"Sir,'wag na po,nakakahiya,"wika ko rito.
"Matulog ka na Eunice,ako na ang mag lilinis n'yan,"sagot nito.
"Ay,hindi po. Ako ang nakabasag nito at katulong po ako dito,kaya ako dapat maglinis nito,"sagot ko,ngumiti ito at pinisil ang pisngi ko.
"Ang cute mo talaga,"saad nito at tumayo na.
Kinabukasan matapos nang gabing iyon ay pinagalitan ako ni Lola sa lihim na paglabas ko sa kwarto namin.
"Eunice,apo. Ano ka ba naman,di ba sinabi ko na sayo na h'wag ka na labas ng kwarto mo ng alangin na oras,"mahang sermon ni Lola.
"Lola,bakit kaya ganun si Sir,Greg?"tanong ko at natigilan si Lola.
"Mahal na mahal s'ya ni Ma'am Antonia pero hindi man lang n'ya binigyan pansin 'yon,"dugtong ko.
"Pabayaan mo nga sila apo,ang isipin mo kung paano ka makakabalik sa pag-aaral. Para naman magkaroon na ako ng apo na stewardee's,"mahabang wika ni Lola.
"Huwag ka mag alala Lola,malapit na po,"sagot ko.
Maya-maya habang pinanonood na nagluluto si Lola ay sumulpot si Brenda.
"Manang,darating daw ngayon si Ma'am Antonia,"bungad nito kay Lola.
"Eunice,mag hiwa ka ng mga prutas para kay Ma'am Antonia,"baling ni Lola sa akin.
"Sige po,"tipid na sagot ko.
Naghiwa ako ng prutas at nagtungo sa mahabag lamesa,nilapag iyon at agad umalis. Paalis ako nang nakasalubong ko si Sir Greg,nakita kong binalingan nito ang hiniwang prutas sa mesa at kinain dahilan ng agad na pag lapit ko rito.
"Si… Sir Greg,gusto n'yo po ba n'yan kukuha ko kayo,"saad ko rito.
"Para po kasi 'yan kay Ma'am Antonia,"dugtong ko.
Hindi ako pinansin nito at agad umalis sa harap ko,nakatingin lamang ako rito at nag buntong hininga. Grabe talaga si Sir Greg,napaka suplado. Sayang at gwapo pa naman ito kaso masama ang ugali,wika ko sa isipan ko.
Habang naglilinis sa sala at katabi si Brenda,narinig ko na tinawag ni Sir Greg si Brenda
"Brenda!"tawag ni Sir Greg.
"Po.. po.Sir, Greg,"natataranta na sagot ni Brenda.
"Itabi mo nga muna itong helmet,kukunin ko mamaya pag aalis na ako,"baling nito kay Brenda.
"Opo,Sir,Greg,"sagot nito at kinuha ang helmet.
Habang naglilinis ay binalingan ako ni Brenda at nag salita. "Eunice,ikaw na nga muna ang mag tabi nitong helmet. Tatapusin ko muna itong ginagawa ko,"wika ni Brenda at binigay ang helmet sa akin.
Nag tungo ako sa gilid ng sala at pinatong ito sa kung saan,doon pinag patuloy ko na ang ginagawa ko hanggang sa dumating na ang bisita na si Ma'am Antonia.
"Tignan mo Eunice si Ma'am Antonia,ang ganda-ganda talaga,"baling ni Brenda sa akin habang pinanonood namin nina Ate Sonia ito.
"Mas maganda na di hamak naman ang Eunice ko d'yan,noh,"sabat ni Ate Sonia.
"Naku,Ate Sonia may marinig sayo,"sagot ko rito.
"Kung ganda lang Ate Sonia maganda naman talaga si Eunice. Pero 'yang si Ma'am Antonia,matalino at galing sa mayaman na pamilya,may gwapong finance pa na si Sir,Greg,"mahabang wika ni Brenda.
"Katulong lang tayo dito,remember.."dugtong pa nito.
Agad inawat ko si Ate Sonia nang akmang sasagutin si Brenda."Ang babae na 'yan talaga kahit kailan ay kontrabida,"wika sa akin ni Ate Sonia.
"Hayaan mo na Ate Sonia,totoo naman ang sinabi n'ya na katulong lang tayo rito,"sagot ko kay Ate Sonia,katulong din ito sa mansyon ngunit matanda ito ng sampung taon sa akin.
Habang pinapanood na nag di-dinner si Ma'am Antonia at sina Sir,Nathan. Nakita kong bumaba mula sa mahabang hagdan si Sir,Greg. Nakatitig ako rito hanggang sa balingan rin ako ng tingin nito.
Nagkatinginan kami ni Sir,Greg pero mukhang walang balak ito kumalas ng tingin kaya't ako na ang nag alis ng tingin rito,pakiramdam ko natutunaw ako sa tuwing tinitingnan ako ni Sir Greg. Kakaiba kasi ang hatid sa akin ng tingin n'ya.
"Greg,honey,"bungad ni Ma'am Antonia kay Sir,Greg.
"What are you doing here,"sagot nito,at nilapitan ni Ma'am Antonia upang humalik sa pingi pero umiwas ito.
"Bakit ka ba nandito?"nakasalubong ang kilay na muling tanong ni Sir,Greg rito.
Pilit na ngumiti si Ma'am Antonia at sumagot.
"Cause.I love you,Greg,"sagot nito.
Ngumisi lamang si Sir,Greg rito at nilipat ang tingin sa gawi ko,naigtad ako sa gulat at agad umalis sa paligid nila.
"Brenda!"rinig kong malakas na tawag nito.
Napatingin muli ako mula sa kinaroroonan nila. "Nasaan 'yung helmet,"tanong nito kay Brenda.
"Sandali po,kukunin ko,"sagot ni Brenda at nagtungo sa gawi ko.
"Eunice,akin na ang helmet,"wika nito at binalingan ng tingin ang kanina na pinatong ko sa mesa na helmet.
"Brenda,nawala 'yung helmet sa pinaglagyan ko,"nag aalala na wika ko rito.
"Anong sabi mo! Lagot ka kay Sir,Greg,"saad nito.
"Hanapin mo!"Utos nito sa akin at agad hinanap.
"Ano ba ang tagal naman n'yan! Aalis na ako,"rinig kong sigaw ni Sir,Greg at lalo ako nataranta.
At nang hindi mahanap ay lumapit ako kay Brenda.
"Hindi ko makahanap,Brenda"wika ko rito at hinila nito ang braso ko palapit sa kinaroroonan nina Sir,Greg at Antonia.
"Sir,Greg,sorry po pero binigay ko 'yon kay Eunice,"wika ni Brenda kay Sir,Greg at napatingin ako rito.
"Anong problema n'yo! 'Yung helmet ko ang kailangan ko!"mataas na boses na wika nito.
"Nawawala po,hinahanap pa ni Eunice,"sagot ni Brenda at nalipat ang tingin sa'kin.
Napalunok ako at bumaling kay Sir,Greg.
"Sorry po Sir,Greg. Hahanapin ko po,"wika at sa baba nakatingin at handa na sa pag sigaw nito sa akin.
Sandali natahimik si Sir,Greg at bumaling kay Brenda.
"Ikaw ang inutusan ko diba,"baling nito kay Brenda.
"O…opo,"nauutal na sagot ni Brenda.
"Then find it!"sigaw nito kay Brenda.
Agad umalis si Brenda at naiwan ako sa harap ni Sir,Greg.
"Ikaw naman,pag timpla mo ako ng coffee,"baling nito sa akin at napatingin rito.
Nagtitimpla ako ng kape habang akyat panaog si Brenda sa pag hahap ng helmet ni Sir,Greg. Pinagmamasdan ko ito habang nagtitimpla ng kape pero nabigla ako dahil tumingin ito sa gawi ko at agad nag alis ng tingin rito.
Lumapit ito at matalim ang tingin sa akin. "Hoy,dapat ikaw ang nagpapakahirap mag hanap ng helmet na 'yon dahil ikaw naman ang nakatala,"
turan nito.
"Tutulungan kita,ibibigay ko lang itong kape ni Sir,Greg,"wika ko.
"Bilisan mo!"sikmat nito at nagmadali ako hanapin ang helmet.
Nang mabigay ang kape ni Sir,Greg. Nag madali ako tulungan si Brenda sa paghahanap pero makalipas lamang ang ilang minuto ay iniwan ako nito mag isang naghahanap.
Lumabas na rin ako ng hardin para doon hanapin,saan napunta ang helmet na 'yon. Hindi naman nag lalakad 'yon pero bakit bigla nawala sa mesa,wika ko isipan ko.