Chapter 3
[Steffy's POV]
Dahil hindi ko na kinaya pa, pinauwe nalang ako ng school nurse at ipinaalam kay Mr. Shaven ang nangyari sa akin. First time kong himatayin sa school kaya halos lahat sila nabahala. Lalo na ang mga siraulong kaibigan ni King.
Every month, ganito madalas ang set up, pauuwiin ako dahil sa matinding pananakit ng tiyan ko.Nagkataon lang na hinimatay ako.
Normal lang sa akin ang ganitong sitwasyon. Doble-dobleng sakit kapag dinaratnan. Kusang nawawala ito kapag nakatulog o nakapagpahinga ako.
Sa bahay lang din ako komportable kaya mas pinipili kong mag stay sa bahay kesa sa school clinic. Pinayuhan nalang din ako ng school nurse na mag pacheck-up ngunit hindi ko na pinansin pa.
"How are you feeling?" pag aalang tanong niya.
Nahapo ko ang puson ko nang hindi siya tinitignan. Pinainom na ako ng pain reliever sa clinic kanina kung kaya pahinga nalang ang kailangan ko. Pero every time na mangyayari sa akin ito, nakabuntot si King sa akin palagi.
Siya na ang naghanda ng bihisan ko at maging ang tampon na gagamitin ko.
Kumuha rin siya ng hot compress bag at ipinatong sa namimilipit kong puson. Nagpapasalamat nalang din ako dahil nandito siya sa tabi ko at naiintindihan ang kalagayan ko every time na daratnan ako.
"What do you want to eat?" dagdag pa niyang tanong. Nanatili akong tahimik at hindi siya sinagot.Nakapikit lang habang pinapakiramdaman ko ang sakit na nararamdaman ko.Nakaupo siya sa gilid ng kama, and gently massaging my sole. Nakakarelax.
"Gusto mo bang kumain?"
Alam niyang hindi ako sasagot sa anumang tanong niya kapag nangyayari sa akin ang ganito, ang tanging gagawin niya lang ay ang bantayan ako at magtanong ng magtanong kung ano ang gusto kong gawin niya para maging komportable ako.
Dinig kong may idinayal siya sa cellphone.
Kung anu-ano ang pinag oorder niyang pagkain sa kabilang linya.
"Okay pakibilisan"
"Babymahal?" ramdam ko ang pag angat ng kama, umusog siya sa may bandang uluhan ko.
"Hmm" mahinang sagot ko. Unti unti namang humuhupa ang sakit ng tiyan ko pero gusto ko talagang matulog dahil iritableng iritable ako.
"Gusto mo bang dalhin na kita sa hospital-"malumanay niyang wika. Mabilis ko siyang pinutol.
"No" sagot ko ng hindi siya tinitignan.
Natahimik siya saglit at nag buntong hininga.
"I wish I could ease the pain" I heard him sighed again. And that touches my heart. Alam kong nag aalala siya para sa akin. Ramdam ko iyon sa mga kilos niya.
"Just let me sleep King" mahina kong saad. Gusto ko na talagang matulog para mawala na ang discomfort na ito.
"Okay, much better, babantayan kita, sleep now baby" Hinawakan niya ang ulo ko at hinahaplos ang buhok ko. Naramdaman ko din ang pagdampi ng labi niya sa aking noo.
Napangiti ako sa kaloob looban ko. Alam kong napaka simpleng bagay lang na makaramdam ng discomfort ang mga baba tuwing daratnan, pero kahit gayunpaman, napakabig deal iyon para kay King.
..........
Naalimpungatan akong nagising.
Pinakiramdaman ko ang namimilipit na sakit kanina sa puson ko, pero ngayon medyo humupa na.
Nagpasya akong bumangon at lumabas sa kwarto.
Nasa taas palang ako tanaw ko na sa baba ang mga kalalakihan sa sala.
Dahan dahan akong naglakad upang hindi makuha ang atensyon nila.
"Akala ko naman kung cancer na ang reyna. Madalas yan ang nangyayari sa movies.Nagkakaroon ng malubhang sakit ang isa sa kanila then that's it. A tragic story goes on" - Troy. Cancer ba talaga ang maiisip ng isang ito? President ng SBO ba 'yan? Come on!
Mga sira talaga, at hindi porket King ang pangalan ng kaibigan nila, gagawin naman akong reyna.
"Palibhasa kasi wala kang girlfriend kaya 'di mo alam ang PMS na sinasabi" - pagyayabang ni Clar. Kahit kailan talaga.
"What's PMS? Teka nga, naging kayo ba ni Loora kaya alam mo yan? " - ganti pa ni Troy.
"Manahimik ka nga" si Clar na medyo umiba ang timpla sa sinabi ni Troy sa kanya. Hays mga lalaki nga naman. Si Terence naman, akala mo walang buhay sa tabi na umiinom ng can drink.
"Pumarito ba kayo para mag-ingay dito mga hampaslupa, natutulog ang asawa ko! Kapag nagising 'yon, palalayasin ko kayong lahat!" - nadako naman ang tingin ko kay King na may hawak na cellphone at kung may anong tinitignan doon.
"At kinain niyo pa ang pagkaing para sa kanya--" gigil na singhal pa niya. Nakakatawa ang reaction niya.
Natutuwa lang ako. That's it.
"Chill lang naman dude, ikaw naman 'tong gigil eh" - Clar.
Bago pa makasagot si King, nagsalita na ako.
"Oh ba't kayo naparitong tatlo?" naidako ang mga tingin nilang lahat sa akin sa direksyon ko.
"Ow magaling kana!" - hiyaw ni Terrence na nakakapanibago. Nagulat din ang mga kasama niya sa inasal niya.
Pero natigilan din ang lahat dahil sa pagbaba ko.
"Magandang gabi mahal na reyna!" - Clar.
Mahal na reyna pa nga.
Exaggerated talaga ang mga 'to, I swear.
Kanina pa sila. Sa clinic pa, kung pwede ko silang batukan isa-isa ginawa ko na dahil napakasiraulo.
"Baby kumusta na pakiramdam mo?" sinalubong ako ni King at akmang aalalayan ako pero sumenyas akong wag na.
At para sa kaalaman niyo, sanay na silang naririnig si King na kung anu-anong endearment ang itinatawag niya sa akin. At ganoon din ako.
"Maayos na. Salamat" walang gana kong sagot. Gutom na rin naman ako. Hindi ko alam kung anong oras na pero siguradong gabi na.
"Mabuti naman, gutom kana ba?" tumango ako sa tanong niya.
"Umorder ako ng mga paborito mo, teka kukunin ko" pagmamadaling wika ni King sabay tayo at tinungo ang direksyon ng kusina.
Hindi naman sana dapat niya ginagawa ito. Minsan nagi-guilty ako sa mga ginagawa niya para sa akin dahil alam kong never akong naging mabuti sa kanya.
Naupo nalang ako sa couch, katabi ni Clar.
Nakamasid parin silang lahat sa akin.
"What?" taas kilay kong tanong sa kanila.
May mga prutas naman sa mesa, sa tantya ko dala ng mga kupal.
"Talagang alagang-alaga ng hari ang mahal na reyna" - kantyaw ni Troy na nakasandal sa katabing couch.
"Tantya kong inggit na inggit ka" - Terrence. Ouch naman.
"Parang gusto ko na nga din mag asawa ih" pagbibiro ni Troy.
Nagulat ako kay King na galing kusina na sobrang daming bitbit sa kanyang kamay. Hindi na niya halos mahawakan ang mga paper bag na dala niya. Napangiwi ako.
Ano na naman kaya ang pinag-oorder ng isang ito?
"Hoy mga hayop, baka gusto niyo akong tulungan" sigaw niya na ikinangiti ko. Tinutukoy niya ang mga kaibigan niyang nagtatawanan habang nakatingin sa kanya bago pa siya sinalubong upang tulungan sa mga bitbit niya. Ang dami naman kasi.
"Here--" inabot niya sa akin ang MILKTEA. Napako ang tingin ko roon. Alam niyang ito ang gustong-gusto ko kapag nagkakaganito ako.Napangiti akong muli sa isip ko.
Pumagitna siya sa amin ni Clar.
"Gusto mo bang kumain muna bago 'yan? Nagluto ako ng ulam" he said and tap my forehead.
"King 'di naman kasi ako nilalagnat" tumingin ako sa kanya ng nakapoker face.
"Ayeeeeeeeeuttttt" sabay sabay na kantyaw ng tatlo. Kahit kailan talaga. Hindi na nagbago ang mga ito.
"T-teka" napakunot noo ako maging si King sa mukha ni Clar na palipat- lipat ang tingin sa aming dalawa ni King.
"B-bakit?" halos sabay naming tanong.
"Ngayon ko lang napagtantong magkahawig kayo!" wika niya.
"Hindi niyo ba alam, ayon sa pamahiin, kapag magkamukha, ibig sabihin, kayo talaga ang itinadhana sa isa't-isa!"
"Pre, kasal na sila para sa kaalaman mo" nakabusangot si Terence.
Napagtanto ni Clar ang ibig sabihin ni Terence. Kaya natigilan siya at kunwari nag isip.
"Pero seryoso, bagay naman kayong dalawa. Casanova at Amazona HAHAHA"
"tingin nga ng bagay? Isa nga kiss diyan HAHAHA" - Troy.
"Kiss daw baby HAHAHA" nakisali na rin si King.
Ginawa na kaming tampulan ng mga hayop? Aba aba.
"MGA SIRA ULO! Baka gusto niyong umuwi ng wala ng ulo?" tinaasan ko sila ng kilay. Kung anu-anong naiisip. Pero syempre biro ko lang naman iyon.
"Ito naman, dumaan lang kami dito para kumustahin ka. Wala namang ganung ganap" si Clar na kinuha ang cellphone sa mesa.
Napangiti nalang ako sa mga asal batang tropa ni King.
Pero sa totoo lang, napakalaki ng naitutulong nila para sa akin.
Para mas maging makabuluhan ang buhay na meron ako.
"Thank you sa mga concerns,pero maayos na ako at wala akong cancer, pwede na kayong umuwi dahil mas naeestressed ako sa mga ingay niyo" kunwaring pagsusungit ko sa kanila.
Isa pa anong oras na rin, mag aalas nuwebe na. Ang tagal ko din palang nakatulog.
"Aalis na rin kami maya maya pagkatapos namin 'tong ubusin hahaha, at may lakad pa kaming tatlo, King baka gusto mong sumama, okay naman na ang asawa mo?"
"Pass muna--babantayan ko misis ko" ayun, kantyaw ulit ang mga unggoy. Siraulo talaga.
Mga 20 minutes pa ang nakalipas, nagpaalam na sila na uuwi na. Inihatid lang ni King sila sa may gate at bumalik din agad kung nasan ako nakaupo.
"B-bakit?" pagtatakang tanong ko ng tumabing muli si King sa akin at tumititig habang ngumunguya ako ng makunat na fries,
"Okay ka na ba talaga?"tanong niya, tumango ako bilang sagot.
"Eh ikaw kumain kana?" tanong ko pabalik sa kanya.
Umiwas pa siya ng tingin sa akin bago sumagot.
"not yet--" WHAT?
"WHAT? For petesake King?ANONG ORAS NA? DI KA PA KUMAKAIN! " baka maya maya niyan atakihin siya ng ulcer niya,ayaw pa man ding niyang magpahospital. Damn this man!
"Hinihintay kitang magising kaya 'di na muna ako kumain " paliwanag niya na mas lalo ko lang ikinainis.
Tinitiis kong hintayin siya tuwing lunchbreak para lang hindi siya malipasan ng gutom.
"MY GOD! Paano kung patay na pala ako,'di kana kakain?" tumayo ako para pumunta ng kusina at napatigil ako sa huling sinabi niya.
"I will not let you die. Mas pipiliin kong maunang mamatay kesa sayo. Kapag namatay ka susunod ako"
Kahit alam kong walang ibang ibig sabihin iyon, at biro lang, may kung anong kuryenteng dumaloy sa puso ko.
Hindi ko nalang iyon pinansin kaya nagdire-diresto nalang ako papuntang kusina.
.
........
Pagkatapos naming kumain, nauna na akong pumanhik upang maligo at magbihis.Iritable pa rin ako. Siya na rin ang nag insist na hugasan ang aming pinagkainan at ligpitin ang kalat sa baba.
Humiga na lamang ako habang iniisip kung paanong naging napakabuti ni King sa akin. Ang dami niyang bagay na ginagawang hindi ko man lang masuklian.
Napahinto ako sa pag mumuni muni ng marinig ko ang mahinang pagbukas ng pinto. Alam kong siya iyon. Hindi ko na ginawang tignan siya. Nanatili akong nakahiga habang nakaharap sa pader.
Walang imik siyang tumabi sa akin.
"baby?" tawag niya.
"hmm?"
"Masaya kana ba sakin, I mean kontento kana ba sa anong meron tayo?" nagulat ako sa tanong niya. May kung anong kuryente na naman ang dumaloy sa katawan ko. Ito ang unang pagkakataong nagtanong siya ng ganito.
"B-ba't mo naman naitanong?"pinilit kong hindi mautal upang itago na apektado ako sa tanong niya.
"Ah naisip ko lang" tipid niyang sagot. Natahimik ako. Gusto kong magtanong pa pero, ayaw ko na siyang kulitin din dahil sa totoo lang hindi ko pa alam ang isasagot sa tanong na iyon.
Nagulat ako ng bigla niya akong hapitin paharap sa kanya at niyakap. Amoy na amoy ko ang halimuyak na nanggagaling sa kanya. Nakasuksok lang siya sa akin at mahigpit akong niyayakap.
Hindi na bago sa akin ang ganito, pero pakiramdam ko may kakaiba ngayon.
"Baby mahal--" tawag ulit niya na nagpakislot muli sa akin.
"hmm?"
"Ambango mo" giit niya na ikinakislot ko ulit.
Kung may anong paru-paro sa tiyan ko ang hindi matahimik. Gusto kong matae.
"S-syempre naligo ako" kunwaring inis kong sabi.
Bango ka rin naman eh.
Steffanye! Ano bang iniisip mo!
"Alam kong mabango din ako"
Nanlaki ang mata ko. Did he just mention what I was thinking?
"gusto tuloy kitang---" may tila pagbabanta sa tinig niya. Bantang nakaka--
"ITULOY MO KINGBABALATAN KITA NG BUHAY! " pagbabanta ko sa kanya pabalik. Nantitrip na naman ang hayop!
Wala na talagang araw na hindi niya ako inaasar.
Pero mas hinigpitan pa niya ang yakap sa akin upang mas lalong magdikit ang aming katawan.Nagsitayuan naman ang mga buhok ko sa katawan when I felt his warm breath on my neck. Damn it! What was he's thinking!
Unti unti kong nararamdaman ang pagdampi ng mainit niyang labi sa leeg ko na ikinagulat ko. Gusto ko siyang itulak pero ang lakas niya.
"KING SINASABI KO TALAGA SAYO!" banta ko.
"Pagbigyan mo na ako ngayon lang babymahal" he whispered seductively.Mas lalong nagwawala ang mga bulate sa tiyan ko. For Snapesake!
"ISA PA TALAGA KING!" pilit akong nagpupumiglas pero sobrang higpit ng mga yakap niya sa akin. Nakakapanghina. Nakakapanibago ang nararamdaman kong init sa katawan.
Gusto kong kumawala sa yakap niya.
I am afraid that I might like it,for petesake!
"Steffanye.." he groaned na lalong nagpatayo ng aking mga balahibo. Minsan lang niyang bigkasin ang pangalan ko kaya nakakaOMG.
He started caressing my neck then stopped and took a glimpse on me.
His alluring smirked while biting his lower lip enough to make me feel hot as hell.
Make him stop Steffanye!
Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa kanya.
Ngayon ko lang nagawang tumititig sa kanya ng matagal.
I can clearly see perfect face that even the scar on his right suited its place. Napalunok ako. Pilit kong nilalabanan ang hindi ko maipaliwanag na pakiramdam.
But his strong masculine features, as his sharp jawline, his menacing bobby eyes na animoy laging nakakatunaw ang mga titig.
And those kissable lips. I just can't resist it.
"You're the loveliest gift I want to stare forever" he whispered.
I've finally came damn powerless. Hindi ko magawang magreact man lang. Nanatiling nakatitig lang ako sa mga mata niyang animoy nagmamakaawa.Napapikit ako ng unti unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin.
He hurriedly brushes his lips to mine.
I want to say no but I am now too weak to reject his warm lips.
I am now starting to enjoy the moment and carelessly found myself returning to his kisses.
Our kiss become more playful, more addictive, sabik na sabik sa halik ng bawat isa, hindi ko matandaan ang huling dama ko ng ganitong sensation sa katawan.
"King stop" I blunted. Kinakapos na ako ng hininga kaya marahan ko siyang itinulak.
We're both catching our breath. Nabigla ako ng ngumiti siya sa akin. Nahimasmasan lang ako ng makita ko ang makahulugan niyang ngiti.
"I guess I found myself a new addiction" he smirked.
Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. Gusto kong umiwas sa muli niyang paglapit ng mukha sa akin pero iba iyon sa aking inaasahan. Marahan niyang hinalikan ang noo ko.
"Don't worry misis, I don't have any plan for you tonight I know you were in red tide" saka ko napagtanto kung anong ibig niyang sabihin.
Madali ko siyang sinapak sa balikat. Akmang babangon ako para iwasan siya dahil nag iinit ang mukha ko at nangangamatis dahil sa sobrang kahihiyan. Muli niya akong hinila at niyakap palapit sa kanya. Kinuha niya ang kamay ko at ipinulupot iyon sa katawan niya.
"King sa labas ka talaga matutulog!" pagrereklamo ko.Pinipilit kong isawalang bahala ang nangyari kanina Nakakahiya.
Kahit mag asawa kami pero sa tingin ko hindi pa rin ito tama.Baka kung saan iyon mapunta at hindi ko alam kung papaano ko iiwasan.
Ito ang unang beses na hinalikan niya ako mula noong ikinasal kami. I mean, our first passionate kiss na hindi ko alam kung saan aabot.
But I can't deny the fact, that I like it.
Geez. What am I saying.
"I just wanna hug you, don't be too scared HAHAHA. May araw ka rin sa akin " nanlaki naman mata ko sa sinabi niya. Bago pa man ako makapag react.Muling dumaloy ang kakaibang kuryente sa dibdib ko. Pakiramdam ko may yelo ang puso ko na hindi ko mawari.
"I respect you from your head to toe baby, so don't worry"
"But-" karugtong pa ng sinabi niya.
"not unless you want me to do it with me" mahinang halakhak ang idinagdag niya sa huling sinabi niya. Hindi ko maipaliwanag ang mas bumibilis pang pagtibok ng puso ko, nang muli niyang halikan ang noo ko.
Nakakainis. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa sa akin.
Ilang araw na bang ganito ang nararamdaman ko tuwing pinagtitripan niya ako. Hindi ko na matandaan. Ang alam ko lang, may kakaiba sa akin.
"Matulog na tayo misis, Goodnight" he whispered.
Dinig na dinig ko ang bawat pintig ng puso niya. Nakasuksok lang ako sa dibdib niya.
Gusto ko siyang tanungin.
Kung ano ang nasa isip niya.
Naging masaya ba siya sa akin sa kabila ng mga pinaggagawa ko sa kanya noon? Bakit hindi ko man lang maramdaman ang pagkayamot sa mga trato ko sa kanya? Hindi niya kailangang tiisin ang galit o inis.
Hindi ko lubos maisip na umabot kami sa ganitong punto ni King.
Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ko, iniitindi niya pa rin ako instead of leaving me and find a way to set him free.
........
Bonus Content
Bago ako umakyat sa itaas, napansin ko ang cellphone ni King sa sahig. Siguro dahil sa pagmamadali niya, hindi niya namalayang nahulog na pala. Pinulot ko naman agad. I hurriedly pressed the power button to make sure na hindi ito nabasag.To my surprise, napangiti ako sa nakita ko sa screen.
HOW TO CURE DYSMENORRHOEA?
He was researching for it??
Napalingon ako sa direksyon ng kusina kung nasaan siya. I am still smiling like an idiot. King is one of a kind.
A/N: Revision again. Kindly tap vote and leave a comment. ☺️