya at napapikit. Kung hindi siya makakapunta sa farm na iyon, ang Anita Yu na lamang na iyon ang papupuntahin niya sa opisina niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD