Family
TW: Death, Massacre
I stared at his hand in front of me for a good minute. He didn't even feel ashamed or withdraw his hand, not like I'm making him feel ashamed. I shook my head slightly before taking his hand.
"I-I'm Aries." Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako, he's just a boy.
And with that he flashed a smile. Wala na atang mas gagwapo sa ngiting 'to. Wait.. What?! Why am I worshiping his features? Hindi ito worth it, Aries. You're here to train. Snap out of it!
"Ahh, I take it you're an Argente?" He asked as he faces Ofelia's portrait.
"H-how did you know?" Napakunot ang noo ko sa pagka-utal. I faced Ofelia's portrait to hide my annoyed face.
"I didn't. May nagsabi lang sa'kin." Ilang minutong napatigil siya sa pagsasalita. "Himala napadpad ka dito." Ani niya sa maibang tono.
Bahagyang nakakunot ang noong nilingon ko siya. "At bakit?" Hindi ko mapigilan ang medyo suplada kong tono sa pagkakabigkas.
He snickered. "Argente ka diba? Ba't ka nandito? Akala ko ba dugong magagaling na kayo?"
I scoffed. Is he for real right now? What is he trying to say? Na hindi ako dugong magaling? The audacity!
"It's not a lie. And for your information," itinusok ko ang aking hintuturo sa kaniyang balikat dahilan ng bahagyang pagkagulat niya sa'kin. "I'm here for special reasons."
He snickered again. "Chill ka nga." Napailing siya habang kinakagat ang labi. "Totoo nga talaga ang sabi nila, mas mataray ang mga maliliit." And with that being said, he laughed.
My jaw dropped and I glared at him. Why is he talking to me like that? Hindi niya ba alam ang importance ng presence ko? He should be thankful, I even bothered telling him my name. This boy!
Hindi ako nakapagsalita ng ilang segundo kaya nang nilingon niya ako. Binigyan niya ako ng munting kindat at ngumisi bago siya nagsimulang maglakad palayo. He put his hands in his jean pockets and started walking towards an arch that leads to a room in this museum.
I felt offended of his move. Him walking out on me, like he freaking defeated me. But no. Like he said, Argente ako. Hindi ako basta bastang natatalo.
I picked up the nearest weapon I found in the marble tables. It was a ring dagger. I threw the knife at his way, at mabilis naman niyang nailag iyon at dumikit ang dulo ng ring dagger sa isang bamboo post.
People gasped at what happened. Gulat ding liningon ako ni Penelope. Franco, Penelope's partner, took the ring dagger and started sermoning me. I just blinded out Franco's voice and looked at Archer with darting eyes.
Hindi makapaniwalang liningon niya ako. He even chuckled and smirked like he's proud or something. Ilang segundong nakatitig lang siya sa'kin kaya nagsalita ako.
"Hey!" Panimula ko. Napaatras ang ulo ni Archer sa sinabi ko. Tinaasan niya ako ng kilay. Pati si Franco napatigil din sa pagsasalita at nakapamulagat na tiningnan ako. "Hindi ako maliit, sadyang matangkad ka lang. Not like it's any of your business, but I'm here for SPECIAL manners and if you want to mess with an Argente, do it with a weapon, coward."
I rolled my eyes at him and followed the rest of the freshies that went in a room in the museum.
Sunod parin ng sunod sa'kin si Franco. He was still sermoning me politely about the consequences of what I had done. I slowly rolled my eyes and faced him.
"Franco, chill—"
"How can I 'chill', Ries, with you acting out like that? Do you even know who you're talking to—"
"Yes, an asshole. He'd been taken care of, don't worry." Akmang magsasalita pa si Franco nang nilagay ko ang aking hintuturo sa kaniyang labi.
"Breathe in..." huminga ako ng malalim at ginaya naman niya ako. "Breathe out..." I sighed and so did he. "Tara." I said calmly pero may pang aalinlangan parin si Franco sa kaniyang mukha.
5 minutes later. We're now in a small auditorium. The signature colors of Camp Silver are Red, Blue, Green, and Yellow. So there were curtains of each color everywhere. I sat at the back of the auditorium. Pero hindi naman ganun ka likod, parang 3rd to the last row lang.
Tumabi ng upo sa'kin si Gracey at Primrose, umabot din si Skye pero tahimik lamang ito at nakasimangot habang sina Gracey at Prim nakangiti sakin.
"That was so cool." Panimula ni Gracey.
"That was soo brave of you. Haven't seen a freshie do that." Medyo pabulong na ani Prim.
I just chuckled at what they said. Why not? Di porket freshie at babae ako, hindi na ako pwedeng lumaban? Now, where's the fun in that?
"You're dead, newbie." Ani Skye na ikinalingon namin.
Kunot noong tiningnan ko siya. "Huh, Bakit?"
Nag kibit balikat lamang si Skye at napalingon na kami sa stage nang nagsimulang magsalita si Penelope.
"Just like what we said yesterday. Today is orientation day!" Bahagyang nagpalakpak ang mga co-freshies at napakunot lamang ako ng noo.
May dalawang babaeng lumapit kay Penelope, may dala silang malaki at makapal na libro. Bigla ding nagdilim ang paligid at umilaw ang projector na galing sa itaas.
"Let's start from the very beginning..."
(A major throwback POV of their ancestors in the style; third person omniscient)
"Ofelia!" Sigaw ni Aurelio sa pangalan ng matalik niyang kaibigan at iniibig mula sa labas ng kanilang bahay. "Tara na, maglalaro na ta'yo. Nakabalik na sina Esteban at Joaquin sa pangangaso!" Palusot niya.
Hindi naman talaga sila maglalaro. Ang tanda na nila para diyan. Baka marinig kasi sila ng mga magulang ni Ofelia at pagalitan pa pag malaman nila ang sekreto nilang magkakaibigan.
Nagmamadaling niligpit ni Ofelia ang mga nagkakalat na dahon ng saging galing sa tinatahi niyang quiver. "Sandali lang, Aurelio, hintayin mo kami ni Cassandra!" Pabalik niyang sigaw.
"Bilisan mo, pagabi na!" Napasandal si Aurelio sa puno na nasa tabi ng bahay nina Ofelia. May duyan na nakakabit sa isang makapal na sanga ng puno. Dito niya noon hinaharanahan si Ofelia basta't may oras silang dalawa. Palagi nalang kasi silang magkakasama ng mga kaibigan nila, hindi siya masyadong makapag diskarte.
Napabalikwas ito ng tayo nang makita ang pinakamagandang dalaga na kilala niya sa buong bayan. Ang maputi nitong balat ay kumikintab kapag ito'y natatamaan ni haring araw. Ang mahaba at maitim niyang buhok ay sumasayaw sa hangin sa bawat lakad. Ang magaganda niyang chokolateng mga mata ay nakakapag hipnotismo.
Kunot noo nitong tiningnan si Aurelio. Nakatayo lamang ito sa may duyan at nakatitig sa kaniya. Dala-dala niya ang kaniyang tirador at sibat para mamaya. May munting ngiti sa kaniyang mga labi dahilan kung bakit napatawa siya.
"Ba't ganyan ang titig mo? Nakakailang!" Pabirong hinampas ni Ofelia ang kaniyang mukha at napatawa. Hinawakan niya ang kaniyang kamay matapos tumawa.
"Posible bang araw araw ka nalang gumaganda't gumaganda?" Aniya na nakapagpatawa ulit kay Ofelia. "Hayaan mo na kasi akong mahalin ka, Ofelia."
"Mahal naman kita ah. Ikaw kaya ang pinaka matalik kong kaibigan. Pinagkakatiwalaan ka na ng pamilya ko, kaya mahal kita.. kaibigan." Tinapik nito ang kaniyang balikat at ngumiti.
Nakatitig lamang siya sa kaniyang nakangiting mukha. 'Kaibigan'. Diyan lamang si Aurelio. Diyan lang ang limitado niya. Kaibigan lang. Pero kasalanan niya bang iba na ang 'mahal' na tinutukoy niya?
"Sige na nga, ako na ang walang kasintahan. Tara na nga ka'yo, Ofelia." Napalingon silang dalawa sa pinsan ni Ofelia na si Cassandra na kalalabas lang ng kanilang bahay kubo at hawak hawak ang kaniyang pana.
Nakapang-disgusto ang expresyon sa mukha ni Ofelia at napatawa. Marahas na inakbayan niya si Aurelio dahilan kung bakit napayuko ito para magkapantay ang kanilang tangkad.
"Si Aurelio? Kasintahan ko? Ay, ang labo labo naman niyan, Cassandra." Inirapan lamang siya ng pinsan niya at nadatnan nila sina Esteban at Joaquin na naka tayo sa labas lamang ng gate ng kanilang munting bayan.
Habang naglakakad ang lima papasok sa gubat sa labas lamang ng malalaking pader ng kanilang bayan. Biglang linagpasan ng kaba si Aurelio. Gumagabi na. Marami siyang naririnig na mga kwento ng malaking halimaw na kumakain ng tao. Pinagsiklop niya ang kamay nila ni Ofelia. Napalingon ito sa kaniya, at kahit na medyo madilim na ang paligid. Nakikita niya parin ang kaniyang mga nagkikintabang mata at ngiti.
"Pwede ba bukas nalang nating gawin 'to? Pagabi na Esteban, natagalan pa ka'yo ng uwi." Sabi ni Aurelio. May masamang pakiramdam talaga siya sa pangangaso nila ngayon. Hindi naman sila umaabot sa ganitong oras, pero dahil sa pagkahuli ng pag-uwi nina Esteban at Joaquin ay naabutan sila ng gabi.
"Hesus maryosep, Aurelio. Sa edad mong bente-dos, takot ka sa dilim?" Mapang-asar na ani ni Joaquin kay Aurelio.
"Tumahimik ka nga, Joaquin. Tinatakot mo ang mga lobo." Sermon naman ni Cassandra sa kaniya.
Napahigikgik naman si Esteban sa sinabi ni Cassandra. "Kaya nga, Joaquin. Mas nakakatakot pa ang malalim mong boses keysa sa usig ng lobo." Hindi nito mapigilan ang bahagyang pagtawa.
Mahina namang binatukan ni Ofelia si Esteban. "Isa ka pa, ha."
Maarteng hinawakan niya ang kaniyang ulo at parang nagaalalang liningon ako.
"Grabe talaga si Ofelia, nagkasing-tangkad lang kami. Sumobra ang angas—"
Napalingon silang lahat kay Cassandra nang bigla niya silang pina tahimik. Tinuro niya nag kaniyang kamay sa kabilang malalaking puno. Naghiwa-hiwalay naman sila ng posisyon. May nakita silang isang pamilya ng lobo.
"Ayos! Masarap 'to pag palalambutin at itutuya!" Pag puri ni Joaquin. Pinandilatan ni Cassandra si Joaquin dahil bahagyang gumalaw ang natutulog na lobo.
May plano na silang lahat. Kada hapon silang nangangasong magkaibigan. Iba iba lang ang kuha nila para gawing meryenda sa hapon. Ngayo't gabi na. Lumabas na din ang mga lobo. Ito na ata ang pangarap nilang ulam. Nakahuli na sila noon ng oso, at iba iba pang mga mapangahas na hayop. Siguro naman kakayanin na nila ang lobo.
Sabay sabay na inilabas ni Cassandra at Ofelia ang kanilang pana at ipinakay sa dalawang magulang na lobo. Mas magandang unahin ang magulang keysa sa mga anak para mabilis lang manghina ang magulang at hindi na makapag protekta sa anak at makapag atake sa kalaban.
Inihanda na rin ni Esteban at Aurelio ang kanilang sibat at kutsilyo upang panlaban sa mga magulang na lobo kung sakaling lalaban pa ito ng todo.
Nagbilang silang dalawa ng tatlo ni Cassandra at Ofelia ng pabulong at sabay na tumama ang kanilang mga palaso sa puso ng dalawang magulang na lobo. Napabalikwas ng tayo ang dalawang batang lobo at umalulong habang nakatingin sa kanilang ama. Sa sobrang tanda siguro ng ama'y bigla nalang namatay.
Sa lakas ba naman ng pilak na palaso ni Ofelia, malamang diretso ang patay nito. Galit na napatayo naman ang ina at tinago ang dalawang anak sa kaniyang likod. Umangilan ito at gamit ang kaniyang malakas na pang-amoy. Una niyang nakita si Cassandra. Nasa kabilang puno siya, medyo malayo sa'kin.
Akmang aatakihin na nito si Cassandra nang bigla siyang lumabas sa puno at pinagpapana ang inang lobo. Hindi basta bastang nadapa ang ina dahil normal lamang ang palaso na gamit ni Cassandra.
"Cassandra! Takbo!" Sigaw ni Ofelia at tumakbo agad sila papuntang yungib ng mga lobo. Mabilis na tumakbo palayo ang mga batang lobo.
Sinusundan ni Ofelia ang takbo ng lobo habang nakasunod ang kaniyang hawak na palaso at pana. Akmang bibitawan na niya ang lubid ng kaniyang pana nang napatigil si Cassandra sa gilid niya. Muntik pa siyang napasubsub sa mga batuhan sa yungib ng mga lobo.
Napayakap si Cassandra kay Ofelia habang habol ang hininga. Akmang tatakbo na rin silang muli dahil parating na ang inang lobo nang bigla nalang silang may narinig na malakas na alulong.
Napatigil ang inang lobo sa pagtakbo, pati na rin ang mga batang lobo. Napatingin sila sa buo at bilog na buwan at napa alulong na din sila. Yumuko na lamang kami at nagtago sa mga puno. Bigla nalang natakot ang mga lobo at gumawa ng parang umiiyak na tunog. Kinuha ng inang lobo ang amang lobo gamit ang kaniyang bibig at hinila ito papunta sa madilim na parte ng gubat at palayo sa'min.
"Punyeta naman, oh!" Reklamo agad ni Joaquin. "Handa na ang lubid at pang luto ko, tapos papakawalan niyo lang?!"
"H-hindi nam-min iyon pinakaw-walan, b-baliw." Habol parin ang hiningang ani Cassandra. Hinagod ni Ofelia ang likod nito at nilingon silang lahat na nakasimangot.
"Bukas nalang tayo mangaso ulit. Ang lalim na ng gabi, baka hinahanap na tayo ng mga magulang natin." Napatango lamang silang lahat at nagsimula nang maglakad palabas ng gubat ang magkakaibigan.
Biglang nagalala si Aurelio habang minamasdan ang mukha ni Ofelia. May munting sugat ito sa kaniyang noo. Hindi naman masyadong dumudugo pero nag alala parin siya.
"Ofelia, okay ka lang?" Nag alalang tanong ni Aurelio. "May sugat ka sa noo."
Napakunot nag noo ni Ofelia at hinawakan ang kaniyang noo. Napahagikgik ito ng saglit nang makaramdam ng kaunting kirot. "Ah.. maliit lang naman.. Wala ka bang dalang ilaw diyan sa bag mo, Aurelio?"
Ilang segundong nakatitig lamang si Aurelio kay Ofelia. At habang hinahanap niya ang ilaw sa kaniyang bag, napatigil silang lahat sa paglakad. Biglang dumilim ang paligid. Hindi na nila makita ang nilalakaran nila. Winagayway ni Esteban ang aking kamay upang maramdaman ang presensya ng aking mga kaibigan.
Hawak hawak nito ang braso ni Joaquin. Hawak din ni Cassandra ang kamay ni Ofelia at magkatiklop naman ang kamay nina Ofelia at Aurelio.
"Esteban, Joaquin. Asan kayo?" Rinig kong tawag ni Cassandra. Ang siyang nakakatanda sa kanilang lahat.
"Dito." Inabot ni Aurelio ang kamay ni Cassandra kaya nakakonekta na ang mga kamay nilang lima.
"Hanapin mo na nga iyang ilaw mo, Aurelio!" Medyo naiiritang ani ni Joaquin. Kahit kailan hindi talaga mapahiwalay si Aurelio kay Ofelia. Kahit naman alam niyang hindi interesado si Ofelia sa kaniyang mga diskarte, sadyang mabait lang ang dalaga.
Kung alam lang niya na ginusto sina Joaquin at Ofelia ng mga magulang namin ni Ofelia bilang mag-asawa. Kung hindi lang talaga siya sinabihan ni Ofelia ng 'hindi ko kailangan ng asawa para maging malakas, Joaquin' ay siya na ang kasintahan nito ngayon. Mahirap talaga ipamangha ang babaeng 'to.
"Puro ka pa kasi landi kay Ofelia, hindi ka naman gusto niyan." Munting ani ni Joaquin, pero tama lang para marining niya.
"Anong sabi mo?" Pagalit na ani niya.
"Bakit? Susuntokin mo ako? Totoo naman ah? Umaasa ka lang. Di mo nga kaya ang dilim, ang pagpapabuhay kay Ofelia pa kaya?" Mapang-asar na ani ni Joaquin. Kung hindi talaga madilim ay talagang sinuntok na ito ni Aurelio.
"Tumigil na nga kayo. Para kayong mga bata." Mariing ani ni Ofelia, baka sakaling mapakalma naman sila. "Tumalikod ka nga," pinatalikod nito si Aurelio at pinakiramdaman ang ilaw sa ilalim ng kaniyang bag.
Nang mahanap niya iyon, inilawan naman iyon ni Esteban at nagsimula na silang maglakad palabas ng gubat. Medyo malayo din ang dinating nila. Inaantok na si Ofelia ng konti.
"Malayo pa ba?" Medyo malumanay na tanong ni Ofelia kay Cassandra na may hawak ng ilaw.
Inilabas naman niya ang kaniyang orasan at binasa ang oras. Alas diez na ng gabi, siguro naman malapit na sila sa kanilang munting bayan.
Nang makalabas na silang lahat sa gubat. Nakita na nila ang mataas na pader ng bayan. Nasasabik na tumakbo na silang lima papunta sa gate ng kanilang munting bayan sa kagubatan. Nauna si Cassandra, napatigil silang apat sa paglakad ng natigilan si Cassandra sa harap ng gate at matigas na nakatayo lamang. Na para bang, natakot siya ng sobra. Sobrang-sobra.
Kunot noong tiningnan namin si Cassandra at bahagya pang napatili si Ofelia napatili ng nabitawan niya ang ilaw at kumalat ang salamin nito.
"Cassandra, okay ka la—" bigla akong nawalan ng hangin nang makalingon si Ofelia sa loob ng bayan.
Dugo, bangkay, mga ulo na nahiwalay sa kanilang mga katawan. Nagkakalat ang mga walang malay na na katawan ng mga kababayan nila. Lahat sila. Patay. Ilang oras ba kaming nawala? Ba't ba wala kaming narinig na mga sigaw at iyakan? Ganoon na ba talaga kalayo ang dinating namin? Jusko po, ano po bang nangyayari?!
Biglang tumakbo papunta sa kanilang kubo si Esteban at Joaquin. Napaigtad ako sa pasigaw nilang iyak habang hawak ang nagdudugo at walang malay na katawan ng kanilang mga magulang. Nanunubig ang mga mata ni Ofelia. Hindi siya makagalaw. Nilingon niya ang kanilang kubo na hindi kalayuan sa gate ng bayan.
Mula sa pinto ng aming bahay, nakikita na niya ang kamay ng ama na duguan at may hawak na kutsilyo. Nagsubok pa siyang lumaban sa kung ano o sino man ang umatake sa kanila. Ama, patawarin mo ako!
Napaluhod si Cassandra sa lupa at umiyak. Nakapatong ang katawan ng kaniyang mga magulang sa isang bariles. Dugoan at wala nang ulo ang kaniyang ina. Dahan dahan namang naglakad si Ofelia papuntang kubo nila. Mahina siyang umiiyak at pinipigilan ang mapahikbi.
Nang tuluyan niya nang nabuksan ang pinto ng kubo ay napahikbi siya ng malakas at patuloy na umaagos ang luha sa kaniyang chokolateng mga mata na parang gripo.
Yakap yakap ng ama ni Ofelia ang kaniyang ina, wala nang mga paa ang ama nito at mukhang binunot ng halimaw na may kagagawan nito. Ang ina niya naman ay dugoan ang tiyan. Tatlong pinaka importanteng tao sa buhay ni Ofelia ang nawala. Ang kaniyang ina, ama at ang nakababatang kapatid.
Malakas siyang na napaiyak at niyakap ang ama at ina. Ipinulupot niya ang mga ito sa kaniyang mga kamay at sumigaw.
"Sino! Sino ang may gawa nito, ama!?" Dugoan na ang kaniyang mga kamay at binti pero wala na siyang paki alam. Patuloy parin ang pag iyak niya. "Patawarin niyo po ako, ma, pa. Wala po ako dito para protektahan kayo. Mama! Papa!" Patuloy na umaagos ang kaniyang mga luha.
Lumipas ang ilang minuto at nakatulog siya habang yakap ang bangkay ng kaniyang mga magulang. Pagkalipas ng umaga. Akala niya'y panaginip lang ang lahat ng iyon, pero bahagya siyang napaluhang muli nang makita ang linalangaw na na katawan ng mga magulang niya. Sa puntong 'to, wala nang tumulo pang mga luha sa mga mata ni Ofelia. Para bang naubos na niya kagabi sa kakaiyak. Wala na siyang ibang maramdaman kung 'di ang pagkawasak ng puso niya.
"Ofelia." Mahinang tawag ni Cassandra kay Ofelia. Inilahad nito ang kaniyang kamay kay Ofelia upang matulungan siyang mapatayo at binigyan pa siya nito ng malungkot na ngiti.
"Hindi lang ikaw ang nawalan ng pamilya, Ofelia. Kaya kailangan nating lumaban." Napatango na lamang siya sa sinabi ng pinsan at lumabas ng bahay.
Nakita niya si Esteban at Joaquin na naghihila ng mga bangkay papuntang dulo ng bayan, sa may lawa. Isa isa nila itong nilibing. Ang iba, sinasama nila ang dalawang bangkay sa isang butas, para sa mga magkasintahan at mag-asawa.
Hinanap ng mga mata niya si Aurelio. Pero hindi niya ito nakita. Kunot noo niyang liningon si Cassandra pero itinuro niya lamang ang kamay sa likod ng kubo nina Aurelio.
Nakita ni Ofelia si Aurelio na mahinang umiiyak habang hawak hawak ang kuwintas ng kaniyang nakababatang kapatid.
"Hindi nalang sana ako sumama." Napalingon ito sa kaniya at umupo siya sa kaniyang tabi. "Edi sana, magkasama kami ngayon ng natitira kong pamilya." Pinunasan niya ang luha sa kaniyang pisngi at tumikhim.
"Ako din naman, Aurelio. Marami din akong pinagsisisihan sa gabing iyon—"
"Iba tayo, Ofelia. Maaring parehas lang tayo ng sakit na nararamdaman, pero iba 'to. Responsibilidad ko si Peter. Ako iyong nakakatanda. Kinse anyos lamang ang kapatid ko at pinabayaan ko siyang mag isa sa gabi. Mag isa siyang naghirap habang kinakatay siya ng.. hayop na iyon!" Malakas na sinipa niya ang maliit na bato at tumama iyon sa pader ng bayan at napabanda pabalik sa kaniya. Buti nalang ay mabilis akong napailag.
"Hayop?" Kunot noong tanong ko nang makabawi ako sa pagkakailag.
"Hindi mo pa ba naririnig ang kwentong iyon?" Hindi makapaniwalang tanong ni Aurelio. "Ang pinakamalaking lobo, na kung tatawagin na natin ay halimaw. Lumalabas iyon kada buwan, sa pinaka maliwanag na bayan at kumakain ng tao. Noon, ayokong maniwala. Pero nang makita ko 'to sa kamay ni Peter-" may inilahad siyang parang ngipin o kuko ng napakalaking halimaw sa'kin.
Namamanghang tinanggap ko iyon at napamulagat. Malaki, ang laki ng kuko. Kasing laki ng aking hintuturo. Bakit ngayon pa? Dahil ba kaarawan ng kahapon ng aming kapitan at maraming mga pailaw ang isinasakbit sa mga poste? Bakit?!
"Ang halimaw na iyon agad ang hinala ko.." ilang sigundong natahimik si Aurelio. "Pinatay nito ang kapatid ko!" Sabay turo niya sa kuko ng halimaw. "Ang mga magulang mo, ang mga magulang nila. Ang buong bayan, pinatay ng putanginang halimaw na iyan!" Sigaw niya sabay iyak.
Napatayo si Ofelia at niyakap si Aurelio upang huminahon. Nararamdaman niya ang sakit at galit nito.
"Wag kang mag-alala. Aabangan natin ang halimaw na iyon." Mahinang sabi ni Ofelia. Na para bang iyon na ang sagot sa lahat.
Kunot noong hiniwalay ni Aurelio ang kanilang mga bisig. "Papatayin natin ang halimaw na iyon.." matapang na ani ni Ofelia. "Para sa pamilya natin, Aurelio. Para sa bayan."
Pigil ni Ofelia ang sariling mapaiyak. Ayaw niyang maging mahina, 'wag muna ngayon. Kailangan niyang bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng pamilya niya at nilang lahat. Hindi niya lang sila kaibigan. Pamilya na niya din sila. At lahat gagawin niya para sa pamilya. Hanggang sa kamatayan. Ako'y tatayo't lalaban.