ALONDRA
Pasulyap sulyap siya sa mga kasama niya sa office, na titig na titig sa bagong salta sa opisina nila, bidang bida naman si Krizzy dahil ito ang tinatanong ng mga ka officemates nila about kay Seb.
Napatingin siya sa meeting room, kung saan kitang kita niya ang binata na seryosong nakikinig kay Madam Ruel at kay Sir Dars. Kanina habang naghahanap siya ng makakain na tinapay sa pantry ay narinig niya ang usapan ng taga Accounting boys, at base sa usapan ng mga ito, ay para bang naiinis sila dahil hindi man lang daw dumaan sa pagiging trainee si Seb at naging full-time employee agad.
Kung alam lang ng mga ito, Seb have the rights, ang ganda ng credentials niya, ang Thesis ang bongga, madaming nakuhang award ang lalaki. Graduate ito sa All-boys School sa DBTC sa kursong Economicas at kumuha ng Masteral sa CIT, and nagturo rin ito sa same University ng isang taon at nagvolunteer naman ito sa Africa for three years.
Nauna na siyang lumabas ng office nila para magcoffee break, excited na siyang tikman ang Ube Pie na inorder niya kay Maam Janna, its her first time to taste it. Sana masarap. She wished dahil kung hindi ay baka mapilitan siyang ibigay ito kay Krizzy na matakaw.
Napahinto siya pagpasok ng Pantry ng marinig na naman niya ang mga bubuyog, hindi niya tuloy mapigilang hindi mapataas ang kilay. Noong umaga sila ang naabutan niya rito, tapos ngayong hapon sila na naman. Wala ba silang mga trabaho?
Dahil sa nahawaan siya kay Krizzy sa pagiging gossiper, ay palihim niyang pinaringgan ang usapan ng mga ito. Who said na babae lang ang chismosa? Look at them, sasagap na lang ng balita mali mali pa.
Dahil hindi na niya makayanan ang kadaldalan ng mga ito ay sinipa niya ang pintuan, para malaman ng mga chismosong tao roon na naroon siya.
Tinaasan niya ng kilay ang mga ito, at saka nakataas ang noo na kinuha ang isang bottle ng mogu-mogu, at isang bote ng mineral water sa chiller, she need to go through them para makuha sa cabinet shelves ang ube pie.
“Oopps! Im sorry.” Maarteng sabi niya, nakita niya kung paano nag-igting ang panga nito sa ginawa niyang pagbangga dito, at nang makita niya ang filling na kumapit sa puting long sleeve nito, ay hindi na niya mapigilang ang mapang-inis na ngiti niya.
Nakakunot ang noo nito, na nakatingin sa kaniya nakipag paligsahan siya rito sa pakikipag titigan, and guess what nanalo siya. “If you are going to gossip, please Im begging you, make sure that its facts and not a fiction.” Maarte niyang sabi at tinignan ang tatlo, maya maya pa ay isa-isang lumabas ang tatlo.
Napabuga siya ng hangin, sigurado nadagdagan na naman siya ng antis dahil sa ginawa niyang iyon. Pero hindi siya nagsisi, she just do the right, hindi maganda iyong ginagawa nila, kahit na hindi niya gusto si Seb na naroon ay wala pa rin siyang karapatan na siraan ito, and she think magandang kung naraon ito sa Department nila, ibig sabihin mababawasangan ang workload nila.
Nag sscroll siya sa kaniyang twitter ng makita niya ang isang post ni John Cena, her man, binaba niya ang tinidor na hawak hawak niya, ng maagaw ng isang post nito ang atensyon niya. Parang may kung anong guilt siyang naramdaman reading his post, and make her think and reflect.
He has the point, hating someone, or things take too much effort and energy. All I need is to have a better understanding, but its not easy. Ang hirap kaya, kung ako nga, hirap na hirap na intindihin ang sarili ko, ang ibang tao pa kaya? Ngayon pa nga lang nahihirapan na akong intindihin ang dapat kong intindihin. Ang gulo!
Agad siyang bumalik sa office ng mapansing 30 mins na siyang nakatambay sa Pantry, nanood pa kasi siya ng latest episode ng Run BTS, naglalakad na siya pabalik ng makita niya sila Krizzy na nasa labas, pati ang mga gamit nila, kaya tumakbo siya papalapit kay Madam Ruel.
“Anong meron Madam, maglilipat ba tayo?” tanong niya rito ng makalapit siya. “Nagadd lang ng table maglilipat agad?” Balik nitong tanong sa kaniya, kaya napaayos siya ng salamin. Kaya nga ako nagtatanong, ito naman si Madam, kaiinis din minsan.
“Sir what happened?” Tanong niya kay Darwin dito na lang siya magtatanong. “Sir?” Tawag pansin niya rito, nakailang tawag pa siya rito, pero walang sagot mula rito. Sinundan niya ang mata nito at nakatingin ito kay Krizzy, na kausap si Seb na may patawa-tawa pa.
“Okay.” Suko niyang sabi, maghihintay na lang siya roon, since wala namang siyang makausap. Palibhasa weird rin ang CEO kaya pati mga empleyado weird rin. Napapailing na lang siya, siya lang ang Normal sa kanilang lahat.
“Oops Lopez, bumalik ka rito, aayusin ko ang arrangement natin.. balik balik.” Tawag sa kaniya ni Madam Ruel, kaya lumabas siya uli siya at tumabi kay Sir Dars na busy na sa cellphone nito.
May bago silang cubicle partitions, mas malawak na ang table nila, mas comfy rin ang bago rin nilang high back mesh chair nila na may headrest. Ito na iyong hinihintay niyang upuan, siya ang nagorder nito, same brand and style ng upuan niya sa bahay, siguradong comfortable ito at tamang tama sa mga kagaya nila na maghapong nakaupo.
“Girl ito na iyong chair mo, omg ang ganda ganda, ang comfy.” Sigaw ni Krizzy na nasa kabilang dulo na ng office ay nagagawa pa ring sumigaw. Napatigin tuloy sa kaniya si Seb ang kasama niya sa cubicle.
In each cubicle ay may two person na mag sshare sa U- shape table, ang mangyayari ay side by side sila nitong kasama niya sa cubicle. Inaayos niya ang mga wire sa ilalim ng desk niya para magawa na niya ang naudlot niyang pag eedit. Napansnin niya si Seb na nakatingin sa kaniya, hindi niya sana ito papansinin pa, pero iyong mukha niya, parang may gustong sabihin sa kaniya, na hindi niya mawari.
“What?” Tanong na niya rito, she cant stand it anymore. “Ahmm.. ano k-kasi..i-iyong ano..” paputol putol nitong sabi. “Anong ano? Can you just spill it?” Sabi niya habang hinihila iyong naka stuck na wire sa butas. Bakit ang liit ng binutas nila sa table ko, hindi magkakasya rito iyong chord eh. Kainis naman oh.
“Ano na?” Tanong pa niya uli ng hindi ito sumagot sa tanong niya,umiinit na ang ulo niya sa cable na ito, tapos dumadagdag pa ang isang ito. “Hayaan mo na nga.” Nainis na sabi nito at saka naglakad palabas ng cubicle nila. Wow nag walk out, siya pa ang galit?
“What's up people, Marimar hindi ka parin tapos magset up?” Si Krizzy. “Omg naunahan ka pa ng new comer oh.” Exaggerated nitong sabi, kaya tinignan niya ang side kung saan ang ang magiging table ni Seb, naka set-up na nga ang computer nito. “If you just help me na lang kaya, baka sakaling matuwa pa ako sayo, at ibigay ko sayo iyong ube pie.” Bawi niya rito.
“Huwag na no, si Jas na lang, tutal gentleman naman siya, saka si Sir Dars ang nagayos ng computer ko.” Sabi nito, iba talaga si Sir Dars, always na to the rescue kay Krizzy.
“Ano ba, may-“ naputol ang sasabihin niya ng marinig ang mga binulong nito sa kaniya, she didnt expect that it will be today, nagsuot pa naman siya ng puti. “Tara sa CR.” Sabi na lang niya rito at sak kinuha ang blazer niya na nakasampay sa upuan at tinali sa bewang, bitbit naman ni Krizzy ang bag niya na nakasunod sa kaniya.
“Buti na lang nakita mo agad, paano na lang kung iba ang makakita ng tagos ko..mas nakakahiya, you are my life saver talaga K, I love you.” Sabi niya rito. “Unfortunately si Jas ang nagsabi sakin na may something ka sa pants mo, at he said, ako na lang daw ang mag inform sayo, ang cute nga ng reaction niya kanina,namumula pa iyong ears niya.. ang cute talaga.” Hagikhik nito.
He did that? Kaya ba ganon siya kanina? Bakit hindi niya sinabi? Ang lakas pa naman ng loob niya na tumuwad tuwad doon, iyon pala may tagos na siya. Should I be thankful? Nah, huwag na, kailangan pa bang si Krizzy pa ang magsabi sa kaniya? Paano na lang kung umakyat siya ngayon sa office ni Roberta, then may tagos siya, magiging laughing stock siya pag nagkataon.
“Ang sweet niya, he is my dream boy talaga.” dagdag pa nito, kaya napaikot siya ng mata.Hindi niya alam gagawin sa pants niya, mahirap iyon tanggalin lalo na puti pa iyong suot niyan pants, buti na lang may extra siyang dala na undies at napkin, she will just put her blazer sa bewang niya, pansamantala. Ang hirap talaga maging babae, she sighed.
“Okay ka na?” Bungad na tanong sa kaniya ni Seb pagbalik niya, napakunot ang noo niya na nakaset up na iyong computer niya, naka on na rin ang monitor niya, she know how to be grateful naman kaya, “Thank you.” Mahinang sabi niya, na siguradong narinig nito, dahil napaubo ito.
Infairness okay naman palang maging katrabaho ni Seb, tahimik lang ito at seryoso sa ginagawa nitong layout para sa monthly release magazine nila, he will be the new member of Marketing and he is incharge of Visual Marketing and Design.
“Bye!” Paalam ng mga kasama niya, uwian na nila, pero heto pa rin siya na stuck siya sa pageedit ng flyers, hindi niya talaga porte iyon, pero ito iyong binigay sa kaniya na work ni Madam.
Should I take a short course for this? Pero hassle naman kung ganon. Wala na akong time for my hobby.
Magtingin na lang kaya ako ng Online Class, that good idea Alondra. Good job.
She pat her shoulder, and smile to her reflection sa desktop mirror niya.
“Why are you here?” Tanong niya kay Seb ng makita niyang bumalik ito, nakalabas na ito kanina eh. “I forgot something.” Sabi nito at binuksan ang drawer para kunin ang cp nito.
“Ikaw? Hindi ka pa uuwi?” casual na tanong nito sa kaniya. “Yup, all-nighter.” Sabi niya, while watching a tutorial video. “Okay. If you need help, just tell me, I will help you.” Napalingon siya rito.
“Really? Are you sure na tutulungan mo ako?” Kanina while she was typing ng proposal napatingin siya sa gawi nito, magkatalikuran silang dalawa,kaya kita niya ang ginagawa nitong pageedit. She was amaze ng makita kung paano mabilis na naicut nito iyong isang picture at dinikit sa isang pang picture.
“Y-Yeah, were colleagues and its natural to help each other.” Sabi nito, she cant help but to put a smile on her face, she saw him in a new light.
Bago lumabas ay she make sure na napatay na niya ang lahat ng ilaw sa floor na iyon. Iyon na lang ang magagawa niya sa matandang security na kaibigan niya. Bitibit ang isang box na pie na ay sumakay na sila ng elavator.
Tahimik ang kasama niyang nakasunod sa kaniya, she is glad na hindi siya kinakausap nito. Bago sila lumabas ay sinend niya ang flyers na mabilis rin naman na approve, ready to print na iyon. Nagulat pa si Madam dahil mabilis niyang natapos iyon, and she said na tinulungan siya ni Seb. Bago sila sumakay ng elavator ay dumaan muna sa sila sa pantry, at kumuha siya ng snack bar, inabutan niya rin ito ng Kitkat.
“Good eve ineng and sir.” Bati sa kanila ni Manong, bumati rin siya sa matanda at inabot ang Ube Pie. “Meryendahin niyo po mamaya.” Nakangiting sabi niya rito. Masarap ang Ube pie ni Maam Janna, and she is thinking kung oorder pa siya rito ng marami, para madala sa mga bata sa ampunan.
“Mabait ka rin naman pala.” Muntik na siyang machoke sa kinakain niyang snack bar dahil sa komento nito. Look whose talking, he is still annoying, my ghad!
“So sinasabi mo bang masama ang ugali ko?” Tanong niya rito, well hindi na bago iyon sa kaniya iyon. “Well namimili lang ako ng pinapakitaan ng kabutihan, just likie what they said, kung mabait ka sakin, mas mabait ako sayo.” Tumango tango naman ito.
Tumigil siya sa paglalakad ng makarating na sila sa may gate. “Dito na ako, alam mo na naman ang way diba?” Tumango ito, patawid na siya ng tawagin siya nito. “Why?”
“Dito ang way.” Turo nito sa right side ng kalsada. “Yeah, that is your way, and this is my way.” nginuso niya ang katapat na building. “Hindi ka ba sasabay?” Tanong nito.
“No, sa dorm ako matutulog.” Sabi niya, tumango tango naman ito, at saka naglakad palayo sa kaniya. Nang mawala ito sa paningin niya ay saka siya bumalik pabalik sa Company. May mga tatapusin pa siyang business proposal na dalawa pa lang ang natatapos niya. Ang event plan para sa Anniversay ng Company nila ay pagtutulungan nila ni Krizzy ngayong gabi. Iyon ang pavor niya rito, last Anniv ito rin ang katulong niya, at naging okay naman ang lahat.
Nang matapos niyang isend ang labindalawang proposal letter ay pinatay na rin niya ang computer niya. Its already 2 in the morning, ganon siya katagal sa paggawa ng mga proposal. Natapos rin naman ng mabilis ang plan na ginawa nila ni Krizzy, she is good in planning event dahil, iyon ang kinuha ni Krizzy noong nag Tesda ito dati.
Sabi pa nga niya, na ang first event niya noon ay ang pangangampanya sa para sa isang pulitiko, kay Amanda ang trabaho na iyon, pero siya ang gumagawa, hindi kasi siya makatanggi sa pinsan niya.
Okay lang, ano lang ba ang paggawa ng Proposal at ng event plan sisiw lang iyon.
Agad rin siyang nakatulog, dahil siguro sa pagod kaya nakatulog rin siya agad. Paggising niya ay umaga na, kaya mabilis niyang niligpit ang sleeping bag niya at nilagay sa ibabang drawer.
Agad niyang kinuha ang hiking bag at dinala sa shower room. Pagbalik niya ay nakabukas na ang pintuan ng office ang ibig sabihin ay nakapag linis na si Ate Edna. Tumutulo pa ang buhok niya ng pumasok siya, bukas na ang ilaw.
“Seb?” Banggit niya sa pangalan nito, “Morning.” Nakangiting sabi nito sa kaniya. Tumango lang siya. “I bought some tapsilog, come.” Tawag nito sa kaniya. “Thank you, but hindi ako kumakain ng rice sa umaga.” Tanggi niya rito.
“K is right, buti na lang may binil rin akong Hot Chocolate and pandesal with cheese.” Sabi nito, napakamot siya ng ulo. She is not familiar with the gesture, kaya nag aalangan siya, pero sa huli kinuha niya rin iyon at dadalhin sa Pantry.
“Saan ka pupunta?” Tanong nito sa kanya ng makita siyang naglalakad palabas ng cubicle. “Sa pantry, we are not allowed to eat here.” May penalty kapag nakita sila kumakain roon.
“Wala namang tao, kaya okay lang. Dito ka na kumain.” Tapik pa nito sa upuan niya, tinuro niya ang cctv na nasa likuran nila. “See, sigurado may penalty ka kapag nakita ka ni Bela.” Sabi niya at lumabas ng cubicle. “Are you afraid of me?” Tanong nito bigla, kaya napatigil siya sa paglalakad.
She is not afraid or anything, just like what she said before, she is not familiar with this, sa tagal ng panahon na sinanay niya huwag dumepende sa iba, ay nasanay na siyang mag-isa, alone in her own world.
“What?” Sabi niya ng makabawi siya, “Do you think natatakot ako sayo?” Tumango tango naman ito. Sinusubukan ka lang niya girl. “Okay fine, mabilis akong kausap.” Sabi niy at saka siya umupo sa upuan niya at nagsimula na siyang kumagat ng pandesal.
“Wait.” Pigil nito sa kaniyang kamay, na mabilis rin naman nitong inalis ng makita nito ang nakataas niyang kilay. “What?” Tanong niya ng malunok na niya ang kinakain niya. “Your eyes..” sabi nito.
“My eyes?” Agad siyang tumalikod rito at kinuha ang salamin, may morning glory ba ako? Nakakahiya naman! “Wala naman.” Wala sa sariling saad niya ng makitang wala kait ano sa mata niya, maliban sa mapupungay niyang mata, inaantok pa kasi siya.
“I haven't see your eyes this close, color brown pala ang mata mo.” Amazed sabi nito, nilapit pa nito ang ang upuan nito sa kaniya at saka tinitigan ang mga mata niya, hindi naman niya mailayo ang upuan niya palayo dahil nakahawak ito sa upuan niya.
“Ang ganda...” may kung ano siyang naradaman sa tiyan niya sa sinabi nito.
Nanlaki ang mata niya, ng marealize na wala nga pala siyang make-up, kahit moisturizer hindi siya nakapaglagay. “Good Morning Sir Dars!” Mabilis niyang sigaw, wala naman talaga si Sir doon. Agad naman itong lumayo sa kaniya na para ba itong natuklaw ng ahas. Napahawak siya sa dibdib niya sa kaba na naramdaman niya sa ginawa nito. Hingal na hingal siyang lumabas ng opisina at tumakbo sa pantry.
What was that?
********to be continued********
John Cena’s Post in twt
‘We tend to hate what we don’t understand.
Spend less time hating and more time
attempting to understand.’