CHA’s POV Hindi na muna ako pinapalabas ng kwarto, iyon ang bilin ni Mommy Bea, para hindi raw matagtag ang sugat ko. Dito na rin muna ako kumakain dahil kumikirot pa ang sugat ko. Wala naman akong iniiwasan, sadya na hindi ko pa kayang maglakad – lakad kaya hindi pa rin ako nakapasok. Nagpaalam sa akin sina Cassie at Callie bago pumasok. Sina Mommy Bea at Daddy Hector ay umuwi na muna sa Quezon. Babalik naman daw sila uli. Si Tor, baka kanina pa umalis. Maagang umaalis siya dati dahil nagpupunta ng library. Naiinip ako sa loob ng aking kwarto. Plano ko na puntahan muna si Ate Yolly para may maka-usap muna. Dahan-dahan pa ako sa paglalakad papunta sa may pintuan. Laking gulat ko at halos kasabayan ko sa pagbubukas ng pinto si Tor. Nandito pa pala siya at mahuhuli na siya sa klase ni

