CHA’s POV Hindi ako makatulog kaya ng mag-message sa akin si Tor ay sinagot ko ito. Mali yata ang sagot ko na nag-aaral ako kaya mas lalo naman siyang nag-message pa sa akin. Magpapaturo raw siya sa akin, parang imposible iyo dahil magaling sa klase si Tor. Hindi niya ako kailangan para maintindihan niya ang nakasulat sa kanyang libro. May nag-uudyok din sa akin na papuntahin ko siya rito sa akin kwarto dahil ito naman ang gusto ni Tor kanina pa. Ang makapasok siya rito. Napatunayan ko itong lalo nung lumabas ako para kumuha ng tubig. Naka-lock ang pinto, para saan? Nilingon ko pa ito bago ako lumabas ng pinto. Inililipat lang niya ang pages ng libro. Aaminin ko na may kakaiba rin akong nararamdaman simula pa kanina para sa kanya. Asawa ko na si Tor at hindi ko iyon hiningi para sa

