Vaun's POV Tila para bang pagod na pagod at latang lata ako ng maka tayo ako mula sa mahabang oras na pagkaka higa ko. Napatingin ako sa maliit na orasan sa may side table ko. Alas dose na pala ng tanghali. Grabe, Ngayon lang ako gumising ng ganitong ka-late. Masiyado kasi akong napuyat kakaisip kagabi. Alas dos na ata ako ng madaling araw nakatulog o bandang alas tres na. At dahil iyon sa pag inom ko ng sleeping pills. Mabuti na lamang talaga at may natira pa akong ganoong klase ng gamot. Nito na lamang ulit ako nag take noon, dahil malala talaga ang tama ng anxiety ko kagabi. At kung hindi dahil doon ay hindi talaga pa ako makaka tulog. Dahil iyon kay Ysabel. Actually, dahil sa pagbabalik niya. Buong gabi ay iniisip ko lamang si Hera, maging ang kapakanan niya. Kung ano ba ang

