Chancing

3295 Words
Chancing "... it took Ofelia and her friends almost 2 months to track down the beast. And when they did, the most unfortunate thing happened..." ilang minutong natahimik si Penelope. Sabik na sabik na kaming nakikinig sa kaniya. Huminto na rin ang projector kung saan piniplay digitally nila ang libro. "What the f**k happened?!" Pabulong na ani ko. I never knew this story. My parents never told me about this, and I feel like neither did the other freshies. Except for Skye. "Someone died." Bored na ani ni Skye. Hindi makapaniwalang nilingon namin si Skye. I grew interested. "Sino?" Mahinang tanong ni Gracey. Hindi ma ipinta ang ekspresyon sa mukha ni Skye. "Anong 'sino?'?!, hindi ba obvious? It's Cassandra." Napataas ang kilay namin sa narinig. Oo nga no. Apat lang ang elite family hunters, pero lima sila in the first place. Liningon namin ulit si Penelope nang tumikhim siya ng bahagya sa mic. "Cassandra Raymundo sacrificed herself, in order for Ofelia to kill the beast. It was something that Ofelia never wanted to happen. But Cassandra willingly made herself as bait to lure the beast to Ofelia's spear with wolfsbane." Natahimik ang buong klase. So there was a fifth elite hunter. Supposedly. Hindi na nasundan ang pamilyang Raymundo dahil si Cassandra nalang ang natitirang Raymundo, at namatay na siya. Cassandra is Ofelia's best friend and orphaned cousin, and she sacrificed herself for my ancestor. "Next week on Tuesday will be our annual tradition. To pay respects for Cassandra Merced Raymundo, and her never ending legacy in the hunter's world." Penelope said softly before handing the mic to— i believe is— a senior. The guy smiled at Penelope before facing the rest of us standing at the marble stand. Seriously, kailan pa ba ako hindi nakakita ng mala diyos na appeal ng mga lalaki dito sa camp? "Good morning, freshies. To those of you who don't already know me. I'm Chandler Ledalla, and I am the camp student body president. If you don't already know as well, we—" inilahad niya ang kamay sa ibang mga seniors na naka upo sa harap. "—your seniors, have organized an annual tradition for ourselves." Patuloy na nagsasalita si Chandler tungkol sa mga superstitions nila bilang seniors namin at wala sa sariling napalingon ako sa'king kanan. I saw the bus-guy, with his hand on his cheek. He's so hard not to recognize, his face seemed rare. "So.. back to the annual tradition. This Friday, The Fall will rise up again from it's ashes." The rest cheered, I didn't. Do people want to die? I saw how the side of Pierce's lips shot up, a dimple peeked out of his cheek. "Now.. sa iba diyan na tahimik lang, siguro hindi niyo pa alam kung ano ang The Fall. Not to worry, we have Mr. Delluna here for a brief orientation about The Fall." Ngumiti si Chandler habang inaabot ang mic sa pa-akyat na lalaki. Nakadungaw parin ang tingin ko kay bus-guy. Ang gwapo, kahit pa side-view! Crush ko na 'to. Lumingon ka sana, ngingitian kita, iyong tipong matutunaw ka sa ka cute ko. Joke lang. Pero sana lumingon ka. "Hello freshmen!" Napamulagat ako na napatingin sa stage. That voice! It's.. it's that judgmental bastard from outside! "What? Delluna siya?!" Hindi makapaniwalang bulong ko sa sarili ko. He's an elite member and a freaking senior! "Oi, Ries, yung ka away mo kanina oh." Pang-aasar ni Prim na hindi ko naman pinansin. "So.. The Fall—" he clicked his tongue like he's hesitant to explain. "— it's definitely not a game for little girls and boys," he said which made the other freshies and the seniors chuckle. I don't find him funny, his face is annoying me. "Ngayong Friday, papasok ang lahat ng freshies sa dome. It's a high-tech little jungle world in there, the predators are robots but they look realistic." Kumuha siya ng upuan at umupo sa harap ng stage at nagsimula nang muli. "Magsisimula ang lahat sa harap ng dome. You all are given an hour to come back out from the other side of the dome, with the diamond pin—" napatigil siya sa pagsasalita nang nagbulungan ang lahat sa mangha. Pati ako rin namangha. A diamond pin?! "—yeah, cool right? Anyways, there will only be one pin and that is how things get juicy in there. You will fight for that pin, that is your price. You either get out of there unscathed and with the pin, then you win this year's The Fall or you don't and you fall on your way out? Then you obviously lost." He said in a humorous tone. "The rules are simple. No killing. Punching, kicking and wielding of weapons are okay but only if necessary, you can't kill your co-hunter. It's against the hunter code and we don't tolerate that kind of violence in The Fall and in Camp Silver. The only thing you can kill are the robotic predators. There are weak spots in the predators, if you're lucky enough to find it and kill them, then you go girl!" The crowd laughed again. Seriously what's with this guy, he's not even funny. "But if you're not? The predators can hurt you. I don't know about 'kill' you, but hurt you? Definitely." Tumayo na ito at bumaba sa hagdan ng stage. "The juniors and seniors, including me will be inside the dome, monitoring everyone. We'll be wearing an ID so you guys won't accidentally kill us," he laughed. "The pin is deep within the dome and that dome is large AF. You'll be facing challenges and the closer you are to the pin, the harder the challenges get. So good luck, freshmen. You'll need it.." he smiled and the other girl freshies giggled. "Oh and by the way. The seniors can do whatever they want in the dome. Maybe if nasa mood kami, pwede rin kaming makipaglaban sa inyo para mas challenging, diba?" Tanong niya sa ibang seniors at napatango naman ang mga ito. "See? You'll never know. So better respect your superiors. And the next time you mess with a Senior, do it with a weapon this time." Napamulagat ako sa sinabi niya. He completely mocked me! Inirapan ko siya nang nahanap ako ng mga mata niya kahit nasa likuran na ako. Kinindatan niya ako at sinamaan ko lang siya ng tingin. "Hi, Aries, the first Argente in camp," he said and pointed at me. The freaking spotlight even went to me! Shuta nakakahiya pinag titinginan ako ng mga tao. "Hope you enjoy your stay." He smirked devilishly and winked again. Nang matapos na ang orientation sa loob. Nagtititiling sinundan ako nina Gracey at Prim habang naglalakad na kami palabas ng museum. "Omg! Hindi mo ba nakita ang winks ni Archer sa'yo?! Girl! Ang swerte mo!" Bahagya niya akong yinugyog pero masama parin ang timpla ko. Naalala ko ang pango-offend niya sa'kin kanina. Why did he have to mock and call me out? Anong tingin niya, takot ako sa The Fall na iyan? Na hindi ko kakayanin iyon? Sus, hindi ko man kayang pumatay ng hayop pero kayang kaya ko siyang katayin. "Girl! Ang tigas mo naman, you sure you're not swooned by him? Kahit slight lang?" Tanong ni Prim. "Yeah.. Literally everyone's obsessed with him. Including me." Skye spoke with THICK sarcasm. Aniya habang ngumunguya ng bubble gum at umiirap sa tuwing naririnig ang pangalan ni Archer. Umiling ako. "Hindi no. He's not my type. He looks like he's talkative and annoying and.. well.. he's basic." Napatigil ako sa paglalakad nang napatigil silang dalawa. Si Skye nagpatuloy sa paglalakad at walang pakialam sa pinag-uusapan namin. "What?" Hindi makapaniwalang tanong nilang dalawa. I faced them and sighed, I put my arms on my waist and raised a brow at them. "Yes, I think he's talkative, and annoying. Yes, I also think that he's charming and handsome. Pero that's beside the point. My point is, hindi ko siya type, and no matter how much he makes himself look like a snack, I'll never fall for that charlatan." Napatigil ako sa pagsasalita nang nakangiwing tinuro ni Gracey nag likuran ko. Kunot-noong lingon ko iyon at bahagya akong nagulat nang muntik na akong mapabangga sa kaniya. "Anong kailangan mo?" Masungit na tanong ko kay Archer. "You stalking me?" Nagtaas siya ng kilay at hindi makapaniwalang humagikgik. "I'm handing out brochures about The Fall to make you guys feel more prepared." He said. Napasimangot ako at padabog na tinanggap ang binigay niyang brochure. Nang mabigyan niya na ng brochure sina Gracey at Prim. Hindi parin siya umalis sa harap namin, kaya nagtaas na naman ako ng kilay sa kaniya. "What are you still doing here?" Ngumisi lamang ito at kinamot ng bahagya ang dulo ng kaniyang ilong. May naglalarong ngiti sa kaniyang mukha. Nakakairita. "Ano?"I impatiently asked. He sighed and let out a small devilish smile before reaching at the side of my hair. Bahagya akong napangiwi. Wtf is he doing? Nang matapos siya, iniharap niya sa'kin ang isang maliit na dahon. Dahon lang? Pero ang reaction niya parang ano na ang nakasabit sa buhok ko. "Mukhang hindi lang pala ako ang nagka interes sa'yo dito," he said while smirking. "Anong sabi mo?" Tinuro niya ang ulo ko at wala sa sariling napatingala ako at pinagpag ang buhok ko. What the hell?! Bat ang daming pinagpipirasong dahon? San galing 'to?! "Maligo ka kasi." Pang aasar niya at nakapamulsang naglakad palayo sa'min. My jaw dropped. Of course naliligo ako! Kaloka iyon. Nang makapasok kami sa cabin, patuloy parin akong nagrereklamo tungkol kanina. Aaminin kong nahihiya ako slight, pero bahala na iyon. Ang tanging bumabagabag lamang sa isip ko ay kung bakit andaming dahon sa buhok ko. Ano may butas ba ang museum? "Hala, nagluto ka?" Hindi makapaniwalang tanong ni Prim kay Skye. "Anong niluluto mo?" "Beef stroganoff. Nag c-crave ako. Bakit ayaw mo?" Tanong ni Skye kay Prim. "Gusto oi, ang bango niyan." "Mabango naman ang sabon ah pero bat 'di mo kinakain?" Sarkastikong tanong ni Skye kay Prim dahilan kung bakit napangiwi si Prim. "Alam mo Skye. Wala talagang makakaintindi sa humor mo." Ngumisi lamang si Skye at nagpatuloy sa pagluluto. Napasalampak ako ng upo sa sofa at nanood ng tv. Hindi naman ako pagod physically pero pakiramdam ko pagod ako mentally dahil dun sa Archer na 'yon. "Hay ang init," reklamo ni Gracey na nasa tabi ko. "Maliligo ako, sinong susunod?" Pabirong aniya na ikinatawa lang namin. "Grace, paunahin mo na lang ng ligo si Aries." Ani Skye habang nakatuon parin ang attensyon sa niluluto. Nilingon ako ni Grace. "Ha? 'Wag na, mamaya na ako." Pag tanggi ko. "Hindi, ngayon na," ani Skye na ikinakunot ng noo ko. "Para matanggal na iyang mga dahon na nilagay ko sa buhok mo habang naglalaway ka sa lalaking nasa gilid natin kanina." Napamulagat ako at napanganga. I scoffed and threw a throw pillow at her thigh which made her chuckle. Napatawa na din si Gracey at Prim at padabog na kinuha ko ang towel ko habang pinaningkitan ko si Skye. The next day. We were taught how to make our own weapons. Dinala kaming apat ni Penelope sa archery station. Kung saan mag cacarve kami ng sarili naming arrow na gawa sa kahoy at mag memelt ng desired material para sa arrowheads namin. Si Skye at Prim ay crossbow ang nakahiligan nila, habang kami naman ni Gracey ay sa standard bow and arrow lang. "Ano bang materyales ang gusto mo para sa arrow mo?" Tanong ni Grace sakin habang tinitingnan ang isang wooden shelf kung saan nakalagay ang iba't ibang klase ng arrow. Mayroong iron, steel, ang standard na wood at iba pa. Pinili ko ang iron, pakiramdam ko mas babagay iyon sa silver arrowhead na gagawin ko. Bahagya kaming napaigtad nang nag lapag si Penelope ng mabibigat na tig isa isang bag ng mga iron na bar para sa arrowheads. Nakaupo kami ngayon sa sarili naming station tables, may melting pot sa harap namin. May mold, and other carving materials. "Okay everyone, suotin niyo na ang inyong safety goggles and gloves." Nakangiting utos ni Penelope sa'ming lahat. Sinunod ko naman ang mga iyon. Nagsimula na rin si Penelope sa pag tuturo. Simula sa pag carve ng aming arrow. Sa iba hindi sila masyadong nahirapan dahil kahoy lamang ang gamit nila, ngunit ako'y iron ang pinili, linabas ko ang arrow mold na ginawa sakin ni Nimue. Ilang minuto nang matapos nang matunaw ang malaking bar ng iron na tinunaw ko para sa arrow body, linapitan ako ni Penelope habang seryosong naglalagay ng natunaw na iron sa'king mold. "Where did you get that mold, Aries?" Napa-angat ang tingin ko kay Penelope. "Ah, my sister Nimue made this for me." I smiled. Napatango tango lamang si Penelope habang may munting ngiti sa kaniyang mukha. Matapos naming gumawa ng aming arrow body. Ang arrowhead na naman ang tinuro ni Penelope. "Sige, ilabas niyo na ang inyong mga bars." Sabay namang linabas ng iba ang kanilang mga iron bars. Pero ang silver na bar na binigay ni papa sa'kin ang linabas ko. Bahagya akong napa atras nang kuminang iyon. Tumama ang sikat ng araw galing sa glass ceiling ng weapon house namin at tumama sa silver bar ko. Lahat sila napalingon sa'kin at napamangha. Hindi pa ba sila nakakita ng silver bar? Hindi naman sa nagmamayabang pero kung ako, halos araw araw na akong nakakita ng ganito. It's very special and crucial. Very toxic to some predators and very effective in hunting. This is the secret to every Argente's successful hunting. This is a special family heirloom. This silver has it's own unique recipe before formed into a bar with the Argente family crest logo. "Typical Argente." Napangiti si Penelope at nagsimula na kami. Nang tinunaw ko ang silver, bahagya akong nagulat nang mas madali lamang ito. Kaya nang natapos na akong gumawa ng anim na silver arrowheads, gumawa na rin ako ng iron arrowheads at mahigit sampo ang nagawa ko, gamit ang sarili kong mold na gawa ni Nimue, which made it more rare and unique from the others. "I love your bow." Gracey complimented my iron bow as I polish it lightly with a cloth. Napatawa ako sa sinabi niya. "'Wag ka ngang mambola. Parehas lang naman tayo ng bow ah." Mine's just carved with unique patterns, and the Argente family crest logo. "You have those beautiful flower engraves, ano 'to?" Bahagya niyang hinagod ang kamay niya sa'king bow. Sa gitna ng bow naka engrave ang family crest logo namin. Sa mga gilid naman pati sa arch ay nakalatay ang isang mahabang bulaklak, na parang vine na paikot ikot sa dark grey 'kong iron bow. "My father said it's mountain ash and wolfsbane. Those were the herbs that Ofelia used in killing the beast with the spear." I looked at my bow intently, also fascinated with its history, so is Gracey. "Those flowers have been a symbol in our family. Believed that these flowers have protected us through every predator in our way, especially wolves." "Ba't naman kayo mamomroblema sa mga lobo?" Curious na tanong ni Gracey sa'kin. Liningon ko siya at patuloy na nagpopolish sa'king bow. "We live in the middle of nowhere. Maraming lobo doon. Hindi ako naniniwala pero sabi nila may werewolves daw na nakatira sa gubat na tinitirhan namin. Ilang kilometro din ang layo ng city sa bahay namin. Gusto kasi ni papa na nakatago ang identities namin bilang mga hunters of those kinds." Bahagya akong napatawa sa sinabi ko. Malabo naman kasing paniwalaan iyon. "You probably think my family's crazy." "I believe you." Binigyan ako ni Gracey ng ngiti na sinuklian ko naman. "And I think you'e family's amazing." She smiled. Matapos ang training. Bumalik pa kami sa weapon house na nagsisilbi bilang classroom namin. Kung saan pinag-aralan namin ang iba't ibang mga paraan sa pagtira ng arrows namin. Mga angles at methods. Ang basic standard methods at iba pa. Mag isa na akong naglalakad papuntang cabin. Gabi na at nagyaya pa sina Skye sa inuman sa camp bar. Pero I passed, I need to study the lessons taught for today. Habang naglalakad ay nag bubulong ako sa mga methods sa'king sarili habang nag mememorize. Napatigil ako sa pagbubulong at paglalakad ng nakarinig ako ng parang naglalakad sa likuran ko. Pinalibot ko ang aking mga mata sa paligid nang hindi gumagalaw. Medyo madilim na ang tanging ilaw lamang ay ang munting lamp sa labas ng mga cabin. Mabilis akong napalingon sa tunog na narinig ko galing sa'king kanan. Dahan dahan akong bumulot ng arrow galing sa likod ko at tahimik na inassemble sa'king bow. Nang papalakas at papalapit na ang yabag na parang tumatakbo ay mabilis kong hinila ang bow string ko at iniharap sa... kay... Archer?! "Oi, kalma lang." Natatawang aniya at napaatras na nakataas ang dalawang palad. Mabilis ang kabog ng puso ko. Abot abot ko din ang hininga ko. Akala kong ano na ang sumusunod sunod sa'kin. I thought I've been followed by a predator or something. Isang papansin lang pala. "Ba't mo ba ako sinusundan?" Iritadong tanong ko habang binabalik ang arrow sa'king likod. "I saw you leaving the bar," Tinaasan ko siya ng kilay. "Oh, tapos?" "Wala lang," nagkibit balikat siya. "Tama nga pala sila." Aniya sa mapang-asar na mukha. "Ano na naman ba?" "Na killjoy ang mga Argente." Pasimpleng aniya na nakapagkulo ng dugo ko. Mabilis ko siyang ginawaran ng hampas na nakapag-gulat sa kaniya. Madramang hinawakan niya ang braso niyang hinampas ko. "Aray naman!" Parang batang reklamo niya. "Bakal ba iyang kamay mo?!" Hinagod niyanpa ng lalo ang braso niya habang hinihipan. Ang OA ba naman! "Volleyball player ka?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Gusto mo ng suntok?" Pinakita ko sa kaniya ang aking kamao at napaatras lamang siya. "Ikaw talaga." Aniya at napatawa na naman. Baliw na talaga to eh. "Don't you want to have fun?" "No thanks." Akmang lalagpasan ko na siya nang hinarangan niya ako. "Marami pa akong pag-aaralan." "Kahit karaoke lang?" Napangiwi ako sinabi niya at naglakad na naman pero palagi niya akong hinaharangan. I rolled my eyes as I look at his annoying face. He pouted and gave me a puppy eye. "Please?" May munting ngiti sa kaniyang natural na mapupulang mga labi at ipinagdikit pa ang dalawang palad na parang nananalangin. I scoffed. "Anong akala mo sa'kin? Soft?" Napasimangot ito at bumagsak ang kaniyang mga balikat. "Soft mo mukha mo. Kung makahampas ka nga eh para kang nanghahampas ng labahan sa pader." Kunot noo ko siyang tiningnan. Hampas ng labahan sa pader? Pinagsasabi mo, boi? "Sumama ka na nga lang kasi. Nandoon ang mga seniors at juniors mo. Pati na rin ang mga sophomores. Para naman magkaroon ka ng kaibigan dito. Tara na." Akmang hihilain niya na ang kamay kong kinuha niya nang mabilis ko iyong binawi. "Sige na. This is an order from your senior." Awtoridadong aniya pero pabiro din naman siyang ngumiti. Napairap ako. I felt an electrical feeling when his skin made contact with mine. It made me feel uncomfortable in an odd way. So I immediately took my hand away from him when he took my hand again. "Arte naman. Halika na nga." Akmang kukunin niya na naman ang kamay ko nang umatras ako. "Ang chancing mo. Oo na, pupunta na." Iritadong ani ko at nauna nang naglakad. "Chancing? Feeling." Narinig kong murmur niya pero binalewala ko lang at naglakad na papuntang camp bar. Bakit? Chancing ka naman ah. May pahawak hawak ka pa ng kamay alam ko naman na crush mo ako. Ang obvious. Pero sorry ka nalang, hindi ikaw ang crush ko. Sana lang talaga nandoon si bus-guy sa bar nang matanong ko ang pangalan niya. Siguro naman hindi niya pa ako nakalimutan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD