TOR’s POV Ang kasal na noon ko pa hinihingi ay ngayon sinasabi ni Cha na siyang kabayaran sa ginawa ko. Dapat ba akong matuwa? Bakit iba ang nababasa ko sa kanyang mga mata. Walang saya ang nakapaloob dito, hindi tulad sa tuwing nag-uusap kami at nangangarap. Nangniningning ang kanyang mga mata. Ngayon walang saya ang mababakas. Sabagay sino nga ba ang masisiyahan kung sapilitan kang inangkin. Ang laki ng pagkakamali kongi to kay Cha. “Kailangan po niya akong pakasalan sa lalo’t madaling panahon. Hindi lang po iyon ang kahilingan ko. May mga kasama pa po iyon,” ani Cha. Nakatingin lang ako sa kanya at nakikinig sa mga sinasabi nito. “Ang kasal ay simple lang at tayo lang po ang makakaalam. Pagkatapos po ng kasal ay babalik na po ako sa boarding house. Hindi po kami magsasama ni Cas

