Chapter 2
ISABELLE “PENING’s” POINT OF VIEW
Umaga ngayon at nandito na ako sa Parke. Hinihintay ko si Madam Viona na dumating dahil tatanggapin ko ang inalok nya sa akin na trabaho.
Nagdadalamhati man ako pero susubukan ko yung sinabing trabaho ni Madam Viona. Baka sakaling makatulong yun sa akin.
Panay pa rin ang iyak ko sa twing maalala ko silang dalawa. Sobrang hirap ang mabuhay mag-isa hindi ako sanay na wala sila.
“Oh hello, mabuti at dumating ka ano nga yung pangalan mo?”
- Tanong ni Madam Viona sa akin pagdating nya
“Pening po.”
“Okay Pening mukhang desidido kang makapagtrabaho ah.”
“ Opo Madam gustong gusto ko po talagang makapag trabaho, ano Po ba yung magiging trabaho ko?”
“Basta maganda ang trabaho mo at kikita ka dito ng malaki. Pero bago ang lahat mukhang kailangan mo ng matinding transformation.”
“Ano Po Yung transformation?”
“Naku, napaka inosente mo talaga halika na at sumama ka na sa akin. Binigyan kita kahapon ng pera makabili ka ng damit pero hindi ka pa rin nakapag bihis.”
“Kamamatay lang Po ng mga magulang ko kaya, Wala Po akong gana mag-ayos.”
“O sya, sige na halika na”
-agad naman akong sumunod kay Madam Viona.
“Sa backseat ka lang sasakay ha? Dito ako sa fronseat.”
“Ano pong itsura ng sasakyan yung backseat ma’am?”
“Nakung Bata ka! Hindi ka na inosente, ignorante ka na.
Dyan oh, dyan ka sasakay sa likod sa likod ng sasakyan. Pinapakulo mo ng maaga ang dugo ko.”
“Pasensya na Po”
“Tayo na sa bahay Brando.”
-utos nya sa nagda-drive.
Umandar na ang sasakyan at nagsimula na itong tumakbo.
Hindi pa naman kami naka layo layo pero sumama na ang pakiramdam ko, para akong nalulula habang sumasakay.
“Maam!!! Ma’am!!! Ma’am!!! Nasusuka Po ako. Paki-pakitabi lang po muna.”
“Hay nakung Bata ka.”
Lumabas na ako kaagad at sumuka ng sumuka sobrang sama talaga ng pakiramdam ko.
May pinainom sa akin si Madam Viola hindi ko alam kung ano yun pero makakatulong daw yun para hindi ako mahilo habang sumasakay.
Sumakay na ulit ako at pinatakbo nang muli ang sasakyan hanggang sa makarating kami sa kanilang bahay.
“Bumaba ka na Pening nandito na tayo.”
Bumaba na ako, at ng makita ko ang bahay ni Madam Viona hindi ko mapigilan na mapaiyak habang pinagmamasdan ko ang buong bahay.
“Pening?! Na pano ka ba? At bakit umiiyak ka dyan?”
“Eh, Kasi ma’am sa buong buhay ko ngayon lang ako makakapasok ng bahay.”
“Dapat ka ng masanay kasi pag maayos mong nagawa ang trabaho mo pwede kang magkaroon ng sarili mong bahay.”
“Talaga Ma’am?”
“Oo basta sundin mo lang ang mga utos ko sayo.”
“Sige ho.”
“Halika na, pumasok na tayo sa loob.”
Sumunod na ako kay Madam Viona.
Kung nabubuhay lang sana kayo ngayon nay, sure ako na magiging masaya kayo. Kasi unti-unti matutupad natin ang pangarap nating magkaroon ng sariling bahay.
“Pumasok ka dyan sa banyo Pening, maligo ka , linisin mo yang buong katawan mo.”
“Okay Po”
Pagsunod ko sa utos ni Madam Viona.
Naliligo naman ako ngayon pero paminsan-minsan lang wala kasi kaming mapagkukunan ng tubig.
Para akong batang naglalaro sa tubig, ngayon lang kasi ako naka ligo ng may maraming tubig at ang bango bango pa ng mga sabong nandito.
.tok! Tok! Tok!
“Pening? Matagal ka pa ba dyan?”
“Sandali na lang po.”
“Bilisan mo na dyan.”
“Opo.”
Nakalabas na ako ng banyo at nakabalot na ang aking katawan sa robe na suot ko , Yan daw ang tawag dito Sabi ni Madam Viona.
“Oh ayan lumabas na ang tunay mong ganda Pening! Dapat simula sa araw na ito, Hindi ka na si Pening.”
“Pero yun po ang pangalan ko.”
“Hindi pwede. Teka mag-iisip ako ng pangalan mo…… hmmmmm sandali ano yang kwentas mo? Isabelle? Kaninong pangalan yan?”
“A- akin yata?”
“An labo mo, simula ngayon yan na ang pangalan mo bagay na bagay sayo…. I---sa-belle.. yun perfect. Maglalagay tayo ng make-up sa mukha mo para mas lalo kang gumanda.”
Hinayaan ko lang si Madam Viona sa ginagawa nya.
“Ayan sobrang ganda mo na. Heto, hetong mga damit na 'to ang susuotin mo.”
“Po-po??? Hindi Po ako nagsususout ng ganyan ka iksi at kasikip na damit.”
“Naku Isabelle di ba gusto mo ng pera? Dapat Hindi ka nag iinarte. Wag mong pairalin ang pagka PENING mo. Pag nagawa mo ng maayos ang trabaho mo, instant mayaman ka na.”
Hindi na ako nakipag talo pa sa mga gusto ni Madam Viona hinyaan ko sya sa mga gusto nya.
Ilang oras ang lumipas. Mag gagabi na.
“Tapos na ang paghihintay natin, pupunta na tayo kung saan ka magtatrabaho Isabelle.”
“Sige Po.”
“O ayan di ba ? Presentable ka na. Sobrang ganda mo pa.”
Tumingin ako sa malaking salamin, halos hindi ko talaga makilala ang sarili ko ngayon.
Ang ganda ko!
“Pening ? Ano ba ? Tara na? Male-late tayo.”
“Opo.”
Lumabas na ako ng bahay at sumakay na sa sasakyan.
Mahaba haba ang binyahi namin kaya nakatulog ako.
*********************
“ Isabelle! Isabelle! Gising!”
“Hmmmm!? Nasa'n po tayo?”
“Wag ka ng maraming tanong basta sumunod ka na lang.”
Maraming tao ang nasa lugar na yun at sobrang ingay.
“Madam Viona…. Buti maaga kayong nakarating… Ito na ba ang manok natin?”
- Saad ng isang bakla na sumalubong sa amin
“Oo yan…”
“ Iha,,, hali ka… ikot ka nga”
Sinunod ko naman ang sabi ng bakla.
“Marunong ka talagang pumili Madam Viona.”
“E-akyat mo na yan sa stage.”
“Okay Madam, Eha halika sumama ka sa akin.”
“ Sa'n po tayo? Sir?”
“Ay! Maka sir tong alaga mo Madam huh?”
“Sige na Isabelle umakyat ka na sa stage.”
Utos ni Madam Viona sa akin.
“ Pero nakakahiya Po, ang daming tao.”
“Sige na umakyat ka na wag mo akong pahihiyain.”
Umakyat na ako kahit sobrang kinakabahan, kasama ko ang baklang sumalubong sa amin.
“Gentlemen? Dumating na ang ebi-bidding natin ngayon. Mahal ang value nya kasi fresh and young pa ito.”
Marami ang nagsipalakpakan at para na akong nauupos na kandila dahil sa sobrang hiya. Hindi ko alam kung ano ba Ang bidding na sinasabi ng baklang ito.
“The bidding starts with 100,000.”
“100,000” – Sabi ng isang lalaki
“100,000 for Mr. C” tugon ng bakla
“300,000” – may nagpataas ng kamay na lalaki
“Mr.Jones for 300,000”
“1 Million” – isang lalaki pa ang nagsalita.
Hindi ko naiintindihan ang mga ginagawa nila ngayon.
“Wow, Palaki ng Palaki ang Value… 1 Million for Mr. Ramos.” – tugon ulit ng bakla.
“Three Million”
“Mr. Ding for Three Million”
Ilang Segundo ay wala ng nagsasalita.
“So I guess three Million is---”
“Five Million.”
“Wow! Five Million! Five Million for Mr.Tan”
Naghintay ulit ang bakla kung may hahabol pa ba. Pero wala ng nagsalita.
“Wala na bang hahabol?”
-tahimik na ang buong lugar.
“Okay sold to Mr. Tan. Five Million sold by Mr. Tan.”
Biglang may dalawang nakaitim na tao ang kumuha sa akin mula sa stage na yun.
“Teka! Teka! Sa'n nyo ako dadalhin?”
Hindi sila umimik.
“Teka tatawagin ko lang si Madam Viona. Madaaaaam!!!!???!!! Madaaaaam!!!!???!!! Ano to?!”
“Tumahimik ka! Pag-aari ka na ni Mr.Tan! Nabili ka na nya!”
-saad ng isang nakaitim na lalaki .
“Huh? Ano? Anong binili? Hindi ako produkto para bilhin! Hindi ko binebenta Ang sarili ko.”
“Tumahimik ka kung ayaw mong masaktan.”
Dinala nila ako sa isang lugar na napapalibutan ng klase klaseng mga kwarto at sobrang tahimik dito. Lalong lumakas ang kaba at takot na nararamdaman ko ngayon.
“Sandali bitawan nyo nga ako. Tulong!!! Saklolo!!! Tulongan nyo po ako.”
Pinasok nila ako sa isang malaking kwarto.
“Heto na po Mr.Tan.”
“Sige, umalis na kayo.”
Nagsilabasan na nga ang dalawa na naghatid sa akin dito.
Ini-lock ng Mr.Tan na to ang pintuan ng kwarto.
“Hey! Beautiful lady.”
-ginawi nya ang buhok ko at inamoy ito.
“Si-sirrr a-ano pong gagawin nyo sa akin?”
“Simple lang gawin mo ang lahat ng gusto ko.”
“Ano ba yung ipagagawa nyo? Lilinisin ko Po ba yung buong kwarto? Maglalaba? O ipagluluto po kita.”
“tsk!” tumawa naman ang matandang kaharap ko.
“ I like you, your so innocent, beautiful and young lady. My five Million is not wasted.”
Ewan ko kung anong pinagsasabi ng matandang to, hindi ko naiintindihan.
Hinawakan nya bigla ang mukha ko at hinalikan nya ako.
Nagalit ako sa ginawa ng matandang to, kaya sinampal ko sya.
“Hoy! Mr. Tan!!! Mr. Tanda dapat!!! Subukan mo lang na may gawin sa aking masama lalabanan talaga kita. Ginagalang ko at nirerespito ang mga nakakatanda pero pag ako babastusin mo? Hindi ako magdadalawang isip na lalaban sayo.”
“Brave woman, I like that!”
“Pwede ba Mr. Tanda! Wag kang mag englis ng englis? Hindi kita naiintindihan.”
Bigla nya hinablot ng malakas ang damit ko kaya napunit ito.
Hinawakan nya yung balikat ko at hahalikan na naman nya ulit.
Sinipa ko ang masilang bahagi ng katawan nya , kaya napasigaw sya sa sobrang sakit at nakayuko ito. Kaya agad kong kinuha ang susi na nakalagay sa mesa.
Dali dali kong binuksan ang pinto ngunit hindi ko alam paano ito gamitin para mabuksan.
Hinablot na naman nya ang damit ko at hinawakan ng kanyang dalawang kamay ang mga kamay ko.
Hindi ko maigalaw ang mga kamay ko kaya binagok ko ang ulo ko ng napakalakas sa mukha nya kaya nabitiwan nya ako. Agad kong kinuha ang paso na nakalagay sa mesa at hinampas ko sa batok nya. Sobrang galit na si Mr. Tan kaya sinampal nya ako at sinuntok ang tyan ko. Tumilapon ang susi at napaupo ako sa sahig dahil sa sobrang sakit. Naghahabol ako ng hininga dahil nahihirapan akong huminga dahil sa sobrang sakit. Hindi ako makagalaw ng tama. Binuhat ako ni Mr. Tan at inihiga sa kama. Sinusubukan na nyang tanggalin ang napupunit kong damit.
“You are mine, I bought you.”
Binabastos na ako ng matanda ng mga sandaling yun pero hindi ako papayag na babastusin ako ng isang matanda kaya sinikap kong iponin ang natitirang lakas ko at sinipa ko ulit ng sobrang lakas ang maselang bahagi ng katawan nya.
Napalundag ito sa sobrang sakit at sumisigaw sigaw. Agad kong kinuha ang tumilapon na susi at sinubukan ko ulit buksan ang pinto.
“Please, please bumukas ka bilis”
*****Click*****
Ayon sa wakas bumukas na kumaripas agad ako ng takbo dahil hinahabol na ako ng matanda.
May nabasa akong fire exit kaya doon ako dumaan. Bumaba ako ng napakabilis.
Habang pababa na ako naririnig ko na marami na ang humahabol sa akin.
Sinikap ko pa ring tumakbo ng mabilis sa abot ng aking makakaya para hindi nila ako maabutan.
Nanghihina na ako at alam kong mahahabol nila ako ano mang oras dahil wala na akong lakas na tumakbo. Sakto may nakita ako sa unahan na may malaking basurahan. Mabilis kong tinungo ang basurahan habang wala pa yung mga humahabol sa akin.Agad akong pumasok sa basurahan na yun at isinubsob ko ang aking sarili sa pinaka ilalim ng basurahan na yun para matabunan ako ng mga basura. Sobrang baho ng mga basura pero sanay naman ako kasi dito ako lumaki.
Ilang sandali lang ay naririnig ko na ang mga yapak nila.
“Sa’n na yun?”
“Lagot tayo ni Boss nito, nasa’n kaya ang babaeng yun.”
“Tingnan nyong maigi ang paligid hindi pa nakakalayo yun.”
“Wala dito.”
“Wala din dito.”
“Tara- tara do'n tayo baka do'n tumakbo.”
“Tara na bilis! Baka makatakas pa yun.”
Nang wala na akong maramdaman na mga yapak nila agad akong lumabas sa basurahan na pinagtataguan ko. Kumaripas ako ng takbo papalayo sa lugar na yun.
Takbo lang ako ng takbo.
Ramdam ko na ang pagud sa kakatakbo ko pero patuloy pa rin ako para makalayo sa impyernong lugar na yun.
Hindi ko kabisado ang daan maging ang lugar na iyon.
Tatawid na sana ako sa daan ng biglang
Blogg!!! Pak!!!!
Na bangga ako ng isang sasakyan.
Hindi ko na alam kung ano pang sumunod na nangyari.