CHA’s POV Ready na akong pumasok muli sa paaralan. Magaling na ako. Nandito sina Mommy Bea at Daddy Hector. Plano ko silang kausapin tungkol sa kasal namin ni Tor, pero nag-uurong sulong ako. Nakakahiya dahil ako ang humingi no’n at ngayon iapapki-usap ko na ipa-annull. May gastos iyon at maaabala pa kami ni Tor. Hindi na lang muna. Kapag may trabaho na siguro ako para may panggastos dahil ako ang mag-re-request. “Cha, mas makakabuti na dito ka na lang tumira. Hangga’t hindi nalulutas ang mga dinidiscover ninyo, hindi ka namin mapapayagan na umalis ka rito sa bahay. Kailangan muna malaman kung sino ba ang nasa likod ng mga kalokohang iyan.” Sambit ni Mommy Bea. Nandito kami ngayon sa hapag kainan at magkakaharap. Nandito rin si Tor. Napatingin ako kay Tor. Wala namang reaction akong

