CHA’s POV Holy week na. Ito ang pinakahihintay kong araw tuwing bakasyon. Manonood kami ni Tor sa plaza. Hindi sumasagot sina Callie at Cassie. Baka may lakad din silang dalawa. Noong mga nakaraang araw ay may mga outing silang dalawa. Kasama ang mga friend nila rito. Hindi naman nagrereklamo si Tor kung hindi siya niyayaya dahil magkasama naman kaming dalawa. Para lang kaming nagbabahay-bahayan nito. Magkatulong kami sa lahat ng trabaho sa bahay. Mabuti nga at rice cooker ang gamit namin sa pagsasaing dahil kung hindi baka lagi ring sunog ang aming kanin dahil sa kalandian naming dalawa. Ang ulam namin ang madalas apektado kahit mapa-prito o may sabaw ay natutuyuan at nasusunog. Tinatawanan na lang namin iyon. May mga umaga naman na naghahabulan kaming dalawa sa tabing dagat. Ang sa

