FLASHBACKS
"this is Steffy, my girlfriend " Pagpapakilala niya sa akin sa mga kaibigan niyang sina Troy, Terence, Clar,and King.
"Oh hi Steffy" Clar winked at me at ngumiti naman ako bilang ganti.
Nakakatuwa silang lahat. Siya lang naman itong tahimik at animo'y laging may iniisip,mukhang laging may problema, pero normal na sa kanya ang ganun at nakasanayan ko na rin.
Sila yung mga taong marunong makisama at makikibagayan mo .
"alam mo bang yang si Stephen, madalas hinahabol ng aso yan nong bata pa siya at umaakyat sa puno dahil hindi iniiwan ng aso, HAHAHA bumababa lang yan kapag susunduin na siya ni King" tawanan naman ang lahat sa kwento ni Clar. Base sa obserbasyon ko, siya ang maingay sa kanilang lima. Si Terence, tahimik din pero kaoag bumabanat, napaka englisero. Si Troy, nakakatuwa rin ang mga corny jokes niya. Si King, mukha lang niya ang napakasungit, pero kapag nag salita na, masasabi mong napakamasiyahin niyang tao.
King and him seems really close and obviously magkababata sila ayun narin sa madaldal na Clar.
"bakit naman ako naging topic" he smirked and smile bitterly.
Marami pa silang iknwento na nagpasakit ng tyan ko kakatawa.
Pero ang tanging memories na hindi ko malilimot ay ang pagliligtas niya sakin ng gabing yun. Disappointed ako non sa parents ko, pero ang makita ang maamo niyang mukha, biglang nabuhayan ang aking sarili.
Muntik na akong mapahamak isang gabi, nang dahil sa isang lalaking may masamang balak sa akin. But I was so lucky that night because he was there, and he saved me. He was my knight and shining armor.
End of Flashbacks
.....
"Hindi ka na naman ba gagawa ng assignment mo?" tanong ko kay King na walang ginawa kundi manood ng TV pagkatapos naming maghapunan. Nasa sala lang kami at abala ako sa pagsusulat ng assignments.
Wala kaming katulong sa bahay. Hindi rin naman kasi ganun kalakihan ang bahay namin though napaka organised ng mga gamit.At isa pa dalawa lang naman kami. Kayang kaya ko na ang lahat ng gawaing bahay.
"Gawin mo nalang din yung para sa akin baby" wika niya habang kinakagat ang mansanas na hawak niya.
"Talaga lang bang makapal ang mukha mo?" tinaasan ko siya ng kilay at sinamaan pa ng tingin. Puro talaga asa. Ang tamad.
"Asawa naman kita kaya please babymahal" sumulyap siya sa akin at ngumisi ng pagkalapad lapad.
"Asa ka " gigil kong sagot.Ipinagpagpatuloy ko ang aking ginagawa at hindi na siya muling sinulyapan.
Nagulat nalang ako ng biglang nagring ang cellphone niya. Dali dali naman niya itong sinagot at sumandal sa couch.
"Yes whose there?Oh it's you. How are you beautiful.... You want to meet me now?... Hahaha really.... I really loved too... Yes I'm coming... Where are you by the way?.... Okay 10 minutes and I'll be there" and he hung up. Napangiwi ako sa naging usapan nila.
Ang bilis niya sa lahat ng bagay kapag babae na ang napag uusapan.
"Seryoso ka?" I crossed my arms and look at him frowning.
"Yes meybaby" tumayo siya at nag unat unat pa.
"Really King? Kapag bumagsak ka 'wag mo lang talaga kong sisihin."paaala ko sa kanya.
I remember our science teacher told me that he wouldn't possibly pass his subject because he didn't make his assignment.Pwede niya itong ikabagsak kapag nagtuloy tuloy pa. Matalino naman kasi talaga ang isang ito kaso nga lang mapag sawalang bahala. Bahala na nga! Hindi naman ako ang uulit.
"Don't worry babymahal,uuwe naman ako ng maaga as soon as possible at gagawin ko ang assignment na yan" he kissed me on my cheek and hurriedly go upstairs.
........
Hindi ko alam kung anong oras umuwe si King kagabi, sa sobrang antok ko nakatulog naman ako ng maayos. Ang importante umuwi pa din siya at heto nga nakasuksok pa sa akin.
5:12 am palang. Inaantok pa ako pero I nees to wake up early. Ayaw kong malate.
"King." marahan kong tawag sa kanya. I only heard his moan.
"Gising na" tinapik ko ang kamay niya na nakapulupot sa akin. I used to him already, I don't know when pero naging komportable na kami sa isa't isa. Walang ilangan,walang malisya.
"Ang aga pa baby," mas hinigpitan pa niya ang yakap niya sa akin.
"Remember the old teacher Mr. Louth, kapag nalate pa tayo, malilintikan talaga tayo" pag papaala ko sa kanya, baka kasi malate na naman kami.
Dafak? Sheeeett!
*pak²*
"Arraaaaaaayyyyyyy... Tigil na Mahal Aray!!"
"Ang aga aga naman kasi ang manyak mong hayop ka! " kinurot ko lang naman ang singit niya sabay sapak sa braso niya. Halikan ba naman ang leeg ko at kung anu ano ang ibinulong ng maniac!
"Baby,I want to eat something raw"
SIRAULO!
Uhgggghhh. Bweset. Agad akong bumangon at sinapak siya ng isang beses pa. If I know, pinagtitripan na naman niya ako. Pero sobrang aga pa! Nakakasira ng araw!
"HAHAHAHAHAH!ang cute talaga mo talaga misis kapag namumula! hahahaha"
Bweset! Tuwang tuwa pa ha?!
"Bw*set ka!" sigaw ko sa kanya kasabay ng paghampas ko ng unan sa kanya. Panay parin siya tawa at umiilag sa bawat hampas ko. Aysss
Dumiresto nalang ako sa banyo at naligo bago pa pumutok ang ugat ko sa batok.
///
"Bilisan mo naman ng konti mahal, malalate na tayo oh" giit niya habang nakapamulsa at tingin sa kanyang relos. Napakamot pa siya ng ulo bilang pagpapakita ng naiinip na siya. Hanep. Siya namang tong laging huli at mabagal ang kilos.
"Wait nga kasi!" pagdadabog ko habang iniisip ko ang mga dadalhin ko.
"Ba't ba ang init ng ulo mo. Kanina kapa!" bulyaw niya sakin. Bubulyawan pa ako.
"Tapos para kang patay gutom kung kumain kaya antagal mong matapos.Teka?"
Napatigil ako dahil parang may sasabihin siya.
"Magiging daddy na ba ako ulit mahal?" inilapit niya ang ulo niya sa akin.Mabilis ko siyang tinulak ko dahil sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Nakaharang sa harap ko.
"Siraulo! Nagdrugs ka ba bukod sa babae?" singhal ko sa kanya habang tinitignan lang niya akong nagsusuot ng sapatos.
"Akin na nga yan!" hinablot niya sa akin ang dala kong shoulder bag at inilagay iyon sa kanyang balikat.
"Kapag nalate tayo wag mo ko sisihin misis" huling sabi niya bago siya nagmartsa palabas.
......
[Louisa POV]
Hello everything! Opps. Hello vlog. Welcome to my guys. AH OKAY.
Anyways.
My name is Louisa Layne ni Spider man.Charot.
Louisa Layne Amarellio.
I am Steffanye's best of friend.
And oo, she's already married at the young age.
Naikasal ng hindi inaasahan, 'baga.
Normal narin naman ang pag aasawa ng sa panahon ngayon sa hindi mo inaasahang oras' diba? Hello? 21st Century!
Pero ibahin niyo naman kasi ang sa best friend ko. Hindi naman niya ginustong mangyari ang lahat ng nangyari.
Dumaan siya sa sobrang stressed na buhay pero hindi parin siya sumuko. Kinaya niyang mabuhay sa sunod sunod na kamalasan sa buhay niya. And that because of King, ang asawa niyang babaero pero apakapogiii yee.
Sa kabila ng nangyari sa kanilang dalawa, unti unti silang bumabangon sa mapait na kahapon. Chour!
Kaya bilib na bilib ako sa kanila no,dahil nagagawa nilang tumayo at maging malakas,sana kayo rin. Chour ulit!
"Naku late na naman ang mag asawa" singhal ng katabi ko. Si Clar, isa sa mga tropa ni King, ang asawa ng bestiy ko.
Ang pinakamatangkad sa kanilang apat.
Mabibilog ang mga nito, pouty lips at baritono ang boses. Apo siya ng president ng Shaven Integen High. Kaya spoiled brat ang ninong niyo.
"Malilintikan na talaga sila" dagdag ni Troy, kaibigan din nila. Ang gwapo at the same time ang kyuti kyuti ng tiyo niyo. Makinis at puti puti ng kutis. Nakakainggit minsan. Nagpaturok ata ng glutha.
"Hi Louise" - bati niya sa akin ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanila.Bakante pa ang isang upuan sa katabi nila kung saan nakaupo ang hari.
Nadako rin ang mata ko sa nakalean sa desk ng upuan ang napakaantuking si Terence. Laging nakasimangot. Kapag tumawa naman, napakacreepy. Pogi rin at hot ang kuya niyo.
Kaya daming nag eenrolled dito dahil sa kanilang apat.
"Louisa kasi, hindi Louise, pero patay talaga sila" litanya ko sabay buntong hininga. Talagang mag aapoy na naman ang dalawang tenga ng baklang ito kapag nalamang wala pa ang dalawang paborito niyang studyante. Ano ba kasi pinag gagawa ng dalawang iyon, baka naman nagbabangayan na naman iyon kung kaya late na naman sila gaya ng kwento sa akin ni Steffy.
....
[Steffy's POV]
"GUIDANCE OFFICE! NOW!" I've told you. Hinding hindi na madadala sa pakiusap. Pagkapasok na pagkapasok namin at nag uunahan pa kami sa pinto, iyon lang pala ang dadatnan namin. Ang sigaw ng aming paboritong professor.
"Ang tagal tagal mo naman kasi" paninisi niya pa sa akin habang nakasunod kami kay Mr. Beke.
"Ikaw nga tong ang tagal bumangon!" siniko ko siya bilang ganti.Nakakaurat.
"Aray naman, subukan mo kayang sisihin yang kilay mo!Tapos antagal mong kumain" at idinamay pa ang kilay ko.
Habang naglalakad kami, nakasilip ang mga studyante sa mga bintana ng classroom na dinaraan namin. May ilan tinatawag pa ang pangalan ni King. Impit na tili ng mga babaeng nasa lower year, na tila kilig na kilig sa bawat kaway ng isang ito.Feel na feel niya pa.
Duh.
....
Malayo palang at tanaw ko na ang guidance office.
"The Dark Arts are many, varied, ever-changing, and eternal. Fighting them is like fighting a many-headed monster, which, each time a neck is severed, sprouts a head even fiercer and cleverer than bef---what's with these two again?" napaatras ako dahil nakakakilabot ang boses ni Sir Shaven. Matandang nasa 60's na ayon kay Clar. May mangilan ngilang puti ang kanyang nga buhok. Mabibilog ang mga mata na katulad kay Clar. Walang duda, lolo nga niya.
"They're always late sir professor" Sabay kaming napatingin ni King kay Mr Beke. Nakatayo lang kaming parang robot sa harap ni Mr. Shaven. Tanging ulo lang namin ang gumagalaw dahil sa mga titig nito sa amin na nakakatakot. Creepy. Ayaw ko ng sumagot pa baka ano abutin ako.
"*Sigh* Disobeying the rules again ha?By the way there is no need to call me 'sir professor', Professor, it should be professor only" si sir Shaven.
What? Did I just heard Professor Snape here? His creepy voice na napakarelax pero napakacreepy pa rin kung pakikinggan. Just imagine the voice of Snape in Harry Potter.
"And for you Miss Gonzeles, you can leave now, just report to me after class, I have things to tell you" bigla kong napansin may nauna na pala sa amin dito. Nakaupo sa single couch na na nasa harap ng table ni Shaven.
And guess who, our miss valedictorian is in the guidance.
For what reason naman kaya. Hindi mo mabibisita ang guidance office kung wala kang ginawang hindi naaayon sa school policy.
Napahinto siya at gulat din ng makita niya kaming dalawa ni King pero mabilis ding lumabas na nakayuko.
Maybe she's ashamed on what happened between my husband and her. Tsk tsk. Sorry not sorry, but I am not that person who spread rumors kaya I am sure na hindi yun ang dahilan para mapapunta siya sa lugar na'to.
...
Matapos kaming sermonan, bulyawan pa dahili sumasagot pa ang kupal na 'to na akala mo naman talaga may magagawa sa mga angil ni Sir Shaven.
Lumabas kaming pareho na binagsakan ng lupa't langit ang mga mukha.
What was our punishment?
After class, didiretso ako sa library hindi para magreseach ng assignments o kaya magliwaliw, kundi para mag linis, ayusin, at ang pinaka nakakatakot ay ang Librarian na walang sing-strikto at sobrang sensitive. She was known for her grumpiest attitude in the whole campus. She wasn't the person you want to mess up with. As much as possible, I don't want to come near her. But sadly, I needed too.
Sa school gymnasium naman si King. Kailan niyang linisin iyon.Napakalawak pa man din yun pero parang okay lang sa isang to.
You have to clean your assigned area for maximum 1 hour daily, depende kung matatapos mo ng mas maaga ang pinapagawa sayo.
So that means, 4:30 pm ang out, uuwi ako ng 5:30 pm? DAMN.
Hindi ko rin nasisiguro kung susunod sa protocols ang magaling kong asawa. Sinisiguro kong, walang 10 minutes, tapos na niya lahat. Lalo pa't kasundo naman niya ang couch. T.T
......
"So kilan mag sisimula ang punishment niyo aber?" mahinang tanong ni Louisa,habang nagkaklase kami ng Literature.
"Sa monday pa, haysst," isang linggo pa naman iyon. Nakakawalang gana talaga.
"So sad. 'Di pa naman kita masasamahan. And speaking of, oo nga pala sis, mag hahalf day ako today,ngayon yung appointment ko kay doc Mata" aniya. May problema siya sa mata kaya laging nakasalamin. Ang weird lang ng tawag niya sa ophthalmologist. Literal na mata.
So ayun nga half day talaga si Louisa. Buti nga at pinayagan siya ni Shaven. Matapos ko siyang ihatid sa gate pagkalunch break. Bumalik na ako sa classroom.Hindi ko na kasama si King dahil ewan ko kung saan nagsususuot.
Pero I feel a bit weird.
Para kasing 'di ako mapakali. May something na darating,dama ko na ata siya. Napahawak ako sa puson ko.
Please not now.
"Steffy, namumutla ka" isa sa mga classmates ko ang nakapansin sa akin.
Agad akong pumunta sa washroom dahil pakiramdam ko, dumating na siya.
Bakit ngayong pa si Louisa. Kaya pala kanina pa kumikirot ang puson ko. Abnormal pa naman ako kapag dinadatnan.
Pinagpapawisan na ako ng malagkit. Nanlalamig ang mga kamay ko.
Gusto kong mawalan ng ulirat...
Naghilamos ako para tanggalin sana ang mga pawis ko pero, unti unti akong nawawalan ng lakas.
I feel......
*boooggss*
"NAKO PO!"
......
[Clar's POV]
"where is she?" Palinga linga ito ng tingin.Kitang kita sa mata niya ang pag aalala at pagpapanic nang sabihin kong nahimatay ang asawa niya sa washroom kanina.
Pabalik ako ng classroom ng marinig ko ang commotion sa washroom ng mga babae. Wala akong choice kundi pumasok don at buhatin siya papuntang clinic. Bumalik ako sa SBO office baka sakaling tumatambay ang asawa niya.
Kung saan saan ba naman kasi nagpupupunta itong hari.
Matanong nga minsan kung may bulate siya sa pwet at kailangang maghanap pa ng ibang putahe.
At isa pa, ang swerte na nga niya sa asawa niya kung tutuusin, maghahanap pa ng iba. Mas maganda pa nga kung ikukumpara sa mga pinapatos niya.
"nasa clin-" ituturo ko sana ang school clinic, pero 'di pa man ako natatapos mag explain, mabilis na itong umalis at tinakbo ang direksyon kung saan ang asawa niya.
Sumunod nalang kaming tatlo sa kanya habang natatawa sa reaction niya. Pachill chill lang yan pero kapag napag uusapan ang asawa niya, tumitindi ang sira ng ulo niya.
May duality kasi ang Hari niyo. Minsan nagiging tigre, minsan naman akala mo kung maamong pusa, pero madalas HORNY. HAHAHA
"Nangangamoy pag-ibig na ata" panunukso ni Troy.
"Lakas naman ng pang amoy mo" pambabara ni Terence. Madalas na KJ ng grupo. Pero kung ngumiti, nakakatakot.
"Kumusta pakiramdam mo?.. Masakit pa ba? Anong gustong mong kainin? " sunod sunod na tanong ni King sa nakahiga niyang asawa ng aming datnan sa clinic. Alalang alala ang hari niyo! Parang hindi CASANOVA! HAHAHA
Pero natigilan ako ng mapagtanto ang sitwasyon.
Madalas siyang sumpungin ng sakit ng tiyan buwan-buwan.
Baka kung ano na ang sakit niya.
"Ano sabi ng nahimatay ang reyna?" tanong ko. Baka naman buntis kaya nahimatay? Pero hindi rin. Hirap maka score ang hari kaya sa iba naghahanap ng tubig.
"Masakit pa din, gusto ko lang magpahinga" mahinang sagot ng reyna, habang nakapikit ito na tila namimilipit sa sakit.
Hindi na rin ata narinig ng hari ang tanong ko. Teka nga! Baka naman seryoso na to!
Napaka useless naman ng school nurse! Sa mga case na ito, dapat nagpapanic ito para isugod sa hospital! I have to tell this to OLD SHAVEN.
"Dude dalhin na kaya natin siya sa hospital, ano pang hinihintay mo?" - naunahan ako no Troy sa pag sa suggest.
"Namumutla rin siya, baka may stomach cancer ka Reyna, sintomas na iyan"
"Pre, mas mabuti kung aagapan kesa magsisi ka sa huli" - suggest ko. Nag aalala na rin ako. Baka nga serious case na ang lagay niya. Hindi lang niya masabi dahil sa sitwasyon niya! Poor queen!
"Oo habang nasa stage 1 palang kailangan na natin siyang dalhin sa hospital! ". dagdag ko.
"A-ako na ang maghahanda ng kotse--"
*silence *
Napatingin kaming lahat kay Terence.
First time umayon sa nangyayari!
"GOOOO! LET'S BRING HER - - -"
"TEKAAA LANG MGA HAYOP! TIGILAN NIYO AKO DAHIL MAS MAPAPATAY KO KAYONG MGA SIRAULO KAYO! LAYAAASSS!"
gulat na gulat kami ng biglang sumigaw si Steffy ng sobrang lakas.
MAY MALI BA SA NASABI NAMIN?
NAPAKASADISTA TALAGA!
....
A/N: May konting revision lang po, pero same thought pa rin ☺️
Don't forget to comment and tap vote. Thank you.