CHA’s POV Nakita ko ang asawa ko na kasama niya ang mga kaklase niya. Nandoon pa rin ang kaklase niyang si Abby. Nakalayo naman si Tor dito. Wala kaming klase kaya niyaya ko si Joy na pumunta kaming canteen. Doon ang daan malapit sa tinatambayan nina Tor. May ginagawa sila para sa subject nila kaya hindi naman basta tambay lang sila. “Joy, samahan mo ako sa canteen. Parang gusto ko ng sandwich. Bigla lang akong nag-crave.” Totoo naman na para akong gutom. Masarap yung cheesey sandwich nila dahil isinasalang ito sa sandwick maker kaya ang cheese ay nagme-melt. Favorite ko ito kaya walang ibig sabihin ang cravings ko. “Nakatingin ang asawa mo sa iyo.” Bulong ni Joy. Tumingin naman ako sa direksyon kung saan nakatayo si Tor. Grabeng tumingin naman ang asawa ko. Para ako nitong hin

