CHA’s POV Matagal pa naman gaganapin ang aming kasal ni Tor. Sa Quezon kami magpapakasal at ang reception namin ay sa tabi ng dagat na katapat lang ng aming munting tahanan. Pero bago pa ang kasalan, mauuna muna ang aming graduation. At mamaya lang ay aakyat na kami sa stage. Kaming tatlo nina Tor, Cassie, at ako. Scholar pa rin ako kaya walang ini-intindi akong bayarin sa school. Hindi na rin problema nila Mommy Bea ang tuition ko. May allowance pa nga ako kaya naiipon ko. Si Tor ang nagbibigay ng allowance ko na hindi ko rin naman nagagalaw. Kaya minsan hindi ko na tinatanggap ang binibigay niya sa akin. Lahat naman ng pangangailangan ko ay ibinibigay niya at sobra-sobra kahit na sabihin na pareho kaming nag-aaral. Ang sinasabi lang niya ay may pera siya. Sa tagal naming magkasama
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


