Chapter 3
Zane Cuanco Point of View
“No dad!!! It can’t be, panahon pa ni lolo yang arrange marriage na yan. Ayoko!”
*Blog!!! *Pakkk!!!
Ano yun? Putcha! Naka sagasa ata ako.
Tinapakan ko ang preno at agad na lumabas at tiningnan ko ang nabangga ko.
Isang magandang babae na punit punit ang damit, maraming tao ang nakakita at lumapit.
“Naku! Tumawag na tayo ng ambulansya walang malay yung babae oh.” -sabi ng isang Ale
“Wag Po kayo mag-alala I’m a Doctor ako na po bahala sa kanya.”
Tiningnan ko muna kung may na tamo bang injury ang babae hindi ko muna sya ginalaw.
“Miss?”
Hindi sya nag response, so I tap her shoulder.
“Miss? Do you hear me? I’m Doctor Cuanco.”
Wala pa rin syang response. Sinubukan ko munang ilapat ang tenga ko sa bibig nya para malaman kung humuhinga pa ba ang babae.
“Shocks! She’s not breathing.”.
Kaya agad kong sinimulan ang Cardio Pulmonary Resuscitation o CPR.
“Please! Please wake up.”
Pinagpatuloy ko lang ang pag CPR sa kanya.
“Hmmmm.” – sa wakas may response na rin, at nagkamalay na sya.
“Sino ka?”- tanong nya sa mahinang boses.
“I’m Doctor Cuanco at sorry na bangga kita.”
“Aalis na ako.”
“Teka! Teka! wag ka munang masyadong gumalaw hindi ka pa totally okay.”
“Hindi Doc, okay na ako. Alis na ako salamat.”
Hinawakan ko sya para pigilan.
“Sa’n ka ba pupunta? At parang nagmamadali ka?”
Hindi sya sumagot
“Ganito na lang sumama ka sa akin. Gagamutin muna natin yang mga sugat mo, at ng makapag bihis ka ng maayos. Pagkatapos ihahatid kita kung saan ka pupunta.”
Nag-isip mo na sya, nagulat ako dahil bigla syang umiyak.
“Oh, bakit Miss? May masakit ba sayo?”
“Wala naman pero natatakot ako, ibebenta nya ako. Ayoko sa Mr.Tanda na yun huhuhu ilayo mo ako dito sir please.”
“Halika muna miss, sumama ka na lang muna sa akin, mukhang may trauma ka pa.”
“Hindi mo ba ako ibebenta?”
“No, hindi, hindi naman ako masamang tao. Gagamutin ko yang sugat mo.”
Pumayag na ito, kaya inalalayan ko sya papasok sa loob ng sasakyan.
Dinala ko sya sa Resort na pinagmamay-ari ko.
Tahimik lang sya na sumasakay na tila malalim ang iniisip.
“Miss? Okay ka lang?”. -tumango naman ito.
“Ano bang pangalan mo Miss?”
“Pening!" Tipid nitong sagot.
Natawa talaga ako sa pangalan nya pero hindi ko ipinahalata. Hindi kasi bagay ang pangalan nito sa kanyang mukha.
I can’t deny na maganda talaga sya at sobrang sexy, lalo na sa suot nito.
“Pening, sorry talaga ha? Hindi ko talaga sinasadya na banggain ka.”
“Okay lang po doc.”
*********
Nandito na kami sa Resort.
“Magandang Gabi sir,”
Bati ng mga empleyado ko.
Nginitian ko lang sila at dumeretso na ako sa pribadong bahagi ng Resort.
Isa itong Beach Resort na may malawak na karagatan at sa kabilang bahagi naman may mga swimming pool.
May bar, meron ding camping site, picnic site at mga Restaurants and Café.
Meron ding spot dito kung saan gusto mo lang mag unwind at mag meditate.
Bumaba na kami ni Pening sa sasakyan.
“Halika Pening pasok ka.”
“Ayoko po dito nalang po ako.”
“Wag kang mag-alala Pening wala akong masamang gagawin sayo.”
Bakas sa kanyang mukha Ang pagdadalawang isip ngunit napapayag ko naman itong pumasok.
Kumuha muna ako ng damit ko sa kwarto para maipa suot sa kanya.
“Suotin mo 'to Pening para matakpan yang katawan mo. Ayan ang banyo pumasok ka lang dyan para makapag bihis.”
Sumunod naman si Pening.
(Phone Rings A call from my Dad)
Heto na naman sya, pinipilit na naman akong ipakasal sa babaeng hindi ko naman gusto. Gusto nyang matulad ako sa kanya, sa kanila ni mom.
Pero hindi rin naman nag work ang relasyon nila dahil kagustohan lang yun ni lolo na e-arrange marriage silang dalawa kaya lumaki akong broken family dahil nagkahiwalay din sila daddy at mommy. Tila tradition na ng pamilya namin ang ganitong set-up at ayokong mangyari sa akin yun.
“Dad? Ilang ulit ko bang sasabihin sayo? Ayoko sa Scarlette na yan.”
“Hindi tungkol dyan ang tinawag ko Zane! Your lolo is in the hospital, you need to go there ikaw dapat ang doctor nya.”
“Dad, may pasyente ako ngayon dito sa Resort wala ako sa hospital don't worry may maraming doctor naman do'n.”
“And you choose that patient over your lolo?”
“It’s not what you think dad, nakabangga ako ng isang babae a while ago no'ng kinausap mo ako sa phone about that stupid idea of arrange marriage. The girl almost died at kargo konsensya ko yun kung namatay. Kaya I did everything para magamot sya dad. I know lolo will understand.”
Hindi na sumagot ang ama ko binabaan na nya ako.
“Dr. Cuanco?” – tawag ni Pening sa akin.
“Kanina ka pa?”
-she nodded
“salamat nga pala sa damit na 'to.”
“Walang anuman, halika gagamutin pa natin yang sugat mo.”
“Wag na mawawala din 'to.”
“Nope kailangan natin yang gamutin para mabilis na gumaling.”
Hindi na sya nag protesta pa at umupo na sa harap ko.
Habang ginagamot at nililinis ko ang mga sugat nya, tinanong ko muna sya.
“Pening, San ka ba galing kanina at parang na punit punit ang suot mong damit?”
Biglang tumulo ang mga luha nya.
“Kasi------ kasi-----”
Hindi sya nakapag salita umiyak lang sya ng umiyak.
“Okay lang yan iiyak mo lang.”
Hindi ko napigilang yakapin sya dahil sa awa ko sa kanya.
Mukhang matindi ang pinagdadaanan niya.
“Ganito na lang Pening, sabihin mo na lang kung saan ka uuwi, para maihatid kita. Saan ka ba nakatira?”
Natigil sya sa pag-iyak.
“Pasensya na Doc, na istorbo pa kita .”
“Hindi, okay lang kasalanan ko naman.”
“Doc, wala na po akong mga magulang doc. Isa Po akong basurera gayundin ang nakapulot sa akin na naging mga magulang ko.”
“Tinapon ka Lang ng mga magulang mo? Alam mo ba nasan sila ngayon?”
“Hindi po Doc. Wala din akong balak na kilalanin sila.”
“Yung mga kinikilala mong mga magulang? Nasa'n sila ngayon?”
Umiyak na naman sya ulit.
“Wala na Po sila. Namatay Po sila kahapon na tabunan po sila ng lupa kahapon. Nagka landslide kasi habang namamasura sila sa dam site ng mga basura.”
Nakaramdam ako ng sobrang awa kay Pening.
“I’m sorry to hear that. So wala ka ng mauuwian?”
“Dalawampung taon na Po akong walang inuuwian doc, Wala naman po kaming bahay. Pa laboy laboy lang kami sa daan, naghahanap kung saan pwedeng maka tulog. Hindi ko rin alam Doc paano makakabalik do'n sa lugar namin.”
“Kung ganun paano ka nakarating dito?”
Bumuntong hininga muna sya.
“Kahapon kasi, habang nangunguha ako ng mga basura may nakilala ako si Madam Viona, inalok nya ako ng trabaho tapos binigyan pa nga nya ako ng isang libo sakto birthday ko kahapon kaya sobrang saya ko. Sabi nga ng Viona na yun pag na gawa ko raw ng maayos ang trabaho ko, magkakaroon ako ng maraming pera at mabibili ko na ang gusto ko. Kaya tinanggap ko ang alok nya, pumayag akong magkita muli kami kaninang umaga. Sobrang saya ko kahapon doc. Sabik akong ibalita yun kina Nanay at Tatay kaso hindi ko na sila naabutan.”
Humagulhol na talaga si Pening sa pag-iyak. Marami pa sana akong gustong itanong sa kanya pero mas pinili ko na lang na wag na lang munang mag salita.
Kinabukasan…..
Umaga na, bumangan na ako at tiningnan ko kung gising na ba si Pening.
Sa sala lang kasi sya natulog tapos sa sahig pa kasi hindi raw sya sanay sa malambot.
“Pening? Peniiiingg?!”
Nakailang ulit na akong tumawag sa kanya ngunit walang sumasagot.
Walang Pening ang naabutan ko sa sala.
Saan kaya nagpunta yun?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Pening's Point of View
Maaga akong umalis kanina, nahihiya na ako sa Doctor na yun.
Nandito ako sa tabi ng dAan, namamasura ulit. Ito naman ang nakasanayan kong buhay.
“Ako ang Reyna, ako ang tala, mag niningning sa ka langitan. Ako si Wonder woman. Ako ang superstar.. akin ang sandali ako ang Reyna ng BASURA!!!!” woooohh palakpakan naman dyan…
“Hoy baliw hahahahaha”
Akala ko walang tao, nakakahiya. Kumanta Kasi ako habang namumulot ng basura.
“Look at her Cassie kawawang pulubi, maganda sana kaso namamasura. Tinutupak pa nga ata kinaka-usap sarili ahhaahaha.”
“Yeah tama ka dyan girl.”
“Hoy pulubi! Linisin mo nga sapatos namin? Bago kami papasok sa Mall?”
Saad ng isang chinitang babae.
Maganda sana ito pero ang gaspang ng ugali.
“Bingi ka ba? Linisin mo raw ang sapatos namin.”
-saad ng nag ngangalang Cassie.
“May pamunas Po ba kayo? Wala akong pamunas eh.”
“Girl pamunas raw” Saad ulit ng Cassie na yun.
“Eh, kung yang nakaw na damit kaya ang ipamunas mo? Total Basurera ka naman.” – sobrang sakit talaga nilang mag salita.
“Hindi ko naman po ninakaw ang damit na to ma’am binigay Po to sa akin.”
“Ah binigay naman pala , 'kala ko ninakaw mukhang branded Kasi eh, hahahah well bigay man yan o nakaw. Gamitin mo na yan sa pag punas ng mga sapatos namin.”
Ginawa ko naman yung inutos ng babaeng 'to sa akin. Pinunasan ko rin yung sa kasama nya.
“Oh heto isang daan para sayo, baka sabihin mong an sasama ng mga ugali namin.”
“Ang laki naman Po nito ma’am.”
“Ah ganun ba? Malaki? Edi wag akin na lang yan, tara Cassie baka mahawa pa tayo sa baho nito.”
Hinablot nya ang isang daan at tuluyan na silang umalis.
*Peeeeeppppeeppppeppp*
“Pening!!! Pening!!!!”
Lumingon ako para tingnan kung sinong tumatawag sa akin.
“Pening!”
Si Doctor Cuanco pala ano kayang kailangan nito? Humakbang na ako papalapit sa kanya.
“Bakit Po doc?”
“Ba’t ka umalis? Hindi ka man lang nagpaalam.”
“Eh kasi doc---- ano----”
“Buti na lang at agad kitang hinanap at tama talaga ang hinala ko na baka maaabutan pa kita sa daan.”
“Nag-abala ka pa doc, salamat nga pala sa pag mamagandang loob mo sa akin Doc, pero hindi mo naman po ako kailangang alalahanin, isa pa ayoko pong maging pabigat sa iba.”
“Look Pening, I will help you.”
“Po?”
“Tutulungan kita, pumasok ka muna sa loob ng sasakyan at may pag-uusapan tayo.”
“Ayoko po baka ibenta mo ako sa matandang yun, baka kilala mo si Madam Viona.”
Tumawa si Dr. Cuanco sa mga sinasabi ko.
“Alam mo Pening, kung may masamang balak ako sayo ka gabi ko pa ginawa. Kung kasabwat man ako sa kung sino yang mga nakilala mo lang? Sasabihin ko sayo hindi ko sila kilala. Doctor ako tumutulong ako sa mga tao lalo na yung mga may karamdaman, kaya ang iaalok ko sayo legal at hindi ka mapapahamak. By the way I’m Doctor Zane Cuanco 28 at hindi kailanman na sangkot sa ano mang mga krimen, so okay na?”
“Okay Po Doc. Pasensya na Po.”
“Kaya halika ka na, may magandang balita na naghihintay sayo.”
“Sige Po.”
“Ah, Pening Ewan mo na lang yang mga basurang dala mo.”
“Ay, Hala hehe Pasensya Po.”
Pinaandar na nyang sasakyan.
Pabalik kami ngayon sa Resort.
Krrrrrr kkkkrrrr irrrrkk!
Nakakahiya tumunog pa Yung tyan ko ng napakalakas.
“I guess your hungry?”
“A-ano Po?”
“Sabi ko mukhang gutom ka na.”
“Narinig mo Po yun?”
“Yeah, rinig na rinig”
Tumawa ito kaya napa hiya na talaga ako nito.
“Good morning sir! Good morning maam”
Bati ng kanyang mga empleyado. Unang beses na may tumawag sa akin na ma’am, ang sarap pala sa pakiramdam. Siguro hindi nila ako nakita kagabi hindi ako binati eh.
“Good morning!” – sagot ni Doctor Cuanco.
Dumeretso kami sa kainan na nandito sa loob ng kanyang Resort. Grabi ang ganda ng mga tanawin dito.
Kumakalam na talaga ang tyan ko sa bango ng pagkain ng pumasok na kami sa kainan.
Wow! Sobrang linis, hinawakan ko yung sahig, kasi ang kintab.
“Pening! Pening no, stop that marumi yan.”
“Ang kintab doc.”
-masaya kong Saad sa kanya.
Bigla syang lumapit sa akin at may ibinulong,
“Pening, tingnan mo lang ang paligid at wag mong hawakan. Tapos please tahimik ka lang.”
“Sige Po Doc sorry.”
Grabi ang ganda talaga dito. Tiningnan ko Yung mga ilaw grabi sobrang dami.
May mga inorder si Doctor na hindi ko masyadong na iintindihan. Hindi ko na lang inalam kung ano yung mga yun.
“Doc grabi sayo ba to lahat?”
“Ah Huh!”
“Grabe Doc, ang yaman mo naman.”
“ Malaki Kasi ang ni regalo ni lolo sa akin no'ng grumaduate
ako, sobrang proud sya dahil may Doctor sa aming pamilya. Kaya yung binigay nya sa akin dito ko inenvest, dito ko ipinatayo maging ang mga sweldo ko dito ko binuhos hanggang sa lumago ang Resort na to at ini-upgrade ko nilagyan ko pa ng maraming rason para maraming pupunta dito.”
“ Mahal na Mahal ka talaga ng lolo mo doc.”
“Yeah I am so lucky to be her grandchild. Mula kasi no'ng bata pa ako, sa kanya na talaga ako lumaki kasi hindi nagkakaintindihan yung mga magulang ko dahil sa arrange marriage na naging tradition na ng pamilya namin.”
“Ano Po yung arrange marriage Doc?”
“ang magulang ng lalaki at magulang ng babae ay syang magdedesisyon na dapat silang dalawa ay ikasal.”
“kahit hindi nila Mahal ang isa't-isa?”
“Yes, walang magagawa ang kanilang mga anak, kundi sundin ang mga magulang niLa, pero sa kanila ni Dad nakasal nga sila ni mama pero wala kay Daddy ang puso ni Mama kaya nagkahiwalay din at ayokong magaya sa kanila.”
“Excuse me sir, nandito na po yung mga orders nyo.”
Nilapag na ng lalaking ito ang mga inorder ni Doctor Cuanco. Grabi sobrang dami nakakatakam tingnan, mukhang masasarap talaga lahat.
“Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Espiritu Santo Lord Salamat sa napakaraming pagkain na nasa harap namin at sa mga biyayang binibigay mo Amen.”
Natulala si Doctor Cuanco sa ginawa ko.
“Sige na kain ka na Pening.”
“Kayo Doc?”
“Sige na sasabayan kita.”
Kinuha ko ang pagkain gamit ang kamay ko at pinasok ko talaga isa-isa ang mga pagkain.
“Ah Pening”
“Yeoss Po Doooc?”
Hindi ako lubos makapag salita dahil punong-puno ang aking bibig.
“Wag kang ma-offend o masaktan sa ituturo ko sayo ha?”
-huminto muna ako sa pagkain.
“Ano po yun doc?”
“Nakikita mo ba to? Kutsara at tinidor wag mo na pansinin yang iba ito lang dalawa.
Itong kutsara ito yung pansandok ng pagkain para ipasok sa bibig mo, ito namang tinidor pang kuha mo ng ulam or ibang pagkain saka mo ipasok sa bibig mo. Sige subukan mo.”
“Sige Po.”
Andali lang pa lang gamitin ng kutsara at tinidor.
Tinusok ko ng tinidor yung may karne Steak ata tawag do'n, masyadong malaki ang karne kaya hiniwa ko gamit ang kutsara, kaso hindi ako sanay kaya lumipad, nahulog sa sahig. Namumula na talaga si Doctor Cuanco, alam kong nahihiya na sya ng sobra ng dahil sa akin.
“Ganito yan Pening akin na, ito Yung gagamitin pang hiwa itong maliit na kutsilyo,hindi yung kutsara.”
“Ay ok Po, Pasensya na Po doc. Ngayon lang kasi ako naka gamit ng ganito.”
“Okay lang, tapos pagkakain ka, wag mong punuin ang bibig mo, pagkasubo mo ng isa o dalawa nguyain mo muna para hindi ka mabilaukan at kapag ngunguya ka kailangan naka takip ang bibig mo kasi kung bukas yan, yung ibang kakain na nakakita sa pag nguya mo, mawawalan na ng ganang kumain kasi nandidiri. Heto may salamin subukan mong kumain ng nakabuka ang bibig mo at tingnan mo sa salamin kung bakit mandidiri ang tao kapag bukas ang bibig habang ngumunguya.”
Ginawa ko naman ang sinabi ni Doc Cuanco.
“ Ang pangit nga doc. Pasensya na.”
“Sige lang, naiintindihan ko naman, tuturuan pa kita ng maraming dapat gawin. Sa ngayon kakain na tayo, magpaka busog ka at mamaya sasabihin ko sayo kung ano ang iaalok ko saiyo.”