TOR’s POV Sa loob ng kotse ko pinakinggan ang ipinasang recorded convo ng mga taong may masasamang balak sa amin ni Cha. Mas lalo akong na-guilty, mabuti na lang at okay na kaming dalawa ngayon. Napamura ako sa narinig kong plano pala nila kay Cha na hindi nangyari. Dadalhin nila sa isang motel at papapasukin ang sinuman may gustong gumalaw rito. Mabuti nalang at narinig ni Cha ang pakikipag-usap ni Brent kaya hindi natuloy. Kailangan ko na siyang patigilin sa pagtatrabaho sa library. Kailan kong masiguro ang kanyang kaligtasan. Idudulog ko rin sa administration ang nakuha kong ebidensya mula kay Mark. Sana ay tanggapin ito. Ngunit boses lang ito, maaari nila itong i-deny. Kailangan ko pa ring ituloy ang lakad sa Sabado, pagbibigyan ko si Janice. Kailangan ko ng mas malakas na ebide

