Kabanata Una: Anak

1958 Words
Anak Sa isang isla ng mindoro matatagpuan ang isang pamilya na kasama ang kanilang dalawang anak na isang lalaki at isang napakagandang batang babae.  Tahimik at payapa ang mag-anak sa islang iyon. May sapat silang pamumuhay at masayang samahan. Ang kanilang anak na babae na si Lewelyn ay napakasiglahin at masayahing bata, lahat ay natutuwa dito. Maging ang kuya nito ay napapatawa sa t'wing makikipag-laro siya dito. Subalit dahil nga sa taglay na kagandahan ng bata ay madalas siyang pagbawalan ng magulang na makipaglaro sa ibang mga bata. Mangingisda ang kanilang ama at ang kanila namang ina ay isang hamak na house wife lamang. Sumama ang batang si Lewelyn sa pangingisda ng kanyang ama, ganoon din ang kaniyang nakatatandang kapatid na lalaki, isa pa wala rin naman silang gagawin sa kanilang tahanan maiinip lamang sila at kung magkukung ano-ano, subalit kung sasama sila sa kanilang ama ay tiyak na marami ang kanilang mahuhuli sapagkat sama-sama sila. Mahirap lamang sila, ngunit katakataka ang kanyang malaporselanang kulay ng balat. Ang kanyang buhok na hanggang balikat  ay umaalon, nakasisilaw din ito sa tuwing matatamaan  ng sikat ng araw. Ang kanyang ama, ina at kapatid naman ay medyo maitim. Iba rin ang mga buhok nito hindi tulad ng sa kanya. "Mag-iingat kayo huh? Medyo kumukulimlim, baka sumama ang panahon." Malambing ang boses ng kanyang ina, mabait ito at tunay namang mapagmahal talaga,ngumiti siya dito at yumakap. "Mag-iingat kami ina ikaw din po paalam." Umandar ang bangkang sinasakyan nila, nakararamdam talaga siya ng kaibahan sa tuwing pagmamasdan niya ang kanyang mga magulang. Para bang hindi siya nararapat doon, tiniyak naman ng kanyang ina na hindi iba ang kanyang ama, hindi rin iba ang kaniyang ina. Sila daw talaga ang tunay niyang magulang, pero ang katakataka lang talaga ay kung kanino siya nagmana ng ganoong itsura? Maganda kase siya at kahali-halina. Hindi sa sinasabi niyang hindi kahali-halina ang kanyang ina, may itsura din naman ang kanyang kuya ganoon din ang ama, pero nararamdaman kase niya ang kaibahan sa mga ito. May accent din ang kanyang pananalita, parang anak ng 'may ibang lahi' o kaya ay parang 'anak mayaman'. Ganoon ang laging pag-aakala ng iba kapag nakikita siya. Na isa siyang anak mayaman at nagbabakasyon lamang sa isla. Kumain sila ng kanyang ama at kuya sa kalagitnaan ng karagatan, pinabaunan kase sila ng kanyang ina. Palagi siyang sumasama sa kanyang ama kahit noong siya ay maliit pa.  Nang matapos ay pinagmasdan niya ang mapayapang karagatan. "Ama mukhang masama ang panahon, dapat seguro umuwi na tayo." Kakaunti pa lamang ang huli nila subalit sapat na iyon na paninda sa palengke. Isa pa masama na talaga ang panahon, nagsisimula na kaseng humangin ng malakas kaya medyo nababasa na siya. Nakita niya rin ang kanyang kuya na hawak na ang lalagyan ng mga isdang nahuli nila. Tumango ang kanyang ama, nagsimula na itong paandarin ang motor ng bangka. Malayo pa ang kanila, dahil wala namang nahuhuling isda sa malapit. Marahil ay nauubos na ang mga isda sapagkat marami silang pamilya na umaasa lamang sa paglalako ng isda at iba pang laman ng dagat. Kumidlat na at labis niyang ikinatakot iyon, takot siya sa kidlat 'yon ang hindi niya mawari kung bakit. Nagsimula ng magalit ang kalangitan, dumilim at nagbuhos ito ng malakas na ulan. "May bagyo pala ama, dapat hindi na tayo pumalaot kanina." Nayakap niya ang sarili dahil sa pagkaramdam ng takot at lamig. Gumalaw ang kanilang bangka kayat napahawak siya ng mahigpit sa gilid ng bangka. Nataranta din ang kanyang kuya na tinulungan na ang kaniyang ama sa pagkontrol sa bangka. Nagwawala na din ang karagatan, nagsisimula ng lumikot ang kanilang bangka. Labis ang pagkabog ng kaniyang dibdib. Ngayon lamang nangyari ito sa kanilang mag-aama. "Humawak  lang kayo mga anak, pasensya na hindi ko gustong dalahin kayo sa ganitong sitwasyon." Napaluha siya natatakot para sa sarili , para sa kanyang kuya at maging sa ama. Ang kaninang medyo malikot lang na bangka ay nagsimulang magwala, humigpit pang lalo ang hawak niya sa bangka, para bang hindi sang-ayun ang bangka sa ginawa niya kaya't isang beses siyang napatilapon kasabay ng paghiyaw. "A-ama!" Takot na takot siya,  subalit hindi doon natatapos ang lahat, nagwala pa ang kalangitan wari mo'y galit na galit ito , dinamayan ng karagatan ang kalangitan, nagwawala ito ng matindi dahilan ng pagdulas ng pagkakahawak niya sa bangka. Tumagilid pa iyon na naging sanhi ng pagbaligtad niya sa tubig. Hindi siya nakahingi agad ng saklolo dahil mabilis siyang nilamon ng tubig. "Lewelyn!." Rinig niyang sigaw ng kaniyang kuya. Subalit hindi na niya magawang manglaban sa karagatan. Ikinampay niya ang braso upang makaahon sa tubig subalit malakas iyon at galit na galit sa kanya. 'Ama! Tulungan nyo ako!' Sigaw niya sa sarili habang unti-unting pinipikit ang mata. Ang kanyang braso ay nawalan ng lakas at buhay lumutang na lamang ito habang siya'y patuloy na nilalamon pailalim ng karagatan. - - - - Isang tunog  ng telepono ang nag patigil kay Leonora isang mayamang babae---hindi lang mayaman ubod ng yaman. Ganoon din ang kanyang asawa na ngayon ay nagtatrabaho din sa kabilang opisina. "Yes?." Ang malamig niyang boses ang bumungad sa nasa kabilang linya. 'Ma-ma'am may tumawag pong isang police officer dito kanina and he was looking for you po.' Tumaas ang kilay ng babae kahit hindi naman nakikita ng kausap sa kabilang linya. "Anong kailangan mo?." 'Tungkol daw po ito sa anak niyo ma'am, nakita na daw nila ito.' Ang kaninang matigas nitong ekspresyon at napalitan ng pangamba. "Where?Saan ko mapupuntahan ang anak ko?." 'Sa St.Luke Hospital po ma'am.' Pinutol na niya ang usapang iyon, kinuha niya ang bag at tumayo. Sumunod ang kanyang sekretarya, pinagbinuksan siya nito ng pintuan, agad siyang nagtungo sa opisina ng asawa. "Hon!." Gulantang silang pareho pero benalewala niya iyon, nangingibabaw ang pagkasabik at pangamba. "Na-nakita na nila ang anak natin." Nanahimik ito, mukhang pinuproseso ang nakinig na balita. Nang makabawi ay tumayo ito at  inalalayan ang kanyang asawa na makalabas sa opisina. "Sigurado na ba sila?Paano kung isa na naman itong kasinungalingan? Baka maluko na naman tayo at maperahan." Naguguluhang usal ng kanyang asawa. Umiling siya at nagpatuloy sa paglalakad. Takot silang malukong muli, pineperahan lamang sila ng ilan at sinasabing nakita na ang kanilang anak at magbigay ng malaking halaga bago sabihin kung nasaan ito. "Sa oras na makapunta tayo doon ipapaDNA natin siya we have to try again Felix, anak natin ang pinag-uusapan dito." Nakasunod ang kanilang mga sekretarya at body guards pinagbuksan sila ng mga ito ng kanilang sasakyan na limousine. Nangingintab sa karangyaan ang kanilang sasakyan, nakasisilaw ng labis ang napakalinis na kulay nitong itim. Sumunod ang lahat ng body guards nila at sumakay sa kanya-kanyang sasakyan. Nang makarating sa St. Luke Hospital hindi nila inalintana ang mga tingin ng iba. Nagmamadali lamang sila, nangangamba, natatakot at labis ang pagkasabik. Baka iyon na talaga ang kanilang nawawalang anak. "Ang anak namin?Nasaan?." Hindi magkanda-ugaga ang nurse sa reception. Dahil sa labis na kaba at takot na baka ay magkamali siya ng sabihing kwarto. "Yung may mga pulis po ba? Room 102 po ma'am." Tumango lamang sila bilang sagot. Pinagitnaan sila ng mga bodyguards, nakita nila ang isang saradong kwarto na may bantay na mga pulis.Natitiyak nilang ito ang kwartong iyon.  "Is she here?." Agarang tumango ang mga pulis, pinagbuksan sila nito ng pintuan. Hindi pa man nila nasisilayan ang anak napaluha na agad sila. "A-ang anak ko.. Siya nga ang anak ko." Mahinang haguhol ang naiusal ng ginang, labis na kagalakan ang kanyang nadarama. Agad niyang hinawi ang napakagandang buhok nito at tiningnan ang palatandaan para sa nawawalang anak. Napaluha ang Ginang, ang tattoo ng isang Brilliantes. Magandang maganda ang ukit nito sa batok ng bata na hindi makikita ng sino man sa malayuan. Ito nga, ito nga ang matagal na nilang hinahanap na anak. Tumingin ang kanyang asawa sa anak mababasa sa mga mata nito ang labis na pagkasabik. "Hon ilipat natin ng hospital ang anak natin... 'Wag mong hayaang nandito siya." Hinahaplos ng ginang ang mukha ng kanyang natutulog na anak. Napakatagal niyang hinintay ang pagkakataong iyon. Napakatagal niyang inasam na muling hawakan ang kanilanh anak. Maganda ang batang ito, porselana ang kulay na minana sa kanyang ina ang matangos na ilong nito ay nasa kanilang lahi. Ang mapipilantik na kilay nito ay namana sa kanyang ama. Ang maninipis nitong labi ay minana sa kanyang ina. "Anak nga natin siya Felix, kamukhang kamukha ko siya, at ang tattoo natin Felix, nasa kanyang batok." Hindi sumagot ang kanyang asawa subalit palihim itong sumang- ayon, magkamukha nga ang dalawa kapag natutulog. Napakaamo. Nang ilipat ng hospital ang bata ay pinasuri nila ito ng agaran. Kumuha din sila ng dugo nito upang isalang sa DNA testing. Kahit pa wala pang resulta ay natitiyak nilang ito ang kanilang anak, ito ang kanilang prinsesa. Ito ang nag-iisang anak ng mga Brilliantes. Isang linggo silang naghintay subalit hindi pa nagigising ang kanilang anak. Pagkalungkot at pagkakaba anh kanilang nararamdaman. "Hon?Magiging okay lang ba ang anak natin? Nag-aalala na ako." Hinawakan ng Ginoo ang kamay ng kanyang asawa. At pinilit itong pakalmahin. "Magtiwala ka lang Hon, magigising siya." "I'm sorry to disturb you Mr and Mrs Brilliantes pero naito na po ang DNA result." Ang nanginginig na kamay ni Mrs. Brilliantes ang tumanggap ng brown envelope na pinaglalagyan ng resulta. Sabay na binasa ito ng mag-asawa, ang kaninang nanginginig na kamay ng Ginang ay nandamay na ng kanyang tuhod. Napaupo ang Ginang na agarang nahawakan ng kanyang asawa sa mga balikat. "A-anak nga natin siya, natagpuan na natin sya Felix, ayan na ang anak natin buhay ang anak natin Felix.. Buhay na buhay siya Felix.. Ang anak natin." Hindi na napigilan ang pag hagulhol ng Ginang na naghari sa loob ng kwarto ng batang wala pa ring malay. Labis ang kanilang pangungulila sa nawalang anak. Labis ang kanilang kasabikan dito. "Anak.. Gumising kana ako ito si Daddy Felix, matagal ka naming hinanap anak, matagal kaming nangulila sayo anak, kaya sana ngayong nakita ka na namin huwag mo na kaming iwan." Ang masamyong boses ni Mr.Brilliantes ang nagwika. Hinihiling niya na sana ay gumising na ito, na makinig nila ang tinig nila. Na masilayan ang mumunting ngiti nito. Ang makayakap itong muli Hinaplos niya ang buhok ng anak. Lumaki itong maganda Sampung taon silang nangulila sa anak. Sampung taon nilang hinanap ang anak, sampung taon silang naging miserable sa paghahanap sa ninakaw na anak. At tama na ang Sampung taon na iyon, hindi na niya mapapayagang muling makitang halos mamatay sa kakaiyak ang asawa. Sa halos gabi-gabi nitong sinisisi ang sarili. Gumalaw ang daliri ni Lewelyn, naging dahilan ito para mabigla si Mr.Brilliantes. "Nurse?Ang anak ko gumalaw ang daliri." Agaran niyang pinindot ang intercom, Ginising niya rin ang asawang pagod kakaalaga sa anak na walang malay. "Anak ko! Magigising na ang anak ko!." Nagsimulang maging kabahin si Mrs. Brilliantes ng gumalaw muli ang daliri ng bata. Unti-unti itong nagmulat ng mata, luhaang tumingin ang mag-asawa sa anak hinawakan nila ang tigkabilang kamay nito. "Si-sino po a-ako." Nagulantang ang mag-asawa dahil sa sinabi ng anak,   nag-aalala silang tumingin sa anak. Dumating na ang mga doctor at nurse, sinuri nila ang bata. Tahimik lamang na nakatingin ang mag-asawa, nag-aalala sa lagay ng kanilang anak. Napag-alaman nilang nagkaroon ng epekto ang labis na pagkalunod sa ala-ala ang bata at napatama seguro ito sa matigas na bagay o ano. "Anak.. Kami ang mommy at daddy mo, ang pangalan mo naman ay Dreamia... Dreamia Priscilla Brilliantes." Isang masayang ngiti ang ipinakita ng mag-asawa, niyakap sila ng anak na naging dahilan ng pagiging emosyonal nila. "Ako si Dreamia kayo ang mommy at daddy ko" Luhaan silang tatlo at tumango sa isat-isa. Ang kanilang kulang ay napunan, ang kanilang buhay na nawalan ng sigla ay nagkakulay. Dahil sa muling pagkakita nila sa kanilang munting Brilliante, ang nawawalang anak ng mga Brilliantes. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD