TOR’s POV “Akala ko ba, inaantok ka? Bakit ngayon nagyayaya ka na pumunta tayo sa dalampasigan?” tanong ng asawa kong si Cha pagkatapos namin binyagan ang kwarto ko. First time namin matulog dito na magkasama at bilang mag-asawa. Nakapagpahinga na kaming dalawa at nagkukwentuhan na lamang kami. Ang sabi ko kasi kanina pagkatapos namin na mag-lunch ay matulog muna kami sa aming kwarto. Hindi ko rin sinabi na may gusto akong gawin. Automatic na kasi iyon kapag solo namin ang lugar at wala na naman kaming kinakatakutan na magbubuntis siya. Dahil nasa usapan namin na pagka-graduate na lamang namin saka kami mag-baby. Alam na naman sa school na mag-asawa kami ni Cha. Mas ginusto ko rin na kumalat iyon para aware silang lahat at hindi na makagawa ng kwento tungkol sa aming mag-asawa. “Nawala

